Chereads / My Heart Remembers / Chapter 23 - MHR | Chapter 21

Chapter 23 - MHR | Chapter 21

"Good morning," bati ni Luna kay Dani kinabukasan. Paglabas niya ng tent ay ito kaagad ang nakita niyang naka-upo mag-isa sa harap ng bonfire at nangangalumbaba. "What's the matter?"

"My sweetiepie Ryu Donovan left this morning."

"He did?" Nakahinga siya ng maluwag. Great!

"Yeah, sinabi ni Marco na maaga itong nagpaalam dahil may natanggap na emergency call galing sa mama niya."

Si Kaki na nasa likuran niya ay nagsalita, "Siya lang ba ang mag-isang umalis?"

"No." Bumuntong-hininga si Dani. "Kasama niyang umalis sina Grand, Blaze at Kane. Oh, I feel like half of my body turned cold... I feel so lonely."

Hindi na nakapagsalita pa ang dalawa nang may umagaw ng pansin nila.

"Good morning."

Sabay silang bumaling kay Stefan na lumabas sa tent nito kasunod si Kier.

Luna gave him a sweet smile, "Good morning."

He smiled back, "We are planning to swim at the lake. Would you like to join us?"

"Gusto ko, pero wala akong dalang pambihis—"

"Oh, it's fine," sabi ni Dani sabay paypay ng kamay sa ere. "Pwede na tayong umalis pagkatapos nating maligo sa lawa. The rest of the Alexandros are there already."

"Let's go, Luna?"

Tinanguan niya si Stefan at sabay silang naglakad patungo sa lawa.

Sina Kaki at Dani na sandaling naiwan ay nakasunod ang tingin sa dalawa.

"Luna said something to me last night," umpisa ni Kaki.

"About what?"

"Sinabi ni Stefan na gusto na rin siya nito and that they are now a couple."

"No shit!" Nanlalaki ang mga mata ni Dani.

"And Ryu heard it. Naroon siya nang mag-aminan ang dalawa."

"Holy cow," naitapik ni Dani ang palad sa noo.

"What exactly was your plan on bringing Stefan and Ryu here?"

"I was just hoping to get Ryu and Luna closer—"

"Then why did you invite Stefan, too?"

"Because I thought it would be more fun." Bumuntong hininga si Dani, "Oh, what a mess..."

"Well, it happened. At wala tayong ibang choice kung hindi suportahan nalang si Luna."

"Pero mas bagay sila ni—" Tumigil ito at muling bumuntong hininga. "Whatever. Hindi rin natin mapipilit si Luna dahil noong una palang ay si Stefan na ang gusto niya. Oh, sana pala hindi ko na isinama si Stefan. My ship just got wrecked."

Napa-iling si Kaki. "You and your sorry ass, Dani.."

*****

Sa loob ng dalawang linggong semestral break ay dalawang beses din na nagkita sina Luna at Stefan. Ang unang beses ay noong dumalaw ito sa bahay nila where she stayed during the break. Stefan had already met her parents at walang masabi ang Mommy at Daddy niya rito. He was nice and respectful. Sinabi nitong maaga itong naulila sa mga magulang at ang kasama nalang nito sa buhay ay ang Ate nitong siyang nagpapatakbo ng negosyong naiwan ng mga magulang. At ang makilala ang mga magulang niya ay isa sa napaka-mahalagang bagay rito.

Ang pangalawang pagkakataon naman ay noong nagkita sila nito sa bayan at namasyal.

Maliban doon ay hindi sila gaanong nakakapag-usap nito dahil ang sabi nito'y abala ito sa pagtulong sa ate na pamahalaan ang negosyo ng pamilya. She was hoping to spend more time with him but she understood that Stefan was trying his best to help his sister. Nasabi nitong madalas magkasakit ang ate nito kaya kailangan din nitong samahan ang kapatid.

Masaya siya sa nangyari sa kanila ni Stefan, subalit may mga pagkakataon, sa dalawang beses na pagkikita nila matapos ang bakasyong iyon sa farm ng mga magulang ni Dani, na nakikita niyang nakatingin lang sa malayo si Stefan at tila may malalim na iniisip. He was a bit distant, too. Pero iniisip nalang niya na hindi talaga ito malambing na tao.

