Chereads / My Heart Remembers / Chapter 27 - MHR | Chapter 25

Chapter 27 - MHR | Chapter 25

"Alam ni Kier na makikipagkita ako sa inyo rito," umpisa ni Stefan. "Kaya kung may mangyayaring masama sa akin ay alam ng kaibigan kong kayo ang may gawa."

Si Marco ay nagsalita. "H'wag kang mag-alala, wala kaming planong gulpihin ka. Ryu has done enough damage, baka hindi na kayanin ng katawan mo kung bubugbugin ka pa ulit namin. We are here to ask for a favor."

Pigik na natawa si Stefan. "So now the Alexandros needs me, eh? What is it?"

"Alam naming ginulpi ka lang ni Boss Ryu dahil sa ginawa mong pag-gamit kay Luna para paghigantihan sya."

Hindi naiwasan ni Luna ang malakas na pagsinghap nang marinig ang sinabi ni Marco.

"We need you to tell the truth to the school commitee. Na kaya lang nagyari iyon ay dahil kasalanan mo rin. Boss Ryu did not deserve to be kicked out, isang semester na lang ay magtatapos na siya pero nang dahil sa pansarili mong dahilan ay nasira iyon," patuloy ni Marco.

Muling pigik na natawa si Stefan. "And what made you think that I will concede? Matapos kong indahin ang pambubugbog niya para maisakatuparan ang mga plano ko? You are wasting my time." Akma itong aalis nang magsalita si Kane.

"Walang kasalanan si Boss Ryu sa tangkang pagpapakamatay ng ate mo noong nakaraang taon. Kahit kailan ay hindi niya pinaasa si Stella. Sa umpisa pa lang ay sinabi na ni Ryu na hindi siya nito gusto at tumigil na dahil wala itong panahon sa pakikipagrelasyon, pero mapilit ang ate mo. At upang takutin si Ryu ay nagtangka itong magpakamatay."

"H'wag mong banggitin ang ate ko rito!" galit na sambit ni Stefan.

"Why not?" ani Kane. "Siya ang dahilan kung bakit galit na galit ka kay Ryu. Ang plano mong paghigantihan siya sa pamamagitan ni Luna ay naging matagumpay. Some students believed you and they started to hate Ryu, hindi na ito makakapagtapos dito sa CSC at tuluyang nagalit si Luna rito. All because you thought he did your sister wrong. Pero dapat mong malaman na mali lahat ng alam mo at hindi dapat nangyari ang lahat ng ito kay Ryu."

"I believe my sister—"

"I'm sorry to say this, but your sister is a nutcase," sabi naman ni Marco na ikinalaki ng mga mata ni Stefan.

"You son of a—"

"Did you know that she first fell inlove with me before she met our Boss?" ani Marco na diretsong nakatitig kay Stefan. "But before that, she was also flirting with Grand. What I was trying to say to you was, your sister wanted to flirt to every man she thought had met her standard. Mas matindi ang tamang naramdaman nito kay Boss, kaya nang hindi rin siya nito pinatulan ay nagtangkang maglaslas ng pulso upang takutin ito. She probably forgot that she was dealing with Ryu Donovan, a man who fears nothing."

Nagbabaga ang mga matang akmang lalapitan ni Stefan si Marco nang naging maagap ito at muling nagsalita, "Stay right there, Stefan Burgos. For your own good. Hindi ko maipapangakong hindi gawin sa iyo ang ginawa ni Boss Ryu."

Tumigil nga si Stefan at ikinuyom ang mga palad.

Si Grand, sa unang pagkakataon, ay nagsalita rin. "So you see.. kinaibigan kami ng ate mo para mapalapit sa amin. Kapag may mga babae kaming nagugustuhan noon ay palihim niyang sinusundan sa pag-uwi upang takutin at saktan hanggang sa hindi na ang mga ito pumasok pang muli sa school. Walang kasalanan si Ryu Donovan sa ginawa ng ate mo sa sarili niya. She inflicted it to scare people, because she's crazy."

"My sister is not crazy! She is so good to me at malinaw niyang sinabi sa akin na minahal niya si Ryu Donovan pero pinaasa lang siya nito—"

"Kung mabuting kapatid ang ate mo ay hindi niya lalasunin ang utak mo," sabat pa ni Marco. "Sa katunayan ay hindi namin kaagad nalaman na magkapatid kayo. It was only after we went to Dani Colacion's family farm when Ryu got curious about you so he had you checked. Pinaimbestigahan ka namin at doon namin nalaman na kapatid mo sa ina si Stella Reyes. Had you shared the same surname, we would have known earlier. Hindi mo na sana nadamay pa sa paghihiganti mo si Luna."

Kane tsked. "Nang malaman mong may gusto si Boss Ryu kay Luna ay ginamit mo siya para paghigantihan ito, tama? You've succeeded, he was feeling down when Luna chose you. Maliban pa roon ay nakumbinsi mo ang school commitee at pinaniwala silang masamang tao si Ryu Donovan, you even convinced the students that he was just pretending to be a good man when all along he was the greatest bully of this school. You disgust us, Stefan Burgos. Hindi tama ang ginawa mong paghihiganti lalo at hindi mo alam ang totoong istorya. Now, we want you to tell the truth and convince the school administration to allow Ryu Donovan to finish the final semester."

Malakas na tumawa si Stefan, "I see what it is... Inutusan ba kayo ng magaling niyong 'Boss' na kumbinsihin akong i-urong ang reklamo at kausapin ang school committee? Pathetic." Muli itong tumawa ng malakas.

