Chereads / Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again / Chapter 8 - Desperate Deeds of a Band Vocalist

Chapter 8 - Desperate Deeds of a Band Vocalist

Louie's POV

"Nangyari doon?" Takang tanong ni Angelo.

"Baka nacarried away lang sa kanta?" Suhestyon naman ni Kevin.

Napaisip naman ako. Yes, singers do often carried away by the song they're performing pero yung kay MJ? Nah, I don't think so.

I know na may mas malalim pa na dahilan kung bakit nagkaganun siya. Kung hindi sakanya ko malalaman, may kakilala ako na pwede kong mapagtanungan tungkol sakanya.

"Oh saan ka na naman pupunta?!" Tanong ni Marco.

"Room bakit?" Simpleng sagot ko.Tumaas naman yung mga kilay nila.

"Sigurado ka na sa room ka pupunta? Bakit parang iba yung sinasabi ng nga mata mo?"

"Oh? Manghuhula ka na pala ngayon, Angelo? Well, sadly hindi tama yang hula mo. Better luck next time. Bye, bros!" Sabi ko sakanila at umalis na.

Gaya nga ng sinabi ko sakanila, dumiretso ako sa room. Well, of course para umattend ng class, pero may iba pang agenda kung bakit ako pumasok ng maaga. Umupo na ako sa may upuan ko dito sa Literature Class. Wala pa sila Carla and MJ since wala pa sila neither yung mga bag nila dito sa room.

Minutes passed at dumating na rin si Carla. Sinenyasan ko siya na may sasabihin ako.

"Mamaya na. Andito na si Prof. Luna" She mouthed at me. Hindi ko napansin na nasa likod lang pala niya si MJ. Kaya mas maigi nang mamaya na lang.

Fast forward.

Habang busy pa sa pagliligpit ng mga gamit niya si MJ, nilingon naman ako ni Carla at sinabi niya saakin na sa isang Coffee Shop lang daw na malapit dito sa school kami magkita. Tumango lang ako sakanya at umalis na silang dalawa ni MJ.

Ako naman, tumayo na ako pagkalipas ng limang minuto at nagtungo na sa Coffee Shop na malapit dito sa school.

Pumasok na ako dito at naghanap na ng bakanteng lugar. Di nagtagal, dumating na si Carla.

"Oh? Anong kailangan mo saakin?" Tanong niya agad pagkaupong-pagkaupo niya. This is it!

"I want to know everything about MJ. Even the smallest deets, I want to know as long as it's her. Please, Carla." Pakiusap ko sakanya. Tinignan niya lang ako. Malamang iniisip nito na desperado or nasisiraan na ako nang ulo dito. Pero wala na akong pakialam.

"May gusto ka kay MJ nuh?" Tanong niya. a

"What?! Of course not! The reason kung bakit ginagawa ko to kasi para alam ko kung ano yung strengths and weaknesses ng bandmates ko!" Okay, that doesn't sound good, stupid!

I expect that she'll kept on asking me why, but hindi iyon ang nangyari.

Napabuntong hininga siya at tinignan ako ng malungkot.

"MJ isn't the old MJ that I knew back then. She has changed and as the time goes by, hindi ko na siya kilala. I tried myself na ibalik yung dating MJ pero I failed. " Bakas sa boses niya ang sobrang lungkot.

"May nangyari ba kay MJ kung bakit nagka-ganito siya ngayon" She paused and later on, she nodded.

"Something happened that made her see the world differently." Saka ako tinignan ng seryoso.

"Are you sure you wanna know this?" She asked.

"Very sure." Me sounding desperate.

I don't care what other people think of me. Ang importante ngayon ay ang malaman ko ang totoo lalo pa't magiging parte siya ng banda ko para alam ko kung hanggang saan lang yung limitations ko.

Yun lang yun! No more, no less!