[Kabanata 10]
Hindi pa rin ako makagalaw habang nakakulong sa mga bisig ni Hadrian, hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko pa naranasan ang may umamin sa akin ng harapan, ganito pala ang pakiramdam.
Hindi ko na namalayan na unti-unti na pala akong yumayakap pabalik sakaniya, para bang may sariling buhay ang mga kamay ko na yumakap nalang bigla sa kaniya.
Tinapik tapik ko ang likuran niya upang pakalmahin siya. "Mahal na mahal kita", bulong pa niya bago siya tuluyang kumalas sa pagkakayakip sa'kin at mabilis na tumakbo papunta sa hidden passage, na natatakpan ng isang divider na may magandang larawan na nakapinta.
Gulat na gulat naman ako dahil eksaktong eksakto nang makapasok siya sa sikretong lagusayn ay bigla naman bumukas ang pinto ng aking silid, kaya naman ay napatalon ako sa gulat.
Paano nalaman ni Hadrian na may paparating?
Tumambad sa'kin ang isang katerbang ladies, kasunod nila ay ilan sa mga gwardya at si Favian.
Nanlalaki na mata ko lang silang tinitignan, para tuloy akong babae na na-caught in action ngayon.
Dire-diretsong pumasok at naglakad si Favian hanggang sa makaabot siya sa aking kama at naupo.
"Kamusta na ang reyna ko? Sigurado ako na hindi ka na din makatulog sa sobrnga galak." Nakangiti niyang tanong.
"Kung ako lang ang masusunod, mas gusto ko pang mamuhay ng simple lang." Simple kong sagot sa'kaniya habang naglalakad papunta sa bintana.
Totoo lang, iniisip ko kung anong klaseng pamumuhay ang mayroon sa labas ng kastilyong ito, siguro ay malamang mas simple pero mas masaya. Namimiss ko na sila mama, papa,kuya, ate, Leo at Lea.
Nakaramdam ako ng presensiya sa likod ko kaya agad akong napaalis sa pwesto ko.
"Pasensiya na, nakalimutan ko na hindi pala ako dapat magpadalos dalos sa iyo, lalo na at apat na taon kang bata kaysa sa'kin. marahil ay hindi pa nga siguro sumasagi sa iyong isipan ang pag aasawa." Tuloy-tuloy niyang sabi, so 4 years ang agwat ni Cyndriah at Hadrian kay Favian? Okay, interesting.
"Parang kapatid na nga lang kita eh, kaya nagulat ako na sa'yo pala ako ikakasal. Pasensiya na. Ngunit kailangan mo na tanggapin ngayon pa lang na ang prinsesa o isang reyna ay dapat maikasal upang manatili sa puwesto, hindi ka puwedeng mamuno ng wala kang hari." Sabi niya pa ulit, hindi ko tuloy maintindihan kung sincere ba siya doon o sarcastic.
Halos mataranta ako nang makita ko na papalapit siya sa'kin. Tuluyan naman ako nanlamig nang haeakan niya ang magkabilang pisngi ko, nanlalaking mata ko siyang tinignan ng diretso sa kaniyang ata, ngumiti lang siya. At halos huminto ang tibok ng puso ko nang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko, agad akong pumikit.
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Tatlong segundo bago ako makaramdam na may dumampi sa'king noo, unti-unti'y iminulatko ang aking mga mata at tumingin kay Favian. Nginitian lang niya ako at kinurot sa ilong, bago siya lumakad papalayo sa'kin at lumabas ng pinto.
Para naman akong kriminal na nakahinga ng maluwag pagkaalis niya. Agad kong tinignan ang likuran ng divider na nakatakio sa secret passage, pero wala na si Hadrian doon.
Muli akong bumalik sa bintana, at doo'y nakita ko siya sa ilalim ng puno na nasa saktong distansya mula sa aking bintana upang makita ko ng malinaw ang kaniyang mukha na nakangiti sa'kin.
"Mahal na mahal kita Cyndriah."
Hindi ko pa din malimutan ang sinabi niya.
Ngayon, ako'y nakatingin lamang sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang tinitibok ng puso ko.
