Chapter 8 - Gino Santayana Chapter 5

Bahagya siyang yumuko. "Thank you, Sir." She was flattered. A heartthrob like him called her pretty. Ang haba ng hair ko!

Hinaplos nito ang pisngi niya. "Kaya huwag ka nang iiyak kahit na sino pa ang umapi sa iyo. Just hold your head high. You are good at your job."

Wala sa sarili siyang nakangiti habang sinusundan ng tingin si Gino nang papunta ito sa kotse nito. Nakatulala siya habang nakahawak sa pisngi niyang hinaplos nito. "Maganda pala ang smile ko. Ngayon ko lang nalaman."

Nagising siya sa pangangarap nang kalabitin siya ni Weng. "Hoy! Akala ko ba umuwi ka na? Bawal ang tambay dito, Miss."

"Weng, maganda pala ang smile ko."

"Naniwala ka naman.Kung sinuman ang nagsabi,malamang binobola ka lang."

"Talaga?" Bigla siyang napag-isip. Baka nga binobola lang ako ng Gino na iyon. Naniwala naman ako. Sobrang guwapo niya. Bakit naman siya magagandahan sa ordinaryong babae tulad ko? Ano ba ang aasahan niya sa isang playboy?

"Thanks, Weng. Sige, uuwi na ako! Goodnight!"

Nainis siya dahil nauto siya ni Gino. Sinabi lang nito na maganda siya bilang pakonswelo sa pag-eeskandalo ng Mitchell na iyon.

Isinipa niya ang paa. "Hay, naku! Sa susunod na sabihin ni Gino na maganda ako, hindi na talaga ako maniniwala. Sinungaling siya!"

PASIMPLENG inayos ni Miles ang uniform niya at nag-practice ng ngiti habang hinihintay ang mga orders na ise-serve sa mga guest nila.

"Uy! Nagmamaganda na naman siya," tukso ni Weng na katatapos lang mag-dish out ng pinagkainan ng mga kaaalis lang na guests.

"Siyempre, nandiyan si Alain." Mukhang kagagaling lang nito sa trabaho. Isang kaibigan lang ang kasama nito. Kung tutuusin ay wala si Alain sa kalingkingan ng kaguwapuhan ni Gino. Pero mas gusto naman niya si Alain dahil wala pa itong isinamang babae sa Dome. Puro workmates lang nito.

Baka hinihintay lang niya ako para maging girlfriend niya.

Nakahanda na ang magandang ngiti niya nang dalhin ang order ng mga ito. "Here are your café lattes. Enjoy!"

"Thank you," anang si Alain. Kumpleto na ang araw niya dahil nakapag-thank you na ito. Patalikod na siya nang tawagin ulit siya nito. "Miss, wait!"

"Yes, Sir?"

"I just want to ask if you have a boyfriend."

Umiling agad siya. "None, Sir." Anong nakain niya at bigla siyang nagka-interes sa akin? Sa wakas ba ay napansin niyang maganda ako?

Tumango-tango ito. "Good. Available ka ba this Friday?"

"What do you mean available, Sir?"

"May cocktail party kasi ang company namin," singit ng kaibigan nito. "Wala pang ka-date si Alain."

"Will you be my date?" tanong ni Alain.

"MILES, huwag ka ngang malikot. Hindi ko matinuan ang paglalagay sa make up mo. Sige ka, ikaw rin. Papangit ka at baka magbago na ang isip ni Alain na kunin kang ka-date." Alas sais pa lang ng hapon ay inaayusan na siya ni Weng. Wala siyang pasok at maaga naman itong nag-out sa trabaho para tulungan siyang mag-ayos.

Nasa boarding house siya nito sa Boni dahil mas malapit iyon sa Shangri La Makati kung saan gaganapin ang cocktail party ng company ni Alain.

"Kinakabahan kasi ako. Mantakin mo, hindi lang ito basta first date namin ni Alain. Makakasama ko pa sa party ang mga movers and shakers ng Manila. Nandoon din ang mga most eligible bachelors sa Pilipinas."

"Huwag mo na akong inggitin na umaapaw ng kaguwapuhan sa party na iyon. Frustrating na di ko sila makikita. Kung pwede nga lang pakunan ko ng picture sa iyo ang mga guwapo. Sabihin mo sa akin kapag nakita mo si Gino, ha?"

"At sasabihin ko rin sa iyo kung sino ang babaeng kasama niya."

Tiyak na bago na naman ang kasama nito. Wala siyang pakialam kung sinuman iyon. Basta mag-e-enjoy siya sa date nila ni Alain.

"Ayan! Ang ganda mo!" sabi nito nang matapos siyang lagyan ng make up.

"Hindi ko nakilala ang sarili ko. Saka ang ganda ng damit." Green georgette dress ang suot niya. Di siya sanay na magsuot ng dress o gown. Kahit nga palda ay ayaw niya. Bagay naman pala sa kanya.

"Buti na lang nabili ko ang damit na iyan sa ukay-ukay," kantiyaw nito.

Hinampas niya ito sa braso. "Huwag mo nang ipaalala."

"Hindi naman halata. Sayang nga dahil di masyadong maganda ang buhok mo. Ilulugay sana natin."

Hinaplos niya ang naka-bun na buhok. "Pwede na iyan. Wala naman akong pera pampa-salon. Gastos lang iyon." Mabuti nga may damit at sapatos na naipahiram si Weng. Kundi ay wala siyang isusuot sa date nila ni Alain. Pero sa nakita niyang transformation, sa tingin niya ay magugustuhan siya ni Alain.

"Ready to go?" anang si Alain nang sunduin siya. "Good thing you are early."

"Ayokong paghintayin ka."

"Let's go!" sabi nito at inalalayan siya sa kotse.

Nadismaya siya nang di man lang siya nito pinuri. Hindi yata niya nagustuhan ang ayos ko. Baka nga pangit ako. Nakuyom niya ang palad na nakapatong sa bag. Hindi! Maganda ako! Di lang siguro niya ako mapuri dahil speechless siya sa kagandahan ko. Basta mag-e-enjoy ako sa date namin!