Shanaia's Point of View
NAG-text na si Gelo dahil malapit ng matapos ang party nila at nagpapasundo na kay Mang Simon.Nagpaalam ako kay daddy na sasama ako sa pagsundo. Pinayagan naman ako.
Mabilis lang kaming nakarating sa school dahil wala ng traffic,it's almost 12 midnight na kasi.
Dumiretso na kami sa parking lot at dun na lang kami maghihintay kay Gelo.
Ilang minuto na kaming naghihintay,wala pa rin sya kaya naman nagpaalam muna si Mang Simon na lalabas muna saglit para bumili ng kape dun sa nadaanan naming coffee shop katabi lang ng school.
Naiwan ako sa loob ng sasakyan na nakikinig lang ng music mula sa car stereo.Maya~maya namataan ko na si Gelo na paparating pero hindi sya nag~iisa. Kasama nya yung Keithlin na naka~angla pa sa kanya at ang dibdib ay halos nakadikit na sa braso nya.
Biglang hinila ni Keithlin si Gelo pasandal dun sa isang nakaparadang kotse at mapusok na hinalikan ito sa labi.
Tila nagulat naman si Gelo.Ako man ay nagulat din,parang gusto ko na ngang lumabas ng kotse at pigilan sila pero parang napako naman ako sa kinauupuan ko.Para akong tangang nanonood lang pero pakiramdam ko sasabog na ako sa inis sa nasasaksihan ko.
Nung hindi gumagalaw si Gelo,si Keithlin na mismo ang naglagay sa mga kamay nito sa bewang nya at sya naman ay walang tigil sa kahihimas sa dibdib ni Gelo habang hinahalikan nya ito.Kaya naman ang mokong,hindi na siguro nakatiis, hayun buong pusong gumanti na rin ng halik sa tuksong nakahain.
Hindi ko na kinaya ang nakikita ko na ginagawa ni Keithlin sa bestfriend ko kaya naman lumabas na ako ng kotse at pabalabag na isinara ko ang pinto.Lumikha ito ng ingay kaya natigil sila sa ginagawa at napatingin sila sa pinanggalingan ng ingay.
Rumihistro ang gulat sa mukha ni Keithlin samantalang si Gelo naman ay parang batang nahuli sa akto ng nanay nya na nakikipaglampungan sa daan. Ang Epic.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita,sinigurado ko na hindi manginginig ang boses ko sa sobrang pagkadismaya.
" Gelo let's go home,it's getting late." tumalikod na agad ako at bumalik na sa kotse.
Tahimik akong umupo sa loob ng sasakyan habang hinihintay sya at si Mang Simon.Tumingin ako sa labas ng bintana at nakita kong nag~uusap sila ni Keithlin na tila nagpapaalam na sya dito.Hinaplos pa ni Keithlin ang pisngi nya, binigyan pa sya ng mabilis na halik sa labi bago ito tumalikod at pumunta na ng sariling sasakyan.Lumakad naman sya papunta sa kinapaparadahan ng kotse namin.
Hindi sya kumikibo ng umupo sya sa tabi ko.Nakatingin lang sya sa akin at panay ang buntung~hininga.
Problema nitong kumag na to? Bakit parang naging awkward ang sitwasyon namin? Nahihiya ba sya na nahuli ko syang nakikipag-...halikan dun sa hitad na Keithlin na yon? Bakit ba parang hindi ko masabi ng diretso yung ginawa nila? Bwisit!
" B~baby uhm,y~yung about dun sa uhm.. " walang makapang sabihin ang talipandas.
" Ayusin mo nga Gelo bakit ka ba nag~sstutter dyan! Hindi kita maintindihan puro ka uhm." mataray kong sambit.
" Ah yung kanina kasi hindi magandang nakita mo yung ganong scene,you're young and innocent and I don't want to pollute your mind."
" Hahaha.. Seriously Gelo? I'm already sixteen,do you think hindi ko pa alam yung mga ganung bagay? Matanda ka lang sa akin ng tatlong taon Ariel Angelo , kung hindi ka na inosente sa ganung bagay and so am I.Wala pa nga lang akong experience sa ganun at ibibigay ko lang ang first kiss ko sa taong alam kong makakatuluyan ko.Diyan siguro tayo hindi magkapareho dahil ilang labi na yang natikman mo at wala kang ganung rule sa buhay mo." nakahalukipkip ako habang nagsasalita.
" Grabe ka naman sa akin baby.Pangalawa pa lang naman si Keithlin sa nahalikan ko."
" Pangalawa? at sino naman yung una aber? Parang wala ka naman nababanggit sa akin dahil wala ka pa namang naging girlfriend.
Ang tindi mo friend,iba ka talaga.Hindi pa nagka~girlfriend pero dalawa na ang nahalikan."
" Secret yung una at sya na yung gusto kong pakasalan dahil sya ang first kiss ko." sabay ngiti ng malapad sa akin.
" Tse! gaya~gaya ka talaga.Naiinis pa rin ako sayo! Sabi ko ng wag kang humarot sa Keithlin na yon eh."
" Eh sya naman ang nauna,tao lang ako. Marupok.Sana lumapit ka kaagad para hindi na nya ako natukso."
