"Are you cold?"
Napa-pitlag si Luna nang marinig ang bulong ni Stefan sa tabi niya. Nilingon niya ito at nginitian, "A little."
Nagulat siya nang hubarin nito ang suot na maong na jacket at ipinatong sa likod niya. She smiled at him again and murmured her thanks.
Naka-harap silang lahat sa malaking bonfire nang gabing iyon at nag-ku-kwentuhan, bida sina Dani at Seann.
Nang ibalik niya ang pansin sa mga kasama ay nakita niyang nakatingin ang lahat sa kanila ni Stefan at biglang natahimik.
Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kaniyang sulyapan si Ryu Donovan. At nang makita niya ang pag-kunot ng noo nito habang nakatitig kay Stefan ay hindi niya napigilang ma-guilty.
Wait, what?! Why the heck would I feel guilty? I didn't do anything and he doesn't have a meaning in my life!
Si Dani, na nakaupo katabi si Ryu, ay malakas na tumikhim para pawiin ang namumuong tensyon.
"Why don't we play a game?"
Natuon ang pansin ng lahat dito. Kinuha nito ang tumbler na nasa lupa at inilagay sa gitna.
"We will call this game Spin The Tumbler," anito na hinaluan ng sigla ang tinig. "Kung kanino tatama ang bibig ng tumbler, they will get to chooce between truth or dare."
Si Kaki na katabi ni Luna ay umikot ang mga mata. "How clichè, Dani. Wala ka na bang ibang maisip na laro maliban d'yan? Gasgas na 'to sa lahat ng pelikula at drama series, ah?"
"Well, ito ang pinaka-convenient." Sagot ni Dani saka sinulyapan isa-isa ang mga kasama, "What do you think, boys?"
The Alexandros just shrugged their shoulders. Pumalakpak si Dani bago inumpisahang paikutin ang tumbler. Umikot iyon ng ilang segundo bago tumapat kay Kaki.
"What in the—" nanlaki ang mga mata ni Kaki sa nerbiyos.
"So," bumwelo si Dani at ngumisi. "Truth or dare, my dear friend?"
Kaki released an exhasperating breath, "Truth."
"Okay!" Dani cracked her fingers, "Totoo bang may gusto ka kay Kane?"
Kasabay ng panlalaki ng mga mata ni Kaki ay ang malakas nitong pagsinghap. Sa ilalim ng araw ay tiyak ang pamumula ng pisngi nito.
"Dani, that—"
"If you can't answer the question, you can switch to 'dare'," pakantang sambit ni Dani.
Ang grupo ay sinulsulan pa si Dani, samantalang si Kane nama'y napangiti lang.
Napa-pikit si Kaki nang lumakas nang lumakas ang panunukso ng mga lalaki. "Yes! I like Kane!"
Ooohs and Ahhs ang naging reaksyon ng lahat.
Ang lakas ng tawa ni Dani nang muli nitong paikutin ang tumbler. Ang sumunod na mga sandali ay napuno ng kantiyawan at tawanan, bida ang pinaka-maingay at makulit sa lahat na si Seann at Raven. Isa-isang na-corner ang Alexandros at ang mga pinili ay pawang 'dare'. Ang tanging pumili ng truth, dahil tamad tumayo sa kina-uupuan, ay sina Jet Yuroshi at Grand Falcon.
Jet was questioned about his awkward personality. Tinanong ito ni Dani kung bakit ito laging tahimik at tila walang pakealam sa iba. And he answered it with -
"I don't talk to people I don't like."
Whilst Grand was questioned about his reputation as the womanizer of the group. Napag-alaman ni Dani na sa lahat ng miyembro ng Alexandros, si Grand ang pinaka-babaero. And Grand answered it with -
"Because I like to play and they are willing to be my toy."
Umikot ang mga mata ni Luna sa mga ito.
Itinuloy pa nila ang laro hanggang sa tumama ang bibig ng tumbler kay Stefan.
Napangisi si Dani, "Truth or dare, Stefan?"
Stefan smiled, "I'm up for 'dare'."
Kunwari ay nag-isip pa si Dani, pero ang totoo'y may pina-plano na ito. Hanggang sa...
"So.. according to research... If you kiss a woman's hand, it demonstrates respect and adoration. If you kiss her on the forehead, it means deep affection. If you kiss her on the cheeks, you only sees her as a friend. But if you kiss her on the lips... well, it simply means you love her. Can you show us where Luna stands now?"
Si Luna ay nanlaki ang mga mata. Napatayo ito, "Dani, stop making this up—"
"I'm not making this up, it's all according to research," nakangising sambit ni Dani.
"But—" Muli, ay hindi naiwasan ni Luna na sulyapan si Ryu. But his face stayed unreadable. He was blankly staring at her, while drinking another canned root beer.
Bigla siyang nagtaka sa sarili. Bakit ba nag-aalala siya sa iisipin at magiging reaksyon ni Ryu Donovan? Hindi ba dapat ay pasalamatan pa niya si Dani dahil gumagawa ito ng paraan para mas mapalapit sila ni Stefan sa isa't isa?
I'm just worried for Stefan! Paano kung mainis si Ryu Donovan at pag-tripan siya nito?! I can't let that happen!
Akma niyang yuyukuin si Stefan upang sabihin ditong hindi nito kailangang gawin iyon at handa siyang tanggapin ang consequence ni Dani nang tumayo ito at hinarap siya. At sa harap ng lahat ay hinalikan siya nito sa noo.
Natigilan siya. She was delighted but also scared. Ang tapang ni Stefan para gawin iyon sa harap ng Alexandros at ni Ryu Donovan!
Pumalakpak si Dani, "Ang ibig sabihin ba niyan ay gusto mo na rin si Luna, ha, Stefan?"
"You can think whatever you want to think, Dani," nakangiting sagot nito saka bumalik sa pagkakaupo.
Si Luna na namamangha pa rin ay bumalik din sa pagkakaupo at napatingin sa harapan niya. Doon nagtamang muli ang mga mata nila ni Ryu. Sa pagkakataong iyon ay nakita niya ang pagkunot ng noo nito habang nakatitig sa kaniya. Hindi niya maintindihan kung bakit siya biglang kinabahan —ayaw niyang isiping may kasamang pagbabanta ang mga tingin nito sa kaniya.
Ilang sandali pa'y dinala ni Ryu sa bibig ang ini-inom na canned beer, without breaking eye contact. Dahan-dahan niyang pinakawalan ang pinipigil na paghinga. Kahit siya ay ayaw bawiin ang mga tingin mula rito, dahil ayaw niyang isipin nito na natatakot siya sa presensya nito.
Itinuloy ni Dani at ng iba pa ang laro at sina Luna at Ryu ay magkatitig lang.
Sa isip ni Luna ay hindi papatalo at magpapadala sa warning look ni Ryu. Samantalang si Ryu ay may ekspreson sa mukha nitong hindi ma-basa. He wasn't even smiling.
She knew that the Alexandros noticed the sudden change in Ryu Donovan's mood, but nobody wanted to say anything because they probably know what he was thinking.
"Finally! It's your turn, Ryu!"
*****
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE