Chereads / Game Of Heart And Mind (Tagalog) / Chapter 19 - Kabanata 15 (FYMF)

Chapter 19 - Kabanata 15 (FYMF)

[Kabanata 15]

"Anak, gising na."

"Thalia, bumangon ka na jan! Late nanaman ako neto!"

"Ate!"

"MAMA!" Sigaw ko sabay bangon sa kama. Iniikot ko ang paningin ko para hanapin sila mama, kuya, Leo at Lea.

Sigurado ako na narinig ko sila.

Laking lungkot ko na lang ng ma-realize ko na nandito pa rin ako sa aking silid sa palasyo ng Karshmarh. Napaupo ako at sumandal sa headboard, niyakap ko rin ang mga tuhod ko 'saka yumuko't umiyak.

Nami-miss ko na sila, bakit ba nangyayari sa akin ito?

Ilang minuto pa ang itinagal ng aking pag iyak ay narinig ko na may pumasok sa pinto ko, rinig na rinig ko iyon dahil gawa sa kahoy ang malaking pinto ng kwarto ko.

"Mahal na reyna, gising ka na pala. Humiga ka pa't mag pahinga." Saad ni Ginoong Sero, naalala ko tuloy noong una akong mapadpad dito sa Karshmarh. Siya rin ang gumamot sa akin.

"Gusto ko na pong umuwi." Wala sa sarili kong sabi. Totoo lang, gusto ko na umuwi kila mama. Aaminin ko na kahit papaano'y nasasanay na ako pero iba pa rin sa pinang galingan ko. Gusto ko nang gumising sa kalokohan na ito.

"Sa Gremoiah hija? Hindi pa maaari, may kailangan ka pa harapin dito." Oo nga naman, ang alam nilang bahay ko ay sa Gremoiah. Kung saan ako unang galing bago rito, hindi jila alam ang totoo.

"Hindi naman po doon e, hindi rin naman po Cyndriah ang pangalan ko talaga. Thalia... Thalia p--" Hindi ko naituloy ang pag rereklamo ko dahil agad na tinakpan ni Ginoong Sero ang aking bibig.

"Sshh, ano ka ba naman hija. Kapag may nakarinig sa'yo... sigurado na iisipin nilang isa kang imposyora at baka mapatawan ka ng kamatayan. Ayokong makakita ng Reyna na pinupugutan ng ulo." Aniya.

Nanigas at nanlamig naman ako sa tinuran niya. "P--pupugutan ng ulo? Anong klaseng panahon ba ito?!"

Alam ko sa umpisa palang may mali na.

Yung biglang pag gising ko e narito na ako, alam kong mali na yon.

Yung maging Cyndriah at hindi Thalia ang ngalan ko, alam kong may mali na.

Yung kahit anong palit ng araw ay nandito pa rin ako, alam kong mali na.

Napatakip na lang ako ng mukha atsaka umiyak, hindi ko na ininda ang kung ano mang masakit sa likuran ko.

"Ayos na ba ang... anong nangyari sa'yo? bakit ka lumuluha?" Dinig ko na turan ni Hadrian, pero hindi ko iyon pinansin.

Naramdaman ko na may naupo sa kama ko atsaka hinawakan ang kamay ko para tanggalin.

"Masakit pa rin ba ang iyong sugat?" Tanong niya, bakas ang pag aalala sa mukha niya.

"Si kuya Favian ay nasa isang pagpupulong, lilitisin na ang lalaking lasinggero nung nakaraan at yung..." Bagaya siyang natahimik at nagkuyom ng kamao, ramdam ko ang galit sa loob niya. Matyaga akong naghantay ng karugtong ng sasabihin niya.

"...lalaking pumana sa'yo." Pagpapatuloy niya.

Pumana sa akin? Ibig bang sabihin--

"Bakit ako gustong patayin? Ligtas pa ba ako? Ayoko na!" pag he-hesterical kong muli.

Gusto ko ng magising sa masamng panaginip na ito.

"Kumalma ka, hindi ka nila dapat kakitaan ng pagiging mahina." Ani ni Hadrian.

Seryoso ba siya sa sinasabi niya? Kung ako nga gulong gulo na sa buhay ko... Hindi ko alam kung lucid dream lang ba ito, kung baliw na ba ako, kung magic ba ito. Tapos may gusto pumatay sa akin? Ngayon paano akk kakalma?

"Sigurado naman ako na mabibigyan ng tamang pag lilitis ang dalawa na walang galang." Ani niyang muli.

Mayamaya pa'y nakarinig ba kami ng ingay mula sa labas, animo'y nagkakagulo.

"Ano ang ingay na iyon?" tanong ko.

"Sandali lang po, aking sisilipin." Sabi ng isang tagapag silbi sa akin., atsaka siya lumabas.

