Chapter 29 - Chapter 23

GIGIL na gigil si Ethan habang nagsisibak ng kahoy sa likod-bahay. He had never felt so worthless in his life. So this was how it felt to be ordinary. Ganito pala ang pakiramdam ng hindi pinapansin dahil may ibang taong mas pinapaboran. He didn't stand a chance. Hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na ipakita ang talento niya. It was frustrating as hell. Inilapag niya ang kahoy at hinati sa gitna.

"Kuya Alvaro, hindi naman kailangang tadtarin ang kahoy na panggatong. Hindi naman uling ang gagawin natin," anang si Kenzo na may dalang pitsel ng tubig.

"Pasensiya na." At ubod ng lakas pa rin niyang sinibak ang kahoy. Kahit paano naman ay may silbi pa rin siya. Doon na lang niya ibubuhos ang inis niya.

"Hinay-hinay sabi. Baka mapagalitan pa ako ni Nanay kapag bumuka ang sugat mo. Alam mo naman na ayaw niyang pinapagod ka."

Pilit siyang ngumiti at pinunasan ng tuwalyita ang pawis sa leeg at dibdib. "Ayos na ang sugat ko. Kaya ko na ito. Sinabi naman nina Doc Tagle bago sila pumunta sa Isla Azul, hindi ba? Kaya ko na ito. Kahit paano nararamdaman ko na may silbi ako."

"Ano ba ang sinasabi mo? Ang sarap nga ng buhay mo. Mantakin mo mga babae pa ang dumadayo dito para ipaglaba ka. Para kang prinsipe."

Sumimangot siya. "Hindi naman iyon ang gusto ko."

Nagustuhan naman niya ang buhay sa isla. Malayo sa magulo at maligalig na buhay niya sa Maynila. Dito ay nakakapag-relax siya at presko pa ang paligid. Parang may pribado siyang paraiso. Bagamat nagpapakita ng interes ang mga kakabaihan doon, di pa rin iyon nakabawas sa pagnanais niyang magkaroon ng privacy at anonimity. Hindi kailangang husgahan ang mga kinikilos niya at nakakagawa siya ng ordinaryong bahay. Mababait naman kasi ang mga tao doon.

Simple lang ang buhay niya sa Juventus. Sanay na siyang matulog sa matigas na papag samantalang buong buhay niya ay sa malambot na kutson siya humihiga. Hindi man gourmet food ang pagkain na luto ng mga sikat na chef pero masaya siya na siya mismo ang nag-aani ng pagkain mula sa likod-bahay. Nang nakaraan ay tumulong silang mag-ani ng gulay sa kapitbahay at binigyan sila nito ng pang-ulam na gulay bilang kapalit. Naranasan din niyang manghuli ng isda dahil kahit sa mababaw na parte ng dagat ay may mga isda na dahil sa yaman ng coral reef doon. Kaya naman niyang ipaglaba ang sarili dahil sa turo ng Yaya Edwina niya pero ngayon ay wala nang susubaybay sa kanya.

Naa-appreciate niya kahit na walang kuryente at di siya nakakanood ng paborito niyang palabas ay nariyan naman ang magandang isla at ang mga tao nito para makilala niya. Lumilipas na ang buong araw na inaabangan niya ang pagsikat at paglubog niyon. Mga simpleng bagay na di niya magawa noong abala pa siya sa Maynila.

Yes, it was an ordinary thing but it was precious to him. Masaya na siyang maging simple at ordinaryo hanggang iparamdam sa kanya ni Omar na outsider pa rin siya sa isla. Na mas priority ang mga ito. Na ang talento lang nito ang mahalaga. Ni hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na ipakita ang kakayahan niya kaya nakakapikon.

"Dahil ba ito sa nangyari kagabi sa dulaan? Balita kasi ang mga babae dito gusto daw nila na ikaw ang gumanap na Prinsipe Artus pero hindi natuloy dahil ipinagpilitan ng iba na dapat daw ay taga-Juventus ang bida."

Ipinilig niya ang ulo kahit na bakas pa rin ang inis sa mukha niya. "Wala na sa akin iyon. Sa kanila na ang role." It was a silly play. He was a big actor in the industry. It was their loss anyway.

"Pero kung bibigyan ng pagkakataon, gusto mo pa ring ilaban, hindi ba? Sino ba naman ang hindi gustong maging bida?"

Hindi ito tungkol sa pagiging bida. Sanay na siyang maging bida. Kahit na noon ay gusto niyang maging kontrabida para sa mas challenging na roles, ayaw pumayag ni Icca at ng namayapa nitong ina na dati niyang manager dahil dahil daw may branding na siya. Hinuhubog siya para maging ultimate leading man. Nakukuha niya nang walang hirap ang roles na inaasam ng ibang artista nang walang kahirap-hirap.

Ngayon lang niya naranasan na mabigo. Ang gusto lang naman niya ay maging prinsipe ni Aurora. Naiinis lang siya dahil napunta iyon kay Omar nang walang kahirap-hirap. Dahil lang tagadoon ito sa isla at ito na ang pinakamagaling doon. At kaysa naman ipagpilitan niya ang sarili niya, nagpaubaya na lang siya. Wala kasi siyang karapatan doon.

He was Ethan Ravales. He even had a Hollywood offer waiting for him at home. Pero sa isla na iyon, kahit na tagabitbit ng tubig o kaya ay extra sa isang pambaranggay fiesta na theater play ay wala siyang pag-asa. Hindi umabot ang Ethan Ravales fever sa lugar na iyon.

He was a showbiz royalty. Inaalay lang sa kanya ang magagandang roles. Nakakapili din siya ng leading lady kung gusto niya. Ngayon niya naunawaan kung ano ang pakiramdam ng ibang artista na nagsimula sa baba at walang backer sa showbiz. Hindi naman niya kasalanan na ipinanganak siya sa mundong iyon at privilege na nabiyayaan siya ng kariktan ng mga magulang niyang sikat na artista. Di rin naman kaila sa kanya na may mga artista siyang di sinasadyang nahakbangan dahil siya ang priority ng producers. Katwiran niya noon ay wala siyang kasalanan doon dahil di naman siya ang pumipili.

Ganito pala ang pakiramdam ng maging ordinaryo. Na kahit may ibubuga siya ay wala siyang kalaban-laban. Ngayon ay ordinaryong propsman lang siya. A propsman. Nag-oobserba lang siya sa trabaho ng mga ito noon. It was fascinating but he didn't know if he could perform the task. He was not a Prince Charming this time. Not Ethan Ravales.