Chapter 3
"Tahan na, Di." hinihimas ni Kyla ang aking likuran at pilit pinapakalma.
Kumuha ako ng tissue at pinahiran ng luha ang aking pisngi. "Kyla naman eh, I can't live without my phone."
"Ugh!" kahit si Kyla ay nainis at nakulitan na sa akin. Sino ba naman ang hindi ngangawa kapag nawala ang phone, diba?
"Bumili ka ng bago." she said parang wala lang sakaniya.
Hindi ko mapigilang ngumuso. "You already know, right?"
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito na para bang hindi na siya makikisali dahil alam naman niyang talo pa rin siya. "I know. Kilala mo ba ang lalaking 'yon?"
Now that she mentioned it, kilala ko ang naka-asul na lalaki. Hindi ito katandaan at hindi rin kabataan, nasa middle-aged ito.
"Ky, pwede pahiram ng cellphone mo?"
Tinignan ako nito ng masama Kyla. "Don't you dare, Diana." may halong pagbabanta ang boses nito pero inirapan ko siya at kinuha ang phone sa kaniyang bulsa.
A smile plastered on my face ng makita kong sino ang laging kachat niya. "Axel, huh?" I teased.
Nakita ko lang ang pamumula ng mukha niya at umiwas ng tingin. "Kaya ayoko sabihin sayo dahil alam kong aasarin mo lang ako!"
Napangiti ako at tinignan siya. "Seriously, I'm just happy. Alam kong may something kayong dalawa. Don't keep secrets from me." pilit kong pinatampo ang tono ko pero hindi natagumpay dahil bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry dahil hindi ko sinabi sayo. Ang sama kong kaibigan." parang maiiyak na ang boses nito at mas lalo lang humigpit ang yakap niya.
"Ky, it's okay. I understand. Axel seems nice." I rubbed my chin at tinignan siya na may panunuya.
"What about being a fan girl about dynamite?" I asked. Axel seems really possessive about Kyla at kitang-kita ko 'yon kahit pilit nilang tinatago ang relasyon nila sa amin. Nakakatampo pero hindi ko maiwasan na matuwa dahil alam kong matagal na silang may feelings sa isa't-isa.
"Nah, he's cool." simpleng sabi nito.
Habang ini-iscan ang internet ay napatuptop ako sa aking nasaksihan. "What the hell?"
"Ano? Ano nakita mo, Di?" halatang excited ang katabi ko at sinisiksik ang mukha sa akin para makita ang aking nakita.
"Si Harold? Manager 'yan sa Dynamite diba?" pati din si Kyla ay hindi makapaniwala sa nakita at lalo na ako. Kaya pala familiar ang mukha ng lalaki kanina, siya ang manager sa paborito kong iniidolo.
Tumango ako at tinignan siya na nakangiting may makahulugan.
"You've got to be kidding me?" her face was priceless at maya-maya ay ngumiti na parang alam ang plano ko at sumasang-ayon ito.
NAKATAYO KAMI sa labas ng studio ng Dynamite. Nakatingala sa isang building at pilit tinatagan ang sarili.
"Sure ka ba talaga na siya 'yon, Diana? kahit si Kyla ay kabado sa plano ko.
Tinignan ko ai Kyla na nakatingin na sa akin ng seryoso. "Kyla, kilala mo ako. Hindi agad ako makakalimot ng mga mukha."
Bumuntong-hininga ito at tinapik ang aking balikat. "I've got your back sister."
Pagkasabi nito ay napanatag ang loob ko. Ako ang taong hindi agad makakalimot ng mga mukha. Isa na rin yata ito sa talento ko, I can easily recognize their face and especially their voice. Alam ito ni Kyla at nina ate Gabriela at Gabriel. They are all my friends after all.
Nahirapan pa kaming pumasok sa loob dahil kung ano-ano ang tinatanong ni manong guard sa amin at dinala pa kami sa front desk para malaman ano ang kailangan namin.
"Ano kailangan niyo Ma'am?" tanong ng isang babae na nasa front desk.
Nagkatinginan pa kami ni Kyla at napalunok ako. "Nandito ba ngayon si sir Harold?"
Her eyes bore onto mine at tinignan ako ng mabuti. "Mag-aapply bilang artist?"
Nanlaki ang mata ko at umiling. "No.."
"Good afternoon, Mrs. Oliva." she greeted a person na kakarating lang sa front desk. Napalayo ako at napatingin sa babae, she's a sophisticated one with her glimmering jewelries and to her branded clothes. Hindi basta-basta ang babaeng nasa harapan ko dahil sa aura niya.
"Diana, let's go." naramdaman ko ang paghihila ni Kyla sa uniporme ko kaya napatingin ako sakaniya. Sumenyas ito na pumasok sa loob. It is our plan after all, 'ni hindi na namin naiisip ang consequences sa gagawin namin pero naeexcite kami.
Dahan dahan kaming umalis at pumasok sa hallway, at the end of the hallway ay isang napakalaking sentro akala ko doon lang sa entrance ang engrande pero may mas maganda pa pala sa loob.
