[Kabanata 20]
Maagang nagising ang lahat upang mag-almusal at umpisahan ang paghahanda. Nakatayo ako ngayon sa ilalim ng isang malaking puno, habang pinapanuod si Hadrian na mag ayos ng mga armas na balak niyang ipa-aral sa akin.
Marahan kong sinilip isa-isa ito. Mayroong palaso, maliit na kutsilyo at espada. Nang mapatingin siya sa akin, sa halip na ngumiti ay napaluok ako. Hindi dahil sa ako ay nagnanasa sa kaniya pero dahil natatakot ako, hindi ko alam ang kalalabasan ng ginagawa namin ngayon.
Puwedeng manalo, may tiwala naman ako kay Hadrian at sa mga kasama namin. Pero paano pag natalo? Hindi sa lahat ng oras tiwala ang pinaiiral, minsan sa sobrang pagtitiwala ng tao hindi natin namamalayan kung ano pa ang tama at mali. Hindi ako takot para sa sarili ko, kung mamamatay ako ngayon... ayos lang. Natatakot ako na makita akong mamatay ni Hadrian, natatakot ako na makita ko siyang duguan at agaw buhay .
Nang matapos niyang tapusin pati ang mga patatamaan ko mamaya ay nilapitan niya na ako.
"Handa ka na ba?" tanong niya sa akin . Nanatili akong tahimik at nakatulala sa kamay niyang naalahad sa akin ngayon.
Marahil ay napansin niya kaya lumuhod siya at hinawakan ang ilalim ng baba ko para dahan-dahang iharap ako sa kaniya. Nagtama ang mga tingin namin.
"Natatakot ka ba?" tanong niya.
Wala sa sarili akong napatango. WAlang anu-ano ay umangat siya nang kaunti sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Magtiwala ka sa akin, makakaya natin ito." Ani niya. Parang bigla akong kinurot ng kung sino dahil biglang nanginig ang mga mata ko at may nagbadyang mga luha.
"P-paano kung matalo tayo? Hindi ko kayang makita ka na... h-hin--"
Isang mainit na halik ang dumapo sa labi ko, dahilan upang hindi ko na maituloy pa ang kung anuman ang sana'y sasabihin ko.
Isang mainit na halik, animo'y isang mahika na nagpakalma sa akin.
Isang mainit na halik na palakas ng loob ko.
Nang maghiwalay ang aming mga labi ay muli niya akong hinalikan sa noo.
"Hangga't kasama kita, hinding hindi ako mamamatay. Ipangako mo lang na ililigtas mo ang sarili mo ung walang sinuman ang maaring magligtas sa'yo. Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita." Ani ko.
Muli niyang inilahan sa akin ang mga kamay niya, inabot ko iyon ng walang pakundangan.
Inalalayan niya ako papunta sa mga armas na maayos na nakalatag sa lamesa.
"Ano ang gusto mong unahin?" Tanong niya habang nakangiti.
"Palaso?" Hindi ko alam kung bakit iyon ang napili ko, siguro kasi palaso ang una kong nahawakan simula nang mapunta ako rito?
Nakita ko naman ang nang aasar niya na mukha,"sigurado ka?" Tanong niya. Hindi ako sumagot at inirapan siya.
Natawa siya ng bahagya,
Kinuha niya ang pana't palaso atsaka ito iniabot sa akin. Kinuha ko iyon at inalala kung paano nga ba ang tamang paghawak dito.
Naglakad si Hadrian papunta sa likuran ko at bumulong.
"Huwag ka mag-alala, hindi ako gaya ni Favian. Walang tao na may mansanas sa ulo." Mabilis akong napatingin sa kaniya, mabilis din naman siyang lumayo at tumawa.
Umayos ako ng posisyon , inasinta ng maigi ang sako na hugis tao at may nakataling mansanas na nagmimistulang puso nito. Huminga ako ng malalim at bumilang hanggang tatlo.
Atsaka ko pinakawalan ang palaso, tumama ito sa gitna.
Hindi ko pa nakukuha ang pangalawang palaso, natigil na kami nang may isa sa mga kasamahan ang tumatakbo papalapit sa amin.
