[Kabanata 12]
"AAAAAHHH!" Malakas na pagsigaw ko, habang ang katawan ko'y nanginginig sa takot. Hindi ko maialis ang mata ko sa pagkakatitig, ang dibdib ko ay gusto ng sumabog at pumigil na sa aking paghinga.
Mayamaya pa ay nakarinig na ako ng kalabog, ngunit hindi ko ito magawang lingunin. Naramdaman ko na may tao sa gilit ko pero hindi ko ito matignan, hindi ko maialis ang mata ko sa pugot na ulo ni Thalia, ang aso ko. Nakatali sa ibabaw ko, at ang kaniyang dugo ay patuloy na tumutulo sa katawan ko.
Ang hirap huminga.
Ilang saglit pa ay may kamay na lumahad sa harapan ko, sa halip na tanggapin ay wala pa din akong kibo. Hanggang sa nakaramdam nalang ako ng kamay na humawak sa braso ko, dahilan para mabalik ako sa ulirat at mapatingin sa taong kanina pa ako gustong kuhanin. "Hadrian" pagtawag ko sa pangalan niya.
Diretso lang siyang nakatingin sa akin at may pag aalala sa mga mata. Muli niyang inilahad ang kaniyang kamay, na agad ko naman kinuha at tumayo mula sa pagkakahiga at yumakap sa kaniya. Yakap na tuluyan nang nagpa bigay sa akin, tuluyan ng tumulo ang mga luha ko at nang hina.
Naramdaman ko naman na konti-konti ay niyakap din ako ni Hadrian pabalik, "Tahan na Cyndriah, nandito lang ako. Lubos akong nasasaktan kapag ika'y nakikita kong naghihinagpis." pagsusumamo niya.
"Bakit... b-bakit si Thalia? Kagabi lang ay si Elspeth, b-bakit pati s-si Thalia!" utal utal kong sabi, habang mahigpit na naka kapit sa kaniya at umiiyak.
Naramdaman ko na humigpit ng bahagya ang pagkaka yakap niya saakin. "Tanggalin na iyan! Itapon at palitan ng bago ang kama ng reyna" Utos niya sa mga tauhan at kawal.
"Cyndriah!" Dinig namin na may tumawag at pagingin namin ay sina Lolita, Irithel, Reyna Merida, Eros at Era. HULING huling pumasok ng pinto, ay si Favian.
Agad na bumitaw sa akin si Hadrian, dahilan upang matumba ako ng bahagya. Mabuti na lamang ay agad din niya akong nasalo.
Rumehistro naman sa mga mukha nila ang pandidiri sa nakitang dahilan ng komusyon sa aking silid.
"Ano ang nagyayari dito?" Tanong ni Favian, at naglakad siya papalapit sa amin. Nang makalapit siya ay agad niyang binatuhan ng matalim na tingin si Hadrian, dahilan upang mapayuko ang siya. Habang ako naman ay dahan dahan niyang ikinulong sa mga bisig niya, kulong na pakiramdam ko ay papatay sa akin.
"Ayos ka lang ba?" Tanong niya, habang nakayuko at nakatingin sa akin. Yumuko din ako at bahagyang tumango upang iparating na ako ay ayos lang.
Sa mundong hindi ko kinabibilangan ay bigla na lang akong nag exist, si Thalia ang isa sa mga nagbigay ng pag-asa sa akin. Sinabi ko mismo sa sarili ko na ang buhay ni Thalia na aso ko ay siya ring buhay ng Thalia na ako. Pero... ano na lang ang gagawin ko ngayon kung siya ay wala na ngayon at masahol ang kinahinatnatan? Mamamatay na din ba ako?
"A-ang h-hindi ko m-maintindihan... b-bakit h-hindi ako nagising? h-hindi ko man lang narinig na umiyak siya." Patuloy sa pagiyak na tanong ko. Niyakap pa ako ni Favian ng mas mahigpit habang hinihimas ang aking likuran upang pakalmahin ako. Pero paano ako kakalma, kung alam kong kamatayan ang nakapatog sa ulo ko?
"Kamahalan, mas makaiigi po sana lalo na sa reyna kung makalayo po muna kayo dito sa kwarto." Sabi ng isang tagalinis. Agad naman na sumang ayon ang laat kaya naman ay inalalayan na din nila ako papalabas ng kwarto.