Nakita ko na bigla siyang nilapitan ng ilang mga kawal at umalis sila. Wala naman akong magagawa kundi panoorin siyang umalis kasama ang mga kawal na kausap at katawanan niya.
Habang nasa estado ako ng pagmumuni muni, nakarinig ako ng isang kahol. Maliit na kahol.
"Hello Thalia, my reflection of myself. Guess we'll be together here until forever. Aalagaan kita, dahil ang buhay mo ay buhay ko na din." Sambit ko kay Thalia, ang tuta kong aspin na nanggaling pa sa La Isla Filipinas noong naglakbay doon si Favian.
Tatlong kahol naman ang pinakawalan ni Thalia, para bang sinasabi niya na "Thank you, girl!" Napangiti naman ako dahil doon.
Tumayo na ako para makapag hilamos muna, puwede naman na sigurong bumaba.
****
Matapos kong makapag ayos ay tumingin muna ako sa salamin. Suot ko ngayon ay kulay Sky blue na gown, simple lang at hindi matingkad. Napag desisyunan ko din na ilugay na lang ang akin kulot na buhok, dahil tinatamad na din akong mag ipit pa. Naglagay din ako ng maliit na tiara sa aking ulunan.
Hindi na ako nagpatulong na mag ayos, dahil naiilang pa din ako.
Hindi na din ako naglagay ng pangkulay sa mukha dahil okay naman ang mukha ko kahit wala ng make-up, mas maganda pa din ang natural. Isa pa, gabi na din naman.
Binihisan ko din si Thalia, mabuti nalang at natapos ng isa sa mga taga pagsilbi ang ipinahabi ko na kasuotang para kay Thalia, nagmukha din siyang prinsesa.
Naalala ko pa ang itsura ng inutusan ko maghabi, noong malaman niya na para kay Thalia ang ihahabi niya. Hindi siya makapaniwala, pero sa huli ay sumunod pa din siya. At, masasabi ko na napaka galing niyang mag habi.
Nang matapos ko na pagmasdan si Thalia my aspin, lumabas na kami para pumunta sa dinning hall. Nakakagutom din pala kahit wala kang ginagawa.
Giliw na giliw naman ang lahat ng makasalubong namin dahil kay Thalia, hindi sa'kin kundi sa aso ko. Hindi naman iyon kataka-taka, dahil ako ma'y lubos na giliw na gilw sa kaniya.
Nang marating namin ang dinning hall ay agad na sinalubong nina Eros at Era ang asong si Thalia at nilaro, kaya naman ay pinaubaya ko muna sakanila ang aso ko.
Agad naman din akong sinalubong ng yuko ng mga tiga Gremoiah, kasama na sina Lolita, Irithel at ang kaniyang ama. Tinanggap ko naman yun at yumuko din sa harap nila, nakakangalay yatang yumuko ng napaka tagal.
Sinalubong din ako ni Inang Reyna Merida at bumeso sa'kin, si Favian na lumapit sa'kin at hinalikan ang kamay ko. At si Hadrian, na nakatayo lamang sa gilid pinamumunuan ang kasama niyang mga kawal. Kahit na napaka simple ng kaniyang kasuotan at hindi siya naka damit pang laban, alam ko na siya ang isa sa mga namumuno dahil iba at magarbo ang kaniyang espada.
Hinila na ni Favian ang upuan na nasa harapan ko lang at inalalayan akong maupo. Sumimple ako ng tingin kay Hadrian, pero agad ko din binawi dahil nakita ko na nakatingin din siya sa'amin at naka resting bitch face. Yun bang anytime puwede niya hugutin nalang ang kaniyang espada.
Hindi tuloy ako mapalagay, bakit naman kasi ganon siya tumingin. As if naman na may relationship status kami.
Sinimplehan ko ulit siya ng tingin, pero nakayuko na siya ngayon dahil nakikipaglaro siya sa mga kapatid niya na sina Eros at Era na kasama pa din si Thalia. Naalala ko tuloy yung unang araw na dumating ako dito sa Karshmarh, sila din ang unang una kong nakita kasama na din si Ginoong Sero.
