Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Being a Fan Girl

🇵🇭mingshinxi
--
chs / week
--
NOT RATINGS
25.8k
Views
Synopsis
Meet Diana Angeles, isang fan girl na obsessed sa boy group na tinatawag nilang DYNAMITE. Isang araw, nakita niya ang isang myembro sa boy group na nag-ngangalang 'Nate' ay magiging kaklase niya. Meet Nate, isang idol sa group na DYNAMITE na nasali sa isang malaking scandal. Upang mawala ito, kailangan niyang mamuhay ng isang normal na estudyante. Ano ba ang mang-yayari sa kanilang dalawa? Kung si Diana pala ang susi para mawala ang kalokohang ginawa ni Nate? Note: This is not your ordinary Fan Girl story All rights reserved@2019
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1

Chapter 1

Lahat tayo ay may pangarap pero hindi dapat tayo maghinayang kapag hindi natin 'yon makamit. Mas mabuting may pangarap tayo sa ating buhay kesa naman sa taong walang pangarap at parang nagpapadala lang ng agos sa tubig hindi alam saan patungo.

At ang pangarap ko ngayon? Ay pakasalan ko si Nate!

"Diana, nag-chat na ba sayo si head admin?" nakita ko si Kyla na dala-dala ang mga cartolina at coloring materials.

Tinignan ko muna ang cellphone ko sa lamesa pero walang mensahe o chat galing sa admin namin. Hindi ko mapigilang mapanguso, baka nakalimutan niya yata kami.

Pagkalapit ni Kyla ay agad kong kinuha ang mga bili niya at inilatag sa damuhan.

"Sure ka bang makakaya mo gawin ang banner, Di?" nag-alala ang boses nito at laging tinitignan ang ang relo niya.

I blew my hair off my face at tinignan siya ng masama. "Kyla naman, trust me on this one. Matagal na tayong kilala tapos lagi kang nagdududa." I puffed my cheeks at nagpakurap ng aking mata. "Are you really my bestie or what?"

Nakita ko itong bumuntong hininga at umupo sa aking tabi sa damuhan. "Tutulungan nalang kita, Di. Hindi ka lang talaga marunong sa art," aniya at tinulungan ako sa paggawa ng banner.

I pouted, ang sama naman ng bestfriend ko. All I want is to help at ito ang binigay na task sa amin ni ate Gabriela. We are all excited to meet them, really. Kaya hindi ko mapigilang maging energetic all of a sudden.

"Wow!" I clapped my hands at tinignan ang gawa namin ni Kyla. Not bad, but all thanks to Kyla. She do all the drawings, while I do all the ideas and the designs.

"Let's go?"

Tumayo kami at nilinis ang aming kalat, mahirap nang mahuli kami ni manong guard na pagala-gala dito sa campus lalo na at sa garden pa kami gumagawa.

Dumaan kami sa Engineering building para puntahan ang admin namin sa club. Kyla and I are thankful dahil hindi pumasok ang professor namin dahil may gagawin pa ito, he just gave us two to four unit to read and quiz kaagad bukas. I'm happy dahil walang pasok ngayon, pero malungkot dahil sa gawain.

"Anong ginagawa ng taga accountancy dito?" I saw Gabriel walking towards us with his half smirk and intimidating look.

Napairap ako sa aking mata at tinignan siya ng masama. "Saan si ate?"

Nakita ko itong tumingin sa akin at kay Kyla. Bumaba ang tingin nito at nakita nito ang hawak kong banner. "Again with your nonsense fan girling? Hindi ka naman nila kilala."

Nonsense? Tinignan ko ito ng masama at kinurot ang kaniyang tagiliran. "Anong nonsense pinagsasabi mo? Hindi nonsense ang pagiging fan girl ko."

Narinig ko ang pag-ngisi nito kaya tinignan ko uli ito ng masama. "Makatarungan ang pagiging fan girl namin. Kahit hindi nila kami kilala, tulad nga ng sabi ko. I love them and support them with all my-"

"With all your might. I know, you keep repeating it over and over again." bagot na bagot ang tono ni Gabriel at nakanguso na ito.

