>Sheloah's POV<
Gusto ko malaman yung type niyang babae. Matagal kaming magkasama at matagal na kaming magkaibigan pero hindi ko naisip na tanungin ito sa kanya at ngayon na natanong ko, medyo kinakabahan ako na natatakot kasi baka yung type niyang girl, hindi tulad ko.
"Hmm," he trailed off tapos tiningnan niya ako. "Smart, beautiful, tall, talented, and most of all… loving," sagot niya sa tanong ko at medyo bumilis tibok ng puso ko.
Bakit biglang bumilis tibok ng puso ko? Kahit maraming nagsasabi na maganda ako, matangkad, matalino, talented at malambing, hindi ako makapaniwala na 'yon ang definition nila sa akin. Pero knowing Veon's type of girl? Ewan ko… imposible naman na pwede ako ang type niya. May iba pa namang girls dito, right?
Tiningnan niya ako at bigla akong umiwas dahil nahihiya ako na tinititigan niya ako, ngayon na bumibilis tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ganito kasi yung nangyayari ngayon.
"Uy… hindi mo pa sinasabi yung mga dapat mong sabihin kanina," sabi niya sa akin pero hindi ko pinansin yung sinabi niya.
"Veon, 'di ba yung agreement kanina… kung mananalo ka edi makakalagpas tayo rito at makakakuha tayo ng resources nila, right," tanong ko and he nodded.
"Pa'no… kung natalo ka," tanong ko at medyo napapaiyak na ako. Nag aalala kasi ako.
Pinunasan niya yung mga luha ko at bigla akong nahiya sa ginawa niya. Siguro ang pangit kong tingnan ngayon dahil nagsimula na akong umiyak pero buti naman at napigilan ko agad.
"Hindi mangyayari 'yan. Kasama ka sa mga taong nag aantay sa'kin," sagot niya sa tanong ko at nginitian ko siya.
Kung panaginip man ito… ayaw ko nang magising. Alam ko kasi na pagkatapos ng lahat ng ito, hindi ko maririnig ang mga sinasabi niya sa akin ngayon. Yung sweetness niya ngayon, hindi ko maririnig sa susunod.
Huminga ako nang malalim at sinandal ko yung ulo ko sa dibdib niya. Medyo nagulat siya sa ginawa ko pero hindi parin siya lumayo.
"'Di ba, hindi ko pa sinasabi yung mga dapat kong sabihin sa'yo kanina," tanong ko and he nodded at me. Pinikit ko yung mga mata ko bago pa ako magsalita.
"Mabait ka. Sobrang sweet mo. Hindi ka sumusuko. Alam mo ang responsibilities mo at ang ganda ng pangarap mo. Gagawin mo ang lahat para makamtan lang yung mga pangarap mo. Ang mysterious mo rin. Kaya nakakapagtaka lahat kung ano'ng nararamdaman o iniisip mo. It draws me near you," sabi ko sa kanya at hindi parin siya gumagalaw. Nakasandal parin yung ulo ko sa dibdib niya.
"Lahat ng mga sinabi ko, gano'n ka. Ganon' ka, Veon. 'Yon ang dahilan kung bakit…" Tiningnan ko siya nang seryoso sa mga mata niya at tiningnan niya rin ako.
"Kung bakit kita mahal." I said finally at medyo nagulat siya sa sinabi ko.
Halata na medyo nabigla siya pero nakatingin parin siya nang seryoso sa akin. Umiwas ako sa tingin niya at tumingin ako sa left side ko. Nagulat ako kasi bigla siyang nagsalita. Hindi ko akalain na magsasalita siya. Sinasabi niya ang mga traits ko na gusto niya.
"Matangkad ka, matalino, isang otaku, at gamer. You always care for your friends. Palagi akong concerned sa'yo dahil kahit may sakit ka, palagi mong pinipilit sarili mo," sagot niya sa tanong ko at napatingin ako sa kanya pero hindi ako makapagsalita.
"Sorry," sabi niya sa akin at nginitian ko siya ng onti. Alam ko kung ano na ang susunod na sasabihin niya.
"Wala pa kasi akong balak sa 'love-love' na 'yan," dagdag sabi pa niya at tumawa ako ng onti. Sabi ko na nga ba na ganito yung sasabihin niya, eh. Expected na.
Nginitian ko siya. "Salamat, Veon at pinakinggan mo ako at mas magandang alam ko ang sagot mo para hindi ako umasa sa'yo," sabi ko sa kanya at lumingon ako para umalis pero nagulat ako no'ng bigla niya akong…
Niyakap.
Nakatalikod ako ngayon at nakayakap siya sa akin. Yung yakap niya parang… ayaw niya akong bitawan. Bakit biglang naging ganito yung galaw ni Veon? Bumibilis nanaman tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya.
"Pero isa ka sa mga taong napaka importante para sa akin," sabi niya at napapikit ako.
"Salamat," sabi ko nalang sa kanya at napatango siya.
Bukas ng 7AM ang laban. Weapons of Massive Destruction versus Army of True Salvation. Si Ray at si Veon ang maglalaban. Sila ang representative ng mga grupo. Kung mananalo si Veon, makakalagpas kami sa Pangasinan at pwede kami kumuha ng resources. Kung mananalo si Ray, hindi kami makakalagpas dito at kukunin niya lahat ng mga gamit namin.
May tiwala ako kay Veon. Alam kong matatalo niya si Ray. Pag seryoso si Veon, talagang magbibigay siya ng effort. Alam kong hindi niya kami pababayaan.
I have deep trust in him.