Nabalik naman ako sa ulirat nang mapansin ko na nakatingin pala sa'kin si Hadrian, nang siguro'y mapansin niya na nakatingin din ako, bigla nalang siyang kumindat. Dahilan para mabilaukan ako sa pagkakalunok ko ng sarili kong laway.
Mabuti na lang at may tubig na sa tabi kaya agad akong nakainom. Nahiya naman ako agad pagka baba ko ng baso dahil lahat sil nakatingin sa'kin. Kasalanan ito ni Hadrian, oo manninisi na lang ako.
Simple akong tumingin ng masama sa'kaniya at sakto naman na ankita koi siyang nagpipigil ng tawa. Masaya siya diyan ha?
Natuon naman ang attensiyon naming lahat ng marinig ang kalansing ng isang baso mula sa pinakagitnang parte ng lamesa, ang hari.
"Ikinagagalak ako na matunghayan ang napaka sayang salu-salong ito. Lubos din na ikinasasaya ko ang pagdalaw ng mga taga Gremoiah dito sa kaharian ng Karshmarh. Ipinagmamalaki ko na ianunsyo sa inyo, bukas na bukas ay kokoranahan na ang inyong reyna dito sa Karshmarh. Ang inyong pinakamamahal na reyna, Reyna Cyndriah ng Gremoiah!" Pagtatapos ni Favian sa kaniyang mga litanya, at inalalayan akong tumayo.
Nagpalakpakan naman ang lahat. "¡Viva la Reina Cyndriah de Gremoiah!" Sigaw nina Lolita at Irithel, "Viva!" pagsunod at sabay-sabay na sigaw ng iba pang taga Gremoiah.
Ngayon pa lang ay nararamdaman ko na ang pressure, paano ba ang maging isang reyna?
Sabay-sabay kaming nagsipagkain habang sila'y nagsasaya padin.
Nakapagtataka, bakit hindi kasama si Hadrian? Hindi ba't anak din naman siya ng yumaong hari?
"May problema ba Cyndriah?" Nanumbalik nalang ako sa reyalidad ng marinig ko si Inang Reyna Merida na tinanong ako.
"Bakit po hi di natin kasabay si Hadrian? Hindi ba kapatid din naman siya nina Favian, Eros at Era?" Diri-diretso kong tanong, nakita ko naman na nagbago bigla ang reaksyon ng mukha ni Merida. Napainom din bigla si Favian, tinignan ko din sina Lolita at Irithel na kapwa hindi maipinta ang mga itsura.
Habang si Hadrian naman ay parang may halong kaba na din ang pag tindig niya.
Bakit? May nasabi ba ako na hindi maganda? Nagtanong lang naman ako ah?
"Hadrian, ano pa ang tinatayo mo diyan? Halina't saluhan mo kami dito." Biglaang sambit ni Favian, nakita ko na aangal pa sana ang Inang reyna pero nagsalita agad si Favian. "Tama si Cyndriah, anak ka din naman ni Amang hari. Isa pa magkakapatid tayo, bakit nakatayo ka lang doon? Matalik ka din na kaibigan ni Cyndriah hibdi ba?" tuloy tuloy na sambit ni Favian at tumingin siya kay Hadrian.
Si Hadrian naman ay hindi magkandaugaga kung susunod ba o hindi.
" O-opo, kuya. " Sambit ni Hadrian, habang paupo siya sa tabi ni Eros.
" Pero sana alam mo pa din ang kugar mo sa kastilyong ito." Mahinang sambit ni Favian pero alam kong narinig ng lahat iyon, dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Pero patuloy lang siyang kumakain ng tahimik.
Ano ba problema nila?
***
Nang matapos kaming kumain ay nag alisan na din ang lahat. Siyenpre si Irithel ay abala sa tabi ng kaniyang ama, habang si Lolita naman ay laging nakasama sakanila. Ganito ba talaga ang totoong Cyndriah? Parang ang lungot naman ng buhay niya, parang lagi nalang siyang outcast.
Gusto ko sanang tumulong sa mga tagapagsilbi na linisin ang lamesa pero pilit din nila akkng pinaalis, ano pa gagawin ko? Bagot na bagot na ako!
Si Thalia naman ay hiniram nina Eros at Era, kaya doon muna siya matutulog.
