Chereads / My Heart Remembers / Chapter 17 - MHR | Chapter 15

Chapter 17 - MHR | Chapter 15

"W-What?"

Ngumisi ito saka niyuko ang pusa, "Did you like it, Bella?"

Meow.. was the cat's only answer— as if it understood him.

"How did you...learn to sing like that?" aniya.

Muli siya nitong sinulyapan at nginitian, "My mother likes to listen to Japanese music."

"I see." Bigla ay naaala niyang minsan nang binanggit ni Dani na may dugo itong Hapon. She got curious, "Do you know how to speak Japanese?"

He shrugged. "Yeah, I can speak Japanese fluently, since my father is half Japanese. I was born in Japan and lived there until first grade. Then, we moved to the States when I was seven."

She rolled her eyes upwardly. "Isa lang ang itinanong ko pero lima ang isinagot mo," she said sarcastically.

Ryu laughed, "I just thought I'd let you know."

Hindi na siya nagsalita pa at muli na lang itinuon ang pansin sa labas ng bintana, hoping that the rain would stop and the light turns back.

Si Ryu ay muling tinipak-tipak ang instrumentong hawak upang marahil libangin ang sarili.

Sa loob ng halos ilang minuto ay ganoon lang sila. Ang flashlight na naroon ay sapat upang bigyan ng kaunting liwanag ang silid. Napapa-igtad siya sa tuwing kumikidlat at kumu-kulog ng malakas. Mariin niyang ipinipikit ang mga mata at napapayakap sa bag. Oh, she could not take it anymore! Bakit ba hindi pa rin bumabalik ang kuryente?!

"You can sit beside me if you're scared..."

Marahas niyang nilingon si Ryu na sa mga oras na iyon ay tumigil na sa pagtugtog at naka-mata lang sa kaniya. "The hell I will!"

"I don't bite.." anito saka ngumisi ng nakakaloko.

Muling kumulog at napasigaw siya. She closed her eyes again so she could not see the lightning.

Habang nakapikit ay muli niyang narinig ang pagtugtog ni Ryu ng ukelele. He played a nice melody at doon natuon ang pansin niya.

"Kanina ko pa gustong ilihis ang pansin mo pero matigas ang ulo mo, Buttercup."

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at kunot-noong tinitigan si Ryu. Nakita niyang habang tumutugtog ito'y nakapako ang mga mata nito sa kaniya.

"I was playing the music for you the whole time, para mawala ang pansin mo sa kulog at kidlat. But you were so hard-headed at pilit pang pinagmamasdan ang kondisyon sa labas. Do you really hate me that much?"

Hindi siya sumagot.

Ryu continued to play the instrument.

Hindi niya alam kung gaano sila ka-tagal na naroon. She tried to ignore the rumbling noise from the outside. Sinunod nya ang payo ni Ryu na pakinggan ang musika imbes na pansinin ang masamang panahon sa labas. Hanggang sa lumipas pa ang ilang minuto at sa muli niyang paglingon sa bintana ay napansin niyang tumigil na ang pagkidlat at pag-kulog. Kahit ang ulan ay bahagya na ring humina. Napa-tayo siya.

"What's wrong?" ani Ryu na tumayo rin at nilingon ang bintana. Dinampot nito ang flashlight na nasa sahig at itinutok iyon sa labas upang suriin ng mabuti ang kondisyon doon.

"Tumigil na ang ulan pero malakas pa rin ang hangin. I don't think it's safe to go outside. Let's give it another hour, I'll call someone to pick us up—"

"Bakit ka ba nagde-desisyon para sa akin?" iritable niyang tanong dito.

Nilingon siya nito, "I just don't want you to be in danger—"

Bago pa man nito matapos ang sasabihin ay tinalikuran na niya ito at saka siya humakbang patungo sa pinto. She was about to open the door when Ryu's flashlight turned off.

Marahas niya itong nilingon. "What the heck, Ryu Donovan?!"

"Battery's dead."

Inis siyang humakbang sa gitna ng dilim palapit kay Ryu. Somehow, ay naaaninag niya ang paligid dahil marahil sa tagal ng pananatili nila sa dilim at nakapag-adjust na ang paningin niya.

Dire-diretso lang siya hanggang sa biglang tumama ang paa niya sa kung anong matigas na bagay dahilan upang muntikan na siyang matumba kung hindi lang naging maagap si Ryu.

