Simula

Simula

"Narinig mo 'yon, Di?"

Nakita ko si Kyla na dali-daling pumasok sa room namin at napatingin ang iilang kaklase ko sakaniya.

Lumapit ito sa'kin at hinawakan ang kamay ko, with her sparkling eyes ay alam ko kaagad na nakakita ito ng pogi. "Narinig ko na magpeperform ang Dynamite dito sa'tin."

Tinignan ko siya na may halong pagtataka at itinagilid ko ang aking ulo. "Sino nga ba sila?"

Nakita ko itong umirap at napatampal sa kaniyang mukha. "Duh, Right Highland High School remember?"

Right Highland? Dynamite?

Ngumuso ako. "I don't think so."

"Di, sabay tayo," I saw her eyes pleading at kita ko din ang pag-nguso nito. Cute, pero mas cute pa rin ako.

Kinuha ko ang ballpen ko at iniwagayway ang feather design nito sa kaniyang ilong. I saw her nose twitch at tinignan niya ako ng masama.

"Fine," ngumisi ako at tumayo.

Habang pababa kami sa second floor, nakikita ko ang mga estudyanteng ang bibilis ng lakad at papunta sa open gym. Parang doon yata gaganapin ang event.

And I'm right! Puno ang open gym dahil sa gaganaping event. Ang alam ko ngayon may event na tinatawag 'School of the Bands'. From different public and private school ay mag-lalaban para sa musika at kapag manalo talaga ay matatanggap sa isang malaking kompanya sa Manila at magdedebut as a group.

Nasa classroom lang ang iilan at kasama na ako kanina, dahil ayaw naman namin makikinig sa maingay at mas lalo na ayaw ko dahil crowded. Nakakasuffocate para sa akin.

"Grabe, ang gagaling nila!" halos makita ko nang maiyak si Kyla sa aking tabi kakasigaw sa mga lalaking kumakanta sa itaas. S.O.S ang pangalan sa banda nila at makikita 'kong ang gagaling nila.

I covered my ears nang ibang grupo na naman ang kumakanta sa itaas, at halos mabingi na ako sa kakatili ng mga babae dito dahil aaminin ko na ang popogi nang apat.

Bakit kaya ga'non? Kapag lalaki ang magpeperform ay ang iingay? Tapos kapag ang babae, koni lang? Show some respect, pero hindi din ako magtataka dahil halos naman lahat nandito ay babae.

Habang tinatakpan ko ang tenga ko ay tinignan ko si Kyla na sumasabay sa kanta at iniwagayway ang kaniyang kamay.

"Kyla, iinom lang ako ng tubig," pagpaalam ko nito at kita ko ang pag-tango niya kahit hindi ito nakatingin sa akin. Nakakatampo talaga itong kaibigan ko minsan, inimbita niya ako dito pero halos hindi naman ako nag-enjoy.

"Excuse me," I'm making my way out at nakahinga ako ng maluwag nang nakalabas na ako sa mga tao na naroroon. Ang wiwild naman yata ng mga tao ngayon.

Habang naglalakad ako sa likod ng bleachers ay nakikita ko ang iilan sa mga sumali na nagpapractice sa kanilang tono at mga instrumento.

Umalis ako roon at tahimik na pumanhik sa hallway, pumunta ako sa water fountain at doon uminom ng tubig.

Nakakatakot naman yata, gumabi na at wala na masyadong tao sa hallway, napailing ako at pumasok sa room ko, dalawa nalang ang tao na naroon. Wala ng pasok sa hapon dahil sa activity ng school namin ngayon.

Habang kinukuha ko ang mga gamit ko ay may napansin ako sa bintana na dumadaan, napalunok ako at napatingin sa dalawang kaklase ko na kung may anong sinusulat sa kanilang notebook.

"Pst," I called them at para mapansin din ako. Tinignan lang ako ni Paula at nag shush pagkatapos ay bumalik sa kaniyang ginagawa.

Dahan dahan akong napatingin uli sa bintana at tuluyang tumigil ang shadow figure at lumingon sa akin.

Tuluyang nanlaki ang mata ko at tumaas lahat ng buhok ko sa aking batok, I felt my sweats are cold as ice. "Ahh!" I screamed at kinuha ang mga gamit at lumabas.

Dumaan ako sa hallway at mas lalo lang akong natakot dahil sa tahimik at walang taong dumadaan.

I felt someone grabbed my waist at hinila ako sa isang madilim na parte sa hallway, nanlaki ang mata ko nang makita ang mukha ng isang lalaki na nakatakip ang mukha nito sa kaniyang mask. Sisigaw na sana ako nang tinakpan niya ang aking bibig.

"Hush, may nakita ka bang dalawang lalaki na naka-bussiness suite?" seryosong tanong niya at ang titig nito sa akin ay parang tumutusok sa kaluluwa. Who is he? Ang alam ko bawal makapasok sa school na 'to if hindi estudyante at ang kasali sa contest.

Umiling ako bilang sagot, baliw ba 'tong lalaking to? Alam na nga niyang 'di ako makakasagot dahil bakatakip ang bibig ko. Ano ba ang ginagawa niya dito? At anong business suite?

"Damn."

Mas lalong nanlaki ang mata ko nang idiniin nito ang kamay niya sa aking bibig. I tried to escape at umingay lalo pero mas lalo lang idiniin nito ang kaniyang kamay sa akin, tinignan ko ito ng masama pero hindi ako pinansin.

May napansin akong dumaan sa kabila kaya naramdaman kong mas lalo lang niya idinikit ang katawan nito sa akin.

My heart thumps nang maramdaman ko ang mainit na hininga nito sa aking pisngi. What the hell is he doing?

I heard some chittering and footsteps parang mga lalaki 'yon. Nang marinig kong nawala na ay nakita ko ang pagbuntong hininga nito at binitawan ako.

"I'm sorry for that," nakita kong tinanggal na niya ang kaniyang mask at inayos ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang kamay.

Napanganga ako sa nakita, is he for real? With his fair skin, pointed nose, its luscious red lips, and those narrow brown eyes at mas nakaka-attract pa ang matataas nitong pilik mata. He's handsome!

"Hey, I'm sorry," kinawayan nito ang mukha ko kaya napakurap ako at tinignan siya.

"Ano?" nagmumukha na talaga akong tanga sa harap niya. Chickenbar!

"Balik na ako sa labas, will you support me?" tanong nito, kita ko ang matamis nitong ngiti sa akin habang naghihintay sa sagot ko.

Pakirandam ko ay umurong ang dila ko dahil sa tingin niya. "Ah?"

Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at tinignan niya ako sa mata. "Support me okay? I'm Nate by the way," aniya at hinimas ang ulo ko.

Tumalikod ito at umalis, habang naglalakad itong palayo at nakita ko ang pagkaway niya sa akin.

Napahawak ako sa aking dibdib at ang bilis ng tibok nito. Am I? I'm having a huge crush on him?

Mabilis amg lakad ko sa open gym at hinanap si Kyla, nakita ko nakatayo pa rin ito sa kaniyang pwesto. Lumingon ito sa akin at nakita ko ang pagtataka sa mukha niya.

"Bakit ang tagal mo, Di?"

"I'm in love, Ky," I may look like a retard poodle right now dahil sa kakangiti ko.

She looked at me like somekind of an addict person. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking noo. "Wala ka namang sakit."

Inalis ko ang kamay niya at humarap sa stage. Nakita kong lumabas ang Emcee kaya mas lalong na-excite ang katawan ko. I'm all hype up!

"Let's all welcome, Dynamite!"

I screamed and screamed nang lumabas ang limang lalaki. They are all wearing unique but cool outfit, a bad boy type. They are very tall and lean.

Nang nakita kong lumabas si Nate ay tumili ako lalo. Oh my gosh! Ang pogi niya talaga. I heard some girls screamed their individual names, and it was thunderous. Ito yata ang may malakas na audience impact.

"Di, ikaw ba talaga iyan?" I heard Kyla's worried tone.

Ngumiti ako. "I'm just happy, finally may kasama ka na sa pagiging fan girl mo."