"You're obsessive-compulsive, you're a perfectionist addict, oftentimes you're even worse than a paranoid freak, and yet you're still the one I want. You're still the one my heart wants."
Nagulantang ang perpektong mundo ni Icca nang malaman na nawawala si Ethan Ravales—the most responsible, gorgeous, kind, and sought-after talent of hers. Nag-iwan lang ito ng note na nagsasabing gusto muna nitong mapag-isa. Of course she wouldn't leave it at that just because he said he wanted to be alone. It was her responsibility as his manager to always know where he was. Kaya hinanap niya kaagad ang nag-iisang taong alam niyang makakatulong sa paghahanap sa binata. Ang nag-iisa nitong kapatid: si Echo.
Pero may isang problema: she absolutely hated Echo's gut.
Nang kausapin siya ni Echo at sinabing dadalhin siya kung saan naroon si Ethan ay agad na pumayag si Icca. Pero hindi niya inaasahan ang nangyari sa panahon na magkasama sila. Hindi inakala ni Icca na mahuhulog ang loob niya kay Echo. Yes, they bickered, got stuck at the side of the road, nagpaulan, slept at someone else's house, at umakyat pa sa bundok. But one thing was constant—the hard beating of her heart. Ayaw pumayag ng isip ni Icca, pero iba ang sinasabi ng kanyang puso. Pero ganoon naman yata talaga, hindi ikaw ang pipili ng taong mamahalin mo, ang puso mo ang gagawa niyon. At si Echo ang pinili ng kanyang puso.
Pero hindi nga yata sila para sa isa't isa ni Echo. Nalaman ni Icca kung bakit ito nag-alok ng tulong na ito mismo ang magdadala sa kanya kay Ethan. Ang masakit pa, nalaman niya na nagsinungaling si Echo sa kanya.
Preview:
MASUSING inayos ni Jessica ang mga bagay na nakapatong sa desk niya. Inilagay niya ang mga panulat sa ball pen rack, separating them according to colors. Inayos niya ang mga papeles na nakakalat sa lamesa at inilagay 'yon sa isang tabi. Arranging it in a neat pile according to dates. Pinatungan niya 'yon ng paper weight. Naningkit ang mga mata niya nang makita ang kaunting gabok sa gilid ng mesa. Agad siyang kumuha ng tissue at pinunasan 'yon. Hindi siya tumigil hanggang hindi 'yon kumikintab. Nang matapos ay isang malawak na ngiti ang sumilay sa labi niya. Itinapon niya ang tissue sa katabing trash bin at ginamit ang hand sanitizer na laging dala-dala para linisin ang kamay.
Now that her desk was perfect, makakapagsimula na siyang magtrabaho. She was in her makeshift office sa kanyang condo unit sa Makati. Doon niya ginagawa ang lahat ng trabaho niya. Mas mabuti na 'yon kesa mag-rent pa siya ng opisina sa labas. This way, it was more efficient. Bukod sa kontrolado niya ang environment niya, masisiguro pa niya na malinis ang paligid. Hindi kasi siya makapagtrabaho kapag may nakikita siyang ni katiting na dumi.
Ni-review niya ang mga kontrata na nasa harapan. Isa siyang talent manager para sa ilang mga kilalang artista sa bansa. Halos lahat ng talent na handle niya ay originally under sa nanay niya. Her mother was a bigshot talent manager bago ito nagretiro. She worked at a big talent agency bago ito nagdesisyon na maging isang independent manager. Dahil sa likas na sipag ng nanay niya ay walang artista na handle nito ang hindi sumisikat. Sa dalawampung taon nito sa industriya ay napakadami na nitong artista na napasikat.
She aspired to be like her mother. Sa kabila kasi ng pagiging single mother ay nagawa siya nitong itaguyod ng maayos. Her father died when she was eight and since then, it had only been her and her mom. Nung bata pa siya, lagi siyang kasa-kasama ng ina kapag pumupunta ito sa iba't-ibang shooting locations. Na-witnessed niya kung gaano ito ka-efficient at kagaling sa trabaho. So she thrived to be like her. She took marketing management in college. Hindi naman tumutol ang ina. Gano'n naman kasi ito, nakasuporta lagi sa kahit na ano pa mang desisyon na gawin niya.
