"Alone?"
Luna took a deep, calming breath before meeting his eyes. Sinubukan niyang ignorahin si Ryu nang makita niya itong nakasandal sa pader ng corridor nang magsalita ito. Kung hindi niya naman ito papansin ay siguradong hindi siya nito titigilan.
Katatapos lang ng volleyball practice nila nang hapong iyon at patungo na sana siya sa locker room para magbihis nang makita niya ito roon. Ang mga team mates niyang kasunod niya lang ay natigilan at nagbulungan nang makita ang lalaki. Sa katunaya ay wala siyang problema sa mga team mates niya, alam ng mga itong wala siyang gusto sa college hotshot at nakikisimpatya ang mga ito sa mga nararanasan niyang pambu-bully mula sa mga college girls.
"Why are you here?" she asked coldly.
"I was gonna ask you out."
"No, thank you." Nilagpasan na niya ito at itinuloy ang paglalakad patungo sa locker room.
Natawa si Ryu sa kaniya, "Wow, you could at least give it a thought?"
"No is the easiest answer."
Sumunod ito sa kaniya, "Where are the rest of the Powerpuff Girls?"
Tumigil siya sa paghakbang nang marinig ang tanong nito. Nilingon niya ito, "Excuse me?"
"Where are Dani and Kaki? They used to watch your volleyball practice but they're not here today."
Hindi niya pinansin ang huling sinabi nito. Tinapunan niya ng masamang tingin si Ryu, "Did you just call us The Powerpuff Girls?"
Ngumisi ito, "I did."
"Why?" Nasa tinig niya ang pagpipigil ng matinding inis. Nasa likuran lang niya ang team mates niya dahil tumigil din ang mga ito para maki-usyoso.
"I don't really know, it just came to mind. You don't like it?"
"I despise it."
"Why not? Isn't it cute when Dani stands as Blossom, Kaki as Bubbles, and you as my Buttercup?"
Tuksuhan ang mga team mates niya sa kanila. Tila kinilig ang mga ito sa pasada ni Ryu na ngumisi at tila ikinatuwa ang suporta galing sa mga ka-team niya.
Buttercup, huh. Naalala niyang iyon din ang itinawag nito sa kaniya noong nakaraang araw nang halikan siya nito sa noo.
Oh, that day, too. Hindi siya pinatulog ng pagdampi nito ng halik sa noo niya. She couldn't sleep not because she was in awe but because she was cranky!
"Listen," aniya sa kontroladong tono. "I am really tired right now and all I wanted to do is to go home pronto. Please, h'wag mo akong abalahin. And also, h'wag mo kaming gawan ng group name, hindi kami jologs katulad niyo. Alexandros. Ew." Halos umikot paitaas ang mga mata niya nang banggitin ang pangalan ng grupo nito.
Ryu laughed. "Okay, I won't call your trio The Powerpuff Girls, but I will continue calling you My Buttercup."
Hindi maghumayaw ang tili at panunukso ng mga ka-team niya sa likod. She was pissed, pero kinontrol niya ang emosyon. Itinaas niya ang mukha at sinalubong ang mga tingin nito.
"Suit yourself. Now, leave me alone."
Itinuloy na niya ang paglalakad at iniwan ito.
*****
FOLLOW | COMMENT | VOTE | SHARE