Chereads / Game Of Heart And Mind (Tagalog) / Chapter 17 - Kabanata 13 (Talon)

Chapter 17 - Kabanata 13 (Talon)

[Kabanata 13]

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala sa nakikita ko, para akong nasa larong Skyrim.

Ang itsura ng mga bahay at establishments, ang pananamit ng tao, at ang ingay ng isang totoong market. Simple ang village na ito pero hindi ko maikakailang napaka ganda. Nakadagdag na rin siguro ang sariwa at maaliwalas na tanawin.

"Hindi ko lubos akalain na ika'y magiging lubos na masaya kapag nakalabas ka sa kastilyo " Dinig kong sabi ni Hadrian habang hawak hawak niya ang kaniyang kabayo. 

"Siyempre naman, ikaw ba hindi ka nalulungkot sa loob ng kastilyo?" Tanong ko. Naglalakad kami ngayon sa isang pamilihan at napaka daming tao. Lahat sila ay busy. Tumingin ako sa likod para harapin si Hadrian, sapagkat hindi pa siya sumasagot sa aking tanong. Nagulat na lang ako nang makita ko siya na nakahinto at diretsong nakatingin sa akin, pero nakahinto.

"May problema ba?" Tanong ka sa kaniya, pero hindi siya sumagot.  

Nagulat ako nang bigla niyang bitawan ang tali ng kabayo at mabilis na naglakad papunta sa'akin. Nang makalapit siya sa'akin ay naging mabilis ang pangyayari, ang oras ay tila ba huminto. Hinawakan niya ang aking pisngi gamit ang kaliwa niyang palad, habang ang kanan naman ay nakasalo sa aking beywang. 

At sa isang iglap lang ay para bang huminto ang oras, nang magdikit ang aming mga labi. 

Hinahalikan ako ni Hadrian ngayon. 

Halik na may kakayanan magpahinto ng oras.

Halik na makapangyarihan.

Halik na nakakapanghina.

Halik ng taong sabik.

Halik na punong-puno ng pagmamahal.

At sa halik na iyon, uni-unti na din akong bumigay at napapikit habang sumusunod sa bawat galaw ng kaniyang labi at dila. 

Hindi ko na namalayan kung gaano kami katagal nanatiling ganoon. Masyadong nakahuhumaling, masyadong nakakalunod. Naramdaman ko na lang na bahagya siyang humiwalay at isinandal ang kaniyang noo sa aking noo. Kapwa kami malalim ang paghinga.

konti-konti ay iminulat ko ang aking mata at nagkasalubong ang aming mata ni Hiadrian, na ngayon ay malumanay ngunit seryosong nakatingin sa akin.

"Siguro naman ngayon alam mo na ang sagot sa iyong katanungan kanina. Sa loob ng kastilyo, hindi maikakailang ang buhay ay mahirap at malungkot. Pero simula nang dumating ka, nagbago ang lahat. Sa simpleng ingay sa loob ng silid mo na dinig hanggang sa labas ng pinto habang ikaw ay tumatawa o umaawit, sa simpleng pag galaw mo na ikinatutuwa ng lahat, sa simpleng pag ngiti mo at sa mga halkhak mo sa tuwing ikaw ay nakikipag sayahan sa iyong mga kaibigan at sa aming kapatid, sa kakulitan mo tulad ng  mangilan beses mo na pagsuway sa akin. Lahat iyon ay nagpapasaya sa'akin. Ikaw lang ang kasiyahan ko, ikaw ang mundo ko." Aniya. 

Sa mga oras na iyon ang dila ko'y tila ba umurong, mga laway ko'y tila natuyo.  Ang hangin ay tila ba lumamig, ang maingay na lugar ay para bang tumahimik. 

Ang mga salita niya ay nakakabingi, nakakapagpabilis ng tibok ng puso. Ang boses niya ay parang musika sa aking tenga.

Ano ba ang nangyayari sa'akin? Ngayon ko lang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na ito.

Mayamaya pa'y tuluyan na siyang humiwalay sa'akin. "Paumanhin, alam kong nabigla ka. Hindi ko dapat iyon gina-- " hindi niya na natuloy ang sasabihin niya at mabilis niya akong hinatak papunta sa kaniyang likuran atsaka iniharang ang kaniyang sarili. 

"B-bakit anong nangyayari?" Natataranta kong tanong. Doon ay hinarap niya ako at may iniabot na maliit na kutsilyo. "Aanhin ko ito?" Tanong ko.

