Napa-pitlag si Luna nang marinig ang sinabing iyon ni Dani. Nakita niya ang sandaling pagbabago ng anyo ni Ryu nang tumapat rito ang bibig ng tumbler. He laughed and she was mezmerized.
"Truth or dare, Mr. Donovan?" malanding sambit ni Dani sabay sulyap sa kaniya.
Binigyan niya ng warning look ang kaibigan.
"Truth," sagot ni Ryu.
"Oh, that sucks..." ani Dani. "I was hoping na pipiliin mo ang 'dare' dahil may gusto akong ipagawa sa'yo."
Natawa si Ryu at hindi na sumagot.
"Wala akong maisip na itanong," ani Dani saka siya sinulyapan. "How about you throw him a question, Luna?"
She frowned. "Why me?"
Dani shrugged. "Why not?"
Inirapan niya ang kaibigan. "Ayaw ko. Ikaw ang may pasimuno nito kaya ikaw ang mag-isip ng mga tanong mo."
"Aww, killjoy!" ani Dani sabay ikot ng mga mata nito. Bumaling ito kay Ryu. "So, is it true na marami kang pina-iyak na mga babae sa America?"
Nakataas ang mga kilay na sinulyapan niya si Ryu na natawa sa tanong ng kaibigan.
"Where did you get that information?"
"Just answer the question, Mr. Donovan," malanding sambit ni Dani na lalong ikintaas ng kilay niya.
Umiling si Ryu. "No, it's not true. Hindi ako marunong manakit at magpaiyak ng mga babae." Bigla ay nilingon siya nito na ikina-pitlag niya. "And that's a promise, Luna."
Ang lakas ng kantiyaw ng mga ka-grupo nito at si Dani ay halos ma-milipit sa kilig. Subalit natahimik ang lahat nang magsalita si Stefan.
"Are you sure about that, Mr. Donovan?"
Kunot-noong sinulyapan niya ang katabi at nakita ang seryosong anyo ni Stefan.
Si Ryu ay napatingin sa nagsalita at sandali itong tinitigan bago. "Yes, I am certain."
Hindi na sumagot si Stefan subalit nanatili itong nakatitig kay Ryu.
Si Dani ay muling kinuha ang pansin ng lahat. "Well, Mr. Donovan, how about you tell us kung ano ang nagustuhan mo rito sa kaibigan namin? Ito raw kasi ang unang pagkakataong nanligaw ka sa isa sa mga estudyante ng CSC."
Inalis ni Ryu ang tingin kay Stefan at muling sinulyapan si Luna. He smiled again.
"Well, for starters... she has a really nice pair of legs."
Napasinghap siya sa sinabi nito. "Bastos!"
Natawa si Ryu. "What do you mean? It was a compliment."
Pinamulahan siya ng mukha. Alam niyang naalala nito ang unang beses nilang pagkikita sa harap ng school, one rainy morning. Noong araw na nilipad ng hangin ang palda niya at na-expose ang spandex shorts niya sa harap nito.
"Well," si Kaki ay sinulyapan siya. "You do have a really nice pair of legs. Kinaiinggitan kaya namin ni Dani ang mga binti mo."
Dinilatan niya ng mata si Kaki na tumawa lang.
Ibinalik niya ang pansin kay Ryu at nakitang muli itong mataman na nakatitig sa kaniya. She cringed.
"Why the hell are you staring at me like that? You're creeping me out, can you stop that? Buong maghapon ay wala ka nang ginawa kung hindi titigan at sulyapan ako!"
Natawa ang lahat sa sinabi niya, maliban kay Stefan na nanatiling nakatitig kay Ryu.
Ryu smiled, "I don't know how to flirt so I'd probably just stare at you until you marry me and have a dozen babies with me."
Lalong natawa ang lahat na ikina-pikon niya.
Tumayo siya at tinalikuran ang mga ito saka nagmartsya palayo sa lahat.
*****
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE