Chapter 37 - Epilogue

"Ikaw na siguro ang pinaka-nakakainggit na babae sa Pilipinas. Maganda ka, magaling na singer at sikat tapos hindi pa maka-get over sa iyo ang pinaka-hot na leading man sa Pilipinas. How to be you po, Miss Paloma?"

Natawa ang sikat na performer na si Paloma sa tanong ng dalagita na nagtanong sa kanya. Bumili siya ng kape sa Starbucks sa Baguio at pabalik na sa sasakyan nang lapitan siya nito para magpa-picture.

"Mag-aral kang mabuti. I never really got the chance to finish my studies," sabi niya sa babae. "You are still young."

Nanghaba ang nguso ng babae. "Baka naman po may iba kayong gustong lalaki kaya ayaw na ninyo kay Thirdy. Mas guwapo po ba siya kay Thirdy? Artista po ba siya, model o baka naman bilyonaryo?

Tumawa lang siya at nagpaalam na sa babae. Ang lalaking gusto niya ay hindi sikat na artista, model at lalong hindi mayaman. Maaring sasabihin ng iba na hangal siya para ito ang magustuhan niya.

Pero ito ang lalaki na naging totoo sa kanya. Inilabas niya ang cellphone at pinagmasdan ang viral na picture na kumakalat di lang sa Pilipinas kundi sa ibang bansa. Isang lalaki ang nakasuot ng gray hood at may dalang isang kaing na carrot. Isang ordinaryong tagabuhat ng carrot. Kilala na ito ngayon bilang Carrot Man pero hanggang ngayon ay di pa rin ito nahahanap ng mga reporters.

Papunta na ako sa iyo, Carrot Man. At titiyakin niya ang makakahanap dito.

***