He never tried to kiss her again, nor held her hand when they were alone on the second date. Siguro dahil pareho pa silang naninibago at nag-a-adjust. She was just hoping that they'd get closer and closer pagdating ng second semester.

Pagdating ng araw na pagbabalik nila sa eskwela ay sabik na pumasok si Luna. Sa entrance gate pa lang ay nakita na niya si Dani na bumaba sa sasakyang naghatid dito sa school. Kinawayan siya nito nang makita siya.

"Hi there!" anito.

"How was your two-week break?" aniya nang makalapit.

Umikot ang mga mata nito, "Messy. Pinagtrabaho ako ng mga magulang ko. How about yours?"

"Well... I stayed with my parents. So, there's nothing really much to it."

"Nagkita ba kayo o nag-date ni Stefan?"

Tipid siyang ngumiti, "We did, twice."

"How was it?"

"It was... okay." Hindi niya maintindihan kung bakit wala siyang maramdamang excitement na magkwento ng tungkol sa kanila ni Stefan. Dahil maliban sa wala naman talagang exciting na nangyari sa 'relasyon' nila sa loob ng dalawang linggo ay tila may kulang siyang nararamdaman.

"Mukhang hindi ka masaya," komento pa ni Dani.

"M-masaya ako naman ako, kaya lang..."

"Kaya lang?" Tumigil ito sa paglalakad at hinarap siya. "May kulang, 'di ba?"

"How did you..."

"Maybe Stefan is not the right person for you."

Doon rumolyo ang mga mata niya. Alam na niya kung saan papunta ang sinasabi nito. Nauna siyang naglakad at iniwan ito.

"You are not in-love with Stefan, dahling. You are just infatuated and infauation is different from love."

"Yeah, please educate me," sarkastiko niyang sagot habang tuloy lang sa paglalakad.

"He's boring, you will never be hap—"

Tumigil siya at hinarap ito. "Dani, alam kong sinasabi mo lang iyan dahil gusto mong si Ryu Donovan ang makatuluyan ko. But it will never happen, never in this lifetime. I am inlove with Stefan at siya lang ang gusto kong makasama."

Humalukipkip ito at tinaasan siya ng kilay, "Yeah, try to convince me. Ni hindi umabot sa mga mata mo iyang mga sinasabi mo."

"Ang aga-aga ay nagtatalo kayo," ani Kaki na papalapit.

"Because Dani was trying to act like an expert here."

Umikot lang ang mga mata ni Dani sa sinabi niya.

"Kung kaibigan talaga kita ay magiging masaya ka sa naging desisyon ko, Dani."

Akmang sasagot si Dani nang pumagitna si Kaki, "Whoa, whoa whoa. Chill, unang araw ay nagtatalo kayo. At ikaw naman Dani, hindi ba't napag-usapan na natin ito? Luna has already decided, at si Stefan ang napili niya. Ryu Donovan has no other choice but to accept it and retreat."

Umirap si Dani at hindi na sumagot pa. Lumapit si Kaki at hinawakan ang mga braso ng dalawa. "Come on, now. Pumunta na tayo sa room natin. Malay mo, naroon na rin si Stefan at naghihintay."

Hanggang sa makarating sila sa classroom nila ay hindi na muling nagsalita pa sina Luna at Dani. Pareho ang mga itong nag-irapan lang. Si Kaki naman ay pilit na gumawa ng mapag-uusapan pero parehong tahimik lang ang dalawa.

Pagkarating sa kani-kaniyang mga mesa ay kinunutan si Luna nang makitang may nakapatong na origami at note sa mesa niya.

Ang lakas ng tawa ni Dani. "See? Mah man won't give up that easily."

Kinuha ni Luna ang mga iyon at dinala sa trash bin. Pagkabalik niya'y saka siya nagsalita, "I expected that somehow." Sinulyapan niya ang desk ni Stefan at bumuntong hininga nang makitang wala pa ito roon. Akma na siyang uupo nang may mapansin. She frowned.

Stefan's bag was actually there.

"Luna!"

Napalingon siya sa pinto ng room nila nang marinig ang sigaw ni Kier. Habul-habol nito ang paghinga.

"Si Stefan, binubugbog ni Ryu Donovan sa field ngayon!"

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE