Chapter 60 - Chapter 20

"PWEDE bang huwag na lang um-attend sa lesson namin ni Hiro ngayon? Food trip na lang tayo," yaya ni Jemaikha sa mga kaibigan matapos siyang ayusan. Kalalabas lang nila ng restroom ng UP at binigyan siya ng mga ito ng make over.

"Huwag kang mag-inarte diyan. Di ako dumayo dito para sa isaw. Di naman ako papayag na mawala sa iyo si Hiro nang di ka lumalaban. Nag-cutting classes pa ako para lang matiyak na maganda ka kapag nagharap kayo, 'no?" sabi ni Rachel at sinipat ang mukha niya. "Ang ganda talaga ng pagkakakilay ko sa iyo."

"Para namang may pakialam si Hiro sa kilay ko. Tagal na naming magkasama, di naman niya napapansin," usal niya at bumuntong-hininga.

Nagsisuguran ang mga kaibigan niya sa UP nang banggitin ni Jemaikha ang tungkol sa gustong ligawan na babae ni Hiro. Isang linggo niyang tiniis na tulungan ang binata na mag-translate ng tula mula Japanese sa Ingles at Filipino. Isang linggong umiiyak ang puso sa iba't ibang lengguwahe habang binabasa kung gaano nito kagusto ang babaeng itinatangi nito. Food trip lang ang usapan nilang magkakaibigan pero nauwi sila sa make over. Mula sa naka-crown braid niyang buhok hanggang sa dress na ipinahiram ni Jacke at ang simpleng make up na nag-enhance ng features niya.

"Saka di ba obvious na parang nagpaganda ako sa kanya?" tanong niya sa mga ito.

"Sabihin mo may iba kang ka-date para di masyadong masakit pag nabasted ka," sabi na lang ni Cherie.

"Basta walang uurong. Kaysa naman drama-dramahan ka diyan nang di lumalaban. Fight!" sabi ni Mayi. "At kung mabibigo ka man, nandito kami para sa iyo. Makaka-move on ka rin."

"Move on agad? Di pa nga nagsisimula ang laban," sabi ni Rushell. "Basta

Niyakap niya ang mga kaibigan bago pumunta sa Sunken Garden kung saan naghihintay sa kanya si Hiro. Natanaw niya ang binata kahit nakatalikod. He had this long shaggy hair and he was tall with lean body. Kahit malayo ay kilala niya ito. Napansin niya na nakatayo ito sa tabi ng picnic blanket na nakalatag sa damuhan at napapaligiran ng mga LED candlelight. It had a romantic feel. Parang makikipag-date ito. Nag-alangan tuloy siya kung lalapit dito. Paano kung nandoon ang babaeng gusto nito at ipapakilala sa kanya? O kaya ay di nito naalala na may lesson sila? Anong gagawin niya?

Akmang hahakbang siya paurong nang humarap sa direksyon niya ang lalaki at kinawayan siya. "Sensei! Konnichiwa, sensei!" tawag ni Hiro sa kanya.

Wala siyang kawala. Napilitan tuloy siyang lumapit dito. Sinalubong siya ng binata. "You look exceptionally beautiful today, sensei."

Yes! Napansin niya ang ganda. "Thank you." Kaso baka practice lang ng speech niya iyon. Ayokong masyadong umasa. "Uhmmm… may lesson sana tayo ngayon kaso mukhang may iba kang hinihintay."

"Wala. Ikaw lang, sensei," sabi nito at inalalayan siya papunta sa picnic blanket.

"Ano bang meron dito?" tanong niya at tinanggal ang doll shoes bago tumapak sa picnic blanket. "Parang may date naman tayo."

"Gusto kong pakinggan mo ang tula na ginawa ko." Sinapo nito ang dibdib. "Baka kasi magkamali ako at di ko ma-recite nang tama."

Ikiniling niya ang ulo. "Ano ito? Practice sa proposal mo?"

Marahan itong tumango. "Binago ko na ang tula, sensei. I decided to write it in Filipino and English."

"Binago mo 'yung isang linggo natin na pinaghirapan?"

"Consider it as a final test on my language skills," anang binata. "P-Pwede bang pakinggan mo kahit gaano ka-corny?"

Marahan siyang tumango. "S-Sige. Makikinig lang ako," usal niya at inilagay sa kandungan ang magkasalikop na palad. Nanginginig siya. Na-torture na nga siya nang isang linggo tapos may bago na naman? Wala nang silbi ang ganda niya.

Konting tiis na lang. Matatapos na rin iyan. Sigurado kapag nakapag-propose na siya sa babaeng iyon at sinagot siya, doon na rin siya magpapa-tutor. Makakahanap din ako ng ibang estudyante. Makaka-move on din ako. Kailangan ko lang maka-survive dito.

"Nang una kitang makita, damdamin ko'y kakaiba. Sa gitna ng mataong pool, ikaw na lang ang nakita ng aking mga mata."

"Sa pool?" tanong niya. Hindi ba doon din sila unang beses na nagkita.

"Parang ikaw ang naging sentro ng mundo ko. Kahit na hindi ko naman alam ang pangalan mo." He paused. Tumango siya para ipaalam dito na walang problema. Di siya makapagsalita dahil baka mapaiyak siya. Hindi nakakatuwa ang coincidence na sa swimming pool din nito nakilala ang babaeng gusto nito. "Nang nakulong tayo sa metal na kahon, hindi ko nakalimutan nang yakapin mo ako. Para mapawi ang takot mo ay pinagtiyagaan mo ang sintunado kong kanta."