"Kailangan ko makatakbo papunta sa kabayo, gusto kong maging matalas ang mata mo. Gamitin mo ang kutsilyo pangsangga mo, huwag ka mag alala hindi kita pababayaan." Sambit  niya, hinawakan niya amg aking kamay ng mahigpit.

Tinignan ko ang paligid, nga taong natataranta at nagsisigawa. "May lasing na nagwawala" sigaw nila.

Lasing na nag-aamok?

Naramdaman ko nalang na hinila na ako ni Hadrian para tumakbo, pero hindi naging madali iyon dahil sa dami ng tao na nagkakagulo.

Lalo akong nataranta nang maramdaman ko na may humawak sa kabilang kamay ko, nang tignan ko ay isang lalaki na hindi maipinta ang itsura. Madungis, namumula at may hawak na itak.

"Maganda ka ah? Tara sama ka sa'akin!" Aniya atsaka ako pilit na hinatak, dahilan para lalong humigpit ang pagkaka-kapit ko kay Hadrian.

Grabe naman ang timing na ito, gusto ko lang naman magsaya at malayo sa palasyo tapos magkakagulo pa. 

Nagulat ako ng biglang may sumipa sa lalaki, dahilan para siya ay matumba. Nang tignan ko kung sino iyon, si Hadrian pla. Inilagay niya ulit ako sa likuran niya, nakuha niya na pala ang espada niya. 

"Mukhang dapat maturuan din kita paano sumakay, at magpatakbo ng kabayo. Tsk tsk, ang dami kong dapat ituro sa'yo." Aniya, habang mahinang tumatawa. 

"Seryoso ka? Nagkakagulo na't lahat nagawa mo pa mang-asar? Umalis na tayo, pakiusap." Sabi ko atsaka siya bahagyang hinatak. Pero sa halip na sumunod ay pinigilan lang niya ako. 

"Kailangan mabigyan siya ng leksyon sa pambabastos niya sa'yo." Sambit niya, asaka gumuhit ang isang ngisi na nakakapanloko. 

"Ano ba ang problema? Hihiramin ko lang naman ang magandang dilag na iyong kasama, dadalhin ko naman siya sa la--" Hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil bigla nalang siyang sinuntok ni Hadrian. 

"Walanghiya ka! Hindi mo ako kilala!" Sigaw ng lasing na lalaki atsaka sinugod si Hadrian habang hawak ang kaniyang itak. Pero agad na nailagan ito ni Hadrian, at siniko niya ang lasing na lalaki sa batok. Dahilan para matumba ulit ang lalaki, atsaka niya inapakan sa likod ito at hinawakan ang kamay patalikod.

"Mahal, paabot naman ako ng lubid diyan sa kabayo. Iimbitahan natin siya sa ating tahanan." Sambit ni Hadrian.  Nagulat na lang ako nang bigla siyang tumingin sa'akin. 

"Ako?" Sabi ko at itinuro ang sarili ko. Nakita ko na lang siya na natawa. "Sino pa ba?" Sagot niya. Walang ano-ano'y bigla naman kusang lumakad ang aking paa at hinanap ang lubid na kaniyang sinabi. 

Tama ba pagkakarinig ko? 'Mahal'?

Nang makuha ko na ang lubid ay agad kong iniabot ito sakaniya, ginamit niya ang lubid oara maitali ang paa at kamay ng lasing na lasing na lalaki. Nakakapagtaka lang dahil nag iwan pa siya ng mahabang sobra sa lubid.

"Bakit hindi mo pa putulin yung lubid? Ang haba-haba naman ng itinira mo?" Tanong ko sa kaniya.

Tumayo siya nang matuwid habang hawak ang dulo ng mahabang lubid na natira, bago humarap sa akin. "Iimbitahan natin siya sa ating tahanan." Aniya at ngumiti, lumapit siya sakin atsaka humawak sa aking baywang at marahan na humalis sa aking noo.

"Tara na" Pag anyaya niya habang nakangiti.

Nagtaka ako nang may tinignan siya sa di kalayuan atsaka tumango, para bang isa itong senyas na hindi ko alam ang ibig sabihin.

Nagulat na lamang ako nang may naglabasan na grupo ng mga lalaki. Kapareho lang ng kasuotan namin ang kanila, walang anu-ano'y napakapit ako ng mahigpit kay Hadrian. "Sino sila?" Tanong ko.  

Napatingin na lng si Hadrian sa akin, "Mga kawal sila na tahimik na nakasunod sa atin. huwag ka mag-alala." Sagot niya.

T-teka, sandali.

