Chereads / Game Of Heart And Mind (Tagalog) / Chapter 15 - Kabanata 11(Elspeth)

Chapter 15 - Kabanata 11(Elspeth)

[Kabanata 11]

Kitang-kita sa mga tao ang saya. Sa palakpakan nila, sa mga ngiti nila, masaya sila dahil sa wakas... matapos mawala nina Ina at Ama, ay mayroon na muli silang reyna. Habang ako... hindi ko alam ang magiging kinabukasan ko, maganda nga ba ang kalalabasan ng pinirmahan ko na crown matrimonial, o inilagay ko lang ang sarili ko at ang Gremoiah sa kapahamakan?

Nawala ako sa pag-iisip ng maramdaman ko na may humawak sa beywang ko, "mukhang hindi ka yata masaya aking reyna?" Tanong ni Favian.

Bakit pakiramdam ko kapag nasa paligid siya hindi kumportable ang lahat ng bagay?

"Masaya naman ako, lalo at nakikita ko na masaya ang mga tao ko." Nakangiti kong sagot.  Tinignan niya naman ako ng diretso sa mata, para bang tinitignan kung totoo ba ang sinasabi ko o nagsisinungaling ako.

"Napakahinhin mo talaga, simula pa noon." Sambi niya.  Pew, mabuti at nakalusot. Naglakad siya papalayo atsaka nakisalamuha sa iba pang mga noble. 

Tinignan ko sina Lolita at Irithel na abala sa pagsasayaw, hindi ko napigilan ang ngumiti. Ang pagiging reyna ba ay para ding pagiging mabuting anak at kapatid? Na kapag makita mo lang na napasaya mo sila, ikaw din ay kusang sasaya. Kung gano'n lang iyon kadali, marahil ay magagawa ko ng maayos ang nakaatas na role sa akin sa panahong ito.

"Hindi ka ba makikisaya sa'kanila?" Halos mpatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalia sa likuran ko kaya agad ko tinignan kung sino ito.

"ANO KA BA NAMAN HADRIAN!" Nakakainis, lalo naman niya akong pinagtawanan. "Bakit ba ang hilig mo na lang nang gugulat o kaya naman ay nananakot?!" Sa halip na sumagot agad ay tumawa muna siya ng nakakapang asar.Hinalukipkip ko naman ang dalawa kong kamay sa apat ng dibdib ko at bumusangot.

Nang makita niya ang itsura ko ay tsaka siya nagpigil ng tawa. 

"Pasensiya ka na, hindi na nga pala dapat kita niloloko lang tulad nang mga bata pa tayo. Lalo na at isa ka ng reyna." Sambit niya, nakita ko naman ang lungkot sa mukha niya habang yumuyuko siya.

"Nakakainis ka naman kasi, palagi mo na lang ako pinagtatawanan." Yah, right. Sa panahon na ito pa talaga ako nag pa bebe. Ako na talaga siguro ang pabebeng babae sa taong 15th century?

"Paano na ba kita tatawagin ngayon? Mahal na reyn--" 

"Cyndriah." Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya dahil agad akong sumagot. "Ayokong tawagin mo akong mahal na prinsesa o reyna. Kung kailangan man doon lang ang oras na maari mo akong tawagin sa mga titulong iyon. Pero hangga't maari, mas nais ko na tawagin moo ako sa aking panalan.Cyndriah." Tuloy tuloy na sambit ko. 

Nakita ko naman na napa smirk siya at bahagyang naningkit ang mga mata. 

"Isa ba yang kautusan mula sa iyo?" Tanong niya. Pinagsasabi niyang kautusan? Diretso lamang siyang nakatingin sa mata ko habang nakangisi, para bang naghahantay ng sagot mula sa akin.

"H-hindi. Isa iyong pakiusap mula sa matalik mong kaibigan, at bilang... mahal mo, hindi ba'y nagtapat ka sa akin?" Pabulong kong sambit, sapat upang kaming dalawa lang ang makarinig.

Bahagya siyang napangiti sa sinabi ko, minsan talaga hindi ko ma gets itong lalaki na ito. Mas madalas pa yata kiligin ito kaysa sa babae eh.