"Hadrian. A-ang...F-Favian." Hindi niya halos matapos ang bawat linya niya, gawa ng sobrang pagkahingal.
Sabay kaming nagkatinginan ni Hadrian. Hindi man niya sabihin, hindi man niya ipakita, nababakas sa mga mata niya ang pangamba't takot.
Umiwas din siya agad ng tingin, dahilan upang mapayuko ako.
Humarap siya sa lalaking namalita kanina saamin at tumago. Matapos non ay humarap ulit siya sakin para yumakap.
"Pangako, matatapos din to. Magiging mapayapa rin ang lahat." bulong niya.
Yumakap ako ng mahigpit sa kaniya at mahinang umiyak. Ayokong marinig o makita niya ito, ayokong panghinaan siya ng loob ng dahil lang sa akin.
Nang maghiwalay kami ng yakap, kinuha na niya ang kaniyang espada. Kinuha rin niya ang aking pana at palaso, inalalayan niya akong makasakay sa kabayo atsaka kami humayo papunta sa aming kampo.
Pagdating namin, nakahanda na ang lahat. Inaamin ko, ako man ay kinakabahan sa mangyayari. Kung dati sa palabas ko lang nakikita ang ganito, ngayon naman hindi ko lubos maisip na malalagay din ako sa ganitong sitwasyon.
Bumaba si Hadrian sa kabayo, susunod na sana ako sa pagbaba pero pinigilan niya ako. Kaya nanatili akong nakaupo.
"Alam ko na may takot sa inyong mga dibdib sapagka't wala sinuman sa atin ang nakakaalam kung ano ang kahihinatnan ng pagtatapat na ito!" Panimula ni Hadrian.
"Pero hinihingi ko ang tiwala ninyo! Walang anumang masama ang mangyayari sa atin! Hindi ko hahayaan na maubos tayo! Humihingi ako ng pasensya kung bakit tayo humantong sa ganito, pero para sa kapayapaan at karapatan ng bawat isa lalo na ang mga nasa ibaba. Handa ko ialay ang buhay ko " Paglitanya ni Hadrian.
Namangha ako ng sabay sabay nilang itinaas ang mga armas nila, wala ni isang bahid ng takot at punong pagtitiwala lamang kay Hadrian.
Kung sana sa makabagong henerasyon ay ganito rin, kung sana ang mamamayan ay may pagkakaisa upang tulungan din ang lider. Siguro nga'y magiging maganda ang kalalabasan.
"HADRIAN! KAPAYAPAAN!" sabay sabay nilang sigaw.
Lumapit si Hadrian saakin, humawak siya sa mga palad ko atsaka ipinatong ang kaniyang ulo sa hita ko. Nang mag-angat ito ay inalalayan niya ang katawan at ulo ko para bumaba sa level niya, at hinalikan ako.
Matagal ang halik. Animo'y huling halik na namin ito.
Parehong habol hininga kami nang maghiwalay ang aming mga labi. Mabilis akong napatingin sa mga tao sa harap at nakita silang nakangiti. Siguro isip-isip nila'y "mag didigmaan na nga naglandian pa itong dalawang to."
Agad na namula ang mga pisngi ko nang makita ang mga reaksyon nila, nakakahiya.
Mahinang pagtawa naman ang narinig ko mula kay Hadrian bago siya magseryoso ulit. Oo nga pala, digmaan para sa kalayaan. Nakakatakot.
Tuluyan ng sumama si Hadrian sa hukbo para pamunuan ito. Nakatingin lang ako sa kanila habang abala sa paghahanda nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko.
"Cyndriah..." Napatingin ako sa babaeng nagsalita at may hawak sa aking pulso.
"Anaya, bakit?" Tanong ko.
Hindi siya agad sumagot, nakatingin siya ngayon sa malayo at bakas ang takot. Unti-inti kong sinundan kung saan siya nakatingin.
Maraming kawal na handang pumatay ang papalapit nang papalapit sa kampo.
"NANDITO NA SILA!" Sigaw ng isa sa aming hukbo. Tumugtog din ang trumpeta, sinyales na mag uumpisa na ang digmaan.
