Nagmistulang isang business conference ang cocktail party na iyon. Nang lumapit ang ibang colleagues at kaibigan ni Alain ay di na naka-relate si Miles. Halos lahat ng occupants sa table na iyon ay knowledgeable sa business. Habang ang forte naman niya ay pagluluto, pagiging barista at pagse-serve.
"Excuse me. I will just get some parfait," paalam niya kay Alain.
Nang tumayo siya ay pinigilan siya ni Gino sa kamay. "Ako na lang ang kukuha para sa iyo para hindi ka mapagod."
"No, thanks. I am perfectly capable of getting my own."
Kanina pa niya gustong makatakas sa nakakapagod na usapan tungkol sa negosyo. Nakukulta ang utak niya. She didn't care about the stocks and the inflation and the economic crisis. Mas interesado siya na tikman ang mga dessert na naka-serve sa table. Para magkaroon din siya ng idea sa mga recipe na gagawin niya.
Her mouth was watering the moment she saw the desserts. "Tranche blueberry tart, cherry flan, coffee éclair, choco bavarian, praline Riviera. I want to taste all of them," aniya habang isa-isang naglalagay sa platito. Sa sobrang excitement ay di niya alam kung ano ang uunahing tikman.
"Looks like you love the sweet stuff, Miles," sabi ni Gino na nasa tabi na niya.
"Huh! Bakit ka nandito? Di ba dapat kausapin mo sila?" Si Alain nga ay di maalis-alis sa kinauupuan dahil interesadong pag-usapan ang negosyo. Ni halos di nga siya nito tiningnan nang umalis siya ng table.
"Their conversation bores me. And besides, I want to take a look at the desserts. Sa palagay mo ano ang pinaka-masarap?"
"Pwede ko silang tikman para sa iyo kung gusto mo."
She went to a corner with him. Doon siya kumain. Nakangiti ito habang isa-isa niyang tinitikman ang desserts. "Hmmm…" aniya sa bawat pagkagat. Wala na siyang pakialam kung titig na titig sa kanya si Gino o kung may iba pang nakakakita sa pag-e-enjoy niyang kumain. She was too focused with food tasting to care.
"Hindi ka ba natatakot sa calories?"
"What calories?" tanong niya at isinubo ang huling piraso ng coffee eclair. "This is what you call food. Iyong may lasa at mae-enjoy mo. And when I become a pastry chef someday, I will make stuffs more delicious than these."
"It is fun to see a woman who appreciates food."
"Paano ako magluluto ng pagkain na hindi mo mae-enjoy? Bakit hindi mo tikman?" Hinila niya ang kamay nito. "You should try them. Hindi ko lang masabi kung ano ang pinakamasarap kasi lahat sila masarap."
Di daw mahilig sa dessert ang mga lalaki. Pero excited pa rin siya na pasubukan kay Gino. Sa tingin naman niya ay di ito tatanggi.
"I want one of those." Itinuro nito ang tranche blueberry tart.
"Wait! Ikukuha kita." Ipinaglagay niya ito sa platito. "Taste it."
"Subuan mo ako," malumanay nitong utos. Parang nang-aakit pa nga.
"Ha?" aniya at inangat ang tingin dito. Bakit naman niya ito susubuan? Sa harap pa ng maraming tao niya gagawin. Ano na lang ang iisipin sa kanila?
Ano naman ang masamang iisipin nila kung susubuan ko siya? Cute pa nga, di ba? Sa lahat ng babae doon, sa kanya pa ito nagpasubo. Exciting nga iyon. Parang napaka-romantic. Saka minsan lang naman.