"Lunch is ready, Luna. Aren't you joining us?"
Bahagya lang na sinulyapan ni Luna si Kaki na sumilip sa silid na pinagmukmukan niya bago muling ibinalik ang pansin sa cellphone. She was playing a game called Elevate to entertain herself. Hindi pa man nag-uumpisa ang 'masaya sanang bakasyon' ay nasira na. All she wanted to do at that moment was to go home.
"I'm not hungry."
"Oh, come on." Pumasok si Kaki sa silid at naupo sa kama katabi niya. "Hayaan mo na at dalawang araw lang din naman 'to. Besides, nandito rin naman si Stefan, ah? Sasayangin mo ba ang pagkakataong 'to?"
Tinaasan ng kilay ni Luna si Kaki, "Kung hindi ko pa alam, pareho ninyong manok ni Dani si Ryu Donovan."
Umikot ang mga mata ni Kaki. "Well, it's true na mas bet ko si Ryu para sa'yo pero kung si Stefan ang gusto mo ay wala naman akong magagawa kung hindi suportahan ka bilang kaibigan, 'di ba?"
Ibinaba ni Luna ang cellphone sa side table at sinuri si Kaki, "Hindi ko maintindihan si Dani, ano ba ang pina-plano niya? Bakit niya inimbitahan pati sina Stefan at Kier?"
Kaki shrugged, "Malalaman natin kung lalabas ka dito at haharapin sila doon."
Huminga siya ng malalim. Pinagbigyan niya si Kaki at lumabas ng silid.
Pagkalabas ay nagtaka siya kung bakit walang tao sa hapag. Si Kaki ay iginiya siya sa labas.
Pagkarating sa labas ay kinunutan siya ng noo nang makitang naroon ang lahat at naghihintay. Nakaupo sa damuhan sina Seann, Raven, Blaze at Kane habang si Dani ay nakatayo at nakaharap sa mga ito na tila may kinu-kwento. Sina Grand at Jet naman ay nakasandal sa malaking mangga at nakahalukipkip na nakikinig. Sina Kier at Stefan nama'y nasa likuran ng lahat at tila may sariling mundo at may pinag-uusapan.
At ang magiting na si Ryu Donovan, standing at the corner, his right hand was in his pocket while the other was holding a canned root beer.
Ang lahat ay natahimik at napatingin sa kanila ni Kaki.
Bigla siyang na-concious. "W—what?" aniya, sa tonong pagsusuplada.
Si Dani ang bumasag ng katahimikan. "Well, everybody's here so let's go!"
Tumayo na ang mga lalaki bitbit ang mga backpacks, cooler at tent bags. Nauna ang mga itong naglakad.
Si Dani ay sasabayan na sana ang grupo nang bigla itong hilahin ni Luna at sandaling inilayo. "You have lots of explaining to do, Dani. But first, where the fudge are we going?"
"Fishing, remember? Doon sa lake hindi kalayuan dito. We will be staying there overnight kaya nagdala kami ng tent. We'll have bonfire and stuff—"
"Dani, ano ba ang binabalak mo?" gustong yugyugin ni Luna ang kaibigan.
"Calm down, wala akong planong masama. Gusto ko lang na magsaya tayong lahat." Kinindatan siya nito saka humabol sa grupo.
Si Luna ay hinanap si Kaki at nang makitang kasabay nitong naglalakad si Kane ay napailing siya. Habang tumatagal ay lumalalim ang pagkakagusto ng kaibigan niya kay Kane Madrigal at hindi siya natutuwa.
Kane is very mysterious at nakikita niyang wala itong katiting na interes kay Kaki. Pinagbibigyan lang siguro nito ang kaibigan niya dahil halata ang pagkakagusto ng isa rito.
Bumuntong hininga siya. Kailangan niyang makausap si Kaki tungkol sa bagay na iyon bago pa ito masaktan. Susunod na sana siya sa mga ito nang bigla niyang marinig ang tinig ni Stefan sa kaniyang likuran.
"Mind if I walk with you?"
Napalingon siya rito at nahihiyang ngumiti. "N—No, of course not. Shall we?"
He smiled. They were about to follow the rest of the guys when Ryu Donovan appeared infront of them.
Ryu stared at Stefan, tila nana-nantiya, bago niyuko si Luna. His expression changed.
"Hi, Buttercup."
Nairita siya nang marinig na naman ang tawag nito sa kaniya. Hinawakan niya sa braso si Stefan. "If you don't mind? Nakaharang ka sa daanan namin."
Napatingin si Ryu sa kamay niyang nakahawak kay Stefan at kinunutan ng noo. May kung anong nakiraan sa mga mata nito na hindi kayang bigyan ng pangalan ni Luna.
Tiningala niya si Stefan. "Let's go?"
Tumango ito. "Yeah, let's go."
Nilampasan nila si Ryu na naiwang kunot ang noo.
Ilang minuto palang silang naglalakad ay hindi na mapakali si Luna. Nararamdaman niya ang mga mata ni Ryu Donovan sa kanilang likuran at hindi siya kumportable. Huminto siya at nilingon ito.
Ryu stopped, too. Nasa mga bulsa ng pantalon nito ang mga kamay at nasa dalawang metro ang layo sa kanila.
"Walk in front," matigas niyang sabi rito.
Hindi tuminag si Ryu. Nakipagtitigan ito sa kaniya ngunit sa pagkakataong iyon ay walang kahit na anong emosyon ang anyo nito. His face was unreadable — totally blank.
