>Sheloah's POV<
6:12 palang ng umaga. After the confession, pumasok kami sa 7-11 at doon kami natulog kasama si Tyler at Josh at ang pamilya ko. Kasama rin namin si Veon.
Tumayo ako at pinuntahan ko si Veon sa tabi ng boys. Ginising ko siya. "Gising na. Malapit na ang match niyo ni Ray," sabi ko sa kanya at gumising na siya. Napaupo siya, at tiningnan niya ako. Tumayo ako at kumuha ako ng tuna sandwich na ginawa ko kagabi at binigay ko kay Veon.
"Mag breakfast ka para kahit papano may lakas ka," sabi ko kay Veon at kinain niya yung sandwich.
"Salamat," sabi niya sa akin at patuloy parin siyang kumakain.
Pumasok si Isobel at nilapitan niya ako. May dala pa siyang flowers. "Hoy, babae. Para sa'yo raw ito," sabi niya sa akin at hinagis niya yung bulaklak sa akin.
No'ng hinagis niya sa akin yung rosas, may nakita akong note. Binasa ko ito.
Roses are red, Violets are blue
If Veon loses…
I'll come and get you.
- Ray
"Urgh," react ko at tinapon ko yung bulaklak kay Tyler at nagulat siya. Tumawa nang malakas si Isobel at si Veon, ngumiti na lang siya habang kumakain.
Tiningnan ni Josh at Tyler yung note tsaka sila tumawa. "Aggressive flower girl," sabi sa akin ni Tyler at tumawa kami.
"Kahit may zombie apocalypse, may admirer ka, ah," dagdag sabi pa ni Josh at inirapan ko siya.
"Pakealam ko sa walking pork na 'yon," sabi ko at tumawa silang lahat. Kumatok ako sa wood ng tatlong beses dahil nanlait ako ng tao.
No'ng natapos nang kumain si Veon, lumabas kaming lahat at nakita ko na sa isang side, nandoon ang Weapons of Massive Destruction. Yung sa harap ng 7-11, nandoon lahat ng kaklase namin. Nakita ko si Ray na nakatayo sa gitna ng battle ground. Tiningnan niya ako at nginitian niya ako. Inirapan ko lang siya.
Binigay ko yung weapon ni Veon. "I trust you. Kaya mo 'to," sabi ko sa kanya at nginitian niya ako.
"Mananalo ako. Walang mawawala sa atin," sabi niya sa akin at kinuha niya yung weapon sa akin.
No'ng nandoon na siya sa harapan ni Ray, marami nang naghihiyawan. Sumisigaw yung grupo nila at sumisigaw din yung grupo namin. Once the battle starts, magsisimula na rin ang kalabasan ng future namin.
We may either win or lose.
Yung mga parents nakabantay sa ibang kagrupo namin na gustong makisali sa battle. Katabi ko ang nanay ko. Ayaw niya akong pumunta roon.
Nginitian ni Ray nang masama si Veon. "Are you ready to lose," tanong niya kay Veon pero hindi siya sinagot. "You're taking things seriously," sabi pa ni Ray pero bigla siyang nagulat no'ng tumakbo si Veon papunta kay Ray at muntikan niya nang masugatan yung leeg niya. Ray dodged it kaya hindi natuloy yung attack ni Veon.
"Puro ka salita," sabi ni Veon sa kanya at lahat kami nagulat dahil sa biglaang ginawa ni Veon.
Masama na yung tingin sa kanya ni Ray pero ngumiti lang si Veon sa kanya at nagbackwards siya 3 times at hinihintay niya yung next move.
Hinawakan ko yung kamay ni Isobel. "Okay lang 'yan. Makakayanan ito ni Veon," sabi ni Isobel sa akin. Nakatitig parin ako sa labanan namin sa harap.
Patuloy parin yung away at tumakbo si Ray papunta sa kanya pero na-dodge ni Veon at sinubukan niyang saksakin si Ray sa likod, pero umilag siya and he made a little scratch on Veon's left arm.
Lahat kaming ATS ay nagulat tapos yung WMD nag hihiyawan. Yung parents naman nag aalala para sa kanya. Nag backwards si Ray at nginitian niya nang masama si Veon.
Naging seryoso ang itsura ni Veon at bigla siyang tumakbo papunta kay Ray at sinugatan niya yung mukha niya. Gumalaw agad si Ray kaya hindi masyado malaki yung sugat niya sa mukha. Pero sa lalim ng sugat niya, nakikita namin na tumutulo yung dugo sa sahig.
Tumakbo nang mabilis si Ray at napatumba niya si Veon. Nagulat kaming lahat.
"Veon," sigaw ko at no'ng patayo na si Veon, biglang lumapit si Ray at hinawakan niya yung uniform ni Veon at sinuntok siya sa mukha.
"'Wag," mahina kong sabi at hinawakan ni Isobel ang likod ko. Napapaiyak na ako dahil ayaw kong makita si Veon na nasasaktan.
"Veon, bumangon ka!"
"Kaya mo 'yan, Veon!"
"ATS, ATS!"
"Matatalo mo si Ray! Go, Veon!"
"Itigil niyo na 'yan! Nasasaktan ang isa!"
"Tama na! Hindi na ba sapat ang ginawa mo?"
'Yan ang mga salita na naririnig namin ngayon. Pati ang parents nakikisigaw, but their shouts are concern for Veon and their desire to stop this fight.
The group wanted Veon to win. Of course, who wouldn't want their representative to win? Malamang gusto nilang manalo yung representative nila. But of course, you couldn't avoid the parents' shout of worry.
"Veon! 'Wag kang sumuko," sigaw ko at biglang tumayo si Veon at mas lumakas yung sigaw ng grupo namin.
Agad binawian ni Veon si Ray at sinuntok niya rin si Ray sa mukha pero mas malakas ang ginawa ni Veon. Napatumba si Ray sa sahig at kinuha ni Veon ang kutsilyo niya. Tumawa bigla si Ray kaya hindi natuloy yung balak gawin ni Veon.
"Ano pala yung sinabi ni Sheloah kagabi? Na perfect ka raw para sa kanya," mapang asar na sabi ni Ray sa kanya at nagulat si Veon. Pati kami nagulat. Na-distract kasi si Veon.
"Pinanood mo kami," tanong ni Veon sa kanya at tumawa nanaman si Ray.
"Hindi mo ba naalala ang mga sinabi ko sa'yo kahapon," tanong ni Ray sa kanya at nginitian niya nang masama si Veon. "Sa amin ang lugar na ito," dagdag sabi pa niya at nakatitig lang si Veon sa kanya.
"I'm sorry to break our promise," sabi ni Ray at biglang may dalawang lalaki na humawak sa braso ko at napasigaw ako dahil ang higpit ng hawak nila sa akin.
Sabi ko na nga ba, trap ang ginawa ni Ray! "She's a good distractor," Ray said finally at nginitian niya ako nang masama.
Inaaway ng tito ko yung mga kumukuha sa akin. Ang nanay ko nakayakap nang mahigpit sa akin at papunta na ang ibang boys sa amin. Pero hindi rin pala ako ang target nila. Pati ang ibang classmates namin, inaatake nila.
Bwisit… Ray tricked us! He wants to kill everyone para sa kanila lang ang lugar na ito. Nakakainis because he just made the challenge as a part of his plan to infiltrate our group and hurt them.
"Sheloah," sigaw ni Veon at binitawan niya si Ray.
Tumayo siya at tiningnan ko si Veon. Pero nagulat ako no'ng nakita ko si Ray na nakaluhod, hawak yung kutsilyo, malapit nang saksakin si Veon. Nag aalala ako.
"Veon, lumingon ka," sigaw ko pero no'ng pagkalingon niya…
It was too late.