Chereads / SKYLAR / Chapter 10 - LOVELY DIFFERENT

Chapter 10 - LOVELY DIFFERENT

"Yes, dad. Everything is okay." nakangiting balita ni Skylar sa ama. Kasalukuyan niya itong kausap sa cellphone. Every night ay tinatawagan niya ito para balitaan. Pangatlong gabi na nila sa Davao at naging okay naman ang fest. Nage-enjoy siyang makitang maraming kabataan pa rin ang engage sa science. Alam niyang ganoon din si Webster. Ni minsan ay hindi niya ito nakitaan nang pagkainip.

"Good. I know you're tired. Magpahinga ka na," anito.

"Okay. Goodnight, dad." nakangiting paalam ni Skylar at tuluyang pinatay ang cellphone. Napahinga siya nang malalim at napatingin sa ibaba. Kumabog ang dibdib niya nang makita si Webster. Mayroon itong hawak na tasa at naupo sa garden set. Maliwanag sa puwesto nito dahil sa lamppost kaya kita niyang napatingin ito sa malayo. It seems he was enjoying the silence. Mukhang hindi makatulog kaya sumagap ng sariwang hangin.

Bumaba si Skylar at sinamahan si Webster. Kahit maghapon na sila nitong nagkakasama, hindi talaga siya nagsasawa sa company nito.

"Hindi ka makatulog?" nakangiting tanong ni Skylar at naupo sa bakanteng upuan sa tapat nito.

Napatuwid ng upo si Webster. "Ikaw rin?"

Tumango si Skylar at napatingin sa kalangitan. Napangiti siya nang makitang maraming bituin sa langit. "Ang ganda ng gabi." aniya at napalingon kay Webster. Namula ang pisngi niya nang mahuling nakatitig ito sa kanya.

Agad nagiwas ng tingin si Webster. Pinamulahan din ito ng tainga. Mukhang nahiya dahil nahuli niya. Napatikhim ito. "I-I'll get you some tea." anito at dali-dali nang umalis. Makalipas ang ilang minuto ay bumalik din ito at binigyan siya ng tsaa.

"Thanks." aniya at sumimsim. Napatango siya nang malasan ang sarap ng raspberry leaf tea.

"Maraming health benefits 'yan. It's good for fertility, boosting immune system, regulating hormones and preventing nausea and other gastrointestinal issues," paliwanag ni Webster.

Napatango si Skylar. "Oh, yes. Nabasa ko rin ang benefits nito. Ito ang iniinom mo?" namamanghang tanong niya. 

"No. Black tea itong akin. Dinala ko talaga 'yan para sa'yo…" medyo nahihiyang amin nito.

Napangiti si Skylar. Natuwa at kinilig siya. Kapag ganito si Webster, pakiramdam niya ay may gusto ito sa kanya. Sa tingin niya ay hindi siya masisisi dahil sa pagiging maalalahanin nito. Sa office ay wala naman siyang nababalitaang binibigyan nito ng ganoong atensyon. Kaya hindi siya masisisi kung bakit siya kinikilig at nagiisip ng ganoon.

"Thanks then," nakangiting sagot ni Skylar at uminom pa ng tsa. Feel na feel tuloy niya. Buong buhay niya, doon lang siya naging masaya habang umiinom ng tsaa. Gusto niyang matawa sa sarili.

"You're welcome," sagot nito at humigop na rin. He looked happy. Hindi man nakangiti pero kita ang spark sa mga mata nito. Mukhang masaya sa appreciation niya.

Hindi na napansin ni Skylar na nakatitig na siya kay Webster at pinanonood ang bawat kilos nito. At habang nakatitig dito ay napapahinga siya nang malalim. Bumibilis din kasi ang tibok ng puso niya.

"May problema ba sa mukha ko?"

Kumabog ang dibdib ni Skylar at napakurap-kurap. Nang makahuma ay bigla siyang namula. "I-I'm sorry. Hindi pa rin kasi ako sanay sa new look mo," napapahiyang sagot niya.

Napahawak sa batok si Webster. "Naiilang tuloy ako."

Natawa si Skylar. "Ano ba kasi ang naisip mo kung bakit bigla kang nagiba? I mean, okay ka naman noon. You're cute back then."

Pinamulahan na naman ng pisngi si Skylar. Ano ba 'yan? Napapaamin siya rito ng wala sa oras!

Napatingin si Webster sa kanya. "Ikaw lang ang nagsabi niyan."

Natigilan si Skylar hanggang sa naalala na ang mga kagaya nito ay kadalasang nabu-bully. Naalala rin niya ang sinabi ni ninong Alfeo. He underestimated him because of his looks!

Napasinghap si Skylar sa naalala. Narinig ba nito iyon kaya hindi nagtagal ay nagbago ito ng get up?

"Walang masama sa itsura mo. Okay?" seryosong saad ni Skylar.

Napatitig si Webster kay Skylar. Amazement was written in his eyes making her heart beats wild. "You really look at me differently."

Gusto kasi kita! hiyaw ng puso ni Skylar. Kumabog na naman nang malakas ang puso niya. Gusto tuloy niyang ipagsigawan ngayon iyon.

"B-Basta. Mahirap ipaliwanag." sagot niya at uminom ng tsa. Dahil sa tensyon. Naubos tuloy niya agad iyon. 

"In this world full of judgmental people, there were you who made me feel that being different didn't matter. Being different is okay. Thank you, Skylar." sincere nitong saad.

Tunaw na tunaw ang puso ni Skylar. Lihim siyang nagpapasalamat na ganoon ang naging tingin nito sa lahat. Pinigilan niya ang sariling tumayo at yakapin ito. She just smiled at him sweetly.

"Right. Being different is okay. For me, you stood among the rest just being diverse." masuyo niyang saad. Hindi na siya nahiyang aminin iyon dahil totoo.

Nagkangitian sila ni Webster. Pareho na silang tumahimik. They both enjoyed the silence. She couldn't describe how great her feeling was. Ang gaan-gaan sa pakiramdam na makausap ng heart-to-heart si Webster.

Nang gumabi ay pumasok na sila. Hindi agad siya nakatulog. Kinikilig pa rin siya. Nakatulugan na lang niyang mayroong ngiti sa labi.