Umakyat na lang ako sa silid, wala akong magagawa kundi ang matulog nanaman. Hindi din pala maganda ang magbuhay prinsesa, nakakabagot. Hindi man lang ako makatulong, mas maigi pa din talaga yung nakakatulong sa gawaing bahay.
***
Kinabukasan, pagmulat ko pa lang ng mata ko, mga abalang tao na agad ang nakita ko.
"Gising na Cyndriah! Aba, napapahimbing ang tulog mo ah? Ngayon ang iyong koronasyon hindi ba?" Sambit ni Lolita at agad akong hinatak pabangon.
"Anong araw ngayon?" Tanong ko, halata naman sa mga mukha nila na nagtaka sila.
"Ika-labing apat na araw ng Septyembre ngayon." Sagot ni Irithel, so September 14 pala ngayon.
"Anong taon na?" Ngayon ko pa lang naitanong, halos isang linggo na yata ako dito o mahigit pa. Bakas naman sa mga mukha nila ang pagtataka.
"Taong Isang libo at limang daan at labing lima, ano ba ang nangyayari sa'yo?" Sambit ni Lolita.
ANO?!! 1528 PALANG?! ano ba itong napuntahan ko?
So kung 1515 pa lang, hindi na nakatataka pa na uso pa ang sakupan, ang mga kaharian, ang pag torture. Nasa Dark age ako ang medieval era.
"Cyndriah, ayos ka lang ba? BAKIT ka namumutla? Ngayon ka pa ba magkakasakit, kung kailan kokoronahan ka na?" Alalang tanong nina Lolita at Irithel. Hang halos hindi naman na ako makahinga sa paninikip ng dibdib ko, hindi ako makapaniwala. Paano ito nangyari?
Pinilit kong tumayo, agad naman akong inalalayan ni Irithel. "Tatawagin ko si Ginoong Sero, dito lang kayo. " Sambit ni Lolita, at tuluyan na nga siyang lumabas ng pinto.
Umupo ako sa isang upuan malapit sa bintana, "heto ang tubig, makabubuti kung iinumin mo ito." Nag aalalang sambit ni Irithel.
"Maraming salamat, nahilo lang ako. Marahil dala ng sobra sobrang pagtulog ko ito. Huwag ka ng mag-alala." Sambit ko. Sa totoo lang lubos kong pinagtatawanan ang mga taong may malalalim na pananalit, pero simula nang ako'y mapunta dito, ako man ay kailangan mag sanay. Mali din na pinagtatawanan ng nga Pilipino ang tagalog na sariling wika sa Pilipinas.
Mayamaya pa ay dumating na sina Lolita at Ginoong Sero, agad naman akong tinanong ni Ginoong Sero kung ano ang mga nararamdaman ko na siya namang sinagit ko agad.
"Marahil ay dahil wala kang ehersisyo sa katawan hija. Makabubuti kung lumagi ka sa labas ng palasyo upang ika'y maarawan din." Paalala ni Ginoong Sero.
"Nako, simula bukas palagi na tayong mag - iikot dito sa palasyo at sa labas, hindi ka pwedeng maging sakitin." Sagot ni Lolita na akala mo'y isang ina.
"O siya! Halina't gumayak." Sambit ni Irithel.
Kaya naman tumayo na ako at nag umpisang gumayak.
**
Suot ko ngayon ang isang napaka gandang gown na kulay pula at ginto. Kaso may malaking umbok na manggas sa bandang balikat, tss ang baduy.
Tinignan ko ulit ang sarili ko sa salamin, and a really bright idea came in my mind.
Inumpisahan kong punitin ang dalawang manggas hanggang sa mag mukha na itong off-shoulder.
Binalik ko ang tingin ko sa salamin, "yan edi ang ganda na." tanging naibulong ko sa sarili ko.
"Anong ginawa mo Cyndriah?" Tanong ni Irithel na hindi makapaniwala.
"Bakit? Hindi ba maganda?" Tanong ko, atsaka umikot na parang model.
Lumapit naman sa akin si Lolita. "Hayaan mo na si Cyndriah, mas nagmukha siyang matapang na reyna at napakaganda. Siguradong mahuhulog ang puso ng lahat ng makakakita sa kaniya mamaya." Sambit nito at tumingin sa'kin, wala naman nagawa si Irithel kaya nag tawanan nalang kami.