Naramdaman ko ang malakas na pagkalabog ng dibdib ko, ang panlalamig ng buong katawan ko. Tumingin ako kay Hadrian, nakatingin lang din siya sa'akin. Nakangiti.
Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako. Sa imbis na ngumiti pabalik, luha ang tumulo sa mga mata ko.
Naramdaman ko ulit ang kamay ni Anaya sa palapulsuhan ko.
"Cyndriah, tara na! Inihabilin ni Hadrian sa akin na ilayo ka." Tugon niya.
Hindi pa ako nakakasagot ay narinig ko na ang sigawan, ang pagkalansin ng mga nagtatamang espada. Muli akong tumingin sakanila at nakita kung paanong ang payapang tribo ay kinain ng digmaan, ang malinis at tahimik na kampo ay kunti-konting nababahidan ng dugo at mga walang buhay na katawan.
Pilit na hinahanap ng paningin ko sina Hadrian at Favian, ngunit sa kubg anong dahilan ay hindi ko sila makita.
"Cyndriah, ano ba!? Tara na!" Tuluyan na akong nagpahatak kay Aniya, kahit na ang mga mata ko ay nakatuon sa paghahanap kay Hadrian.
Isinakay ako ni Anaya sa kabayo, sumakay na rin siya sa likuran at pinatakbo ang kabayo.
Balisa ang isipan ko, kaiisip at kahahanap kung nasaan ang taong mahal ko. Kung ligtas pa ba siya.
Nakikita ko rin mula sa pagtakbo namin ay ang paunti-unting pagkaubos ng dalawang grupo.
Masakit makita na maski ang mga kababaihan at kabataan ay lumalaban na rin, para lang sa tinatawag nilang kalayaan at hustisya sa Karshmarh.
Hindi pa kami nakakalayo, sa gitna ng kagubatan nang may mamataan akong pamilyar na pigura. Hindi kalayuan saamin, may hawak na pana at nakatutok saamin. Anuman oras ay handang patamaan ang isa sa'amin ni Anaya.
Hindi nagtagal ay binitawan na niya ang palaso at tumumba ang kabayo namin, dahilan para naman tumalsik kami ni Anaya.
Mula sa pagkaka gulong namin sa lapag, ay dahan-dahan kaming bumangon. Papalapit din nang papalapit ang figura na pumana sa kabayo namin.
Naaawa ako sa kabayo, bakit kailangan niyang saktan ang walang malay na hayop.
Mayamaya pa'y may humawak na sa'akin.
"Favian..."
"Cyndriah, sumama ka na sa'akin pakiusap." Pagmamakaawa niya.
Nakita ko naman sa likuran niya ay ang dahan dahan na paglapit ni Anaya, may hawak na balisong.
"Aaah!" sigaw ni Anaya, pagbwelo upang umatake. Ngunit mailap si Favian, agad siyang nakaiwas at nasugatan si Anaya sa mukha.
Takot na takot ako habang pinapanuod silang naglalaban. Hinahangaan ko si Anaya, isa siyang matapang na babae.
Hindi nagtagal ay padami ng padami ang mga sugat na natatamo ni Anaya, kailangan ko siyang tulungan.
Tumakbo ako papunta sa kawawang kabayo na nakahiga at umiinda ng sakit. Kinuha ko ang pana at palaso ko na nakatali sakaniya.
Hinimas ko muna ang kabayo at niyakap. Patawad inosenteng kabayo, kung pati ikaw ay nadamay.
Hindi ko naiwasang umiyak dahil sa natamo nito.
Pinosisyon ko ang palaso sa pana ko at iniangat ito, maiging inaasinta si Hadrian. Hindi ako sanay sa pag gamit ng armas, pero ayokong panuorin lang si Anaya na nakikipaglaban at tumatamo ng maraming sugat. Habang ako ay walang ginawa.
Nang makahan ako ng tamang tiyempo ay agad kong binitawan ang palaso. Tumama ito sa balikat ni Favian, malapit sa puso. Napaatras siya at napaluhod, tinititigan ang palaso na nakabaon sa kaniya.
Agad akong tumakbo kay Anaya na ngayon ay nakahiga, halatang wala ng lakas.