"Ikaw! Magtimpla ka ng tsaa at maglabas kayo ng mga pagkain na makakatulong para gumaan ang pakiramdam ni Reyna Cyndriah!" Utos ni Favian na agad naman sinunod ng babae dahil siya ang hari.
"Isang pagtatangka sa buhay ni Cyndriah ang nangyari kuya, ang hinala ko ay ang mga pagano ang may kagagawan ng ito. Ano ang kanilang pakay?" Ani ni Hadrian, atsaka tumingin ng diretso sa mata ko. Kitang kita ko ang pag aalala sa kaniyang mga mata.
"Kung gayon ay dapat pag-igtingin ang pagbabantay dito sa palasyo." Sabi ng Haring si Favian.
"Bilang puno ng mga kawal at kabalyero, nagboboluntaryo ako na manguna sa mahigpit na pagbabantay sa palasyo. Para sa pamilya ng hari at para kay Reyna Cyndriah... Bilang kapatid niyo kuya Favian, Eros at Era. At bilang matalok na kaibigan ni Cyndriah... Hayaan niyo akong protektahan kayo." Tuloy tuloy na sabi ni Hadrian at yumuko upang magbigay galang kay Favian, na bagama't kapatid niya sa ama ay kailanganin niya pa din galangin bilang hari.
Matagal siyang tinignan ni Favian bago sumagot. "Ipagkakatiwala ko sayo ang kaligtasan ng ating mga kapatid at ni Cyndriah." Diretso nitong utos kay Hadrian, agad naman nagbigay galang ang kapatid sa pamamaraan ng pagyuko. PAgtapos ay inalalayan na akong muli ni Favian at dumiretso maglakad, muli kongnilingon si Hadrian na ngayon ay nakatingin na laman sa akin habang kami ay papalayo.
Nang makarating kami sa napakalawak na hardin ng palasyo, agad kaming naupo at mabilis na inabutan ng tsaa para mainom.
"Inumin mo na ang tsaa habang mainit pa hija, makabubuti iyan sa iyo." Tugon ni Inang Reyna Merida, na sinang ayunan din nina Lolita at Irithel.
"Nagpahanda din ako ng matatamis na pagkain, napansin ko kasi na magana ka kapag mayroong matamis." Sambit ni Favian, walang buhay ko siyang tinignan at nginitian ng ahagya. "Salmat" malamya kong sagot at iinalik ang mata sa tasa ng tsaa.
Myamaya pa'y bigla na lamang lumapit sina Eros at Era sa akin, "Ate, pakiusap huwag ka na malungkot." Saad ni Era. Napatingin ako sa kanilang dalawa, at parang magic na bigla na lamang akong napangiti. "Maraming salamat sa inyong dalawa."
"Yan, dapat po palagi kang nakangiti, napakaganda mo pa naman ate kapag nakangiti ka." Sabi ni Eros at nagtawanan silang dalawa, para naman itong isang virus na nakakahawa kaya naman bigla na lang din ako natawa. Basta bata talaga mahirap balewalain, ang mga ngiti at tawa nila ay parang virus na nakahahawa.
"May gusto ka bang gawin ngayon hija na makatutulong mapaigi ang iyong loob?" Tanong ni Reyna Merida sa akin. Para naman akong mas lalong nabuhayan sa tanong niyang iyon kaya agad akong tumango-tango habang malapad ang ngiti.
"Gusto ko po sana makita ang labas ng kastilyo, gusto kong mamasyal." Excited kong turan. Pero agad din iyon napalitan ng pagtataka ng makita ko na halos lahat sila ay nag tinginan sa isa't isa at blankong tumingin sa akin. Sa pagkakataon na iyon, konti-konti kong naramdaman ang lungkot. Ano ba kasi ang nasa isip ko, malamang hindi ako papayagan, umasa lang ako sa wala.
Hindi ko na hinantay ang sagot nila at agad yumuko, kinuha ko ang tasa ng tsaa at uminom. "Sana ay maintindihan mo hija, para na rin sa kaligtasan nating lahat ito. Pase--" Hindi na natapos ni Reyna Merida ang sinasabi niya dahil biglang nag salita si Favian.
"Pababantayan kita kay Hadrian, maari kang mamasyal at papayagan kita pero pasasamahin ko si Hadrian sa'yo bilang siya ang inatasan ko na maging punong taga pagbatay mo." Sambit niya na nagpabalik ng sigla sa akin, hindi dahil kay Hadrian pero dahil na din kahit papaano ay makakalayo ako sa kastilyo.
