>Sheloah's POV<
Natumba si Veon sa sahig. Tumutulo yung dugo niya sa sahig at hinawakan ni Veon yung parte ng tiyan niya. Napaluhod si Veon at halata sa mukha niya na nasasaktan siya.
"Veon," sigaw ko at yung grupo namin nag react sa ginawa ni Ray.
Dumadami na yung dugo na lumalabas sa katawan niya. Sinaksak siya sa parte ng tiyan niya.
Nginitian niya ako ng onti. "Kaya ko pa ito. Tiwala lang," sabi niya sa akin at patuloy parin akong umiiyak.
Nilapitan ako ni Ray. "Kahit pa na ano ang mangyari… hindi parin ako sasama sa'yo," sabi ko sa kanya at sinampal niya ako nang malakas sa mukha.
"Sheloah," sigaw ng grupo namin at naghihiyawan yung grupo ni Ray.
Lalapitan sana ako ng nanay ko, pero pinigilan siya ng ibang kasama ni Ray. Papunta na sana ang tatay ni Dannie kaso tinutukan siya ng baril ng isa pang kasama ng WMD.
"Bitawan mo ang pamangkin ko," sigaw ng tito ko pero wala siyang magagawa. Tatlong lalaki ang nakatutok ng baril sa harapan niya.
Hinawakan ko yung pisngi ko. "Ang babaw mo. Kaya mo pang manakit ng babae," sabi ko sa kanya at tinawanan niya ako.
Dahil sa nangyari ngayon, sumugod yung grupo namin sa grupo ng WMD. Parang naging digmaan na ng grupo ang kalabasan ngayon. Pero sana lang naman walang mawawala sa grupo namin. Ayos lang na masugatan sila, 'Wag lang sana silang mamatay. Pero siyempre since nangyayari ito, hindi maiwasan ng parents na pigilan ang away.
Sinuntok ko si Ray sa mukha nang malakas at binitawan niya ako. Sinubukan kong tumakbo pero no'ng tumakbo ako, nahabol niya parin ako at nadapa ako sa sahig. Bigla akong natakot sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin niya.
Hinawakan niya yung mukha ko. "Pasaway ka," sabi niya sa akin at dinuraan ko siya sa mukha.
Pinunasan niya yung dura ko gamit ng isa niyang kamay. Hinawakan niya yung mukha ko nang mas mahigpit at malapit na yung mukha niya sa mukha ko.
"Lumayo ka sa akin," matapang kong sabi sa kanya at tumawa na lang siya. Hindi niya ako pinansin at malapit parin yung mukha niya sa mukha ko. "'Wag," I begged him.
No'ng malait na malapit na yung labi niya sa labi ko, bigla na lang na may pumatak na dugo sa skirt ko.
Napansin ko na may kutsilyo sa bandang tagiliran niya. Nakita ko yung kamay ni Veon na nakahawak sa kutsilyo. Nagulat ako. Hindi ko akalain na mangyayari ito. Tapos hindi ko pa napansin na gumalaw si Veon. He just saved me. He still fought kahit nasasaktan siya.
Tumayo si Veon nang dahan-dahan. Kahit masakit yung tiyan niya, ginagawa niya parin yung makakaya niya. Tinulak niya si Ray at napahiga siya sa sahig. Napaupo ako at pinapanood ko si Veon. Kinuha niya ulit yung kutsilyo at sinaksak niya ulit si Ray, pero sa bandang dibdib naman.
Nakita ng lahat ang nangyari. Biglang tumigil yung away ng grupo namin at grupo nila. Pinapanood nila si Ray mamatay. Lumingon si Veon para tingnan ako at tumayo agad ako at tumakbo papunta sa kanya.
Hinawakan ko yung braso niya. "'Wag ka nang gumalaw," utos ko sa kanya at no'ng sinabi ko 'yon, nahulog yung kutsilyo sa sahig at bigla siyang nanghina sa harapan ko.
Sinalo ko siya agad, pero pareho parin kaming nakatayo. Niyakap ko siya nang napakahigpit.
"Sabi ko sa'yo, 'di ba," sabi niya sa akin at tumahimik ako para marinig ko yung sasabihin niya. "Walang makukuha sa atin," sabi niya sa akin at biglang bumilis tibok ng puso ko sa sinabi niya.
Ngumiti ako. "Thanks, Veon."
Ramdam ko kahit hindi ko nakikita, nginingitian niya rin ako. After ng ilang segundo, bumigay siya at agad kaming nilapitan ng iba naming kasama. Maslalo na yung mga parents. Niyakap ako ng nanay ko nang napakahigpit at agad naman nilapitan ng tatay ni Dannie si Veon at inasikaso na siya ni Isobel.
Hindi ko inakala na mananalo si Veon kahit sinaksak siya sa bandang tiyan. Glenda also explained to me that he wasn't that deeply injured dahil hindi naman buong kutsilyo ang pumasok sa tiyan niya. It was not even half. I felt relieved after hearing that at alam kong gagaling si Veon and he really followed what he said.
He won.