Nasalo siya nito at kahit siya'y napakapit sa mga balikat nito. Marahas siyang napasinghap nang magdikit ang mga katawan nila.

"See? You won't be able to get out of this building safely unless the lights are back."

She felt the warmth of his breath fanning on her face and she was stunned. Kahit ang mga kamay nitong nakaalalay sa kaniya ay nagdadala ng seguridad. Saglit siyang natigilan. Hanggang sa maramdaman niya ang biglang pag-kati ng kaniyang ilong. Nanlaki ang mga mata niya at walang ibang salitang itinulak si Ryu.

"Stay away from —" at bago pa niya matapos ang sasabihin ay humatsing siya ng malakas.

Si Ryu ay sandaling natigilan bago nakakaunawang tumawa. "I'm sorry, I forgot you're allergic to cats."

Matapos ang ilang sandali ay humupa na ang pangangati ng ilong niya. Mabilis niyang binuksan ang bag at hinanap ang panyo niya.

"Are you okay? I'll try to stay away from you but you need to stay here and wait a little bit longer."

Helplessly, she dropped herself on the floor. Niyakap niya ang mga tuhod at yumuko.

Oh, she's very hungry and tired and pissed. All she wanted to do was to go home, eat her cup noodles, wash up and go to sleep. Kaya niyang suungin ang ulan pero naisip niyang sa lakas ng hangin sa labas ay baka kung anong mga lumilipad na bagay ang tumama sa kaniya. Ang masama pa'y baka may ilang mga puno rin sa daan ang magbagsakan habang naglalakad siya pauwi.

Mommy.. Gusto na niyang umiyak.

"Damn it."

Umangat ang ulo niya nang makarinig ng mura mula sa lalaking kasama. Nakita niyang hawak nito sa kamay ang cellphone.

"There's no signal. I can't call anyone for help." Niyuko siya nito. "I thought of calling one of my brothers to pick us up but I can't get a signal, I'm sorry about this, Luna."

How can he look so tough but sound so tender? aniya sa isip. Natigilan siya. Wait, what am I thinking?!

Gamit ang flashlight na nasa cellphone nito'y muling nagkaroon ng liwanag sa paligid. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng ginhawa. Inilapag nito ang cellphone sa gitna bago humakbang pabalik sa may bintana at muling tinabihan si Bella na tahimik pa ring natutulog sa sahig.

"Are you starving?"

Napatingin siya rito. "Yes."

Ngumiti ito, "Me too. I crave for a delicious ramen."

Muli siyang yumuko at pumikit. Unti-unti na siyang nakakaramdam ng matinding pagod at antok. Pero kailangan niyang labanan ang pagpikit ng mga mata dahil wala siyang tiwala sa lalaking kasama niya ngayon. Aba! Ano'ng malay niya, baka gawan sya nito ng masama!

Huminga siya ng malalim at muling itinaas ang ulo, saka niya tinampal-tampal ang mga pisngi para gisingin ang inaantok na diwa.

Sinulyapan niya si Ryu at nakitang patuloy nitong hinihimas ang ulo ng alagang pusa.

"Hey."

Sinulyapan siya nito.

"Why me?"

He frowned, "What do you mean?"

Pa-inosente ang tinamaan ng magaling! Huminga siya ng malalim, "Bakit ba ako ang pinag-ti-tripan mo?"

Sandali itong natigilan sa tanong niya bago malapad na ngumiti. "Still doubting my intentions, Luna?"

"I don't care about your intentions. I just want to know why are you wasting your time on me? Lagi kong sinasabi sa iyong ayoko sa'yo. I have been avoiding you, ignoring your efforts and yelling at you pero matigas ka rin. You just don't give up."

"You don't give up on someone you love, Luna Isabella."

Umikot ang mga mata niya. "I will never return your feelings, Ryu Donovan. So don't waste your time on me anymore. Just stop already."

"You can't tell me what to do, Buttercup."

Gusto niyang mapikon nang muling marinig ang tawag nito sa kaniya subalit pinigilan niya ang sarili. Humugot siya ng malalim na paghinga.

"Ok, look. The best I can offer you is friendship. That's all. It can't be anything more than that."

"I don't want to be your friend, Buttercup. I want to be someone special."

"Friendship is possible. But a relationship between us is a miracle, so don't expect too much."

"Miracle happpens once in a while. If I get lucky, it may hit me."

Muling umikot ang mga mata niya sa sinabi nito. "Sa dami ng mga babaeng nahuhumaling sa'yo dito sa school, bakit ako?"

Matagal siyang naghintay ng sagot ni Ryu. He was just staring at her, probably thinking how to give a definite answer.

"I don't know. Maybe something just hit me and the next thing I knew, I like you already."

"What a stupid answer."

Natawa si Ryu sa sinabi niya. Kinunutan siya ng noo. Why did it start to sound so good in my ears? What's happening to me?

Gusto pa sana niyang i-analisa ang biglang naramdaman nang bumukas ang ilaw sa library. Doon siya nakahinga ng maluwag.

Si Ryu ay tumayo at lumapit sa kaniya. Pagkalapit ay inabot nito ang kamay sa kaniya.

"What?" aniya rito.

"I'll bring you to your apartment. Malakas pa rin ang hangin pero baka muling bumuhos ang malakas na ulan. Delikado pa rin sa labas pero kaya kitang ihatid hanggang sa tinutuluyan mo."

"So you're acting like my protector now?" taas-kilay niyang sabi rito. Tinabig niya ang kamay nito saka tumayo. "I don't want to owe you anything, I can handle myself."

Subalit wala pa ring nagawa si Luna. Pagdating nila sa labas ng school building ay napasinghap siya nang hawakan siya sa kamay ni Ryu. At bago pa siya makapalag ay hinila na siya nito.

Mabilis silang naglakad sa ilalim ng mahinang ambon. Hawak-hawak ni Ryu ang kamay niya na hindi niya magawang bawiin. Kung bakit ay hindi niya alam.

Tahimik lang itong nakatutok sa daan, tumitingala sa mga puno para siguraduhing ligtas ang daraanan nila. May mga malalaking sanga sa daan na nahulog mula sa mga malalaking puno at iyon marahil ang inaalala ni Ryu.

Sa loob ng sampung minuto ay narating nila ang apartment niya. Lihim siyang nagpasalamat nang makitang hindi iyon binaha. Naisip niyang marahil ay naipaayos na ang drainage.

Pagkarating sa harap ng gate ng apartment ay saka niya binawi ang kamay mula kay Ryu.

"I still don't like you, but thanks anyway." Mahina niyang sabi rito na ikina-ngiti nito.

Tumingala siya sa madilim na kalangitan nang maramdaman ang muling pagbuhos ng mahinang ulan. "Wala akong pakealam sayo pero hindi ka ba mahihirapan sa pag-uwi sa ganitong kondisyon ng panahon?"

Natawa si Ryu sa sinabi niya. "You are being cute, don't you know that?"

Umikot ang mga mata niya. "Stop flirting, walang dating sa akin. Dahil sa ginawa mong paghatid ay nagkaroon tuloy ako ng utang na loob sa'yo. The least I could do is to act like a care even if I don't."

Lalo itong natawa sa sinabi niya. Pinagmasdan niya ito sa malutong na pag-tawa at hindi niya maiwasang maaliw.

Wait, what?!

Yumuyugyog pa rin ang mga balikat nito nang abutin siya nito sa pagkamangha niya. He touched her face softly and stared straight into her eyes.

"I won't forget this day."

Gusto niyang umiwas sa pagkakahawak nito at isara na ang gate pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit hindi niya magawa.

"Thank you for making me laugh, I've had a rough day today but I was really grateful to the storm. I was able to spend time with you."

She was about to ask what he meant by having a rough day when he let go of her. Nang maibaba nito ang kamay ay umatras ito.

"Remember the music I played in the library? The song is called Voice of the Sea. Search it on the internet and play it if you start hearing the thunder and lightning again. Maaring buong gabing umulan at kumulog, the music will help you calm down."

Wala sa loob na tumango lang siya.

"Also, Luna..." muli itong sumeryoso. "Please don't doubt my feelings for you. They are the only things I'm sure of in my life right now."

Hindi niya maintindihan kung bakit ang lakas ng tama ng sinabi nito sa kaniya.

Bago pa niya maintindihan ang nararamdaman ay muli itong nagsalita,,

"See you in the morning," anito bago tumalikod at naglakad palayo. Unti-unting lumalaks ang pagbuhos ng ulan, kung saan man ito pupuna ay siguradong aabutan io at tuluyang mababasa.

Hindi siya umalis sa kinatatayuan hanggang sa mawala sa paningin niya ang lalaki.

This is getting weird...

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE