Chapter 56 - Chapter 16

Masaya naman si Hiro habang kausap ang pamilya niya. He was animated. Samantalang madalas ay reserved ito at matipid magsalita kapag silang dalawa lang. She liked this side of him. At masaya din siya na makitang masigla ang tatay niya. Ngayon lang ulit may dumalaw dito mula nang magkasakit ito at manatili sa bahay.

"Dumalaw ka ulit dito," anang ama niya nang magpaalam na sila. "Masaya ako na makilala ang mga kaibigan ng anak ko."

"Sige po. Aalis na po kami. Salamat po sa agahan at kwentuhan," tuwid na sabi ng binata na wala na ang matigas na accent nito.

"Paano mo nahanap ang bahay natin?" tanong niya sa lalaki nang naglalakad na sila papunta sa sakayan ng jeep.

"Sa kontrata natin."

"Anong ginagawa mo dito sa amin? May emergency ba?" tanong niya. "Basta-basta ka na lang sumulpot sa bahay namin. Ang sarap pa ng tulog ko."

"Wala. Gusto lang kitang ihatid," kaswal na sagot nito.

"Ano?" Ihahatid daw siya nito. Tama ba ang dinig niya? E di parang nanliligaw na pala ito.

"I want to practice my language by talking to people," biglang bawi nito. "Did I pass? Naintindihan naman ako ng pamilya mo, tama?"

Assuming kasi. Pahiya level 999999 ang ganda ko. HIndi naman pala siya nito ihahatid dahil may romantic interest ito sa kanya. Gusto lang mag-practice ng bagong salitang natutunan nito. Baka nga 'yung hatid-hatid nito, namali lang ito ng term.

"Dumayo ka pa sa bahay namin para lang mag-practice?" tanong niya. "Ibang klase."

"Ihahatid nga kita," giit ng lalaki. "I want to make sure that you are safe on your first day in school."

"Practice din ba iyan?" nakataas ang kilay niyang tanong.

"Yes. Practice," sabi lang nito at pinara ang jeep.

Inalalayan siya nito sa siko pagsakay ng jeep at di maiwasang kiligin kahit na alam niyang practice lang din ng lalaki ang pag-alalay sa kanya. Nothing romantic. Gentleman lang ito. Pwede din naman akong mag-practice ng kilig. Para kapag totoo na, sanay na ako. Parang lengguwahe lang iyan. Ang lagay siya lang ang pwedeng mag-practice?

"Your father is sick? Kaya ka nagtatrabaho habang nag-aaral?" tanong ng binata sa kanya.

Tumango si Jemaikha. "Oo. Wala namang ibang tutulong sa akin kundi ako rin. May scholarship ako pero alam ko na kailangan ko ring tumulong sa bahay. Naiintindihan mo ako?" tanong niya. Nakatitig pa rin ito sa kanya. "Wakarimashita?" tanong niya kung naiintindihan siya nito.

"Siyempre naiintindihan ko. Magaling kang teacher, sensei."

"Ibig sabihin hindi mo na ako kailangan para tulungan ka?" tanong niya. Mauunawaan naman niya kung kumpiyansa na ito na kaya na nitong mag-isa at di na niya kailangan pang I-tutor. Mabilis itong maka-adapt at nagse-self study pa. Mawawalan na siya ng raket. At magkakanya-kanya na silang buhay. Parang ang bilis. Ayaw pa niyang pakawalan ito.

Pero wala akong magagawa kung di na niya ako kailangan. Unang araw pa lang ng klase ay m asamang balita na ang sasalubong sa kanya. Kaya siguro dumayo pa ang lalaki sa bahay niya para ipakitang kaya na nito nang wala siya at magpapaalam na siya. Sayonara na ba ito?

Nanlaki ang mga mata ni Hiro. "H-Hindi. Nais ko pang matuto. Kailangan ko ang tulong mo, sensei," sabi nito at ginagap ang kamay niya.

"Uyyyy!" tuksuhan ng mga pasahero. "Sagutin mo na kasi."

"Aga-aga naman ninyong magligawan. Mga batang ito talaga," reklamo ng isang matandang babae.

Dali-dali niyang binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Hiro. Parang walang malisya lang dito na hawakan ang kamay niya sa harap ng maraming tao. Paano naman sa kanya na may malisya? Lihim siyang ngumiti. Magkaka-moment pa sila ni Hiro.

Iyon na marahil ang pinakamasaya niyang first day sa eskwelahan. Noong bata siya ay excited lang siya dahil may baon siya. Ngayon ay excited siya dahil kasama niya si Hiro. Parang pagkaganda-ganda ng karaniwang traffic na daan papunta sa UP at parang umuulan ng talulot ng bulaklak habang naglalakad sila sa campus.

Ihinatid siya ni Hiro hanggang sa pinto ng kuwarto niya. "Enjoy your first day."

"Saan ka pupunta?" tanong niya dito.

"Sa library. Hihintayin kong matapos ang klase mo."

"Mamayang hapon pa ako uuwi," sabi niya.

"Sabay tayong mag-lunch tapos ihahatid kita pauwi pagkatapos ng lesson natin."

Kumunot ang noo niya. "Ano ito? Practice na naman?"

"Ano sa palagay mo?" makahulugang tanong ng lalaki. Makahulugan itong ngumiti sa kanya bago lumayo. Palagay niya? Hindi siya mapalagay. Ano bang ginagawa mo sa akin, Suichiro Hinata?