"What did you say?" tanong ni Jemaikha na nalukot ang mukha. "Chinese ba iyon?"
"I said see you later, ma'am," sa halip ay sabi ng lalaki at yumukod. "It is a dialect in Luoping County."
"Ohhh! Luoping county. Ino-note ko iyan. Parang pasikat pala sa kanila ang I'll see you later," usal ni Jemaikha at inilista sa loob ng notebook nito. Nagniningning ang mga mata nito na parang nakatagpo ng kayamanan. Fascinated talaga ito sa iba't ibang salita. Isinara nito ang notebook. "Maiwan ko muna kayo. I have to go."
Nawala ang ngiti ni Hiro. "Bakit? Akala ko sabay tayong magla-lunch."
"Sorry. May group project kasi kami. Mamaya na lang alas sais at good luck sa klase mo. Istrikto ang professor mo doon. Ganbarremasu!" anito habang nakakuyom ang palad. "Fight-o!"
Inangat niya ang isang kamay para pigilan ito. "Pero 'yung isang project ko…"
Tumakbo na ito palayo. "Laters!" Mukhang importante talaga ang lakad nito.
"Kisama! Di niya sinabi sa akin kung sino ang kasama niya," usal niya. "Di kaya manliligaw niya ang kasama niya?"
"Ano mo ba ang Jemaikha na iyon?" tanong ni Yuan at matiim ang tingin sa kanya.
"She is my tutor. She's a good one."
"Tutor saan?" tanong ng kaibigan. "German? I know your German sucks."
"English and Filipino."
Nagdilim ang mukha ng lalaki. "At kailan mo pa kinailangan ng tutor sa English at Filipino. Tatlong taon ka pa lang, may personal tutor ka na para doon. At lalong wala akong problema sa Filipino. Tuwid ang dila ko. Tigilan mo ako sa kalokohan mo."
"Gawin mo na para sa akin. Ako ang magbabayad," prisinta niya.
"At saan ka naman kukuha ng pambayad. Mas kuripot ka pa sa Instrik, Hiro."
"I will sell my stocks," aniya at itinaas ang noo. Pagkapanganak pa lang niya ay ikinuha na siya ng stocks ng magulang niya sa stock market. Nang mag-disiotso anyos siya ay isinalin na ng magulang niya full responsibility sa kanya.
"Baka," usal ni Yuan na tinawag siyang tanga. "Why waste your time and money with this girl? I can't see the charm."
Paano naman ito makaka-appreciate ng charm samantalang wala itong pakialam sa mga babae? Pag-aaral sa pagpapatakbo ng negosyo at pagkakaperahan lang naman ang iniisip nito.
"She's a good daughter. Her father is sick. I am just helping her out," aniya at nagkibit-balikat. "I have so much in life, Yuan. Bakit naman di ako tutulong sa ibang tao?"
"Hindi ka lang basta tutulong sa ibang tao. You like this girl."
"I do. She's… she's someone really special. I am falling for her and she's just being her."
"Your parents won't like this."
"They trust my judgment. Isa pa, ni hindi ko pa nasasabi kay Jemaikha na gusto ko siya. Di pa ako mag-aasawa."
"Paano kung pikutin ka niya?" tanong nito.
Umiling si Hiro. "That's so unlikely. Ayaw ngang magpalibre sa akin kahit na fishball. Tapos pipikutin pa ako? She has so much pride. It is irritating sometimes but that is part of her charm. Mas gusto niyang paghirapan ang lahat ng kinikita niya. Kaya tulungan mo ako." Pinagsalikop niya ang mga palad. "Onegai! Luluhod ako dito kapag di ka pumayag."
"Sira ulo ka talaga. Di ka nga pumapayag na lumuhod nang talunin ka ng bubwit na si Myco Gosiaco sa karate sparring n'yo. Tapos para lang sa babaeng iyan luluhod ka? Ikain na lang natin iyan."
"Just one session, Zheng. Para makilala mo rin ang babaeng gusto ko."