T-tama ba ang pagkakarinig ko?

Mga kawal na tahimik na nakasunod sa amin? 

Edi...

"Kung natatakot ka kung nakita nila tayo, huwag kang mag-alala. Matagal ko na silang kilala, hindi nila tayo isusuplong sa Hari. Naka supporta sila sa kung ano man ang tahakin ko, pati na din ikaw. Dahil... nasaksihan nila ang lahat, simula pa nang maliliit tayo."  Tuloy tuloy  na sambit ni Hadrian kaya naan napatingin ako sa kaniya. 

"Sakay na sa kabayo, mahal ko. Dami mong iniisip eh." Sambit niya atsaka tumawa na para bang nagloloko. Hindi ko tuloy alam kung totoo o binibiro lang ako neto. 

"Namimihasa sa kakatawag sa'kin ng 'mahal'?" Pangaasar ko. 

Binuhat niya ako para makasakay sa kabayo, pareho nang ginawa niya bago kami lumabas ng palasyo. Nang masigurado na maayos na akong nakaupo, ay sumunod na din siya at naupo pa rin sa likuran ko. 

"Kung ayaw mo na tawagin kita ng 'mahal ko', hindi ko na uulitin." Sabi niya at agad na pinatakbo ang kabayo, dahilan para mapayuko ako paharap na agad din naman niyang iniikot ang kamay niya payakap sa aking beywang.

Galit ba siya?

"Uy, Hadrian... galit ka ba?" Tanong ko, pero walang Hadrian na sumagot. Kaya naman sinubukan ko nang tignan siya sa likod, pero nabigo ako nang bigla niyang bilisan ang pagpapatakbo sa kabayo. Dahil para mpayuko pa din ako paharap, habang siya ay nakakapit pa din ng mahigpit sa'kin. 

Galit nga siguro siya. 

P-pero... bakit?

Dahil ba sa...

"Hadrian, patawarin mo na ako pakiusap. Hindi ko naman gustong saktan ka, sa totoo nga niyan..." 

Sa totoo nga niyan...

Sa totoo nga niyan...

Sa totoo nga niyan...

Ano? Ano nga ba ang dapat kong sabihin?

Mayamaya pa'y hininto niya ang kabayo habang nasa gitna kami ng kagubatan. Sinenyasan din niya ang mga kawal na kanina pa nakabuntot sa'min dala pa din ang lasing na lalaki, upang mauna na sila.

"Huwag niyong gagalawin ang lalaki, ang reyna ang magde-desisyon para sa kaniya," Utos niya at agad nag si yuuan ang mga kawal na naka kabayo di, sabay alis pabalik ng kastilyo.

So, ano giagawa namin dito sa gitna ng gubat?

"Bakit tayo huminto?" Nagtatakang tanong ko.  Huminto lang kami pero nakasakay pa din kami. 

"Sa totoo nga niyan... ano?" Direktang tanong niya, naramdaman ko naman na biglang uminit ang pisngi ko. 

"Sa totoo kasi niyan..." Gosh Thalia! Cyndriah! Ano ba! Sa sobrang gulo pati pangalan ko hindi ko na alam ano na itatawag ko sa sarili ko.

"Uhm... Kasi... Pwede ba mayamaya na tayo umuwi? Maaga pa naman hindi ba? May kaunti pa tayong oras." Sabi ko. Diyos ko, Lord!

Nakita ko na ibinaba niya ang tingin niya sa'kin. 

"Ipangako mo muna... na kapag ako'y pumayag, ay sasabihin mo ng diretso ang nais mo dapat sabihin na hindi mo maituoly." Paghahamon niya. Matagal-tagal kaming nagtitigan ng diretso sa mata bago ako sumagot.

"Pangako." Sagot ko, at sa hindi ko inaasahang pangyayari ay naaalala niya pa din ang 'pinky swear'. Agad na rumehistro ang ngiti sa aking labi, maging din ang kaniya. "Hindi ko nalimutan ang iyong itinuro." Aniya. At amin na ngang itinali ang isa nanamang pangako sa aming dalawa. 

"Saan mo gusto pumunta?" Tanong niya. Seryoso ba siya? Ano tingin niya sa'kin uso na google at android dito para makapag search?

"Ikaw na ang bahala, kahit saan basta kasama kita." Sbi ko, at nasulyapan ko ang marahan niyang pag ngiti. Kinilig ba siya? 

Inumpisahan niya na patakbuhin ang kabayo, at sa buong oras na iyon, hindi ako nakaramdam ng pangamba o tako. Maaari kaya na ako si Thalia ay nahulog na kay Hadrian? Pero paano ang totoong Cyndriah?

