Shanaia Aira's Point of View
NAHIHIYA ako dahil halos lahat ay sa amin nakatingin.Yung kasayaw ko pa naman ay titig na titig sa akin,kung ice cream lang ako malamang kanina pa ako tunaw.
Ang tagal naman matapos ng music, masyado na akong naiilang sa mga titig ni Jaytee.Aminado ako, naging crush ko sya nuon pero nung manligaw na sya sa akin parang nawala yung feeling na yon,hindi ko alam kung bakit, siguro hanggang crush lang talaga ako at ayoko ng mas humigit pa don.Hindi talaga kami bagay. Sobrang gwapo nya. At isa pang dahilan kung bakit ko sya binasted ay si Gelo.
Lahat ng manliligaw ko ay kinakausap ni Gelo, yung iba nga hindi pa nakakalapit butata na.Ewan ko ba sa taong yun sobrang higpit, parang tatay. Pero okay lang sa akin yung ganun si Gelo lalo na ngayon na sigurado na ako sa feelings ko sa kanya at wala naman akong ibang hinahangad na makasama kundi siya lang.Kaya kahit na sobrang gwapo nitong kasayaw ko ngayon, na kay Gelo pa rin ang loyalty ko.Sana lang the feeling is mutual.
Promise me your mine tonight 🎶
I'll be waitin' lyin' tonight🎶
While the lights are low🎶
I never let you go.🎶
" You know Aira, masaya ako na ikaw ang queen ko kahit ngayong gabi lang.Masaya ako kahit pansamantala lang na akin ka." boses ni Jaytee ang nagpabalik sa akin mula sa malalim na pag-iisip.
" Ha?!"
" It's been two years but I'm still in love with you Aira."
" Jaytee!"
" Sorry pero sinubukan ko naman na kalimutan ka eh kaso ang hirap.Pero ayos lang naman sa akin. Hindi naman pwedeng pilitin ang puso mo na mahalin din ako,hayaan mo lang ako na mahalin ka,siguro naman after graduation kung hindi na tayo magkikita baka mawala rin ito."
Did I dream that we dance forever🎶
In a wish that we made together 🎶
On a night that I pray would never end🎶
You know it's not my imagination 🎶
Or a part of the orchestration🎶
Love was here at the culmination🎶
I'm the king and you're the queen of hearts.🎶
" Jaytee,sorry ha? Pero sana maging magkaibigan na lang tayo or kung hindi man atleast maging civil tayo sa isat-isa."
" Yeah, sure why not.Time will come na makakalimutan ko rin itong feelings ko sayo,sana lang makahanap ako ng isang tulad mo.At ang gabing ito na naging reyna kita,hindi ko ito makakalimutan, mananatili itong magandang alaala sa akin." sincere sya na ngumiti sa akin, yung tipong tanggap na nya ang lahat sa pagitan namin.
Time will pass and tears will fall🎶
But someday we'll both recall🎶
Moments made of this🎶
Golden memories.🎶
" Thank you Jaytee and again I'm sorry." sincere ko ring turan sa kanya.
" Its ok Aira, don't worry I understand.Let's just enjoy the night." he smiled sweetly at me.
I smiled back.This guy is a good man.Maswerte ang mamahalin nya at magmamahal din sa kanya.Kung hindi lang kay Gelo nagmahal ang puso ko baka may chance sa akin ang isang to kaso pasaway din ang puso ko eh, si Gelo lang ang kilala.
Nang malapit ng matapos ang music, tinitigan nya ako at hinaplos ang aking mukha.Nagulat ako ng halikan nya ako sa noo.Napatulala ako sa ginawa nya.
" Thanks Aira.Pwede bang ako na lang ang last dance mo ngayong gabi?"
Bago pa ako nakasagot ay bigla na lang akong nagulat dahil may humigit sa kamay ko at hinila ako palayo sa dance floor.
" Sorry pare uuwi na si Aira, masyado ng malalim ang gabi!"
Shocks! Sino pa nga ba ang may kakayahang hilahin ako sa harap
ng kahit sino?
Walang pakundangan nya akong hinila sa gitna ng mga taong nakanganga sa gulat dahil agaw eksena itong si Gelo. Artista nga talaga.
