Chereads / The Actor that I Hate to Love / Chapter 5 - Best of Friends

Chapter 5 - Best of Friends

Shanaia Aira's Point of View

" Hahaha.grabe ka Gelo! Ano to nasa Wow Mali ba tayo? Hahaha." tumawa na lang ako nung marinig ko yung sinabi nya.Kumalabog na naman kasi ang puso ko at ayokong mahalata nya na nawindang ako dun sa sinabi nya kaya nagkunwari na lang akong natatawa sa kanya.Pero ang totoo kinikilig ako.

" Hey what's funny? I'm dead serious here." turan nya.

" You! you're so funny.Naka~singhot ka ba ng katol o naka~amoy ng bagong hubad na medyas? Sabihin mo nga,anong tinira mo at ganyan mga sinasabi mo? Hahaha." natatawa ko pang saad.

" What?!! "naiiling pa sya.Mukhang naguluhan pa yata sa mga sinabi ko.

" Alam mo ikaw Gelo,tigil~tigilan mo nga ako.Ngayon lang tayo ulit nagkasama bibirahan mo na ako ng ganyang salita.Umayos ka ha! Baka nakakalimutan mo na mga bata pa tayo.Mag~aral muna tayo bago yang mga ganyang birada mo." sermon ko sa kanya.

" Anong nakakatawa dun sa sinabi ko na crush kita? Crush is paghanga. Meaning humahanga ako sa lahat ng kaya mong gawin. That's just it. "

" Ha? Yun ba yon? " jusko lang nakakahiya. Kung ano-ano na sinabi ko sa kanya. Ang advance ko naman kasing mag-isip.

" Bakit may iba pa bang meaning sayo ang salitang crush? " tanong nya na medyo nagtataka pa.

" Ah eh hehe wala naman. Natawa lang kasi ako. Kasi di ba kapag sinabing crush naiisip agad nung iba yung physical appearance? Tapos ikaw bigla kang magsasalita ng ganun. Jusmio naman Gelo ano sa tingin mo ang iisipin ko? Haler, tingnan mo nga ang feslak ko, mukha akong younger version ni Betty la Fea samantalang ikaw mukhang Chris Evans yang pagmumukha mo, nasaan ang hustisya di ba? Nakakatawa ka talaga. "

" Naku baby ang dami mo ng sinabi. Tsaka isa pa bakit masyado mong dine-degrade yang sarili mo? Bakit mukha lang ba ang basehan ng tao para humanga sa kapwa nila? " tanong nya.

" Aminin mo na, yun ang talagang kalakaran ng mundo ngayon. Mas unang tinitingnan ng tao ang physical appearance kaysa dun sa panloob na katangian o talents ng isang tao. Di ba nga sa mundo ng showbiz mas priority yung mga magaganda at gwapong mukha, secondary na lang yung talent? Kaya nga ang yaman na ni Vicky Belo ngayon kasi nga ang daming gustong gumanda. "

" Haay Shanaia Aira ang dami mong alam. Sino ba kasing maysabi na hindi ka maganda? Masyado namang mababa yang level of confidence mo. Hinahangaan kita kasi totoong tao ka, napaka down to earth mo at wala kang kaarte arte sa katawan. " turan nya. Medyo nalungkot naman ng slight ang puso ko. May punto sya, yung ibang katangian ko ang hinahangaan nya.Crush nya ako not in a romantic way. Sabagay sino ba naman kasi ang magkakagusto sa akin kung mukha akong manang? Mukhang nerd.

" Hey you're spacing out. May nasabi ba akong hindi mo nagustuhan?" nag-aalalang tanong nya.

" Sus ito naman, may naisip lang ako.Halika na Gelo balik na tayo sa location baka nag~aalala na si ate Shane." pagyaya ko sa kanya.

Tumayo na sya at inalalayan pa ako sa pagtayo.Lumakad na kami papunta sa bahay na nagbibiruan pa,kaya naman natuwa si ate ng makita nya kami dahil hindi na raw ako malulungkot habang may shooting sya.

Magkasama kaming nanood ni Gelo ng shooting habang wala pa syang shoot.Mamayang gabi pa raw kasi sya isasalang.Maging si tita Sylvia ay natuwa ng malaman nyang magkasama pala kaming namasyal ng pamangkin nya,hindi na raw maiinip si Gelo dahil may kasama na.

Hindi ba nakikihalubilo si Gelo sa mga artistang kaedaran nya?

