Chereads / Being a Fan Girl / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

"Grabe, nakakainis ka!" Ate Gabriela pouted her lips at sinisipa ang bato sa daan.

I laughed so hard at sinapak si Kyla sa aking tabi na tahimik na nagcecellphone. "May pag-asa na ba ako?"

"Aray, Diana!" daing ni Kyla at tinignan ako ng masama. I maked a faces kaya nakita kong mas lalo lang itong nagalit. Ang taray naman ng bestfriend ko, may red days ba ito?

"I can't believe this!" I cupped my face at umikot-ikot. Pakiramdam ko ay isa akong Disney princess na nakita ang kaniyang prince charming.

"Chill girl, tara na punta tayo sa isang convenience store." aya ni ate Gabriela at hinawakan ang balikat ko kaya napatigil ako sa pagiikot.

"Oo nga, namamaos ako sa kakasigaw kanina." nakita kong hinawakan ni Kyla ang kaniyang leeg at hinihimas ito. I agreed kaya tinawagan ni ate si Gabriel upang sunduin kami sa sa labas ng mall.

It's already ten in the night kaya closed na ang mall. Tagal matapos ng concert nila kaya sa emergency exit na sa mall kami lumabas. We are all exhausted at the same time happy.

After their performance ay nagpapa-autograph sila sa kanilang album kaya ang mga tao naman, sugod ng sugod. Walang pakisamang nagaganap kaya nagkagulo.

Nakita namin ang kotse ni Gabriel kaya nabuhay uli ang sigla ko. I'm drained and hungry kaya pagkakita ko sa sasakyan ay excited na akong kumain.

Nang huminto ang sasakyan nito sa harapan namin ay bumaba ang kaniyang windshield.

"Done doing crazy stuffs?" may halong asar at biro ang tono niya at hindi ko 'yon agad nagustuhan.

"Shut up, Gabe." I hissed at tumikom agad ang bibig nito pagkapasok namin sa loob ng kotse.

Ate Gabriela is seating beside Gabriel at kami namin ni Kyla sa likod. Napabuga ako ng hangin at umayos ng upo sa loob.

"Feels good!" hindi ko mapigilang maibulaslas at nag-inat. Kapagod but worth it. I miss seeing them in person. Sobrang famous na talaga ng mga lalaking 'yon, hindi na maabot agad.

They all decided na sa buffet kami kakain. Midnight snack na namin ito but we still order rice at iba't-ibang putahe. We eat to live or we live to eat, I don't care but I still love foods.

"Kamusta naman araw niyo?" Gabriel asked habang sumisipsip ng kamay ng alimango.

"May magandang nangyari kay Diana." Kyla's eyebrows raised at kitang-kita ko ang pag-siko ng dalawa sa tagiliran ni Gabriel parang inaasar nila ito.

I saw how Gabriel looked at me annoyingly. "What?" tinignan ko siya na may pagtataka.

"Bakit ka magagalit sa akin? Eh sila ate at Kyla lang naman katabi mo diyan!" umirap ako at kumain ng gelatin na nakahain sa harapan ko. Ang table namin ay pa-bilog. Kyla and ate are both sitting on each side of me at nasa harapan ko si Gabriel. How come sa akin pa ito galit? Baliw talaga 'to.

"Nothing." ngumuso ito at kumain uli. Sometimes hindi ko gets si Gabriel with his little weirdness.

KINABUKASAN, maaga akong nagising at para makapunta sa library para makapag-aral dahil may long quiz kami. Kahapon maaga kami pinauwi kaya nakapaglandi pa ako sa concert.

Nang papasok ako sa loob ng library ay napangiti ako, ayos naman! Konti pa ang tao sa loob at naka-on ang aircon. Usually hindi nila ipapa-on ang aircon kapag konti lang ang tao sa loob kaya nakakapagtataka naman ngayon.

Pumwesto ako sa pinakagilid para katapat ko ang aircon at malalamigan ako. Habang linalabas ang aking kagamitan ko ay nakita kong may nahulog na papel sa isa sa mga libro ko. It is color pink and a scented paper na gustong-gusto ko ang amoy. Hindi ko maiwasan mapangiti dahil hindi niya pa rin makakalimutan ang paborito kong scented paper.

Binuklat ko ito ay agad tumambad sa akin ang capslock sulat kamay. Engineering talaga, halatang halata dahil hindi masyadong nababasa. Masama ba akong kaibigan? But Gabriel never fails to surprise me.

' I'VE GOT ALREADY 39 PAINTING. HOW ABOUT YOU? '

Nanlaki ang mata ko at dali-daling inilabas akong aking cellphone at nag-scan sa gallery. To my disappointment, may 33 pa akong nakunan na painting sa campus na 'to.

Is it weird? Gabriel and I loves to take pictures of painting sa school namin. We both love paintings since childhood. Gabriel knows how to make an art at habang ako ay hanggang appreciate lang. Hindi ako marunong gumawa but I can appreciate the art.

Nakakainis ah? Bakit biglang dumami ang pictures niya? Nung unang apak namin sa eskwelahang ito ay napagdesisyunan namin na mag laro. Padamihan kami ng kuha ng mga litrato sa mga gawang painting since ang school na ito ay madaming art, iyon ang ginawa naming laruin.

Tinignan ko ang orasan at napangiti, malayo pa naman ang klase ko at makakapag-aral pa ako mamaya. Review nalang ako ng konti dahil kahit late na kami naka-uwi kagabi ay nakapag-basa pa ako ng iilang unit sa habilin ng prof namin.

Hindi ako matalino at hindi din ako bobo, basta makapagbasa lang ako ay masasabi kong madali lang akong makatuto kahit minsan slow akong pagkatao pero maisautak ko naman lahat.

I cleaned my table at inilabas na ang aking cellphone para makakuha ng litrato. Hindi ako madaling magpapatalo, I want to win!

Lumabas ako at maghahanap ng painting. Pero halos lahat ay nasa gallery ko na. Saan ba nakakahanap si Gabriel? Ang dami naman yata sa kaniya? O baka nagsisinungaling iyon?

Hindi ko namalayan ay napunta ako sa kabilang buiding. Sa mga offices sa school. I can feel my eyes twinkling, hindi pa ako nakadaan dito pwera nalang noong enrollment ko. All the deans offices ay nandito sa iisang building. And every room ay may painting na nakasabit sa labas katabi ang mga pintuan.

I hit the jackpot! Baka nandito rin galing sa Gabriel kaya dumami ang mga kuhang litrato niya.

Habang nagpipicture ako sa painting ay may narinig akong nagsalita galing sa likuran ko.

"What are you doing here, Ms?" A middle-aged lady na nakataas ang kaniyang kilay while examining me. Agad ko itong namukhaan na isa itong dean sa Nursing.

Yumuko ako. "I'm sorry po, Ma'am. Nagandahan po kasi ako sa larawan."

Kahit kinabahan ay pilit pa rin akong nakayuko sa harapan nito. Sa pagkakaalam ko kasi ay bawal gumagala ang mga estudyante sa building na 'to pwera nalang if may kailangan ito.

Naramdaman kong hinawakan ni Ma'am ang balikat ko kaya nataranta ako.

"It's okay, may isa ring lalaki kanina na kumukuha ng litrato dito. Nakakatuwa lang dahil may mga tao pa palang marunong mag-appreciate ng larawan." pahayag nito na nakangiti na sa akin.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Kilala ko ang sinasabi ni Ma'am. Dito nga talaga galing si Gabriel kaya dumami bigla ang kuha niya.

"I really love art, Ma'am. Kahit hindi ako marunong gumawa pero sa akin lang ay ang meaning ito."

Narinig ko ang halakhak niya at tinapik ang balikat ko. "O'sya, una na ako sa'yo."

Nang nakita nakaalis na ito ay kumuha na ako ng mga larawan. Hanggang third floor nga ito at agad akong nagkaroon ng siyam na litrato. Naunahan ko uli si Gabriel! I still won!

Pababa na ako sa third floor at habang nakatingin sa cellphone ko triny kong pindutin ito habang naka-on ang flash. Kumuha ako ng litrato at ayon nga, white. Sira talaga ang cellphone ko, kapag kumuha ako ng litrato gamit ang flash ay lalabas ang kasing-puti ng papel.

Idedelte ko sana ay biglang may humablot sa aking csllphone kaya nataranta ako at tinignan ng masama ang kumuha.

"What the hell? How dare you! Ibalik mo sa akin 'yan!" sigaw ko sa isang lalaking kinuha ang phone ko bigla.

Bigla akong kinabahan ng hindi ko makilala ang tao dahil nakajacket ito at takip na takip ang kaniyang mukha gamit ang hoodie at mask. Hindi din ito estudyante sa school namin. Sino ba 'to?

"Hoy! Ibalik mo nga sabi eh!" sigaw ko at dali-daling bumaba sa hagdanan dahil akmang aalis ito sa harapan ko.

"Hey there, sweetie. Hayaan mo muna siya. May kinuha ka kasing hindi karapat-dapat." may isang babaeng pumagitna sa daan ko, saan ba ito galing? Bakit biglang sumulpot sa harapan ko?

Tinignan ko siya ng masama pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Magkasama ba sila ng lalaking 'yon? Napatingin ako sa kaniyang uniporme at nakabukas ang dalawang butones nito at halatang nagka-smudge ang kaniyang lipstick. Isa itong estudyante dito sa school namin.

"Ibalik mo na sa akin ang phone." pilit kong kinakalma ang sarili ko pero lalo lang pinapainit nito ang ulo ko dahil hindi pa rin niya binibigay.

Nakita kong bumalik na ang lalaki sa akin kaya inilahad ko na ang aking kamay kahit nakapagitna pa rin ang babae sa amin.

"May nakita ka ba o wala?" his voice was calm and serious. Pilit ko tinitignan ang mukha niya pero mas lalo lang niyang tinakpan iyon gamit ang kaniyang hoodie.

"Sa tingin mo? So hand it over, mister." tumaas ang isang kilay ko at inilahad lalo ang aking kamay sa mukha niya

"Your gallery is weird." ibibigay na niya sana ang phone ko ay biglang may humila sa kaniyang isang lalaki na nakasuot ng security sa kaniyang likuran.

"Hoy, ibalik niyo!" tumili ako pero mas lalo lang dumami ang mga tao na nakasuot ng security sa likuran at biglang nagkagulo. May nakita akong naka-asul na lalaki at pilit hinihila ang lalaking kumuha ng phone ko. Tinignan ko ng maigi ang lalaking naka-asul at hindi ko maisawang mapa-isip. Bakit familiar 'yon sa akin?

Sa isang iglap ay nawala ang mga tao sa harapan ko at pati na rin ang cellphone ko. What the hell was that? Who was that?