Madaming tao ang naroon at pinagtitinginan pa kami dahil nakasuot kami ng uniporme. Napagdesisyunan namin ni Kyla na magtago-tago upang hindi kami makita at magtataka ang mga tao sa amin baka mahuli lang kami.
"I don't know pero ito lang yata ang pinakabaliw na ginawa natin, Di." I heard her excitement all over her body at sa akin rin. We really love thrill and adventure in our lives.
May namataan akong isang myembro ng Dynamite at hindi ko mapigilang ma-excite. Ang pogi niya sa malapitan.
"Sundan natin." bulong ni Kyla sa akin kaya tumango ako at tahimik na sinundan si Kevin. Lumiko ito sa kabila kaya lumiko rin kami. Saan ba ito patungo?
"Lance, nakita mo ba si Nate?" may isang lalaking humahangos at nakahawak ito sa kaniyang tuhod at pilit kumukuha ng hangin, pakiramdam ko ay kakagaling lang itong tumakbo.
"Ha? Nakatas uli?" gulat na gulat ang mukha ni Lance at kinakamot nito ang kaniyang batok.
Biglang kumalabog ang puso ko ng marinig ang pangalan niya. Nate, makikita uli kita!
May lumabas sa isang pintuan at tumakbo ito papunta sa kinaroroonan ni Lance at nung lalaki. "Damn that Nate, may nakakita sa kaniya sa daan na tinulak ang isang babae." It's him.
"Di, siya 'yan diba? Pumasok tayo 'don." tinapik ako ni Kyla sa aking balikat hudyat na sundan ko ito. Gusto ko sanang makikinig dahil si Nate ang usapan nila pero kailangan ko ang phone ko ngayon, naroroon ang mga importanteng files.
Nakayuko kaming punasok sa isang office upang hindi kami mahuli at nakita namin na walang tao sa loob ay agad ko itong nilock.
"Diana, oh my gosh. Sa ginagawa natin makukulong talaga tayo. But I like it!" hindi mapigilang ni Kyla ang tuwa sa kaniyang nararamdaman habang naghahanap ng cellphone ko
We really both thrill in our lives. A little spices in our lives can heat up.
"Me too, Ky." ngumiti ako.
Sinigurado ko muna na nakalock ang pintuan saka ko tinulungan si Kyla sa paghahanap ng cellphone ko.
Pumunta ako sa isang table sa loob na parang isang maliit na sala habang si Kyla naman sa isang table na parang kay Sir Harold. Nang may namataan ako sa isang sofa. "Gotcha!"
"What the fuck? Bakit naka-lock ang pintuan?" someone's banging at the door kaya kinakabahang nagkatinginan kami ni Kyla na hindi din alam anong gagawin niya.
"Sino ang nasa loob? Goddammit!" I heard sir Harold thunderous voice kaya mas lalo lang akong kinabahan.
There is no choice.
"Ky, kapag sinabi kong takbo. Tumakbo ka!"
Kita ko sa mata niya ang takot at kaba at ang pag-angil sa plano ko. Magsasalita pa sana ito pero tinignan ko siya ng masama.
"Stick to the plan, Kyla."
Umiling ito at ngumiti. "You are the bravest and craziest girl I know."
I know, Ky and that's why I opened the door at nakita ko si Lance at sir Harold na namumuyos na sa galit. Pagkabukas ko ng pintuan ay kita ko ang pagtataka at gulat sa kanilang mga mukha.
"Sino ka? Magnanakaw ka?" tanong ni Lance at tinitigan ako. If wala lang ako sa sitwasyon ngayon ay kanina pa ako nangingisay sa kilig dahil kaharapan ko ang isa sa myembro ng Dynamite.
"Wala sir, gusto ko lang sumali bilang isang singer." sinulyapan ko si Kyla at kita ko sa kaniyang mata ang pagtataka. I signalled her na stick to the plan.
"Really?" kita ko ang tuwa sa mata ni sir Harold.
"What's this?" naramdaman kong kinuha ni Lance ang kamay ko at ipinakita kay sir Harold.
"Sir, this is mine." giit ko at tinignan ng masama si Lance. Damn, pahamak siya.
"Sorry cutie, pero nakita kong hawak-hawak ito ni Nate." his sweet smile can make everyone's girls heart flutter but not me.
"No, it's mine." angil ko.
Tinignan ko si Kyla. "Run!"
In just a glimpse nakita ko nalang na nagtatakbuhan kami ni Kyla at hinahabol ni sir Harold at Lance. Sumisigaw ito kaya maraming mata ang nakatingin sa amin.
"Stop that little girl!" I heard sir Harold shouted at the security guard. I should be mad by hearing those words pero this is a matter of freedom and prison. Ayoko pa makulong!
Nag-patentero pa kami ng security guard pinauna ko muna si Kyla makalabas at ng nakita kong tumingin si manong kay Kyla kaya iyon na ang pagkakataon ko na makalabas din.
Pagkalabas namin sa building ay may babaeng nakatayo sa daan at biglang nasagasaan sa isang sasakyan at bigla itong natumba.
Napaupo kami ni Kyla at sumisigaw sa takot dahil sa nakahandusay na katawan sa daan.
"Huli kayo."
Someone grabbed our shoulders at pinatayo kami ni Kyla.
Ano ba 'tong pinasok namin?!