" Ah kasalanan ko pa pala ngayon? Kung talagang sincere ka sa pangako mo sa akin kanina, kahit na maghubad pa sa harap mo yung Keithlin na yun, hindi ka matitinag.Kaso nga talipandas kang tunay.Ang harot- harot mo! " naiinis ko pang turan.
" Sorry na baby! "
" Tse! tantanan mo ako Ariel Angelo Montero.Isat kalahati kang maharot!"
Tumahimik na kaming pareho at umpisa na naman ng silent war namin hanggang sa dumating na si Mang Simon at umuwi na kami.
Pagdating namin sa bahay dumiretso na ako sa room ko para maligo.Ramdam ko na nakasunod sya sa likuran ko hanggang sa makapasok kami sa kwarto ko.Nung pumasok na ako sa bathroom naupo sya pasalampak sa kama ko habang inaalis yung necktie nya.
Hmp.. Bahala sya sa buhay nya,basta naiinis ako sa kanya.
Naka~pantulog na ako nung lumabas ako ng bathroom.Nakatingin lang sya sa akin,sinusundan ang bawat kilos ko.
Ikinuha ko sya ng pantulog nya sa closet ko at hindi kumikibong inabot ko sa kanya.Tahimik din nyang kinuha mula sa akin ang pantulog at pumunta na ng bathroom.
Nahiga na ako pagkatapos kong magdasal.Ipinikit ko na ang mga mata ko,gusto ko ng matulog. Naiinis ako na hindi ko mawari.Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi ko na lang ni~suggest sa kanya na yung hitad na Keithlin ang kunin nyang partner.
Hindi ko alam kung bakit parang kinukurot na naman ang puso ko kanina.Hindi ako sure kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa bestfriend ko.Basta parang nasasaktan ako kapag may ibang babaeng napapalapit sa kanya.Siguro natural lang dahil sanay ako na ako lang ang binibigyan nya ng atensyon.Ganon din naman sya kapag may gustong manligaw sa akin,minsan nga matignan lang ako para na syang dragon na bubuga ng apoy anytime. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko,damdaming pang kaibigan pa rin ba ito o iba na?
Natigil ako sa pag~iisip ng maramdaman kong lumundo ang kama at humiga na si Gelo.Ayokong idilat ang mga mata ko,hayaan mo nga sya na isipin na tulog na ako.
" Baby goodnight." yun lang at tumahimik na sya.Tulog na siguro,malamang pagod siguro kasasayaw dun sa Keithlin na yun.
Dahan~dahan akong lumingon sa gawi nya para tignan kung tulog na sya.Gising pa pala at nakanguso pa habang nakatingin sa akin.Haay! nagpapa~cute na naman ang herodes para pansinin ko na sya.
Tinitignan ko lang sya.Ayoko syang kausapin, beast mode ako.
Hinila nya ako papunta sa kanya at niyakap ako.
" Umaandar na naman yang tililing mo.Wag mong sabihin na silent war na naman tayo, kakabati lang natin kanina.Sorry na,hindi na ako haharot kay Keithlin o kahit na kanino pang babae na ayaw mo para sa akin." seryosong sabi nya.
Napangiti ako sa sinabi nya pero hindi nya nakikita dahil nakasubsob ako sa dibdib nya.
Tiningala ko sya." Promise? "
Hindi sya kumikibo.
" Oh kitam hindi ka makasagot kase hindi mo kayang panindigan yang sinasabi mo."
" Oo na! Oo na! " sagot nya sabay pisil sa ilong ko.
" Sus! sa ilong lumabas.Napipilitan."
" Hindi ah.Kaya lang paano ko maiiwasan si Keithlin kung lagi ko syang nakikita sa school? "
" Eh bakit sinabi mo pa na hindi ka na haharot, hindi mo naman pala maiiwasan? Imposible naman na hindi ka matangay kung sya na mismo ang kusang lalapit sayo.Sa rupok mong yan.Hay nako Gelo kahit talian ko pa yang patotoy mo kung gustong kumawala nyan,kakawala yan! "
" Baby! Grabe ka bakit nasabi mo yun ha? " hindik na hindik pa ang kumag sa sinabi ko.
" Sus pa virgin lang ang peg mo! Dalawa na nga ang nahalikan mo,partida wala ka pang naging girlfriend ha? "
" Hoy baby,nakakahiya mang aminin pero virgin pa ako noh! Kahit sinasabi mong marupok ako,nire~reserved ko to sa babaing pakakasalan ko.Wag ka ngang ano dyan."
" Oo na ikaw na! Basta ayoko sa Keithlin na yon.Period! "
" Oo na sige na,matulog na tayo! Sasama ka sa akin bukas sa bahay, birthday ni ate, darating si daddy kaya kumpleto kami.Andun din mga cousins ko."
" Eh di puro artista na naman ang mga bisita nyo? "
" Talagang ganon puro artista kami eh.Ang importante andun tayo at hindi magtatampo si ate sa atin."
" Okay, bili na lang tayo ng gift para sa kanya bago tayo pumunta sa inyo."
" Yeah! goodnight na baby."
" Good morning na kaya."
Natawa lang sya.Niyakap na lang nya uli ako at hinalikan sa ulo.
Haay! Ang sweet talaga ng kumag kong bestfriend.