Tinaasan niya ito ng kilay, "Well?"
Subalit hindi pa rin umaalis sa pagkakatayo si Ryu. Hindi alam ni Luna kung ano ang tumatakbo sa isip nito. She was about to say something again when Dani rushed in to the scene.
"Hey, Ryu! May kailangan akong sabihin sa iyo," anito saka hinawakan sa braso ang lalaki at hinila.
Alam niyang ginawa iyon ni Dani upang ilayo si Ryu sa kanila ni Stefan.
Sinundan niya ng tingin ang mga ito na nauna at nakisabay sa mga naroon sa unahan, and then let out a sigh.
"He's mad."
Napatingin siya kay Stefan nang marinig ang sinabi nito.
"Iniisip marahil niya na ka-kompitensya niya ako sa'yo. And he didn't like it." Niyuko nito ang kamay niyang nakahawak pa rin sa braso nito.
Napasinghap siya at mabilis na bumitaw.
He laughed, "It's okay. You can hold me as long as you want, I don't mind."
Pinamulahan siya ng mukha.
"Hey, Luna!"
Napatingin siya sa unahan nang marinig ang pag-tawag ni Kaki. Medyo malayu-layo na ang mga ito sa kanila.
"Hurry up, baka mawala kayong dalawa!"
"Yes, coming!" sagot niya. Nakita niyang nasa unahan na sina Ryu at Dani. Sa likuran ng mga ito ay ang Alexandros at sa pinaka-huli ay sina Kaki at Kane.
Napa-igtad siya nang maramdaman ang paghawak ni Stefan sa kamay niya.
"Let's go," nakangiti nitong sambit bago itinuloy ang paglalakad, hila-hila siya.
*****
Halos isang oras silang naglakad patungo sa batis na sinasabi ni Dani at pagkarating doo'y kumain muna sila ng pananghalian na inihanda ng matandang katiwala sa cottage. Matapos naman ang tanghalian ay nagpresinta sina Raven at Marco na manghuli ng isda gamit ang mga sibat na dala habang sina Jet, Blaze at Seann naman ay naghanap ng pwesto at may kaniya-kaniyang mga fishing rod.
Si Dani ay impit na napapatili habang nakakapit kay Kaki habang pinapanood sina Raven at Marco na parehong naka-topless at may hawak na mga sibat. Nagmukhang si Poseidon ang mga ito sa mga paningin ni Dani na halos kanina pa hihimatayin.
Samantalang sina Stefan at Kier nama'y nagpresinta na kumuha ng mga kahoy na sisigaan nila pagdating ng gabi.
Sina Kane at Grand naman ay kasama ni Ryu at magkatulong na itinatayo ang mga tent sa paligid.
Sa maraming pagkakataon ay ilang beses na sinulyapan ni Luna si Ryu Donovan at hindi nito maiwasang mapansin na masaya nakikipag-usap sa mga kasama ang lalaki. May mga pagkakataong nagkakasalubong ang mga mata nila at nauunang bumawi ng tingin ang dalaga. While Ryu would just smiled and looked away.
Bago gumabi ay nagkayayaan ang grupo na maligo sa lawa. They all did, kasama si Kier. Naligo ang mga ito ng half-naked na ikina-tili muli ni Dani at ikina-pula ng pisngi ni Kaki.
Subalit natigilan siya nang si Ryu na ang nag-umpisang maghubad ng suot nitong T-shirt.
Sina Dani at Kaki ay napatingin din rito habang pigil-pigil ang paghinga.
Tumaas ang mga kilay niya nang unti-unting itinaas ng lalaki ang puting T-shirt— like a slow-motion TV commercial. She saw how his white shirt stretched up, ang mga butil ng pawis sa mga braso nito at sa tiyan ay tinamaan ng liwanag ng papalubog na araw at tila mga diyamanteng kuminang.
Una nilang nakita ang mga abs nito sa tiyan kasunod ng maskulado nitong dibdib.
Hanggang sa tuluyan nang mahubad ni Ryu ang T-shirt ay pigil-pigil pa rin nila ang mga hininga.
Aminin man niya sa hindi ay hindi niya napigilan ang sariling mapalunok nang bumaba ang mga tingin niya sa mumunting mga balahibong naglandas sa tiyan nito pababa pa sa ugpungan ng suot nitong faded blue jeans.
Si Dani, na titig na titig pa rin sa katawan ni Ryu, ay napa-bulong sa hangin. "Be still, my beating vagina..."
"Dani, you don't have a vagina," maanghang na bulong din ni Kaki na ikina-singhap ng isa. Malakas na siniko ni Dani ang kontrabidang kaibigan dahilan upang muntikan na itong mawalan ng panimbang at matumba.
Si Luna ay napailing nang marinig ang dalawa. Inalis nito ang tingin kay Ryu at nilingon si Stefan na nakaupo sa nakatumbang kahoy at nagpupunas ng pawis. Nilapitan niya ito.
"Hindi ka ba maliligo sa batis? Si Kier ay naroon na rin," aniya.
Pilit itong ngumiti saka umiling, "Nah, I'll pass."
Naupo siya sa tabi nito saka ibinaling muli ang pansin sa batis. Nakita niyang nagkakasiyahan ang grupo at hindi niya alam kung bakit siya napangiti habang nakangiti sa mga ito.
*****
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE