Chapter 56 - Perfect

>Sheloah's POV<

Nakahawak parin ako sa kamay ni Veon at hinihintay niya akong magsalita. Ang tahimik ng paligid namin at ang naririnig ko lang ang ay yung tunog ng waterfalls, tunog ng leaves, at yung tunog ng mga crickets. Ramdam ko parin yung init ng hangin sa balat ko at dahil nasa probinsya kami, ang liwanag ng paligid namin. Ang daming mga bituin sa langit at kitang kita ko yung full moon. Ito mismo yung nagbibigay liwanag sa paligid namin.

"Ano'ng sasabihin mo," tanong ni Veon sa akin at biglang bumilis tibok ng puso ko dahil kinakabahan ako.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ito sisimulan. Matagal ko nang gustong sabihin sa kanya, kaso hindi ko kaya. Natatakot kasi ako na baka para sa kanya, wala lang ang nararamdaman ko.

Huminga ako nang malalim at bigla akong sumigaw at napaupo sa sahig. Nagulat si Veon sa ginawa ko at tumawa siya ng onti at tsaka niya ako tinabihan. Binatukan niya ako ng onti sa ulo at nginitian niya ako.

"Baliw ka talaga, Sheloah," sabi niya sa akin and I pouted at him.

"Veon, kung…" Hindi ko matapos-tapos yung sinabi ko kasi hindi ko alam kung paano ko talaga sasabihin sa kanya. Nakakakaba talaga. As in sasabihin ko na sa kanya.

"Kung," tanong niya at tumayo ako tsaka ako tumawa.

Tumayo rin siya. Hindi ako humarap sa kanya. Nakatalikod lang habang tumatawa. Kung kinakabahan ako at nahihiya, natatawa ako.

"Ayan ka nanaman, eh. Ano'ng wala? Mayro'n 'yan. Sabihin mo na kasi," pilit sa akin ni Veon at tiningnan ko siya habang nakangiti ako.

"Sabi mo dati, 'di ba… you only had one and last crush at siya si Charlene. Yung fourth year student noong second year tayo," sabi ko at tumango siya. Ngumiti rin.

"Oo, si ate Charlene. Bakit mo siya natanong," tanong naman niya sa akin.

"Ano'ng nagustuhan mo sa kanya," sinagot ko yung tanong niya ng isa pang tanong.

Curious kasi ako kung bakit niya crush si ate Charlene. Never ko pa siya nakita at wala akong balak makita siya. Baka magselos lang ako. At ngayon na zombie apocalypse na ang nangyayari, ano na kaya ang nangyari sa kanya?

"Maganda siya tapos mabait. 'Yon lang naman," sagot niya sa tanong ko and I nodded slowly at his answer.

'Yon lang? Siguro masyado siyang maganda kaya crush siya ni Veon. Marami ring nagsasabi na maganda at mabait ako pero hindi ako naniniwala sa maganda na part. At kung gugustuhin ako ni Veon, gusto ko magustuhan niya ako dahil sa personality ko. Yung buong pagkatao ko. Ayaw ko sa physical.

"Alam mo naman, Veon," sinimulan kong sabi at ngumiti ako sa sahig. Ramdam ko na kinikilig ako kasi sinasabi ko na yung tunay na nararamdaman ko. "Ang perfect mo para sa akin," I said finally at lumingon ulit ako para tingnan siya. No'ng lumingon ako, tumawa siya ng onti.

"Ano'ng nakain mo at kung ano-ano nanaman ang pinagsasasabi mo sa akin, Sheloah," tanong niya sa akin at tumawa rin ako sa sinabi niya.

"Wala akong nakain! Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Bakit hindi ka naniniwala sa akin," sabi ko naman sa kanya at tumawa kaming dalawa. Ito nanaman ang tawanan namin. Kahit simpleng bagay lang, natatawa ka na.

"Bakit mo ako sinasabihan ng perfect," tanong niya sa akin at inirapan ko siya.

Huminga ako ng malalim. "Sporty ka. Ang galing mo sa basketball, badminton, at iba pa. Saglit mo lang matututunan ang ibang sport," sabi ko sa kanya and he gave me his closed mouth smile. The smile of his that I like.

"Matalino ka. Maslalo na sa Physics at Math. Matalino ka rin sa ibang subjects. Ang talented mo. Magaling ka tumugtog ng gitara, piano, violin at drums. Mahilig ka pa sa games at animes," dagdag sabi ko pa at tumawa siya ng onti.

"Sabi nila imposible makakita ng lalaking tulad ng mga nabanggit ko pero may kilala na ako. Ikaw," sabi ko pa at tiningnan niya ako with smile still plastered on his face.

"So 'yon ang mga dahilan kaya ako perfect para sa'yo," tanong niya at nilapitan niya ako ng onti. I shook my head.

"Hindi lang 'yon. Marami pa," sagot ko sa tanong niya at tiningnan niya ako.

He's waiting for me to tell him more pero wala muna akong balak ituloy sa sasabihin ko. May gusto akong itanong sa kanya.

"May gusto akong tanungin," sabi ko sa kanya and he tilted his head to the left.

"Ano 'yon," tanong niya sa akin at tumingin ako sa right ko dahil nahihiya ako tanungin sa kanya.

"Sagutin mo ako honestly, ha," request ko sa kanya and he nodded at me. I took a moment of silence. Inhaled, exhaled a lot of times para mag calm down ako.

"Ano ba ang tipo mong babae," tanong ko sa kanya at tiningnan ko siya while I'm giving him a closed mouth smile. My nervous and curious smile, to be more specific.