Nung maghapunan na ay magkatabi rin kami sa hapag kainan at nung namamahinga na ay niyaya nya ako na magkwentuhan muna kami dun sa swing. Madami talaga kaming napag~uusapan kapag magkasama kami. Dati kapag nasa bahay namin sya mas madalas kaming mag-usap kaysa kay ate Shane. Matalino si Gelo. Nerd nga ang tawag ni ate Shane sa aming dalawa. We can talk anything under the sun. Except about showbusiness, alam nyang ayaw kong topic yon. Hindi ako maka-relate. Halos marami kaming pagkakatulad sa ugali at hindi naman kataka~taka dahil two days lang ang pagitan ng birthday namin.Sabi kasi ng matatanda kapag magkapareho kayo ng birth month halos pareho daw ang ugali.Siguro kami ni Gelo nagkataon lang. Mas matanda sya sa akin by three years sila ni ate ang halos magka age.

Maya-maya tinawag na sya para sa scene nya.Nanood ako saglit at humanga ako sa kanya dahil sa natural nyang pag-arte.Parang pinanganak talaga sya para sa larangang ito.

KINABUKASAN pinayagan ako ni ate Shane na pumunta dun sa rest house namin sa kabayanan.Nung pasakay na ako sa van namin na si Mang Simon din ang driver,narinig ko si Gelo na tinatawag ako.Paglingon ko,tumatakbo nga sya papunta sa direksyon ko.

" Hinanap kita kay Shane,paalis ka nga daw papunta dun sa rest house nyo,pwedeng sumama? " tanong nya.

" Oo naman kaya lang baka hanapin ka nila, wala ka bang ite-take na scene ngayon?" sagot ko.

" Wala pa mamayang gabi pa ulit ako isasalang.Nagpaalam na rin ako sa kanila na sasama ako sayo." sabi nya.

" Kung ganon,tara na para hindi tayo gabihin sa daan mamayang pauwi at para hindi ka rin ma-late sa shoot mo." untag ko.

Nung makarating kami ay magiliw naman kaming inestima ng mga care taker ng bahay namin.Pinagluto pa nila kami ng meryenda na masaya naming pinagsaluhan ni Gelo.

Nang makakain na ay naglibot kami sa buong bakuran namin.Nagandahan si Gelo sa style ng rest house namin pati na ang garden na puno rin ng ibat~ibang bulaklak. Kahit matagal ng magkakaibigan ang family namin hindi pa sila nakapunta dito.Bago lang din kasi ito, binili ni daddy kay lolo Franz yung lupa tapos pinatayuan ng bahay bakasyunan.Yung kabilang bahay ay kila lolo Franz naman. Hindi pa nagyayaya ang parents ni Gelo dito simula nung magawa ito, wala pa siguro silang time.

Pumunta kami sa Mines View park,nag take lang kami dun ng mga pictures,then punta naman kami sa Burnham park at nung mapagod kami ay naupo na lang kami sa isang bench dun at nagkwentuhan.

Pagkalipas pa ng ilang sandali ay pumunta na kami sa palengke para mamili na ng mga ipapasalubong namin sa mga kapamilya namin pag~uwi.Puro peanut brittle at strawberry jam ang binili ni Gelo para sa kanila at ilang t~shirts na rin.Wala akong maisip na bilhin kaya katulad na rin nung mga binili nya ang mga pinamili ko.Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at bumili ako ng isang kulay gray na cardigan para kay Gelo,nagandahan kasi ako, at sa tingin ko ay bagay sa kanya.Bumili na rin ako ng ibang kulay para kay kuya Andrew at daddy.Mamaya ko na lang ibibigay kay Gelo yung sa kanya pag~uwi.

Bago dumilim ay nakabalik na kami ni Gelo sa tinutuluyan namin at sakto naman na tapos na sila ate at sila Gelo naman ang susunod na mag-sshoot.Napagkasunduan na magkakaroon ng konting salu~salo mamayang gabi dahil last night na ng shooting nila at babalik na kami bukas sa Maynila.

Maraming pagkain ang nakahain sa mesa na pinagsasaluhan ng buong production team.Marami ring alak na binili para sa mga matatanda.Si ate Shane,Gelo at ako ay juice lang ang iniinom.

Halos madaling araw na natapos ang kasiyahan kaya naman tanghali na kami naka~byahe pauwi.Bago kami umalis ay may inabot si Gelo sa akin na nakalagay sa maliit na paper bag.Natuwa ako ng buksan ko dahil isang bag yun na native.Kaya inabot ko na rin yung binili kong cardigan sa kanya,natuwa naman sya dahil favorite din daw nya ang kulay gray.

