Chapter 57 - Chapter 17

"HEY, Hinata! Busy ka diyan, di mo sinasagot ang tawag ko kanina pa."

Nagulat si Hiro nang may magtanggal ng earbud niya. Matalim ang mata niyang inangat ang tingin mula mula sa binabasang libro. Nasa ilalim siya ng isa sa mga puno sa tabi ng UP Library. Subalit ngumiti siya nang makilala ang kaibigang si Yuan.

"Yuan! Ni hao!" bati niya dito at binigyan ng brotherly hug ang kaibigan.

Nag-aaral ito sa De La Salle at kaibigan niya mula pagkabata dahil nagkakasama sila sa summer camp sa iba't ibang bansa kung saan sila ipinapadala ng mga magulang nila. Ito ang nag-encourage sa kanya na mag-aral sa Pilipinas kahit na isang taon. Silang dalawa din dapat ang magkakasama sa condo pero sa huli ay pinili ni Hiro na bumukod ng condo para mas maging independent. Yuan had the same sentiments, bagamat nagmagandang-loob ito na patuluyin siya sa condo nito. He decided that it was too far from UP.

Galig si Yuan sa pamilya ng mga Chinoy na nagmamay-ari ng iba't ibang kompanya sa Pilipinas at China. Pero sa batang edad ay gusto na nitong umukit ng sariling pangalan. Ito rin ang nag-encourage sa kanya na mag-invest sa batang edad.

"I'm good. Ano bang binabasa mo at tutok na tutok ka?" tanong ng lalaki at umupo sa ugat ng puno sa tabi niya.

"Just some book," kaswal niyang sagot at akmang itatago iyon sa bag.

Inagaw nito ang libro mula sa kanya. Bago pa niya mabawi ay tumakbo na ito palayo at binasa ang pabalat. "Perhaps Love? Nagbabasa ka ng Tagalog romance pocketbook?" tanong nito at nagpakawala ng nakakalokong tawa.

Sa unang pagkakataon ay gusto niyang bigwasan ang kaibigan. Minsan na lang ito tatawa, nakakainsulto pa. Binawi niya ang pocketbook dito. "Anong nakakatawa?"

"Ano? Ano naman sumapi sa iyo at binabasa mo iyan?"

"Part of my lesson," kaswal niyang sagot at umupo ulit sa puno.

"Lesson? Lesson sa love?" nakakunot ang noo nitong tanong. "Manliligaw ka na ba? May mapupulot ka bang matino diyan sa pocketbook?"

Di niya masagot ang tanong ng kaibigan. Di rin kasi niya alam kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanila ni Jemaikha. Nangangapa pa siya sa nararamdaman niya. He maybe educated with books and the latest technology but he had no idea about love. Akala niya ay di pa niya kailangan iyon dahil may sariling timetable ang puso niya. At hanggang ngayon ay inaalam pa rin niya kung bakit gusto niya ang dalaga. By reading those novels, he was hoping that he could get an idea and what he should do about his feelings.

Pinagtatawanan niya ang mga kaibigan niya na na-love at first sight dati. Until it hit him hard. Nang magkabangga sila ni Jemaikha sa pool, pakiramdam niya ay may kuryente ang tubig. Kapag nagsasalita ito ng Japanese, parang musika sa tainga niya. At nang makulong sila sa elevator, kumanta siya para I-comfort lang ito. He couldn't sing for shit. At di niya alam kung ano pa ang pwede niyang gawin para lang sa Jemaikha.

"Hiro! Sorry. Kanina ka pa naghintay? Goumen nee," humihingal na hingi ng paumanhin ni Jemaikha at umupo sa tabi niya. Pawisan pa ito dahil tinakbo pa nito ang Palma Hall kung saan ang huling klase nito. While some women tried to be perfect and immaculate around him, Jemaikha didn't care much. Pero maganda pa rin ito sa paningin niya. Natural and confident.

"Yuan, meet Jemaikha-sensei. My since we were kids, Yue Anthony Zheng," pagpapakilala ni Hiro sa dalawa.

"Hello. Kumusta?" bati ni Jemaikha sa kaibigan at inilahad ang palad dito.

Di man lang ngumiti si Yuan nang kamayan si Jemaikha. Napansin niya na nailang ang dalaga dahil parang suplado ang kaibigan. Ganoon naman ito sa lahat ng babae. Magaang tumawa si Hiro. "He is part-Chinese. We spend much of our summer camps together since we were kids."

"Ah, Chinese! Kaya siguro di niya ako naiintindihan," sabi ni Jemaikha at kumaway. "Ni hao!"

Mariing nagdikit ang mga labi ni Yuan at di man lang siumagot sa dala. Bumaling ito sa kanya. "Why do you need an English and Filipino instructor?"

"So I can learn more. There are so many things I don't know. But now I have improved my English and Filipino. Thanks to Jemaikha. You should polish your Filipino, too," suhestiyon ni Hiro. "Jemaikha can help you with your Filipino."

Pumalag si Yuan. "Bakit? Wala naman akong problema..."

Dali-dali niyang tinakpan ang bibig ni Yuan. Ngumisi siya kay Jemaikha. "He is bulol. Ayaw niyang aminin dahil nahihiya siya. Can you give him a lesson? Don't worry. He will pay."

Nagliwanag ang mukha ng dalaga. "Of course, of course. Maybe we can schedule your lesson later. We can have a free trial if you want. I have a free schedule later at six o'clock."

"Um-oo ka na lang," bulong niya sa kaibigan.

Umungol ito at tumango saka lang niya inalis ang takip ng bibig nito. "O...kay," sabi ng lalaki at suminghap habang naghahabol ng hininga.

"I'll help. I'm a good student," sabi ni Hiro at itinaas ang kamay.

"Salamat, Hiro," anang si Jemaikha at pinisil ang braso niya.

"Pasikat," bulong ni Yuan.