After she graduated, tumulong na siya sa ina sa trabaho nito. She acted as her assistant, learning the comings and goings of the job. Dahil do'n ay nakilala rin niya ang mga talent na handle ng ina. That's why three years ago nang magdesisyon ang ina na magretiro, naging madali lang ang transition ng pagpapasa nito ng lahat ng trabaho nito sa kanya. Pero may ilan pa rin sa mga talent na handle nito ang diskumpiyado sa naging desisyon nito na iwan sa kanya ang pamamahala ng career nila, so they decided to leave and go to big agencies. Wala namang kaso sa kanya 'yon. Kasi ang mahalaga, more people stayed and chose to trust her.
After her mother's retirement, nakilala nito ang kasalukuyan nitong kasintahan who was a French national. Kasalukuyang nag-ta-travel around the world ang mga ito. She was happy for her mother, truly. Kung meron mang tao na deserving na maging masaya, ang nanay na niya 'yon. And besides, she liked Francois. He and her mother were perfect for each other.
Now, at twenty-seven, she could honestly say that she was doing great at her job. Lahat ng artista na handle niya ay may magagandang career. She has a lot of connection na nakakatulong para mas lalong ma-boost ang career ng mga ito. She was well respected and even though she was busy as hell, may oras pa rin naman siya para sa social life niya. Sa madaling salita, her life was perfect. Just like how she wanted it.
Pinagmasdan niya ang hawak-hawak na papeles, it was the contract for an upcoming movie deal para kay Ethan Ravales. Ang isa sa mga talent na handle niya and also the biggest star in the country today. At the age of thirty-one, he was at the top of the showbiz industry here in the country. Kabi-kabila ang offer dito, from televisions to movies, name it. Every women wants him and every man wants to be him. At ipinagmamalaki niya na siya ang humahawak sa career nito at mas natutulungan pa niya ito para lalo pa itong sumikat.
Simula nang magumpisa ang career nito bilang isang artista, ang nanay na niya ang manager nito. Masaya siya na noong magretiro ang ina ay mas pinili nito na pagkatiwalaan ang kakayahan niya bilang isang manager at hindi nito naisipan na lumipat sa isang malaking talent agency. Halos lahat siguro ng talent agency sa bansa ay magkakandarapa makuha lang ito bilang talent nila and yet Ethan chose to stay. With her. Nagpapasalamat talaga siya dahil doon.
Isa kasi ang binata sa pinakahinahangaan niyang tao. He was dedicated to his craft. Binibigay nito ang higit sa isang daang porsiyento nito sa bawat role na ginagampanan nito. His professionalism was unparallel. Kahit minsan ay hindi pa niya ito narinig na nagreklamo sa kabila ng puno nitong schedule. There was always a smile on his face para sa mga taong nakakatrabaho nito at para sa mga masugid nitong tagahanga. He's polite and kind to everyone. At higit sa lahat, hindi ito burara kagaya ng karamihan sa mga lalaking kilala niya.
He was not only a perfect actor, he was also the perfect man.
He was her ideal. Nakilala niya ito more than ten years ago. At first glance, she immediately developed a teenage crush on Ethan. Mas lalo lang tumindi ang paghanga na 'yon nang mas makilala pa niya ito ng husto. Maaari ngang sabihin na ito ang puppy love niya. But she never really acted on it. Even then, alam niya na walang patutunguhan ang nararamdaman niya. It will just caused problems for Ethan. At 'yon ang pinakahuling bagay na gusto niyang mangyari. Kuntento na siya na subaybayan ang karera nito. Mas tumibay pa lalo ang resolba niya nang maging manager siya nito. She couldn't possibly show interest to one of the talents she handles. That's highly unprofessional. Although aaminin niya, it didn't really stop her from playing favorites. Pero hindi naman ibig sabihin no'n na pinapabayaan na niya ang ibang talents na hawak niya. Ethan was just at the top of her priority list.
Naputol ang pag-iisip niya dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone. Nagsalubong ang kilay niya nang makita na unknown number ang nakalagay sa caller i.d. "Who's this?"
"Nasaan si Ethan?" agad na wika ng nasa kabilang linya.
Hindi siya pamilyar sa tinig nito but more importantly, hindi niya gusto ang tono ng pananalita nito. "May I know first who this is?"
