"Are you okay?"
Lumingon si Luna nang marinig ang tinig ni Stefan sa kaniyang likuran. Bahaw siyang ngumiti bago muling ibinalik ang pansin sa lawa. Nakaupo siya sa malaking bato at nakamasid sa tubig.
Matapos niyang mag-walk out kanina ay doon siya sa lawa dumiretso para magpalamig ng ulo. Hindi iyon kalayuan mula sa pinagtayuan nila ng tent at bahagya pa niyang naririnig ang ingay na nagmumula sa mga kasamahan.
Naupo si Stefan sa tabi niya. "They are all ready to sleep."
"Dito muna ako at magpapahangin."
Tumango ito saka tumingala sa langit. Maraming mga bituin ang nagkalat sa gabing iyon at masaya sanang pagmasdan kung hindi lang sinira ni Ryu Donovan ang gabi niya.
"Do you like me, Luna?"
Napasinghap siya sa biglang tanong na iyon ni Stefan. Nilingon niya ito at nakitang nakatingala pa rin ito sa langit.
She swallowed hard, hindi niya alam kung papaano sasagutin ang tanong nito.
Nang wala itong narinig na sagot mula sa kaniya ay nilingon siya ni Stefan. At doon nagtama ang kanilang mga mata. "Because I'm starting to like you."
Bumilis nang bumilis ang tibok ng puso niya. She was speechless and she didn't know how to react. Masaya siyang marinig ang mga salitang iyon mula kay Stefan subalit hindi rin niya maiwasang mangamba. Kung bakit, ay hindi niya alam.
"So, do you like me, too?"
Wala pa ring salitang lumabas sa kaniyang mga bibig. Tumango lang siya bilang pagsagot dito.
Ngumiti ito. "Would it be nice if we start dating tomorrow?"
Sandali lang siyang natigilan sa sinabi nito bago siya napangiti.
Stefan held her hand and pressed it.
llang sandali pa'y naging seryoso ang anyo ng lalaki at mariin siyang tinitigan.
Wala siyang ideya kung ano ang tumatakbo sa isip nito, hanggang sa dahan-dahan itong yumuko at inilapit ang mukha sa kaniya.
He's going to kiss me!
She was about to close her eyes and wait for his lips when she heard a noise behind them. Ingay na nagmula sa mga tuyong dahon at maliliit na mga sanga na tila naapakan.
Sabay silang napalingon ni Stefan sa mga puno sa kanilang likuran at nang makitang walang sinuman doon ay muli silang nagkatinginan.
"Kanina ko pa nararamdamang parang may nakamasid sa atin," aniya.
Tumango ito. "I think we should go back, lumalalim na rin ang gabi."
Bagaman nanghihinayang sa maganda sanang tagpo ay tumango siya.
Naunang tumayo si Stefan at inalalayan siya.
Naglakad sila pabalik sa mga tent na magka-hawak ang mga kamay. Pagkarating doon ay nakita niya sina Marco, Kane at Grand na nasa harap pa rin ng bonfire at nag-uusap. She noticed how the three men frowned when they saw her hand intertwined with Stefan's.
They are just like their Boss... aniya sa isip saka umiwas ng tingin at itinuloy lang ang paglalakad.
Nang marating nila ang tent na pagsasaluhan nila ni Kaki ay hinarap niya si Stefan. "Thank you."
Tumango ito at pinong ngumiti. "Have a good sleep and see you in the morning."
She smiled back, "Good night, Stefan."
Hanggang sa magpaalam na si Stefan at makapasok siya sa loob ng tent ay hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ni Luna. She was just too happy.
"Where have you been? Nagkita ba kayo ni Ryu?" ani Kaki, nakahiga na ito at nasa cellphone ang pansin.
Tumabi siya rito, "What do you mean?"
"Well, nang sundan ka ni Stefan ay sumunod din sa inyo si Ryu. Sino ang naunang nakahanap sa iyo?"
"Ugh!" She rolled her eyes in frustration. "I knew someone was listening to us behind the trees..." bulong niya na ikina-kunot ng noo ni Kaki. Nilingon siya nito.
"What?"
"Stefan found me first. Pero habang nag-uusap kami, pakiramdam ko ay may nakikinig sa amin sa paligid."
"Well, it must be Ryu."
Sandali siyang nag-isip at itinanong sa sarili kung narinig nito ang pagtatapat ni Stefan.
Bumangon si Kaki at muling isinuot ang salamin, "Anong pinag-usapan ninyo ni Stefan?"
Nang maalala ang pag-amin ng binata ay muli siyang napangiti at ikinuwento sa kaibigan ang lahat.
"Oh, and Ryu heard it all?" nanlalaki ang mga matang sambit nito matapos niyang magkwento.
Nagkibit-balikat siya saka nahiga na, "Marahil."
"I wonder what would he feel about it?" anito saka nahigang muli.
"I don't know and I don't care. Pero kung sakali mang narinig niya ang lahat, ay umaasa akong titigil na siya sa pangungulit at pag-gambala niya sa akin. Stefan and I are technically a couple now."
Si Kaki ay sandali siyang sinuri ng tingin bago muling nagsalita, "Hindi ka ba nagtataka na bigla nalang nagsabi si Stefan na gusto ka na rin niya?"
"Ilang beses na rin kaming nagkakasabay na kumain tuwing lunch, madalas na rin kaming mag-usap nitong nakaraang mga araw at—"
"He was just civil, wala akong nakikitang kakaiba sa kaniya sa tuwing magkasama kayo. Tapos ngayon ay sasabihin niyang gusto ka na rin niya?"
Kinunutan siya ng noo, "Aren't you happy for me, Kaki? Hindi ba't sabi mo kaninang umaga, bilang kaibigan, susuportahan mo ako kung saan ako magiging masaya?"
Bumuntong hininga ito. "I'm sorry. I just can't help but wonder, Luna. Bigla nalang kasi..."
"Iniisip mo bang niloloko lang ako ni Stefan at hindi totoong may pagtingin na rin siya sa akin?"
Umiling ito at pilit na ngumiti, "Never mind what I said." Pinatay na nito ang cellphone saka umayos ng higa, "Good night, Luna."
*****
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE