"Ang totoo natatakot ako sa iyo," pag-amin ni Miles. "Kasi hindi ikaw ang tipo ng lalaki na magugustuhan ko. Sobrang guwapo mo at halos lahat ng babae may gusto sa iyo. Simple lang kasi ako. Gusto ko simpleng lalaki lang ang mahalin ko. Iyong wala akong masyadong karibal at alam ko na ako lang ang gusto niya. Kaso tama ka. Love is not as simple as I thought. Akala tama ang desisyon ko na itaboy ka. Kasi mapapahamak lang ako sa iyo. Nang mawala ka, lalo naman kitang na-miss. Hindi ka na nawala sa isip ko. Pati trabaho ko apektado na."
"Aha! Na-depress ka nga dahil nawala ako."
Iniwas niya ang tingin dito. "Oo na," napipilitan niyang amin.
"Sinadya ko talaga iyon. Sinabi ko na di ako magpapakita sa iyo dahil pupunta naman talaga ako sa France. Di ko lang sinabi na babalik ako para tuluyan mo akong ma-miss."
"Sorry ka. Wala na ako nang dalawin mo ako."
"Anong sorry? Tuwang-tuwa nga ako dahil magkakatrabaho na tayong dalawa. Siyempre hindi mo na ako maiiwasan, di ba?"
"Kaso puro gulo lang ang idinadala ko sa iyo. Napapahiya ka sa kaibigan mo. Tapos nagkagulo pa kayo ni Alain dahil sa pagtatanggol mo sa akin."
"Gulo ba iyon? Wala naman akong kaibigan na napahiya."
"Those women who were your friends' companions."
"They are not my friends. And besides, my friends like you. Mga members lang ng club ang kaibigan ko. Their companions are not included. At iyong nangyari kay Alain, I vowed that I won't let him hurt you the second time. I warned him but he didn't listen. Kaya dapat lang sa kanya ang ginawa ko."
"Bakit ganoon? Lahat ng expectation ko sa iyo, nasira. You are the exact opposite of the guy that I despise. Tapos ginawa mo pa ang lahat ng paraan para pansinin kita nang pansinin. What am I going to do with you, Gino?" Wala nang paraan para burahin ang nararamdaman niya dito.
Lumapad ang ngiti ni Gino. "Does it mean that you are in love with me?"
"Siguro. Ewan ko."
Huminga nang malalim si Gino. "Bakit ka sigurado?"
"The emotion is new to me, Gino. Hindi pa ako nai-in love. Saka kapag oo ang isinagot ko, a relationship will follow. I am not sure about that yet. Saka marami pa akong iniisip sa ngayon. There's my class at the culinary art school. Iisipin ko pa ang final menu ng dessert na ilalabas natin. Gusto ko nasa tamang oras lahat."
"Sabihin na nating hindi ka pa in love sa akin. May pag-asa ba ako?"
Inikot niya ang mata. "Oo naman. Tinatanong pa ba iyan?"
"Yes!" Inilapit nito si Comet kay Snow White at ginagap ang kamay niya. As their horses walk, his eyes were on her face. "How did you know, I needed someone like you in my life?" kanta nito.
Mabilis niyang hinila ang bridle ni Snow White nang magulat ito dahil sa kanta ni Gino. "God, Gino! You are scaring the horses! Huwag ka na lang kumanta."
"What is wrong with my voice?"
She gnashed her teeth and glanced at him. "In love na sana ako kaso naririnig pa kitang kumanta kaya nagbabago ang isip ko."
Lumungkot ang mukha nito. "Masyado mo naman akong sinasaktan."
"Okay lang iyan. Guwapo ka naman, Gino."
"May favor ako na hihingin, Miles. Pwede bang ikaw ang maging date ko sa open tournament. Panoorin mo naman ako sa dressage competition," pakiusap nito habang nakaupo sila sa rocking sofa sa cabin nito habang nakatanaw sa Taal Lake.
"Teka, magsusuot ba ako ng isinusuot ibang babae doon?"
Umiling ito at inakbayan siya. "Huwag mong pansinin ang mga suot nila. Kasi wala rin naman akong pakialam kung ano ang isusuot mo. Basta gusto ko na nandoon ka sa audience at nagtsi-cheer para sa akin. Can you do that?"
"Oo naman. Nandoon ako para sa iyo. Promise!"