"Tama ka, at hindi magbabago iyon. Hindi na ako matatakot na sabihin pa sa iyo, kahit na ba mukhang huli na ang lahat. Mahal pa din kita." Aniya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Ako naman ngayon ang hindi makaimik ngayon. Myghaawd! GAnito ba talaga ka bulgar at ka prangka mga tao sa 15th century? Di ako prepared!

Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na lang kami nakarinig ng hiyawan, tila ba mga gwardiya na may hinuhuli. 

Alistong binunot ni Hadrian ang espada na nasa gilid niya at iniharang ang kalahati ng katawan niya sa akin habang ang isang kamay niya ay hawak ang aking braso. "Huwag kang aalis sa likuran ko," aniya. Dibdib ko ay malakas na kumakabog sa kaba, hindi iyon mapagkakaila. Pero sa tabi ni Hadrian, pakiramdam ko'y magiging ligtas ako.

Mayamaya pa'y may isang madungis na babaeng humahangos ang pumunta sa gitna, may mga kawal na nakasunod. Kilala ko siya!

"Anong ginagawa mo?!" Naramdaman ni Hadrian na pumipiglas ako . "Kilala ko siya hayaan mp ako." Sabi ko, tinignan niya ako ng diretso sa mata atsaka dahan-dahan niluwagan ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Sigurado ka ba? Aalalay lang ako sa likuran mo." Aniya.

Sigurado ako, pakiusap. Hayaan mo ako, kilala ko siya." Matagal tagal din bago siya umalis sa harapan ko.  Nilingon ko ang babae at nagulat ng biglang may espadang tumutok sa leeg niya.

"HUWAG!" Dali-dali kong sigaw, dahilan para magtinginan ang lahat. Nakita ko sina Lolita at Irithel na tumatakbo din papunta sa harap.

"Ihayag mo ang iyong ngalan at pakay!" Utos ni Favian, nanginginig ang babae at hindi halos makapag salita.  "MAGSALITA K--" Hindi na naituloy ni Favian ang sasabihin niya sana.

"Elspeth" Sagot ko. 

Nakita ko na sabay-sabay nag lingunan ang lahat sa akin, tinignan ko din sila habang naglalakad papalapit kay Elspeth.

Nang makarating ako sa harapan ni Elspeth, tinignan ko ng masama si Favian dahil hindi niya pa din inaalis ang espada.  "Pero mapanga--" 

"Sinisigurado ko na hindi siya mapanganib dahil pinagkakatiwalaan ng pamilya namin ang kanilang pamilya. Ngayon, maari mo na ba ibaba ang nakatutok na espada sa kaniya?" Pagpigil ko sa pagsasalita ni Favian, hindi ko alam kung pambabastos na ba ang ginawa ko sa Hari, pero ang alam ko kailangan ko sila protektahan, ang mga tao at ang buong Gremoiah.

Nang ibaba ni Favian ang espada ay agad akong lumuhod para kausapin si Elspeth. 

Si Elspeth ang isa sa mga unang tao na nakausap ko sa panaho na ito, ang anak ng babaylan.

"Ano ang nangyayari? Bakit ka humahangos? At bakit ganiyan ang itsura mo?" Sunod sunod na tanong ko sa kaniya. 

Hinawakan niya ako na parang desperadong humingi ng tulong. "Madami ang mga pagsubok na kailangan mo harapin, madami sa paligid mo ang kailangan mo bantayan, Mahgal na reyna, mag iingat ka. Ang kapahamakan ay nasa paligid mo lamang, nag hahantay ng tamang tiyempo. Mag iingat ka--" Mabilis at sunod sunod na sambit niya na para bang takot na takot. Sa totoo lang, ako man ay natatakot sa mga sinabi niya. 

Pero hindi niya na natuloy ang sinasabi niya dahil biglang sumigaw si Favian."Dakpin siya! Isa siyang banta sa kaligtasan ng reyna!" 

ANO?!

"Hindi! huwag!" Sigaw ko nang makita na hailahin ng mga kawal si Elspeth, pero may kamay na pumigil sa akin. "ELSPETH!" Sigaw ko. 

"Cyndriah, gagawa ako ng paraan para itakas siya kung iyan ang nais mo. Pero pakiusap huminahon ka muna ngayon, nakikita ng mga tauhan mo. Hindi ka maari magin mahina sa mata nila." Bulong ng lalaking may pamilyar na boses at amoy, habang hawak niya ang aking mga braso.

Tama si Hadrian dapat ay maging matatag ako. 