Nang makarating kami sa isang lugar dito sa kakahuyan ay inihinto na ni Hadrian an kabayo. Agad siyang bumaba at itinali ang lubid ng kabayo sa isang puno, matapos niyang masiguro na mahigpit na ang pagkakatali ay inalalayan niya na din akong bumaba.

Iniikot ko ang mata ko, wala naman espesyal sa lugar nito. Nasa kagubatan pa din kami, pero nakita ko na naglakad na si Hadrian.

"Sandali, hintayin mo ako." Pagtawag ko sa kaniya. Hindi naman ako nabigo dahil lumingon siya sa'kin, kasabay noon ay ang paglahad niya ng palad niya sa'kin. agad kong kinuha iyon at para bang may kuryente na nagkonekta sa aming dalawa.

Naglalakad na kami paakyat sa parang bundok, hindi ko alintana ang pagod basta't hawak ko ang kamay ni Hadrian. Siguro dapat ay maging mas tapat na din ako sa kaniya? Kahit hindi pa sigurado ay ipaalam na sa kaniya. 

Nang huminto kami ay halos malaglag na ang panga ko sa ganda ng nakikita ko ngayon.  

Isang patag na lugar, mapuno, sa giliod ay mayroong waterfall na ang tubig ay napakalinaw, isang paraiso. 

"Wow!" Tanging expression na nabanggit ko habang konti-konting naglalakad paabante at iniikot ang mata ko. Hindi ako makapaniwala sa gandang nakikita ko, para akong nasa isang paraiso. 

"Matagal na kitang gustong dalhin dito, tulad mo ay hindi din ako makapaniwala na dadating pala ang araw na sa wakas ay madadala kita sa paraisong ito." Aniya na ngayon ay nasa likuran ko at nakatingin sa akin ng diretso. 

"Salamat." Tanging salita na nabigkas ko. 

Salamat sa patuloy na pagbabantay sa akin.

Salamat sa pagpapasaya sa;kin, kahit sa simpleng bagay lamang.

Salamat sa walang sawa mong pagpaparamdam sa'kin ng pagmamahal mo.

Salamat sa lahat!

Mga salitang hindi ko alam kung bakit hindi ko mabanggit ng diretso sa kaniya. 

Lumapit ako sa tubig at doon ay naupoupang pakiramdaman ito, napakalamig pero napakalinaw din. Hindi ko naman namalayan na nakasunod pala si Hadrian sa'kin.

"Maari mo na ba sabihin ngayon ung ano ang gusto mong ipahayag kanina?" Sambit niya matapos siyang umupo sa tabi ko.

Napatingin ako sa kaniya at bigla nalang siyang binasa, dahilan para pareho kaming mapatawa. 

"Hadrian, I love you."

Alam ko sa sarili ko na hindi niya mauunawaan ang mga katagang aking binibigkas, ngunit gusto kong maging totoo ako sa harap niya.

"Cyndriah, ano ang iyong tinuran? Hindi ko batid ang mga salitang iyong binigkas."

Napayuko na lang ito kaya hindi ko na lang napigilan ang mapatawa. Nang makita niya akong nakangiti ay gumuhit din ang matatamis na ngiti sa kaniyang labi.

"Hadrian, sana ituring mo ako ngayon bilang isang dalaga na kauri niyo lamang at hindi isang prinsesa o reyna."

"Ano ang gumugulo sa iyong isipan mahal ko?" Malambing na saad niya na nagpabilis ng tibok ng aking puso.

"Hadrian, paano kung matapos ang lahat ng ito? Huwag mo akong kakalimutan, tandaan mo palagi na minahal mo ang isang dalagang nag ngangalang Cyndriah." Hindi ko na napigilan pa ang mga luhang kanina pa nagkukubli sa aking mga mata. Pinahid niya ang mga luha sa aking mata at naramdaman ko ang kaniyang pagyakap.

"Hindi kita makakalimutan,Cyndriah. Mamahalin kita mula noon at magpakailanman. Paghiwalayin man tayo ng tadhana ngayon o sa mga susunod na araw , buwan o taon, dadating ang panahon na muling magtatagpo ang ating landas." Aniya.

Sana nga, pero hindi ako naniniwala sa reincarnation. 

Sa maikling panahon naging magulo ang buhay ko, aaminin ko iyon. Pero ang hindi ko ikakaila lalo ay ang mga oras na naging masaya din naman ako. Lalong lalo na... ang namumuong pagmamahal para kay Hadrian. Pagmamahal ng totoong ako, si Thalia at hindi bilang si Cyndriah. 