Umiling si Kane, "No. Hindi niya alam na ginagawa namin ito para sa kaniya. Dahil kapag nalaman niya ay siya rin mismo ang kusang pipigil sa amin upang gawin ito. We just thought that as brothers, we should support and help each other. You probably wouldn't understand, but it's important for us to help each other through good and bad times, and to never turn our back to anyone who needs help and support. Dahil iyon ang sumpaan namin sa grupong ito."

Matagal bago sumagot si Stefan. "It's still a no. Wala akong pakealam sa mangyayari kay Ryu Donovan. Mas naniniwala ako sa kapatid ko. Masaya ako dahil napagtagumpayan ko ang matagal ko nang plano at wala kayong gagawin o sasabihin para i-urong ko ang reklamo laban sa gago ninyong Boss!" Muli itong tumawa ng nakaloloko.

Si Jet at Raven ay nilingon si Marco.

"Could you just let us beat his ass, Marco?" ani Raven na kanina pa nagpipigil ng galit.

Si Jet naman ay nagsalita rin. "I want to personally remove his nails and kick his balls. Just say 'go' Marco. And I'm going to fucking kill this bastard."

Natigilan si Stefan sa narinig na sinabi ng dalawa saka umatras.

Si Marco nama'y napa-iling. "As much as I want to allow you, we still need his cooperation."

Doon ay muling tumawa ng malakas si Stefan na ikina-init lalo ng ulo nina Jet at Raven.

"You can't touch me because you need me, eh?" anito. "Well, good luck to your group— I'm not changing my mind."

Akma na sanang tatalikuran ni Stefan ang grupo nang hindi na napigilan ni Luna ang sarili at lumabas sa pinto.

Sabay na lumingon sa direksyon niya ang lahat.

Mabilis na naglakad si Luna at nang makalapit ay hinarap si Stefan na salubong ang mga kilay.

"You good-for-nothing, son-of-a-gun!!!" sigaw ng dalaga bago malakas na suntukin si Stefan sa mukha. Hindi nito kaagad nahulaan ang plano niya kaya hindi kaagad naka-iwas.

Si Stefan, nang matauhan, ay tinapunan siya ng masamang tingin at akma sana siyang sisigawan nang muli siyang kumilos at tinuhod ito ng malakas.

Hiyaw ni Stefan ang narinig sa paligid. Napaluhod ito at sinapo ang bagay na iyon sa pagitan ng mga tuhod. He was literally crying for help.

Hinarap ni Luna ang grupo na nabigla at namangha sa ginawa niya. "Where is Ryu?"

Si Marco, nang makabawi sa pagkabigla ay tumikhim saka sumagot. "We don't know. Simula nang bumalik kami sa school isang linggo na ang nakakaraan ay hindi na namin siya ma-contact."

She frowned. "What do you mean?"

"Laging nakapatay ang cellphone niya..." saglit itong napasulyap sa nakaluhod pa ring si Stefan at humihiyaw sa sakit bago muling sinulyapan si Luna, "sa tuwing tatawagan namin siya."

"How about his address?"

Si Kane naman ang sumagot. "We went there the other day but nobody's home. Weill try again tomorrow."

"They also own a Japanese restaurant in town," sabi pa ni Seann. "Plano naming pumunta ngayon doon para makibalita."

Tumango siya. "Can I come with you? I need to talk to him."

"Hindi sigurado kung naroon siya ngayon sa restaurant o sa bahay nila. Kahit ang mga empleyado ay hindi alam kung nasaan siya. His mother is not around, too," sagot muli ni Marco.

Hindi kaagad nakasagot si Luna nang marinig ang hirap na tinig ni Stefan na unti-unti nang nakakatayo. Masama ang tinging ipinukol nito sa kaniya.

"You're a bitch, Lun—"

Muli itong sinuntok ng dalaga dahilan upang mawalan ito ng balanse at matumba sa sahig.

"F—k you, Luna!" sigaw nito, duguan ang ilong. "Isasama kita sa reklamo at sisiguraduhin kong pati ikaw ay—"

"Don't even think about it, Stefan," ani Dani na lumapit. Hawak nito sa kamay ang cellphone. "I have recorded everything at ibibigay ko ito sa school committee para imbestigahan. For sure, may mga records pa ang ate mo sa school na ito. Kapag naimbestigahan ng mabuti ang lahat ay malalaman namin kung sino sa inyo ng Alexandros ang nagsasabi ng totoo. Pero sa tingin ko ay dehado ka rito, Stefan."

Natigilan si Stefan at hindi kaagad nakapagsalita. He knew he was in trouble.

Sina Raven at Seann ay lumapit at inalalayang tumayo si Stefan subalit tinabig lang nito ang mga kamay ng dalawa at pilit na tumayo mag-isa. Tinapunan nito ng masamang tingin ang lahat bago pa-ikang naglakad palayo.

"Hey, Stefan," tawag ni Marco dito.

Tumigil ito subalit hindi lumingon, "You have two options. Gawin mo ang una naming hiniling sa iyo at hindi magugulo ang privacy ninyo ng ate mo, o isa-submit namin ang recording ni Dani sa school officials. Kapag hindi mo gagawin ay kami ang kikilos. At kapag nangyari iyon ay h'wag kang magugulat sa malalaman mo tungkol sa sarili mong kapatid."

Hindi sumagot si Stefan subalit itinuloy nito ang paglalakad paalis sa lugar na iyon.

*****

FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE