"Bakit hindi ka mapakali?" puna ni Aida kay Skylar. Napakagat tuloy siya sa ibabang labi at kinalma ang sarili. Hindi na naman niya napansing panay ang sulyap niya sa pinto ng green house. Umaasa kasi siyang papasok doon si Webster.
Lihim siyang napabuntong hininga. Isang linggo na ang nakakalipas buhat nang pangakuan siya ni Webster na bibigyan ng tea. Gusto na tuloy niya itong puntahan at i-follow up ang pangako nito pero sa huli ay nakakahiyaan na niya. Baka isipin pa nitong mukha siyang tea. Napailing siya sa naisip.
Pero ano kaya ang nangyari sa lalaki? Hindi rin niya ito nakikita at nakakasalubong. Pati si Donatello ay nag-lie low na rin. Hindi na rin niya ito napapansin. But Donatello was least of her concern now. Si Webster talaga ang gusto niyang makita. Bakit hindi ito pakalat-kalat?
"Hindi. A-Akala ko lang may pumasok." pagdadahilan ni Skylar at sumilip na sa microscope at sinuri ang isang uri ng fungi. Agad niyang isinulat sa chart ang mga nakikitang kakaiba rito. Doon niya ibinuhos ang attention habang pasulpot-sulpot sa isip si Webster. Hindi na rin nagsalita si Aida. Hinarap na rin nito ang sariling project.
"Dr. Wright, pinapatawag po kayo ng daddy ninyo," untag sa kanya ni Twinkle, ang twenty one year old secretary niya.
"Why?" takang tanong niya dahil wala itong nabanggit kaninang nag-breakfast siya sa mansion.
"Wala pong sinabi," nakangiting sagot nito.
Tumango na lang si Skylar at inayos ang mga gamit. Matapos ay lumabas na siya. Hindi nagtagal ay narating na niya ang opisina ng ama. Saglit siyang kumatok at pumasok.
Kumabog ang dibdib niya nang makita si Webster. Nakaupo ito sa tapat ng desk ng ama niya. Agad itong tumayo nang makita siya at nagiwas ng tingin. Mukhang nahihiya na naman.
Biglang-bigla, gusto niya itong sitahin kung bakit hindi ito nagparamdam. Nagaalala tuloy siya. Naloka siyang nagisip dito!
"Have a seat," ani Stephen. Mukha namang walang problema dahil magaan ang mood nito.
Tumalima si Skylar. Sunod na naupo si Webster. Doon siya inabutan ng sobre ng ama. "It's an invitation. Magkakaroon ng Southern Science Fest sa Davao. Sponsored ito ni Mayor Rustia Tan para sa mga highschool students. Lahat ng school ay magpe-present at a-attend dito. CSRI needs two representatives. Isang botanist at physicist. Kayo ang napili kong ipadala roon dahil sa lahat ng mga scientist dito ay kayong dalawa ang sa tingin kong fit para rito. Both of you possessed the intelligence and experience."
Napatango si Skylar at kinuha ang invitation. Habang binabasa niya iyon ay nagpaliwanag pa ulit ang daddy niya.
"Next week na ito. Sagot ng kumpanya ang transportation at allowances. Ang tutuluyan ninyo ay sinagot naman ni Mayor Tan. Malapit iyon sa pagdadausan. Isang buong linggo gaganapin ang SSF. Magkakaroon ng lecture, exhibition, workshop and panel discussions about science. Mamimili rin kayo ng pinakamagandang presentation at sa final day ay kayo mismo ang maga-announce ng winner."
Napatango-tango si Skylar. "Okay."
"Sunday ang alis ninyo. It's three days from now. Chopper ang magdadala sa inyo sa rest house ni Mayor." ani Stephen.
Sabay silang napatango ni Webster. Saglit pa silang binilinan ng ama hanggang sa tuluyang natapos ang usapan. Magkasunod lumabas sina Skylar at Webster. Nangangati na siyang usisain ito pero nagpigil na lang siya.
"Skylar," tawag nito.
Tumalon ang puso ni Skylar. Bigla siyang napapihit. "What?" pigil hiningang tanong niya.
"T-the tea. It's in my car. Wait. Kukunin ko lang," anito at dali-dali nang umalis.
Tumibok nang mabilis ang puso ni Skylar. Hindi tuloy siya mapakali habang naghihintay. Hindi naman nagtagal si Webster. Hinihingal na ito nang makalapit at iniabot ang tea.
"Thanks." aniya.
"Welcome. Pasensya ka na kung bakit hindi ko naibigay agad." nahihiyang saad nito at napakamot ng batok. Namumula ulit ang tainga.
Makita lang ni Skylar iyon ay natutunaw ang puso niya. His shyness really made her heart melts. Ewan ba ni Skylar kung bakit ganoon ang epekto ng pagiging mahiyain nito. Palibhasa ay natutuwa siya sa pagiging shy ni Webster.
"Bakit? Ano ba ang nangyari?" usisa niya. Hindi na rin siya nakapagpigil.
"Nilagnat kasi ako. Kanina lang ako pumasok." nahihiyang sagot nito.
Biglang nagalala si Skylar. "G-Ganoon ba? Okay ka na ba? Nagpatingin ka ba?" sunud-sunod na tanong niya.
Natulala si Webster hanggang sa napakurap-kurap. "Yes. I'm okay now. You don't have to worry."
"Sigurado ka?" seryoso niyang tanong at pinagmasdan niya ito. He was still wearing his usual get up. Hindi naman ito namumutla o nabawasan ng timbang. Mukhang okay nga ito.
"Yes." pigil hiningang sagot ni Webster.
Tuluyan na siyang nakahinga nang maluwag. "Okay then."
"Ihahatid na kita." magalang nitong alok.
Napangiti na siya. Pinigilan niyang mapabungisngis. Kita na kasi ang pinto ng department nila mula sa kinatatayuan pero gusto pa siya nitong ihatid. Nakakakilig ang pagiging gentleman nito.
"Okay," aniya at naglakad na sila. Pareho silang tahimik hanggang sa makarating sa pinto ng department. "Thanks,"
"I'll go now," paalam nito.
"Bye," aniya at pinanood na ni Skylar ang paglayo nito. Nang pumasok na ito sa sariling department ay napahinga na lang siya nang malalim at pumasok. Sa pantry siya dumiretso at gumawa ng tea. Nang matikman iyon ay napangiti siya. Mas masarap pa ang gawang tea ni Webster kaysa sa iniinom nila ng daddy niya!
Dahil doon ay nakadagdag puntos ulit ito sa kanya. Napangiti si Skylar sa naisip.