Chereads / SKYLAR / Chapter 7 - JEALOUSY

Chapter 7 - JEALOUSY

"Sige. Ako na ang bahala sa mga iyan. Enjoy your stay in Davao," nakangiting saad ni Aida matapos mag-endorse ni Skylar. Ito na muna ang pansamantalang hahawak ng ibang studies at project niya na ngangailangan ng immediate attention. Okay naman daw iyon dito dahil hindi ito loaded.

"Thanks. I'll treat you lunch," nakangiting saad ni Skylar at inaya na itong lumabas. Sa lobby ay nasalubong nila ang daddy niya, Ninong Alfeo at Donatello. Lihim siyang napabuntong hininga ng hindi siya pansinin ni Donatello.

"Iha, we're going out. Sumama na kayong magtanghalian sa amin." nakangiting aya ni Stephen.

Nagmano muna si Skylar kay Ninong Alfeo bago sumagot. "Hindi na ho."

"I insist. Matagal ka na naming hindi nakakasama." singit ni Ninong Alfeo.

"Pero—"

"Bring your friend. Sige na. Kailan ba noong huli kitang nakasama? I don't really remember. Hindi mo ba ako mapagbibigyan?" nanantyang tanong nito.

Na-guilty tuloy si Skylar. Hindi na niya ito nakakasama dahil busy din siya sa trabaho. Kahit nasa iisang kumpanya sila ay hindi rin sila nagkakwentuhan nang matagal. Alam din niyang busy din ito at naga-attend ng mga seminars kaya laging wala.

"Okay then," pagpayag ni Skylar.

Lumuwang ang ngiti ni Ninong Alfeo. Nagsilabas na sila sa CSRI at nag-convoy papunta sa isang mamahaling restaurant.

Pagupo nila ay agad silang tumawag ng waiter at nag-order. Pagalis ng waiter ay biglang dumating si Webster. Kumabog ang dibdib ni Skylar. Bigla siyang hindi mapakali. Nahirapan din siyang makahinga. Magmula ng bigyan siya nito ng napakasarap na tea ay lalo pang tumindi ang nararamdaman niya rito.

Nang maglakad ito palapit ay nataranta siya. Hindi niya alam kung saan titingin at ano ang gagawin. Tumuwid siya nang upo nang matapat ito sa kanya.

"Webster!" tawag ng isang babae na nakaupo sa likuran nila.

Nawala ang ngiti ni Skylar at lumingon. Nanuyo ang lalamunan niya nang salubungin ito ng magandang babae. Hindi maintindihan ni Skylar ang naramdaman ng halikan nito si Webster sa pisngi. Napabungisngis pa nang punasan ang lipstick sa pisngi ni Webster. Parang… bumagsak ang pakiramdam niya.

"I heard ipapadala ka sa Science Fest sa Davao," tanong kapagdaka ni Ninong Alfeo. Dito napunta ang atensyon ni Skylar habang nagdurugo ang puso. Damn. Nagdurugo ang puso niya! What the hell!

Oh. She realized now that she hated seeing Webster that way. Ayaw niyang mayroon itong ibang pinagtutuunan nang pansin. Ayaw niyang mayroong ibang umaaligid na babae rito!

"Yes. Si Webster ang makakasama niya," ani Stephen.

"What?!" hindi makapaniwalang tanong ni Ninong Alfeo.

Napatingin tuloy siya sa matanda. Nagtaka siya sa naging reaksyon nito at nagalala rin na sa lakas ng boses ay baka marinig ni Webster. Sa likod lang nakaupo ito at isang three feet lang ang layo nila.

"Why? Wala akong nakitang masama. Webster deserves it." balewalang sagot ni Stephen.

"Really? And you think my son didn't?" medyo asar na tanong ni Ninong Alfeo. Mukhang hindi nagustuhang naungusan ni Webster si Donatello.

"It's not that." malumanay na saad ni Stephen at sinabi ang mga achievements ni Webster.

Gusto nang mulagatan ni Skylar ang ninong pero nagpatuloy ito sa panlalait sa pagiging nerd ni Webster. Nadismaya tuloy siya sa matanda. Hindi naman niya ito masisisi dahil anak nito sai Donatello. Pero nakaka-disappoint na makaringgan ito ng ganoon. Ang bait pa naman nang tingin niya rito. Pero sadyang lumalabas din ang tunay na kulay ng isang tao dahil sa mga hindi inaasahang sitwasyon.

Matapos magpaliwanag ang daddy ni Skylar ay nagkadailing-iling ang ninong niya. "Hindi talaga ako makapaniwala na ginusto mong mag-represent ang isang geek. Tingnan mo naman kung paano manamit. Sino ang—"

"Ninong!" hindi makapagtimping awat ni Skylar at tumayo. "Hindi ako makapaniwala na naririg ko ito sa inyo," naiinis na sagot niya at nag-walk out.

Sumunod si Aida at pinakalma si Skylar pero hindi siya nakalma. Panay pa rin ang palatak niya hanggang sa napabuntong hininga na lang.

"Damn it! Bakit siya ganoon? He judged him because of his looks!" naiinis na bulalas ni Skylar.

"You really like him. Ngayon lang kita nakitang ganito ka-apektado." komento ni Aida matapos siyang maglitanya.

Natigilan si Skylar at kumabog ang dibdib niya. Awtomatikong bumulong ang puso niya. Kahit geek si Webster, gusto pa rin niya ito. And she could never stand any worst word she would hear against him. Ikagagalit niya iyon ng husto.

Pero bigla rin siyang nalungkot. Gusto niya si Webster pero mukhang taken na ito…

"Pero m-may girlfriend na siya." nanghihinang anas niya.

"Aw… nakita ko nga iyong magandang babae kanina," malungkot nitong ayon.

Sabay silang napabuntong hininga ni Aida. Bigla yatang pumait ang panlasa niya. Or maybe she tasted the bitterness of her heart? Hell. Ang sakit din pala. Halos maluha pa siya.

Napakurap na lang si Skylar para hindi maiyak.