"GREAT! SABI sa'yo! Dapat ay matagal mo na siyang nilapitan. Buy her flowers, okay? Gusto ng mga babaeng binibigyan sila ng bulaklak." mahigpit na bilin ni Cynthia kay Webster. Ito lang ang nasasabihan niya ng personal na saloobin lalo na't tungkol kay Skylar.
The first time he saw her, she instantly caught his attention. Ang una'ng pagkakataong nakita niya ito ay noong graduating siya sa college. Nagkita sila sa isang restaurant noon ni Stephen at inalok ng career sa CSRI. Dahil gusto rin niyang magkaroon ng imbensyon at kulang sa budget ay pumayag siya. Sinundo ito doon ni Skylar. Hindi siya nakita ng babae dahil hindi na ito pumasok sa restaurant. Sa labas lang nagkita ang magama.
Hindi na nagtaka si Webster kung bakit siya inalok ng trabaho ni Stephen. Matunog ang pangalan niya dahil na rin sa husay at talino. His achievements made him a star. Ramdam din niya na fascinated ang matanda at gusto siyang tulungan.
And that was the first time that his heart beats like crazy. Buong buhay ni Webster ay itinuon niya ang sarili sa pag-aaral. Scholar siya sa university at ayaw niyang masira iyon. Nawalan na siya ng oras para sa pagkakaibigan at panliligaw. Tanging si Cynthia lang ang nakakasama niya. Mas matanda ito at ang nagsilbing guardian niya. Nang makapangasawa ito ng foreigner ay nagisa na siya sa Pilipinas pero hindi naputol ang communication nila.
Alam nito ang kwento ni Skylar sa buhay niya. Honestly, she was the real reason why he entered CSRI. Noong una, tinanggihan niya si Stephen dahil mas gusto niyang sumunod kay Cynthia at sa US subukan ang swerte pero nang makita niya si Skylar ay nagbago ang plano niya. Natuwa si Stephen nang tanggapin niya ang alok nito. Hindi naman siya nabigo dahil lagi niyang nakikita si Skylar.
Buong limang taon ay hindi tuloy niya ito nagawang lapitan dahil sa hiya. Natotorpe siya. Sino ba naman ang hindi matotorpe sa babaeng hawig ni Emma Watson? Napakaganda, sexy, matalino at confident. At alam niyang intimidated ang lahat ng lalaki rito kaya hindi ito basta nililigawan. Donatello was just lucky. He has the access that every man wants to have. Dahil ninong ni Skylar si Alfeo ay nakakalapit agad ito sa babae.
Pinanghihinaan tuloy siya ng loob noon. Sino ba naman kasi siya sa CSRI? He was just their scientist. Wala pa siyang napapatunayan kahit maganda ang record niya. Dahil doon ay pinagiigihan niya. Kaya nga rin siya nagbago ng get up. He wants to be the best version of him for Skylar.
Alam niya na dapat ginagawa niya iyon para sa sarili pero parang ganoon na rin kasi iyon. He changed for her so that the world would never mock at her. Masasaktan siya oras na insultuhin ito nang dahil sa kanya. Kaya bago pa iyon mangyari ay aayusin na niya ang sarili. Ikasisiya niya oras na walang masabi ang ibang tao dito na siya ang pinili nito.
"Huwag mo nang pakakawalan si Skylar, ha? Ang tagal mong naghintay nang pagkakataon," bilin pa ni Cynthia. Ito rin ang tumulong sa kanya na palitan ang wardrobe niya.
Matapos nilang marinig ang mga sinabi ni Alfeo ay gustong sugurin iyon ni Cynthia. Inawat lang niya ito kaya hindi natuloy. Gayunman, kinumbinsi siya nitong magpalit na ng get up at pumayag na rin siya. Sinamahan din siya nitong magpagupit. Bumili rin siya ng contact lens. Kahit hindi sanay ay pinilit niyang gamitin.
"Yes." seryosong sagot ni Webster at napalingon sa babaeng busy sa pagkausap sa ilang estudents. Nasa greenhouse ulit sila at nagche-check ng details.
"Okay. Go now." ani Cynthia at tuluyang nagpaalam na. Huminga muna nang malalim si Webster bago nilapitan si Skylar. Habang naglalakad palapit, nilabanan niya ang pagkatorpe. Ngayon pa na nakikita na niya ang totoong ugali nito? Aba, paglalabanan na niya iyon para hindi maunahan dito.
Two nights ago was the one of the best moments of his life that he will treasure. Natutuwa siyang malaman na kahit nerd siya noon ay hindi siya nito pinandirihan. Her honesty and sincerity made him fall in love with her even more. And for that, he will never let her go…
"Hi! Look at these kids. Ang gagaling!" natutuwang saad ni Skylar at pinakita ang ginawa nilang flower crown para dito. Nang ilagay nito sa ulo at humarap sa kanya ay bumilis ang tibok ng puso niya. She was smiling at him so bright. God… he wanted to kiss her that moment.
"Ang ganda ni Dr. Wright," humahangang puri ng mga estudyanteng babae.
"God, you're so beautiful…" humahangang anas ni Webster at titig na titig kay Skylar na biglang pinamulahan ng mukha.
Umugong ang tuksuhan sa green house. Impit na kinilig ang mga estudyante. Sa huli ay natawa silang dalawa ni Skylar. Inawat na nila ang mga estudyante at pinabalik sa puwesto.
"Sira ka talaga!" bulalas ni Skylar nang mapagisa sila. Aalisin na sana nito ang flower crown pero inawat niya ito.
"No. You look great wearing that." sincere niyang saad.
Nag-blush ulit ito hanggang sa napabungisngis. Grateful talaga siya dahil hindi siya nito sinusupladahan. Sa huli ay inalis na nito iyon. "Baka magtaka sila kung bakit ako mayroong ganito."
Hindi na nagpilit si Webster. Nakangiting pinagmasdan na lang niya ito hanggang sa magaya na itong magpunta sa gym para sa workshop. Buong maghapon ay doon nila inubos ang oras hanggang sa umuwi. Pagdating sa bahay ay tumawag siya sa isang flowershop at nag-order ng bulaklak. Kinabukasan iyon darating para maging maganda ang umaga ni Skylar.
Ah, kinakabahan siya. Sana lang talaga ay ma-appreciate nito ang gagawin niya.