Nagpaalaman na kami at nangako sya na tatawagan na ulit nya ako ng madalas ngayong wala na syang movie project. Magiging visible na raw ulit sya.

Dinner time na nung makarating kami ni ate Shane sa bahay at sakto naman na nag~uumpisa pa lang kumain sila daddy.Masaya ako at halos kumpleto kaming maghahapunan,si kuya lang ang wala dahil may inasikaso pa raw sa munisipyo.Pagkakain ay binigay na namin ni ate yung mga pasalubong namin sa kanila at syempre natuwa sila dahil nagustuhan nila yung mga binili namin.

Nakaligo na ako at naghahanda na para matulog.Saktong katatapos ko lang mag pray ng tumunog ang cellphone ko.

Unregistered number sya.Sino kaya ito at gabi na?

" Hello po." sagot ko.

" Hey baby are you home? " sabi ng nasa kabilang linya na nabosesan ko naman agad.

" Hoy Gelo ikaw pala. Bakit iba yung number mo? " tanong ko.

" Ah kasi ito yung bago kong cellphone, save mo yung number ha? Ito yung ginamit ko kasi na low bat yung isa ko. " tugon nya.

" Hmm. Ganon ba. Sige ise-save ko na lang mamaya tong bago mo. Anyway, bat ka po napatawag? " sambit ko.

" Wala lang,di ba sabi ko madalas na ulit kitang tatawagan.Tsaka hindi pa ako makatulog.Kantahan mo nga ako." ungot pa nya.

" Anong kanta ba gusto mo? "

" Kahit ano basta kantahan mo lang ako para makatulog ako. "

" Ayos ah,gawin daw ba akong radio.Sige heto na...makinig ka."

Bahay kubo, kahit munti,   

ang halaman doon

Ay sari-sari....

"Teka lang baby bat yan naman." putol nya sa kanta ko.

" Hahaha.. Eh sabi mo kahit ano,eh yan ang naisip ko." natatawa kong sagot sa kanya.Panigurado asar na asar na to sa akin.

" Wag na nga lang usap na lang tayo." pagsuko nya.

Nagkwentuhan nga lang kami.Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil paggising ko kinabukasan nasa tenga ko pa rin ang cellphone ko at naririnig ko pa ang bahagyang paghinga ni Gelo sa kabilang linya.Hala,hindi kaya maubusan ng load ang kumag na ito? Kaya pinatay ko na lang ang tawag nya matapos i~save ang bagong number nya sa phonebook ko.

❤Gelo Montero❤  oh ha with matching heart pa sa unahan at dulo ng name nya.

Lumipas pa ang mga araw at naging mas close pa kami ni Gelo.Madalas sya sa bahay namin tulad ng dati at parang kapamilya na namin sya.Bukod kasi sa mag best friend sila ni ate Shane, dati rin na magkasama si mommy at tita Sylvia sa isang tv show.Ang daddy naman ni Gelo na isa ring dating artista ay politiko na ngayon, madalas naman makasama ni daddy sa mga political gatherings.Hindi ko lang sila napapansin noon dahil umaalis nga ako ng bahay kapag may gatherings sila.

Kaya hayun ang damuho, labas masok sa bahay namin na parang miyembro talaga pamilya.Madalas ko nga na asarin na ampon sya ng mga magulang ko.

At home na at home kasi eh, parang sa Jollibee lang.

Lagi pa rin syang tumatawag sa akin kahit na madalas nya akong puntahan sa school.Magkalapit lang kasi ang school nya sa school ko ngayon. Yung dating school ko kasi malayo. Nagkakagulo nga sa school dahil kilala sya bilang isang artista.Pinapupunta rin nya ako sa school nya pag may practice at game sila sa basketball.Kilala na rin ako ng mga ka~team mates nya. Kilala na rin sya ng dalawang best friends ko na si Charlotte at Venice, palagi nga nila kaming tinutukso pero nginingitian lang namin sila.Magkaibigan lang naman kami at isa pa hindi na rin naman nya inulit yung sinabi nya na crush nya ako.

Sabi na nga ba slip of the tongue lang yun! At hinahangaan lang naman nya ako sa mga kakayahan ko.

Days and months have passed.Gelo and I became the very best of friends.At masasabi kong wala na yung dating Aira na malungkot at nag~iisa,tila hindi ko na rin  napapansin yung mundong ginagalawan ng pamilya ko na inaayawan ko dahil kay Gelo.

Not until one day ng marinig ko ang pag~uusap nila mommy at ate Shane.