>Sheloah's POV<
"Sino ka," Veon asked coldly at tumawa yung lalake na nasa harapan namin.
Naka school uniform rin siya, kaso nga lang, hindi pareho sa uniform na suot namin. Siguro taga rito talaga siya sa Pangasinan. Paano siya napadpad dito at ano'ng balak niya?
Tumawa siya ng onti at tiningnan niya yung katawan ni Ace. "Ang drama niyong lahat," sabi niya at binalik niya yung tingin niya sa amin.
Tiningnan ko siya ng masama. "Sino ka ba at ang kapal mong sabihin 'yan, ha," mataray kong sagot sa kanya at nginitian niya ako. Hinawakan ng nanay ko nang mahigpit yung braso ko.
"Anak, tama na," sabi ng nanay ko pero sa sobrang galit ko, hindi ko siya napansin masyado.
"Ikaw ba yung sumigaw? Tinatanong kung sino yung pumatay sa kasama mo," sinagot niya yung tanong ko ng isa pang tanong pero hindi ko sinagot. Tumawa nanaman yung lalaking nasa harapan namin.
"Sasagutin ko yung tanong mo," sabi niya sa akin at tumigil na siyang tumawa. "Ako yung pumatay—"
Hindi niya natapos yung sasabihin niya dahil kinuha ko agad yung baril ni Veon at binaril ko yung lalaki na nasa harapan ko nang dalawang beses sa dibdib, tulad ng ginawa kay Ace. Nagulat silang lahat sa ginawa ko. Natumba yung lalaki sa sahig, at namatay na siya.
Agad akong sinampal ng nanay ko. "Sheloah," she shouted at me with my name in an authoritative tone. "Bakit mo 'yon ginawa," tanong niya at tiningnan niya ako with anger in her eyes. "Alam kong wala nang nagbabantay sa inyo but still what you did is wrong! You think it's right? Killing people even though if it's for revenge isn't right," she was lecturing me but I couldn't answer. Nakatingin lang ako sa sahig.
I never wanted to do this but I just got the urge to do it.
"Sira ulo ka talaga," sabi ni tito sa akin at kinuha niya yung baril at binalik niya kay Veon. "Bakit mo 'yon ginawa," dagdag tanong niya at tiningnan ko si tito.
"Kasi pinatay niya si Ace," deretsyohang sagot ko at nilapitan ako ni Isobel. Binitawan ako ng nanay ko at napabuntong-hininga na lang siya at nakatingin lahat sila sa akin. Halata parin sa mukha nila na gulat sila.
"Gaga! Paano kung walang zombie apocalypse edi makukulong ka na," sabi ni Isobel sa akin at hinawakan niya yung kamay ko.
"Ayos lang na ginawa 'yon ni Sheloah! Pinatay nila si Ace!"
"Buti na lang at namatay kasama nila! Nag higante si Sheloah para kay Ace!"
"Tama nga ang sinabi ng nanay ni Sheloah. Kahit ganito ang sitwasyon ngayon, hindi mo talaga masasabi na tama ang ginawa niya."
"Bilang magulang, tama lang ang ginawa at sinabi ng nanay niya. Kaso sa panahon ngayon, hindi mo talaga mapipigilan ang kabataan. Hindi pa sila matured."
Sinabi ng mga classmates ko at reactions ng parents. Both sides has a negative and positive outlook on what I've done pero ngayon na sinabi ng mga parents ang outlook nila, siguro mali nga talaga ang ginawa ko.
Since napag aralan ko sa CLE class namin na ang pagpapatay ay isa paring kasalanan, wala akong magagawa. Sa sitwasyong ito, will it still be considered as a sin? It would still be, pero sa zombie apocalypse ngayon… hindi mo naman maiiwasan na pumatay, 'di ba?
Biglang nakuha yung pansin namin no'ng may nakita kaming mga tao na lumalabas sa lugar namin. Kasing pareho ng uniform ng lalaking pinatay ko yung suot niya. Tapos yung mga suot ng babae pair ng suot ng mga lalaki. Siguro yung mga tao na nasa harapan namin ngayon mga kasama ng lalaking pinatay ko.
May babae na lumapit sa pinatay ko at niyakap siya. Umiiyak. Siguro ito yung girlfriend ng pinatay ko.
Tiningnan niya ako ng masama. Kahit umiiyak siya, halata sa mga mata yung galit niya. "Sino'ng pumatay sa boyfriend ko? Sino'ng pumatay kay Paul," pasigaw niyang tanong at tumayo siya.
"Ako. Bakit," matapang kong sagot sa kanya at nilapitan niya ako saka niya ako sinampal nang malakas sa kanang pisngi ko.
Maraming nagulat sa ginawa niya. Nginitian ko na lang siya nang masama at sinuntok ko siya. Mas maraming nagulat dahil hindi ako nananampal. Nanununtok kasi ako.
Hinawakan ng babae yung mukha niya at hindi siya makatingin sa akin. Dumudugo yung ilong niya dahil sa lakas ng suntok ko.
"Sheloah, tama na," sigaw ng nanay ko pero sa galit ko ngayon sa ginawa ng babaeng ito, hindi ko mapigilan sarili ko.
Kinuha ng babae yung kutsilyo sa ilalim ng skirt niya at tinutok niya sa akin. Kahit masakit yung katawan ko dahil sa aksidente kanina, matapang parin ako. Ayaw kong magmukhang weak sa babaeng nasa harapan ko.
Tinulak ko siya at nahulog yung kutsilyo sa sahig. Binalik niya yung tingin niya sa akin at sabay tumalon siya at sinabunutan niya ako. Hinawakan ko yung dalawang kamay niya at tumayo kaming dalawa at kinuha ko yung kutsilyo na nasa sahig at tinutok ko sa leeg niya at tsaka siya tumigil.
"Sheloah," sigaw ni tito sa akin at kumalma ako ng onti, pero hindi ko parin binababa yung kutsilyo na hawak ko.
"Sheloah, tama na," sigaw naman ng nanay ko at napabuntong-hininga ako. Guess I have no choice but to really stop here at mukhang sumosobra na ako.
Tiningnan ko na lang nang masama yung babaeng nasa harapan ko at tinititigan niya parin ako.
Nilapitan ako ni Veon at hinawakan niya yung balikat ko. "Sheloah, tama na," sabi ni Veon sa akin.
"Kung nilapitan mo pa ako, patay ka na rin sa akin at makakasama mo na yang lintek na boyfriend mo," sabi ko sa babaeng nasa harapan ko at hinagis ko yung kutsilyo sa sahig at nilayuan ko yung babae.