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo kuya?! Hindi pa ba sapat na sabihin ni Cyndriah na pinagkakatiwalaan niya ang babae!" Mahina pero  punong puno ng galit ang pag sambit ni Hadrian sa mga katagang binitiwan niya kay Favian, habang nakakapit pa din sa braso ko ang isang kamay niya. Habang anfg isa naman ay nakaalalay sa beywang ko.

"Kuya? Baka nakakalimutan mo Hari ako dito! At tungkulin ko panatilihing ligtas ang kaharian ito! Ginagawa ko lang ito para sa kaligtasan ng lahat, habang ikaw... anak ka lamang sa labas ni amang hari! Isa ka lamang bastardo! Kaya matutop kang gumalang at lumugar!" Galit na galit na rsagot ni Favian at dumura sa harapan ni Hadrian.

Napaka walang modo.

Nagulat ako ng bigla niya akong higitin. ayaw pa sana ako bitiwan ni Hadrian pero tinabguan ko siya, hudyat na maari niya akong bitiwan. Nginitian ko din siya, simbulo na magiging maayos lang ako.

Kaya naman, halata man sa mukha niya na ayaw niya ay bumitaw pa din siya sa akin.

Nakatingin lang siya sa akin hanggang sa makalayo kami. 

********************************************************

"Si Hadrian hindi ba?! HINDI BA!" Sigaw ni Favian sabay bato ng baso na babasagin patungo sa direksyon ko ng makarating kami sa pinakadulong bahagi ng palasyo, hindi ito halos nadadaanan ng mga tao kaya walang nakaka kita sa amin. 

Hindi ako makapagsalita sa gulat at sa takot. 

"Oh, bakit hindi ka makapag salita ngayon?! Akala niyo ba hindi ko napapansin ha?! Maliliit palang tayo kayo na lagi ang magkasama, kahit na sa akin ka ipinagkasundo ng mga magulang mo!" Tuloy tuloy niya na sigaw. 

Hinawakan niya ang panga ko ng napakahigpit. "Kahit kailan, bastardo lang siya. At wala kang magagawa dahil sa akin ka maitatali! "Lahat ng attensiton nakuha niya noon-"

"Tama na iyan." Sabay kami napaliingon sa nagsalita. 

Lalo naman napahigpit ang pagkakahawak niya sa panga ko bago ito bitiwan ng malakas, dahilan para matumba ako sa sahig. 

Tinignan ko si Hadrian na sinisipat din ako at halata ang pag aalala sa kaniya.

"Isa siyang reyna, hindi ba dapat hindi mo siya trinatrato ng ganiyan?" Mahinahong sambi nito sa kapatid.

"Tama ka, reyna siya. Kaya nga hindi ba dapat mas lalo kang lumayo sa kaniya bastardong anak sa labas?!" Puno ng poot na sabi ni Favian.

"Hanggang ngayon ba? Ilan bese ko ba sinabi sa iyo, hindi ko gusto ang attensiyon na binigay ni ama sa akin. Mas nanaisin ko pa na tahimik at simpleng mmuhay, hindi ko hangad ang iyong korona." Pagpapaliwanag ni Hadrian.

"Hindi ako naniniwala kapatid. Naging mbuting kuya ako sa iyo kahit na ba lagi kong pinapagalitan ni Ina dahyil ako pa ang nanghihingi ng oras kay ama, kahit na ba ako ang lehitimong anak niya!" Sagot ni Favian.

"Patawad kuya, hindi ko alam na ganiyan ang nararamdaman mo." Mahinahon at sinserong sambit ni Hadrian.

"Hindi pa tayo tapos." Madiin na pagbabanta ni Favian bago umalis ng tuluyan. Agad naman tumakbo sa akin si Hadrian at ininspeksyon ako. 

"Ayos ka lang ba" Tanong niya habang hawak ang isang kamay ko gamit ang isang kamay niya, at ang isa naman y sa ulo ko. Tumango ako, pahiwatig na ayos lang ako.

"Mabuti talaga at sinundan ko kayong dalawa. Hindi talaga ako makampante nang lumayo ka--" Hindi niya na natuloy pa ang sinasabi dahil siguro ay nakita niya ako na umiiyak habang todo ang panginginig, 

First time ko matrato ng ganon, ni minsan hindi nagawa nila kuya at daddy at mama at ate sa akin iyon.

"Marahil ay hindi ka talaga mabuti, nag kukunwari ka lamang." Aniya.

"Ssshh, tama na. Hangga't nabubuhay ako, pangako hinding hindi ka mapapahamak.  Ako ang mag pro-protekta sa iyo." Atsaka niya ako ikinulong sa mga bisig niya ng napaka higpit, at doon ay napahagulgol na lang ako ng tuluyan.

****************

Kinagabihan, hindi ako sumabay sa kanila sa hapaunan. Wala akong gana at ayokong makita ang mukha ni Favian. Nagkulong lang ako sa kwarto buong magdamag.

Nakatingin lamang ako sa bintana at sa mga bituwin. 

Mayamaya pa'y nakarinig ako ng ingay mula sa baba kaya napatingin ako, nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Elspeth na nakatali sa imalaking kumpol ng kahoy. Habang ang mga tao at kawal na naka paligid sa kaniya ay nagsisigawan.

Anong gagawin nila kay Elspeth, tumalikod ako para sana lumabas ng pinto pero biglang lumabas ng parang kabute sa sikretong lagusan si Hadrian.

"Huwag mong tangkain na bumaba, hindi ka niya pakikinggan." Pagpigil niya sa akin kahit na hinihingal.

"Hindi maari, baka kung no ang gawin nila kay Elspeth." Sabi ko. Pero umiling lang siya, pahiwatog na huwag akong tutuloy. Ibinalik ko ang pansin ko sa pangyayari sa ibaba habang pinapanuod sila. 

"Pakiusap Cyndriah, tumalikod ka na lang at huwag mo ng tignan pa." Aniya, pero bakit?

Mayamaya pa'y bumukas ang pinto at iniluwa sina Lolita at Irithel. Nagulat din sila nang makita si Hadrian sa silid ko.

"Ano ang ginagawa mo rito Hadrian?" Tanong ni Irithel.

"Pinipigilan ang inyong kaibigan, nais niyang bumaba." Ani ni Hadrian, doon ay mas lalong gumuhit ang gulat sa mukha ng dalawa at sabay sabay silang tatlo na tumingin sa akin.

"Cyndriah, tama si Hadrian huwag na." Sabi ni Lolita.

"P-pero bakit? Ano ba ang mayroon?" tanong ko, pero sa halip na sumagot ay nag tinginan lang silang tatlo. Hindi maganda ang kutob ko.

Tumingin ako sa bintana at natanaw si Elspeth na nakatingin sa gawi ng bintana ko. Nakita ko din si Favian na nasa pinakagitna at nakatingin kay Elspeth, mayamaya pa ay may isinenyas siya dahilan para lumapit ang ilang mga kawal at may hawak na sulo. Ano ang gagawin nila?

Halos sumabog ang dibdib ko nang makita ko na iniapoy nila ito sa tumpok ng kahoy kung saan nakatali si Elspeth. 

Dinig na dinig ang hiyaw ni Elspeth, dahil marahil sa sakit na dinadanas niya ngayon. Dahil sinusunog siya ng buhay. Ano bang klaseng panahon ito?

Maya-maya pa'y dumilim na ang buong paligin at tanging narinig ko na lang ay ang pagtawag ng tatlong tao na kasama ko sa kwarto ngayon.

***

"Mahal na reyna, maging matatag ka. Huwag ka manibugho sa aking sinapit, alam ko noon pa man na ito ang maitutulong ko sa iyo. Ako'y masaya na mapaglingkuran ka kahit sandali sa iyong muling pagbabalik. Tandaan mo na lagi lang ako narito sa mga bituwin upang gabayan ka." Aniya.

"Elspeth, pakiusap huwag ka umalis. Ano ang mga pahiwatig ng mga ibinanata mo na pag-iingat sa akin?" Tanong ko pero hindi pa man siya nakakasagot ay bigla na siyang nawala.

~~~

Nakaramdam ako ng may tumutulo sa akin, "Elspeth, paki--" hindi ko naituloy dahil bigla akong napadilat. 

Panaginip pala. 

Naramdaman ko na muling may pumatak sa akin, dahan dahan ko itong tinignan.Hindi.

Dugo. Saan galing ito?

Dahan-dahan akong tumingin sa itaas, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko at halos hindi makahingi.

"AAAAAAAHHHHHH!"