"MARAMING SALAMAT!" Hindi ko na napigilan pa ang aking damdamin, agad akong napatayo sa kinauupuan ng pata bang bata at napayakap sa kaniya habang abot tenga ang aking ngiti at mga mata'y nakapikit.
Hindi pa nakalilipas ang tatlumpong sigundo ay dali-dali din akong napa dilat ng mata. Dahan dahan kong ihiniwalay ang katawan at napatingin sa kaniya, siya namang nakatingin din sa'akin at halata ang pagkabigla sa kaniyang mukha. Unti-unti ko din iniikot ang aking mata sa mga kasama namin, at nakita ko din ang pagkabigla sa kanilang mga mukha.
Jusme'maryosep! Kahihiyan bakit mo ginagawa sa'akin ito!
Agad akong tumingin muli kay Favian at agad ding napapikit at yumuko. "Ipagpaumanhin mo ang aking inasal, ako ay nag padalos dalos." Binuksan ko ang aking mata at bahagyang tinignan si Favian, doon ay nakita ko na nakatingin din siya sa akin at namumula.
"Tumato ka na diyan, isa ka ng reyna ng sarili mong kaharian. Hindi ka dapat yumuhuko sa kahit na sino, kahit pa sa akin." Aniya, at napatingin siya sa ibang direksyon.
Dahan dahan naman akong umayos ng tayo.
"Ikaw naman Favian, nasabik at lubos na nagalak lamang ang iyong mapapangasawa. Cyndriah hija, ika'y aking naiintindihan. Nasisiyahan ako at nakikita ko na magkasundo kayo, siguradong magiging mahusay kayong mga pinuno balang araw." Sambit ni Inang Reyna Merida, naramdaman ko naman na nag init ang dalawa kong pisngi sa sinabi niya na iyon.
Tinignan ko naman sina Irithel, Lolita, Eros at Era na ngayon ay nagsisipagtawa at nagbubulungan na animo'y mga kinikilig na chismosa.
Napapikit na lang ako at dahan dahan bumalik sa upuan ko.
Seryoso Lord? Hanggang sa panahon na ito pahiya is real pa din?
-----
Bago mag tanghali, excited pa din ako na naghahantay kay Hadrian upang samahan ako sa labas ng palasyo.
Paikot ikot ako sa bago kong silid , ayoko na kasi bumalik sa una kong tinutulugan. Maaalala ko lang si Thalia at ang itsura niya habang nakasabit sa taas ko, napaparanoid pa din ako.
Mayamaya pa'y may narinig na akong kumatok, animo'y isa akong bata na sabik na sabik tumakbo sa pinto at binuksan ito.
"Ang tagal mo naman kanina pa kita hinihintay eh." Masigla kong sabi kay Hadrian. Pero sa halip na humingi ng pasensya ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"May problema ba?" Tanong ko. Nakasuot siya ngayon ng simpleng kasuotan. Kulay brown na long sleeves at pambaba, ganoon dinang kaniyang sapatos. "Wala ang espada mo?" Pagtataka ko ng wala akong makita sa gilid niya.
"Sabi ko na nga ba at magarang kasuotan pa din ang iyong susuotin. Heto, mas simple. Magpalit ka muna at hahantayin kita dito sa labas." Sabay abot niya sa akin ng mga nakatupi na tela at muling isinara ang pinto.
Tinignan ko din ang aking suot, maganda naman ah? Bakit kaya ayaw niya?
Agad kong inihubad ang aking damit at isinuot ang kaniyang ibinigay.
Kulay sky blue ito na gown at long sleeves, pero di hamak na mas simple siya. Tipong lahat ay kayang bumili ng ganitong klaseng damit, maging ang sapatos na kaniyang ibinigay ay mas simple kulay brown na flats lang.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin maganda din naman at bagay sa'akin, mas kumportable siyang suotin. Hindi ko na din inalis ang mga alahas at ang tiara sa aking ulo, maging ang pagkakatali ng buhok ko ay di ko na din binago.
Binuksan ko ang pinto at lumabas, agad naman akong tinignan ni Hadrian. Umikot ako upang ipakita sa kaniya ang aking ayos, "Okay lang ba?"