"Si Shaira." Shaira? "Ethan and I were supposed to have dinner tonight. Pero bigla na lang siyang tumawag sa manager ko at nag-cancel. Now can you tell me where he is?"
So this must be Ethan's new leading lady, naisip niya pagkatapos marinig ang sinabi nito. Shaira Mercado. She had her big break once pero ngayon ay puro secondary characters na lang ang mga role na ginagampanan nito. Kaunti na lang at malapit na itong mawala sa limelight. Kaya nga nagtataka siya kung bakit hiniling ni Ethan sa producer ng bago nitong pelikula na si Shaira ang kunin na leading lady. Sinabi pa ng binata na hindi nito tatanggapin ang role kung hindi si Shaira ang makakatambal nito.
She had her suspicions, pero hindi niya gustong isipin na isang katulad nito ang tipong babae ni Ethan. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat ang kagaspangan ng ugali ni Shaira. Maldita ito at hindi ito natatakot na ipakita 'yon sa iba. Ethan must have had his reasons. Kung ano 'yon ay hindi niya alam.
Sinet-up nila ng manager ni Shaira ang magaganap na date sa pagitan nito at ni Ethan ngayong gabi. Although wala pa namang nagaganap na opisyal na pirmahan ng kontrata, naisip nila na gumawa na ng ingay para sa tambalan ng mga ito. Para kapag nagsimula na ang shooting ng pelikula ay maingay na maingay na ang pangalan ng dalawa. It's the usual publicity tactic na madalas na ginagawa para i-promote ang isang pelikula o teleserye. Na kesyo nagkakaunawaan na sa tunay na buhay 'yong dalawang bida, na madalas na nakikitang magkasama ang mga ito na sweet na sweet sa isa't-isa. When all the while, it's just for publicity.
"Hello? Narinig mo ba 'yong sinabi ko?" muling wika ni Shaira.
"Yes, let me call you later." Hindi na niya hinintay ang magiging sagot nito at agad na niyang tinapos ang tawag.
Ayon sa sinabi nito ay kinancel ni Ethan ang date ng mga ito. Pero bakit? Ni hindi man lang siya nito kinonsulta bago gawin 'yon. He usually consults her whenever he makes a decision like that. So anong kaibihan ngayon? Agad niyang di-nial ang numero ni Ethan.
"The number you dialled is not in service..." Narinig niyang sagot ng operator. Which only means two things, either patay ang cellphone nito o walang signal sa kung saang lugar ito naroon ngayon. Sinubukan niya ulit itong tawagan pero phone operator na naman ang sumagot.
Isang tao lang ang naisip niya na maaaring makaalam kung nasaan ito ngayon. Sinubukan niyang i-dial ang number ni Paola at agad naman itong sumagot. "Paola, alam mo ba kung nasaan si Ethan?"
"Icca!"
Muntikan na siyang mapangiwi nang tawagin siya nito sa palayaw niya. Only a handful of people call her that. Her mother, si Ethan, ang ilang talent na handle niya, at ito. Paola has been Ethan's PA for five years now. Dahil lagi nitong naririnig na 'Icca' ang tawag sa kanya ni Ethan, pakiramdam yata nito ay may karapatan na itong tawagin din siya ng gano'n. She doesn't even bother to put a 'miss' before her name. But Jessica let her do it anyway.
"Patawag na rin ako sa 'yo. Kanina pa ko tumatawag kay Ethan pero hindi ko siya ma-reach. Kailangan ko pa naman siyang makausap para sa schedule niya bukas," dugtong nito.
Lalo siyang nagtaka pero higit pa ro'n ay bigla siyang kinakabahan. Paano kung may masama nang nangyari kay Ethan? Marahas siyang umiling. Hindi ito ang oras para mag-isip siya ng masama. "Alam mo ba na kinancel niya 'yong date niya kay Shaira Mercado?"
"Hindi. Wala siyang nasabi sa 'kin."
Something was definitely not right here. At kailangan niyang malaman kung ano. "Pumunta ka sa condo niya. I'll go there as well. Doon na lang tayo magkita."
***
Si Jessica ba na humulma kay Ethan at bumuo sa career nito ang babae para sa kanya? #TeamIcca