NAKANGITING sinalubong ni Gino si Miles paglabas niya ng kuwarto. She was wearing a navy blue coat and white breeches. Nakasuot din siya ng knee-high boots. Iyon ang ipinadala ni Gino na isusuot niya para sa date nila.
"Well, you look great! Sabi na nga ba bagay sa iyo."
Pareho lang sila ng suot ni Gino pero black coat ang suot nito na may logo ng Stallion Riding Club. It was a riding habit that was exclusive for members.
"Bagay naman pala sa iyo ang naka-riding habit. Akala ko chef's uniform lang ang bagay sa iyo," kantiyaw niya.
"Hindi mo pa direktahin. Naguguwapuhan ka lang sa akin."
Lumabas si Quincy sa kusina. Papasok na ito sa trabaho habang day off naman niya. "Makakalimutan mo pa ang baon ninyo." Iyon ang mga parfaits na nai-bake niya nang nagdaang gabi para baunin niya sa date nila ni Gino. "Enjoy kayo!"
"Siyempre naman. Matagal ko yatang hinintay na pumayag siyang makipag-date sa akin. Kailangan ko pa palang konsensiyahin para lang pumayag."
"Tama na iyan at male-late ka pa, Quincy."
Binulungan siya nito. "Huwag ka nang pakipot. Mag-I love you ka na."
"Ang kulit mo! Umalis ka na nga!" pagtataboy niya.
Excited siya habang nakasakay sa kotse ni Gino at papunta sa main stable ng riding club. "I will make sure na mag-e-enjoy ka sa date natin."
Isang linggo lang ang ipinataw na suspension kay Gino sa halip na isang buwan. Naintindihan kasi ni Reid kung bakit nito ginawa iyon kay Alain. Natuloy pa rin ang sponsorship sa tournament. Kung tutuusin ay si Alain ang nagsimula ng gulo dahil hindi nito ma-handle ang kalasingan nito. Ultimong mga kasamahan nito sa kompanya ay inireklamo ito at bibigyan daw ng disciplinary action.
Pagka-lift ng suspensiyon ni Gino ay pinlano na agad nito ang date nila.
Nang dumating sa central stable ay inilabas ng stable boy ang kabayo na pag-aari ni Alain. Kulay bay ang kabayo na iyon at kulay brown naman ang mane. "This is Comet. He is an Anglo-Arabian. He is an offspring of an Arabian sire and a Thoroughbred dam. Kaya ideal siya sa equestrian sports. Siya ang tine-train para sakyan ko sa dressage event sa open tournament."
"Hello, Comet!" bati niya sa kabayo at hinaplos ang leeg nito. "Siya ba ang sasakyan ko, Gino?" Excited siyang makasakay sa ganoon kagandang kabayo mula pa nang umapak siya sa Stallion Riding Club.
"Oo. Siya ang sasakyan natin."
"Natin?" tanong niya at bumaling dito. "Hindi tayo tig-isa ng kabayo? Ang yaman-yaman mo. Sabi mo marami kang kabayo. Tapos hindi mo ako pagagamitin?"
"Hindi naman sa ganoon. Kaso hindi ka pa marunong mangabayo."
"Marunong ako. Nakasakay na ako sa Tagaytay noong namasyal kami ng family ko dati. Madali lang namang I-maneuver basta di ko patatakbuhin."
Kinausap ni Gino ang stable boy at inilabas ang isa pang kabayo na kulay puti. "This is Snow White. She's an Andalusian mare."
She fell in love with the horse in an instant. Umungol ito nang hawakan niya sa baba at humilig sa kamay niya. "Hello, Snow White! Ako ang rider mo ngayon. Huwag mo akong ihuhulog, ha?"
"Snow White is a very tame horse. Hindi pa siya naghulog ng rider niya kahit minsan. Kahit si Lola Dorina, gusto siyang sinasakyan."
Matapos lagyan ng saddle si Snow White ay sumakay na siya dito. Tinungo nila ni Gino ang direksiyon ng lake. "Mas maganda palang mamasyal dito kapag naka-horseback. Tingnan mo! Tanaw na tanaw ang Taal Volcano."
"Gusto ko rin dito. Kaya nga in-acquire ko agad ang property kahit na may kalayuan sa mismong bukana ng riding club. Mas tahimik kasi. Walang basta-basta bubulabog sa akin. And I wish that someday, I will build my own family here."
Tumawa siya. "Alam mo, Gino. Kung noon mo sinabi iyan sa akin baka hindi ako maniwala. Parang wala sa character mo na magseseryoso, mag-aasawa at magkakaroon ng mga anak. Playboy na playboy ka kasi. Iba't ibang babae ang kasama mo tuwing makikita kita sa DOME."
"Nagbago na ba ang opinion mo sa akin?"
"Yes, in a way. I saw the other side of Gino. Iyong gentle side mo. Sa dami ng mga taong nakakasalamuha ko, akala ko na magaling na akong mag-judge. But I was wrong. Tulad na lang kay Alain. I thought he was the perfect gentleman. Naging crush ko pa mandin siya. Iyon pala natanso niya ako."
"Baka nainis lang siya dahil tinanggihan mong makipag-date sa kanya."
"Ganoon ba siya kaguwapo para hindi tanggihan kapag niyaya niya ako?"
Tumikhim si Gino. "Paano naman ako?"
"Iyon nga, akala ko kasi puro ka lang kalokohan. Na kapag nagiging mabait ka sa babae, laging may ulterior motive. Na kapag nakipag-date ako sa iyo, hahanap ka rin ng iba at makakalimutan mo na ako."
"Baligtad nga, di ba? Nakalimutan mo ako pero hindi kita nakalimutan. Dati nga kinakausap ko ang sarili ko sa salamin. Sabi ko, bakit ba paulit-ulit kitang niyayaya ng date samantalang tinanggihan mo na nga ako."
"Bakit nga ba? Kasi nagtataka ako sa iyo. Kumpara sa mga babaeng dating naide-date mo, ibang-iba ako sa kanila."
Nagkibit-balikat ito. "Ewan ko rin. Di rin naman kita pinapansin dati. Basta hindi ka na nawala sa isip ko nang awayin ka ni Mitchell. Bumalik ako sa DOME kasi gusto kitang makita. Parang ayokong makita kitang nasasaktan. Tapos nang makita kita sa party na binabalewala ni Alain, sabi ko sa sarili ko sana ako na lang ang ka-date mo at hindi na kita babalewalain. At kahit tinatarayan mo ako, gusto kitang titigan at sundan-sundan ng tingin."