Hindi ko alam anong gagawin ko.
Tumingin ako sa likuran ko at nakita si Favian na nakatitig lang sa'akin habang nakaluhod, lumuluha.
"Cyndriah..."
"Favian... Patawarin mo ako." Nabitawan ko ang hawak kong pana at lumapit sa kaniya at lumuhod sa harap niya.
Susubukan ko sanang hugutin ang palaso na nakabaom sa kaniya, ngunit pinigilan niya ako. Hawak niya ang palapulsihan ko at nayuko.
"Favian, patawad... Patawad." paulit ulit kong paghingi ng tawad sa gitna ng pag-iyak ko.
Hindi ko intention ang may masaktan. Dahan-dahan siyang tumingin sa mga mata ko. Nanghihina man ay pinilit niyang mapunasan ang mga luha ko.
"Huwag kang lumuha Reyna ko, isa kang matapang na reyna. Patawarin mo ko sa kung anuman ang nagawa ko. Hindi ko ninais ang digmaan na ito, hindi ko nais na may masaktan. Lalong lalo na ang kapatid ko na si Hadrian, mahal na mahal ko yun eh. Nais ko lang naman ay ang maibalik ka sa piling ko." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.
" Bakit? Bakit hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko? Gusto ko lang naman ay mahalin mo, lahat nalang si Hadrian ang nakakakuha. Ako nga ang lehitimong anak at Hari, pero kulang ako, kulang na kulang. Mahal na mahal kita, Cyndriah." Tinanggal niya ang palaso at ibinagsak ito sa lupa. Sinandal niya ang noo niya sa balikat ko atsaka humagulogol.
Wala akong nagawa kundi ang humingi ng tawad.
" Hindi ko hahayaan na sumayo kayo, akin ka lang." Dinig ko na sabi ni Favian. Naguguluhan kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero bago ko pa mailayo ang sarili ko sa'kaniya, naramdaman ko na na may tumusok sa likod ko.
"CYNDRIAH!" napatingin ako sa sumigaw ng pangalang hiram ko.
"H-Hadrian..."
Naramdaman ko ang pagtanggal ng nakatusok sa likod ko, nakita ko si Favian na tumayo hawak ang palaso ko na nakabaon sa kaniya kanina.
Nanghihina man ay hinarap niya si Hadrian.
Si Hadrian na punong puno ng galit ngayon.
Iwinasiwas ni Hadrian ang espada niya, ngunit nakaiwas si Favian. Hinampas ng malaks ni Favian si Hadrian sa palapulsuhan nito. Dahilan upang mabitawan niya ang espada.
Mabilis na kinuha ito ni Favian, at iwinasiwas upang sugatan si Hadrian.
"Favian tama na!" Sigaw ni Hadrian sa kapatid. Sa halip na pakinggan ay tinawanan lang siya nito.
Iwinasiwas ulit ni Favian ang espada at tinamaan si Hadrian sa tagiliran, dahilan para bumagsak ito.
Alam ko na magaling makipaglaban si Hadrian, hindi ko maintindihan kung bakit nagpapatalo siya kay Favian.
Sinamantala ni Favian ang pagkakataon habang nakabagsak si Hadrian. Balak niya ng tuluyan ang kapatid. Agad akong tumayo upang yakapin si Hadrian at iharang ang katawan ko, handa na akong mamatay.
Matagal akong naghahantay pero walang tumusok sa akin. Tinignan ko ang likuran ko at nakita ang nakatalikod na si Anaya habang nakatusok sa katawan niya ang espada na hawak ni Favian.
Iniharang ni Anaya ang sarili, upang iligtas kami.
Naramdaman ko ang pagtayo ni Hadrian, mabilis niyang inagaw sa kapatid ang espada at kinuhanan ng buhay si Favian. Bumagsak ang walang buhay na katawan ni Anaya sa harap ko, kasabay non ay ang pagbagsak ko din.
Mabilis na lumapit si Hadrian sa'akin. Kunti-kunting nawawala ang pandinig ko at nababalot ng matining na tunog.
Hanggang sa dumilim ang paligid. At ang huli kong nakita ay ang mahal ko na umiiyak.