"O-okay?" Pagtataka niya. Oops, oo nga pala.
"Okay, ibig sabihin ay 'ayos lang.'' Pagpapaliwanag ko.
"Ah. Oo, o-okay. Pero..." aniya sabay taas ng hintuturo na animo'y sumenyas ng 'but, wait there's more.'
Tinanggal niya ang alahas ko, maging ang tiara ko ay inalis din niya at ibinalik sa aking vanity. "Yan mas bagay sa iyong kasuotan, dapat maging simple ka kapag ikaw ay lalabas. Sa ganoong paraan mas malaki ang tiyansa natin na makaiwas sa kaguluhan." Aniya saby ngiti. Para namang nakakahawang sakit ito dahilan para mapangiti din ako.
Siguro nga tama siya. Kaya siguro wala din ang kaniyang espada.
"Kung ang tinatanong mo naman ay ang espada ko, nasa kabayo na iyon nakasabit. Hindi ko iyon maaaring iwanan, proteksyon natin dalawa iyon." Sai niya bago bahagyang tumawa. Wala naman akong nakikita na nakakatawa sa kaniyang sinabi pero, namalayan ko nalang na tumatawa na din ako. Mababaliw din ba ako dito?
"Tara na?" Pag anyaya niya at agad naman na gumuhit ang malaking ngiti sa aking labi, kasabay non ay mabilis na pagtango ko sa sobrang sabik.
Natawa na lang siya at inumpisahan na namin ang paglakad palabas sa stables.
Nang makarating na kami sa stables, kinuha niya ang kaniyang kabayo. Tama nga siya nasa kabayo nga nakasabit ang kaniyang espada. "Nasaan ang gagamitin ko na kabayo?" Tanong ko.
Ngumiti lang siya sabay turo sa kaniyang kabayo. "Iisa lang ang gagamitin natin, hindi ka naman natutong mangabayo eh" Atsaka siya tumawa pagka-bitaw niya ng mga salitang iyon.
Mayamaya pa ay inilahad niya na ang kaniyang kamay sa aking harapan. Kinuha ko iyon ng may ngiti at buong tiwala sa kaniya.
Inalalayan niya na ako at pumwesto sa gilid ng kabayo, bahagya niya akong binuhat para makaakyat ako. Nang masiguro niya na nakaupo na ako ng maayos, siya naman ang bumwelo at umakyat sa kabayo.
Nang malaupo na siya ng maayos, bahagya akong tumingin sa kaniya. "Buti kaya mo ako buhatin?" Hindi ko alam kung bakit ko natanong ang walang kakwenta-kwentang tanong na iyon, siguro pangpa-gaan ng vibes?
Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. "Ano ba naman tanong iyan? Siyempre dahil malakas ako at magaan ka lang naman." Atsaka niya ginulo ng bahagya ang buhok ko na akala mo ay isa akong bata.
"Bago mag alas-singko, dapat ay makauwi na kayo dito." Pareho kaming napatingin sa bandang likod kung saan nang galing ang boses ng nag salita, doon ay nakita namin si Favian. Pero mabilis din siyang tumalikod at umalis.
"Umalis na tayo." Sabi ni Hadrian, atsaka niya pinatakbo ang kaniyang kabayo.
Mahigpit ang kapit ng kanan niyang kamay sa tali, na siyang nag co-control ng kabayo. Habang ang kaliwang kamay nama niya ay nakawak sa akin ng payakap. Sabay sabay nag yuuan ang mga gwardiya ng marating namin ang malaking gate palabas ng kastilyo.
Nang makalayo kami ng kaunti ay inihinto ni Hadrian ang kabayo, "handa ka na ba?" Tanong niya. Binigyan ko lang siya ng malapad na ngiti, atsaka niya pinatakbo muli ang kaniyang kabayo.
Magkahalong sabik ang galak ang nararamdaman ko ngayon, kahit na ba naumpisahan ng hindi maganda. Siguro, ganoon talaga para mabuhay. Kahit anong sakit at hirap ang pagdaanan, dapat matuto pa din lumaban at lalong lalo na ang maging masaya. Mahirap man ay dapat kayanin, dahil iyon lang ang kaisaisang magliligtas sa'atin.
Mas masarap pa din talaga sa pakiramdam kung kaya mo palayain ang sarili mo sa takot, at matinding kalungkutan.