****
Nang makarating kami sa Grand Hall, nanlaki ang mga mata namin sa sobrang engrande ng lugar.
Lahat ay nakabihis ng maganda, maayos at malinis.
" Mauna na kami sa puwesto, tandaan mo. Kapag tumunog na ang mga musikero, ayun na ang hudyat na papasok ka na sa gitna." Sabi ni Lolita, tumango namab ako bilang pag sang-ayon. Habang sila ay naglakad na papalayo sa'kin.
Hindi pa man sila nakalalayo ng lubos ay nag umpisa ng tumugtog ang musika, parang thrumpet.
Hindi ko akalain na ako mismo ang makararanas ng mala fairytale na eksenang iti, dati-rati'y sa palabas ko lamang napapanuod ito.
Nag umpisa na akong maglakad sa red carpet na nasa pinaka pinakagitna, lahat ng mga tao ay nakatingin sa'kin.
Nang marating ko ang dulo nandoon din ang isang matanda na mukhang Archbishop, at sa gilid ay si Favian na completely dressed up din bilang hari. Sa tabi niya ay si Hadrian na nakabihis naman na para bang isang royal din, maayos at magarbo kahit papano. Pero hindi nawawala ang espada niya sa gilid.
Napaka gwapo niya, diretso lang din
"Ika-labing apat ng Septyembre, taong isang libu't limang daan at labing lima. Matutunghayan natin koronasyon ni Prinsesa Cyndriah, ulang maging ganap na Reyna ng Gremoiah. Kasabay noon ay ang pag selyado sa magiging kasunduan nina Haring Favian at Reyna Cyndriah." Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
Ano ito? Akala ko ba koronasyon lang?
Napatingin ako sa dako ni Favian, tahimik lang siya at seryoso.
Si Hadrian naman ay nakita ko na gulat na gulat din.
Anong kasunduan ang pinagsasabi niya?
Mayamaya pa'y dumating na ang isang lalaki na may dala ng korona. Napaka ganda at simple lamang.
"Mula sa araw na ito, sa basbas ng Diyos sa akin at ng hari ng Karshmarh." Kinuha na ng Archbishop ang korona at itinaas sa ulo ko.
Lumuhod naman ako.
"Ipinapatong ko ang koronang ito sa iyong ulo, kasabay nito ay ang pagpatong ng responsibilidad mo sa iyong pinamumunuan. Nawa'y gabayan ka sa iyong pamununo Reyna Cyndriah ng Gremoiah." Matapos banggitin iyon ng Archbishop ay ipinatong niya na ang korona sa akin.
Tumayo na ako, at bago pa man ako humarap sa mga tao, ay lumapit na si Favian at ilan pang mga kasama ng Archbishop.
"Reyna Cyndriah at Haring Favian, nasasaad sa kasulatanang ito na inyong pipirmahan. Ang kasunduan sa korona, sa oras na maikasal kayo ay maging ang kapangyarihan niyo sa bawat lugar ay iisa na lamang. Kung mawala ang isa ay mananatiling kaniya ang isang kaharian. "
WHAT? A CROWN MATRIMONIAL??!!
ANO ITO, TRAP?!!
Pumirma naman si Favian agad, habang ako ay nanginginig pa din. Hindi ko na alam ang gagawin ko, tinignan ko sila at lahat sila'y naka tingin sa akin. Tila ba naghahantay sa gagawin ko.
Kinuha ko ang pluma at isinulat ang pangalang Cyndria sa istilong cursive calligraphy.
Ano na mangyayari sa akin, pagkatapos ko pirmahan itong crown matrimonial? Magiging ligtas pa ba ako?
"Mga taga Karshmarh at Gremoiah, ihinaharap ko ngayon sa inyo ang inyong hari at reyna.
Haring Favian ng Karshmarh at Reyna Cyndriah ng Gremoiah!"
Sambit nito atsaka kami humarap sa tao. Bigla naman nabuhaya ang lahat at nagsaya.
"Mabuhay ang Hari at Reyna, mabuhay!"