"Ano ba ang iyong sinasabi? Bakit mo naman naisip bigla iyan?" Tanong niya.

"Wala naman." Sagot ko at nginitian siya. Tumayo na ako at nagumpisang lumusong sa tubig, parang masarap maligo dito sa talon. 

"Mag iingat ka!" Paalala niya atsaka tumayo din para sumunod.

Naglublob ako at nag umpisang lumangoy.

lumangoy paikot-ikot at pabalik balik sa mismong talon, siya din naman na ginaya ni Hadrian dahil kakasunod. 

Naging masaya ang mga oras naming dalawa. Hanggang sa huminto kami sa likod ng talon, natatakpan kami ngayon ng bumabagsak na tubig.

"Sandali, ano nga ulit ang ibig mong sabihin sa iyong tinuran kanina? Hindi ko pa din alam ang ibig sabihin ng kakaibang lenggwahe na iyong sinambit." Tanong niya habang nagpapatuyo.

Tumingin ako sa kaniya at hindi naman ako nakasagot agad dahil sa aking nakita, jusko Lord... napakabait mo naman sa'kin pinaligo mo na ako sa paraiso bibigyan mo pa ako ng masarap na ulam! Kumpleto ang mga pandesal!

"Puwede mo naman sabihin kung gusto mo na yakapin kita, kaysa naman sa nakanganga ka diyan." Pang aasar niya, agad akong umiwas ng tingin at siya namang biglang humalakhak ng napaka lakas.

Uso din pala mang-asar sa panahong ito.

"Hadrian, I love you." Mga salita n kusang lumabas sa aking bibig. 

Muli akong tumingin sa kaniya "I love you." Muli kong pagsambit.

"A--ay l-lab?" Pilit niyang pag ulit na siya naman ikinangit ko. Ang cute niya, parang bata na nag uumpisa pa lang mag salita.

Hindi man niya naiintindihan ay nakisabay na lamang siya ng pagtawa sa'kin.

Thalia ano ba? 

Habang patuloy siyang tumatawa ng napaka sarap ay pinagmasdan ko naman siya.

Panginoon, kung panaginip man ito... Hindi ba't masiyado na yatang matagal, maari mo na ba ako gisingin upang hindi na ako masaktan ng sobra? Pero... kung totoo man ito, maraming salamat po at kahit sa hindi ko maintindihang pagkakataon ay ibinigay mo sa akin si Hadrian. Kahit po hanggang ngayon ay magulo pa din ang lahat para sa'kin.

"Mahal  kita... iyan ang ibig sabihin ng salitang binigkas ko kanina." Saktong pagbanggit ko non ay siya ring biglang paghinto ni Hadrian sa pagtawa, dahan dahan siyang lumingon sa'kin at bakas pa din ang pagkabigla.

Nginitian ko siya.

Konti-konti ay sumilay din ang ngiti sa kaniyang mukha. 

"Tama ba ang narinig ko"Tanong niya, agad naman akong tumango ng may ngiti sa aking labi nilang pag tugon sa kaniyang tanong. 

Marupok na kung marupok, kasalanan ba ang umibig? 

Kung kasalanan man ito, panginoon... patawarin mo ako.

Dahan dahan siyang lumapit sa'kin at yumakap.

"Salamat! Maraming salamat! Mahal na mahal din kita." Masayang sambit niya. Niyakap ko din siya pabalik, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya. 

Nang humiwalay siya sa'kin ay tumingin uit siya ng diretso sa'king mata.

"Maari ko bang marinig muli ang iyong sinabi?" Pag hingi niya ng pabor.

"Hadrian, I love you... Mahal Ki---" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin, dahil bigla na lang akong hinalikan ni Hadrian. 

Sa ilalim ng talon, ang puso namin at ang mga labi ay kapwa nagkaintindihan. Naging isa ang aming nararamdaman. 

May takot man, matapang at mapangahas pa din na sinalo ang bawat isa.

Alam kong mali,  pero tao lang din ako. Ayokong pigilan ang puso ko kung alam ko naman na kapalit nito ay kaligayahan, naguguluhan man kung paanong paraan pa din ako napunta sa mundong ito... ang mahalaga ay malaya ang puso ko na umibig, at hindi ko iyon ipagkakait sa sarili ko.

Kapahamakan man ang sasalubong sa aming dalawa, matapang ko itong haharapin, basta si Hadrian ang aking katabi.