Sumandal nalang ako sa ulunan ng aking kama at naghintay. Si Ginoong Sero ay abala sa pag aayos ng mga gamit niya sa pag gamot. Si Hadrian naman ay alerto at lumakad para tumingin sa bintana.

Mayamaya pa ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito si Lolita.

"Cyndriah..." Humahangos siya at nanghihina.

Agad naman siyang inalalayan ni Hadrian palapit sa aking kama.

Nang nakaupo siya sa kama ay inabutan rin siya no Hadrian ng tubig, si Ginoong Sero naman ay nakaalalay sa kaniya. Habang ako ay hinihimas ang likod niya habang umiinom para mapakalma siya, ang taga pagsilbi ay hindi pa bumabalik hanggang ngayon.

"Ikaw ba'y mahinahon na hija?" Tanong ni Ginoong Sero, tumango naman si Lolita bilang pag sagot.

"Ano ba ang dahilan ng iyong pag hangos?" Tanong ni Hadrian. Nanatili lang ako na tahimik dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, naghantay nalang ako ng sagot niya habang nakatingin ng diretso sa kaniya.

"T-tulungan mo ak Cyndriah, parang awa mo na." Kasabay no'n ay ang pagbagsak ng luha niya at ng kaniyang tuhod sa sahig.

"Lolita, tumayo ka diyan. A-ano ba ang nangyayari?" Tanong ko.

"Cyndriah, maniwala ka sa akin. Inosente ako at ang aking nobyo. M-maniwala ka Cyndriah pakiusap. H-hindi ko ala--"

"Dakpin ang marumi at traydor na babaeng iyan!" Utos ni Favian at sunod sunod na nagsipag pasukan ang mga kawal sa loob ng kwarto ko.

Habang kinakaladkad nila si Lolita ay wala naman akong nagawa upang tulungan siya, tanging pag sigaw sa mga kawal na huminto lang ang kaya kong gawin dahil hawak ako ni Favian.

Nanginginig ang katawan ko aa takot at inis. Hindi ko na maintindihan kung ani ang nangyayari.

"Ano ba ang nangyayari? Bitiwan mo nga ako?!" Pasigaw kong sambit sa harapan ni Favian.

Alam ko na nagulat ang lahat dahil narinig ko ang sabay sabay na pag singhap nila, ngunit mas ikinagulat ko ang ginawa ni Favian.

Tumalsik ako sa higaan ko at napahimas sa aking pisngi, sinampal niya ako.

"WALA KANG KARAPATAN SIGAWAN AKO! AKO ANG HARI AT REYNA KA LANG, ISANG BABAE! AKO ANG HARI, AKO!" Galit na galit niyang sigaw yabang dinuduro ako.

"Kuya tama na! Galangin mo siya bilang babae!" Sigaw ni Hadrian sa kapatid. Hindi naman ako maka-react dahil naiiyak pa rin ako. Sa tanang buhay ko, siya lang ang nanakit sa akin.

"At sino ka para pag sabihan ako ha?"

Tanong ni Favian kay Hadrian, atsaka biglang sinuntok ng malakas ang kapatid na siya namang ikinatumba nito.

"Aah, nagmamalaki ka kasi ikaw ang paborito ng ama? Hahaha Patay na ang ama! Wala ng magtatanggol sa iyo na isang bastardong anak sa labas! Mabuti nga at hindi kita pinaalis dito."

Nakangisi at nanginginig na pahayag ni Favian.

Si Hadrian naman ay mahinahon na tumayo at hinarap ang kaniyang kuya.

"Pakiusap, intindihin mo si Cyndriah. Kaibigan niya ang ipinadakip mo, hindi mo maiaalis sa kaniya ang nahawa niyang reaksiyon."

Pagmamakaawa ni Hadrian habang hawak sa balikat si Favian.

Laking gulat ko nalang ng biglang sumenyas si Favian sa iba pang kawal upang dakpin din si Hadrian.

"KUYA!" Sabay sabay na sigaw nina Eros at Era sa kanilang dalawa.

Ano na ba ang nangyayari?

"Simula ngayon, hindi na kita ituturing na kapatid. Ipapataw ko sa iyo ang kaparusahan na dapat ay noon pa naipataw sa iyo. Magkikita na kayo ni ama."

Hindi ako halos makahinga sa mga sinabi ni Favian, ano ba ang gagawin niya?

Kasabay 'non ay ang pag kaladkad nila kay Hadrian.

Muli akong hinarap ni Favian at hinawakan ako sa braso upang hatakin din, ngunit hindi ako pumayag.

Sa halip, malakas kong iwinasiwas ang aking braso upang kaniyang mabitawan at sinigawan siya.

"FUCK YOU, MOTHERFUCKER!"