"Ryu..." gulat na sambit ng babaeng tinawag na Tori. Ibinaba nito ang kamay na akma sanang isasampal kay Luna saka umatras.
"What are you doing to them?" tanong ni Ryu sa mapanganib na tono.
Luna had never seen him so serious before it left her stunned. Nagtataka siya kung bakit naroon ito ngayon samantalang ang sabi ay na-suspinde ito kasama ang buong grupo.
"W—what are you doing here, Ryu? I thought the Alexandros won't be back until tomorrow?" ani Tori na tila na-alarma sa mapanganib na anyo ni Ryu.
"You're not answering my question, Tori."
Tori took a deep breath and met Ryu's dangerous eyes, "These highschool students went here to look for a fight," nilingon nito si Luna at tinapunan ng masamang tingin.
"That's nonsense!" ani Dani, "Nagpunta lang kami rito para manood ng practice game!"
Nalipat ang masamang tingin ni Tori kay Dani, "Oh, you fag—"
"Enough, Tori," sabi ni Ryu na nagpatigil sa dalaga. "Your brother is a close friend of mine and as much as possible, I don't want to have any issues with him. So, I'm warning you," humakbang ito palapit at nahinto sa mismong harap ni Tori na napatingala at nasa mukha ang pangamba, "the next time you try to do nasty things against Luna and her friends, I won't hesitate teaching you a lesson, kahit ang kapalit no'n ay ang pagkakaibigan namin ng kuya mo."
Tori swallowed and stepped back.
Si Ryu naman ay nilagpasan ito at nilapitan si Luna na nakayakap pa rin ang mga braso sa dibdib upang takpan ang pagkaka-bakat ng uniporme.
He tsked, and without any words, he took off his denim jacket and wrapped it around her.
"You need to dry up yourself," anito saka hinawakan sa kamay ang dalaga.
Luna's eyes went wide open. Subalit hindi na ito nakapagsalita pa nang hilahin na ito ni Ryu palayo.
Ryu was holding her hand as they walked away from the crowd. Nakayuko lang si Luna upang itago ang pamumuo ng mga luha. She was embarassed and angry at the same time. Kanina pa nito gustong sumabog pero pinipigilan lang ang sarili. She wanted to fight back pero hindi nito nais na lalong dumihan ang pangalan sa school.
Sa isip ni Luna— kung hindi dahil sa lalaking may hawak sa kamay niya ngayon ay tahimik sana ang buhay niya sa CSC, hindi sana siya magiging target ng mga inggiterang estudyante at magmumukhang katawa-tawa sa lahat.
Nang tuluyan nang makalayo ang dalawa ay binawi ni Luna ang kamay mula sa pagkakahawak ni Ryu. Napansin ng dalaga na dinala siya nito sa likod ng Literature building.
She lifted her face and met his eyes, "Are you happy now?"
He frowned, "What?"
"Nang dahil sa iyo ay naging target ako ng mga babaeng patay na patay sa'yo. Umaakto kang bayani ng mga biktima ng bullying pero heto ka at nagiging sanhi ng problema't kamalasan sa buhay ko." Luna took a deep, calming breath. "Hindi ko alam kung bakit isang araw ay bigla ka na lang lumitaw at nagpahayag ng damdamin sa akin sa harap ng lahat. Pero simula nang mangyari iyon ay wala nang araw na hindi ako tinapunan ng masamang tingin ng mga babae rito sa school at walang araw na hindi ako nakaririnig ng masasamang salita galing sa kanila. I don't want you to be part of my life here at school. I'm sure you've already had your fun, so please stop this nonsense and leave me a—" she stopped in midsentence when Ryu suddenly grabbed her and kissed her forehead.
She was dumbfounded.
Niyuko siya nito at sinalubong ang kaniyang mga mata, "Never doubt my intentions, Luna." Bumaba ang mga mata nito sa mga labi niya at sandaling napatitig doon bago siya muling tinitigan sa mga mata, "I could kiss you right here and now, you know?"
Napakurap si Luna at sandaling nawala sa katinuan.
"But I won't do that, Luna," dugtong ni Ryu sa huling sinabi bago siya binitiwan. "Because I want our first kiss to be special, and that would be the time when your heart becomes mine."
Hindi pa rin nagawang sumagot si Luna. She could still feel the warmth of his lips on her forehead.
Si Ryu ay ngumiti. Ikiniling nito ang ulo at nagbiro, "That was only a quick kiss on your forehead. Can you imagine how great it would be if my lips touches yours?"
Sa sinabi nito ay doon natauhan ang dalaga. She glared at him, "Dumbass!"
Ryu grinned sheepishly. Ilang sandali pa'y muli itong sumeryoso, "I will make sure that no one will make fun of you again here at school. That's a promise."
At bago pa man makasagot si Luna ay tumalikod na ito at nag-umpisang humakbang patungo sa konkretong pader. Ang isang sirang desk na nakasandal sa pader ay naroon upang magsilbing patungan. Umakyat doon si Ryu at nang nasa ibabaw na ito ng pader ay saka siya muling nilingon.
"My intentions to you are sincere, Luna, that you can believe. I really like you, and I hope you'd give me a chance to show you how much." At bago ito tumalon sa kabilang bahagi ng pader ay, "See you tomorrow, Buttercup."
*****
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE