Chapter 4
"Nathan! What the fuck are you doing?" Namumuyos na sa galit ang manager nila Nate at nakatalikod ito sa amin habang pabalik-balik ang lakad na animo'y nawawala na sa katinuan dahil paulit-ulit itong nagsasalita na siya lang nakakarinig.
Napasulyap ako sa limang myembro ng Dynamite at hindi ko mapigilang mamangha lalo pakiramdam ko ay may nakapalibot sakanila na kumukinang na bituin. Yung pangarap ko na makaharap sila ay natupad pero sa ganitong paraan pa.
Hindi ko mapigilang mapatitig kay Nate na sa ngayon ay prenteng nakaupo na parang wala lang sakaniya ang nangyari, yung mga kasamahan niya ngayon kasi ay nakayuko at kinakabahan tapos siya ay parang wala lang sakaniya kahit siya ang may kasalanan ngayon.
Naramdaman ko ang pagsiko sa akin ni Kyla kaya napatingin ako sakaniya. Yumuko ito at sumenyas para tignan si sir Harold.
"I'm plannin- AHH!" napapitlag kaming lahat nang biglang may ibinagsak si sir Harold sa kaniyang lamesa.
Napatingin silang lahat sa akin na nagpipigil ng tawa, ang seryosong paligid ay parang biglang nawala dahil sa pagsigaw ko.
"You two, you may now go." pigil-ngiti kaming hinarap ni sir Harold na para bang nahihiya.
"I'm sorry nadamay pa kayo, pwede mo naman sabihin sa akin na kukunin mo phone mo." aniya bago ibigay sa akin ang phone na kakagaling lang sa kaniyang bulsa dahil sa akala niya'y kay Nate ito.
Kamuntikan ko pa itong mahalikan mabuti at napigilan ko ang sarili ko sa kahihiyan dahil nakatingin na ito sa akin.
Tumayo kami ni Kyla at nagpasalamat. "Sorry po sa abala."
Nagtulakan pa kami ni Kyla sa pintuan parang ayaw na namin umalis sa loob dahil pakiramdam ko ay nawala na ang takot ni Kyla at mas nanaig ang kaniyang pagiging fan girl blood.
Sa kalaunan ay ako ang bumukas ng pintuan, napagkamalan pa yata kaming mga baliw kanina dahil nakatayo lang kami sa pintuan na parang naghihintay ng grasya.
"Pwede makistay 'dun?" Kyla's voice turn like into a chipmunk with its high-pitched with matching laughed.
Napatampal ako sa aking noo. Kanina kung hindi ko mapigilan ang sarili ko ay baka mahalay ko ang lima pero mas malala pala itong kasama ko.
Nagsimula na kaming maglakad at pilit ko itong hinihila dahil gusto pa itong makisilip sa pintuan para makita ang iniidolo, gusto ko din pero it is enough na ang nangyari kanina. Muntikan ko nang madamay si Kyla sa pagiging adventurous ko.
"Ms. Andres?"
Marahan kaming napahinto ni Kyla at napalingon sa tumawag sa akin, nakita ko si Kevin na nakatayo sa pintuan at tinignan kami na may panunuya sa mukha.
Tinignan ko siya na nakataas ang kilay pero ngumuso lang ito habang sumesenyas na papasukin kami.
Nagkatinginan kami ni Kyla at kita ko sa mukha niya na excited ito. Sumbong ko kaya ito sa boyfriend niya?
Labag sa kalooban ko ay sinunod ko si Kevin, kita ko ang pagngisi nito dahil sumunod kami. I'm really a fan to them, kapag nasa stage lang. Pero ngayon kitang-kita ko na ang ugali nila off-stage. But I still love them, because I'm a fan girl.
Sumilip muna ako sa loob at nakita ko 'ganon pa rin ang pwesto nila. Pwera na lang kay sir Harold na naka-upo sa kaniyang upuan.
Nang nakita niya kami ay tumayo ito at iginaya kami sa loob. Ano ba ang plano nito? Parang mag masamang balak dahil sa mukha nitong kanina pa nakangiti.
"Ano po ba ang kailangan niyo, sir?"
Hindi naman yata tungkol ito sa phone ko? Bakit pa niya kami pinatawag?
"Ms. Andres, would you like to join my company?" aniya at inilahad sa akin ang isang makapal na papel na nasa isang folder na may nakatatak na MSC studio.
Tinignan ko siya na nakataas ang kilay. "Do you think I have a talent?"
"I see a girl with a potential that I want." aniya at ngumiti.
Natigilan ako sa kaniyang sinabi at napatitig.
"I see a girl that will become a successful one because you have a great potential." hinimas nito ang aking ulo at ngumiti.
Inilagay ko ang aking gitara sa lalagyan at yumakap sa kaniya. "Really, lola?"
Narinig ko ang paghalakhak niya at niyakap din ako pabalik. " You'll become a great singer one day. If that happens I will be the proudest person."
"Sana makita din ito ng magulang ko, lola."
"They will be proud of you."
Napailing ako sa bigla kong naalala. Lola wanted me to become a singer, pero ayaw ng magulang ko dahil hindi ako makakafocus sa aking academics dahil isa lamang akong hamak na low graded student kapag hindi nakakapag-aral ng maayos. Especially to my lolo, ayaw na ayaw niya akong maging singer.
"Go for it, Di." niyugyog ako ni Kyla sa aking tabi at halata sa tono nito na excited ito sa nagaganap.
Bakit out of the blue ang pagproposal nito ni sir Harold? It's really intriguing.
Tinignan ko ito na may mapanuyang tingin at napahalukipkip. "Ano ang kailangan mo?"
"I want you to be part of—"
Agad ko itong pinutol at tinignan siya ng mabuti. "What do you want?"
Narinig ko ang pagbuntong-hininga hininga niya and it came across of my minde. I knew it! May kailangan ang taong 'to.
"Please." napapitlag ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Narinig ko rin ang pagsinghap ng mga tao sa loob, naramdaman ko din na may tumayo at lumapit sa amin.
"Please help us." pagmamaka-awa ni sir Harold na kulang nalang ay lumuhod.
Ano ba ang kailangan nito? Why is he so desperate?
"Mind if I interfere?" pumagitna sa amin si Nate kaya napaatras ako sa gulat tinignan siya. Oh my gosh, ito na siya! Namamawis bigla ang kamay ko sa 'di ko ma explain na pakiramdam.
"Really? Do you want her to accompany me?" lumingon ito bigla sa akin at hindi ko mapigilang ngumiti sa biglaang pagtingin nito.
Tinignan niya ako sa ulo at hanggang paa kaya hindi ko maiwasang mahiya sa kaniyang tingin. Ano ba ang ginagawa ni Nate?
"This little thing?" aniya bigla kaya nawala ang ngiti sa aking mukha at napalitan ng simangot. Ano ba pinagsasabi nito?
I heard Kyla's chuckle at ang iilan din sa myembro nila na nakarinig kaya agad ko silang binigyan ng masamang tingin. Kahit masama ang sinabi sa akin ni Nate, hindi pa rin mawawala ang pagkakamangha ko sakaniya. It's just a word, no harm done.
"You." tinuro bigla ni sir Harold si Nate at nakita ko ang gulat sa mukha ni Nate at yumuko ito sa takot. Yung kaninang aura ni sir Harold sa amin ay parang tuta pero ngayon parang isang tigre.
"Kung ayaw mo sa plano ko, pwes paalisin kita dito." matigas ang pagkasabi ni sir kaya nakakatakot ang bawat bigkas nito.
Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. Anong plano? Anong paalisin? Nakita kong yumuko si Nate at bumuntong-hininga na para bang give-up na ito sa lahat at wala ng pag-asa pa.
Humarap sa akin si sir Harold at ngumiti na parang walang nangyari sa pagitan nila Nate. "Can you help me? To save Nate? To save Dynamite?"