Hindi ko mapigilang mapahalakhak sa mukha nitong mukhang pato kaya tumalon ako para maabot ang leeg nito at isinabit ko ang aking braso kaya napayuko ito at narinig ko ang kaniyang daing. Ang tangkad naman kasi ni Gabriel kaya nahihirapan ako.

"Ano ba, Di! Bitawan mo ko! Nasasakal ako." I heard his acting cough kaya hindi ko mapigilang guluhin ang buhok nito at tumawa ng malakas.

"Get a room!" rinig ko ang asar ni Kyla sa amin kaya agad kong binitawan si Gabriel na ngayon ay masama na ang tingin sa akin.

"No! Dapat hindi mo sakaniya sabihin iyon. Remember, kapag makita mo kaming nagkukulitan ni Nate tsaka ka lang sisigaw sa amin na get a room ha?" I reminded Kyla at nakita ko ang pagpigil ng tawa nito na parang may sinabi akong joke.

Bumuntong hininga si Gabriel hinawakan ang kwelyo ng uniporme ko. "Follow me, kid."

Napanguso ako dahil ginawa na naman niya akong bata. Para tuloy akong aso tignan at hinihila ng kaniyang amo. Nakita ko din ang iilang tingin ng mga engineering students at ang pagpigil ng tawa nito. Shit, nakakahiya.

Tumigil kami sa isang room at naramdaman kong binitawan na niya ang pagkakahawak sa akin sa kwelyo. Buti naman at naisipan ng lalaking to.

Kumatok ito sa pintuam at binuksan. Sumilip kami ni Kyla nang pumasok si Gabriel. Wala talagang hiya sa katawan ang lalaking yun. Hindi man lang inisip na baka may instructor sa loob.

Nakita kong tatlo lang ang nasa loob at mga kaklase lang ito ni ate. Nagsusulat ang tatlo at kitang kita ko ang mga numbers sa blackboard kaya umiwas ako ng tingin. Nakakadugo ng utak ang math!

"Feeling matalino naman 'tong kapatid ko."

Hindi namin mapigilang tumawa ni Kyla sa sinabi ni Gabriel. Ang harsh naman nito sa kaniyang kapatid. But still, ang sweet pa rin nila. Kahit laging nagbabangayan ang dalawang magkapatid na 'to ay kitang-kita naman sakanila na mahal nila ang isa't-isa.

Being an only child can sometines get insecure kapag makakita ng mga magkakapatid. Kaya sakanilang dalawa natutuwa ako. They say na ang pangit kapag may kapatid, pero sa akin gusto ko. Mahirap kapag ikaw lang mag-isa parati sa bahay at wala ang magulang mo.

"Let's go!" pagkatapos ng bangayan ng dalawa ay lumapit sa amin si ate Gabriela na namumula ang mukha sa galit. Hinawakan nito ang braso namin ni Kyla.

"Hoy pandak, hindi pa tayo tapos mag-usap!" narinig kong sigaw ni Gabriel at hindi ko mapigilang mapanguso. Bulag ba 'to? Anong pandak ang pinagsasabi niya? Mas matangkad pa kaya si ate Gabriela kesa sa akin.

Huminto si ate at lumingon sa kaniyang kapatid. "Sige, labanan mo 'ko. Sasabihin ko lahat payatot." may halong asar at pagbabanta ang tono nito at tumingin sa akin tsaka kumindat.

Napakunot ang noo 'ko. I'm a slow poke person, ano ba ang ibig sabihin ng kindat nito? I heard Kyla's laugh out of nowhere.

"Don't you dare!" tinignan ni Gabriel ng masama ang kaniyang ate at agad itong bumusangot. Sometimes, hindi ko sila maiintindihan.

NANG NAKARATING na kami sa isang mall, dito kami magtitipon lahat mga fans ng dynamite. At halos puno na ang sentro ng mall sa mga kasamahan namin. We can't wait to get started!

"Ate Gabriela! Ibibigay na po ba natin ang light stick?" tanong ko nito. Busy itong naghanda sa aming gawang banner.

"Oo, salamat." ngumiti ito at bumalik sa kaniyang gawa.

Kinuha ko ang isang box sa kaniyang gilid at agad binuksan. Hindi ko maiwasang mamangha sa dami at ganda ng light stick. How to be like our head admin? Ang yaman! Siya ang nag-sponsor nito at ibigay sa mga kasamahan namin.

"Woah, ang ganda!" Rea said, kasamahan namin sa fandom. Ang fandom ay grupo ng mga fans na may paghanga sa isang tao.

Tumango ako at ngumiti. "The best head admin."

"Tulungan na kita diyan," she insisted kaya mas napadali lang ang trabaho namin.

Madaming tao ngayon dahil sa mga registration at bumibili ng ticket. Ang binibigyan lang namin ng libreng lightstick ay ang aming grupo. We called ourselves TNT-fans, it is a fans club. Dynamite and TNT? Yes, please. Mahahalata na meron kaming fans club dahil sa aming t-shirt.

Habang naka-upo sa gilid ay hindi ko maiwasan makaramdam ng pagka-ihi. Darn it, ang timing naman ng ihi ko. Hindi makapag-pigi sa kalandian ko.

Ihi, stay calm muna. Maglalandi pa ang amo mo. Pumikit ako at bumuga ng hangin para gumaan ang pakiramdam ko.

Ayoko din umalis dahil sobrang dami ng tao ngayon. Kakabalik lang ng dynamite galing sa concert at guest shows kay ito sila ngayon, mall concert.

"Grabe, muntikan kitang hindi makita." naramdaman kong may tumabi sa akin at kita ko ang butil ng pawis sa mukha nila Kyla at ate Gabriela.

Maya-maya ay lumabas na ang emcee at ilang nga guests sa stage kaya hindi namin mapigilang sumigaw sa tuwa.

Oh my gosh, I miss this feeling! Sa sobrang busy nila sa ibang concert ay halos hindi ko na makikita kundi sa mga tv lang dahil ang lalayo at hindi kaya sa budge ko. And righ now, excited na excited na ang katawang lupa ko.

Sa isang iglap ay parang magigiba na ang mall sa sigaw ng mga tao kaya hindi ko maiwasang makikisigaw din para mapansin nila ako.

"Ang pogi mo, Josh!"

"Lance, be mine!"

"Kevin, pansinin mo 'ko!"

"Love me, Mark!"

"Kyah, Nate! I want you!"

Napantig ang tenga ko sa sigaw at napanguso. In her dreams, magiging akin si Nate!

Biglang tumugtog ang pangalawang kanta nila na Marry You by Bruno Mars kaya hindi ko maiwasang kiligin. Is this song for me, Nate? But in my dreams also.

"Oh my gosh, we love you Dynamite!" Kyla and ate Gabriela screamed at kita ko na lumingon ang lima sa amin kaya nanlaki ang mata ko, oh my! What to do? Tumingin dito sa amin si Nate!

"Marry me, Nate!" I screamed in top of my lungs at halos napaos ako 'don. I was caught off guard ng tumingin ito sa akin with his full smirk. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko at hindi ko maiwasang pagsasapakin ang aking katabi na sila Kyla at ate.

While they are singing in harmony ay nagulat ako ng may ilaw na sa aking kinatatayuan. Umangat ang tingin ko pero liwanag lang ang nakikita ko. Naramdaman ko din aang pagtutulak sa aking likuran at ang paghila sa akin paitaas sa stage.

Before I can move, naramdaman ko na may humapit sa aking bewang kaya napakapit ako sa kaniyang dibdib. I blinked twice para makita kung sino ito.

"Is it the look in your eyes, or is it this dancing juice?

Who cares baby, I think I wanna marry you." he was singing the last part of the song at hindi ko maiwasang mamangha sa boses nitong napakaganda.

"Marry me, Nate." hindi ko maiwasang maibulaslas ko. Nakita ko ang pangisi nito kaya napabalik ako sa reyalidad kaya napatakip ako sa aking bibig at umayos ng tayo.

"Thank you everyone for coming here!" narinig ko ang sigaw ni Lance at narinig ko ang pagsigaw ng kanilang mga fans.

Oh my gosh, nakakahiya! Tinakpan ko ang aking mukha gamit ang kamay ko at bumaba sa stage. Bago ako makababa ay narinig ko uli ang boses ni Nate.

"Soon, 'yon ang sagot ko. Wait for me, kilala mo na sarili mo."

-----

Looooooong updateeeeeeeeee! Nabago lahat dahil nawala nga :( anyway enjoy reading if meron man! Just comment and vote.