Nakakahiya!
Kung pwede lang kainin ako ng lupa.Halos madapa na ako sa paghila nya buti na lang mababa ang takong ng sapatos ko.
"Gelo ano ba madadapa naman ako!"
Hindi nya ako pinansin, tuloy lang sya sa paglakad ng mabilis habang hila-hila ako.Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga nadadaanan namin hanggang sa makarating kami ng parking lot.
Binuksan nya ang pinto sa may passenger seat at mabilis nya akong iniupo at kinabitan ng seat belt.Umikot sya papunta sa driver's seat at ng makaupo sya ay pabalabag nyang isinara ang pinto.
Tinignan nya ako ng nanunuot na tingin.Sinalubong ko rin ang mga titig nya.Akala nya matatakot ako sa tingin nya?Pwes! nagkakamali sya.Napahiya kaya ako kay Jaytee at sa lahat ng tao dun kanina.
" What was that? Bakit bigla ka na lang sumusulpot at hinila ako palayo dun?My God Gelo nakakahiya yung ginawa mo! I'm sure headline na ako nyan sa buong school pagpasok ko.You ruined my night!" nanggigigil kong turan.
" Nakita ko sina Venice at Charlotte na sinundo nila Kevin,tinanong kita sa kanila at sinabi nila na ikaw daw ang nanalong Queen of the Night.Natuwa ako kaya nakiusap ako sa guard na papasukin ako sa venue para mapanood ka.Pero ano yung nakita ko ha baby? Hinaplos nung kapareha mo yung mukha mo tapos ang nakakapag-init pa ng ulo hinalikan ka pa.Ano ang ine-expect mong gagawin ko pagkakita ko sa ganung tagpo ha?!" nayayamot na turan naman nya.
" Sa noo lang naman nya ako hinalikan ah.Ano naman ang masama dun? Bakit ka ba nagkakaganyan na naman?"
" Hindi pa ba obvious ha baby? Nagkakaganito ako dahil nagseselos ako.Nagseselos ako! Damn! I'm fucking jealous!"
" Gelo!"
" Oo baby, hindi ko mapigilan ang magselos sa tuwing may lumalapit sayong ibang lalaki.Ayokong nakikita na mayroong umaaligid sayo,kinakain ako ng selos at hindi ko mapigilang hindi magalit.Akin ka lang Aira.Si Shanaia Aira Gallardo ay para kay Ariel Angelo Montero lang!"
" Gelo ano ba yang sinasabi mo?" nahihindik kong tanong.
" Grabe Aira ang manhid mo naman, hindi pa ba malinaw sayo? Damn! I love you! I'm madly and deeply in love with you matagal na.Kaya hinaharang ko lahat ng manliligaw mo,iniingatan kita,inaalagaan kita kasi mahal na mahal kita.Hinihintay ko lang na maging ready ka kaya hindi ako nagtatapat sayo. Alam kong ayaw mo sa isang artista na kagaya ko at natatakot din akong layuan mo ako pag nalaman mo na mahal kita.Hindi ko kakayanin yon kung sakali." parang bombang sumabog sa harap ko ang rebelasyon nya.Hindi ako makapaniwala na mahal din nya ako, mas nauna pa pala nyang naramdaman yun kaysa sa akin samantalang ako kelan ko lang na realized yun.
Nakatingin lang ako sa kanya, parang umurong ang dila ko hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.I didn't see this coming.Hindi ako ready.
" Galit ka ba sa nasabi ko? Please baby wag mo naman akong iwasan dahil sa nalaman mo."
" No."
" No?"
" Hindi ako galit."
" Talaga? So anong sagot mo?"
" Hindi."
" Ganon ba? Hindi mo ako mahal." malungkot na turan nya.
" Mahal." tipid kong sagot.
Malapad syang ngumiti.." Eh mahal mo pala ako pero bakit hindi ang sagot mo?"
" Eh ano ba kasi yung tanong mo,wala ka namang tanong pero naghihintay ka ng sagot? Hindi ko alam ang sagot kasi wala namang tanong." sinubukan kong idaan na lang sa biro kasi naman kinakabahan ako.Ganito pala kapag mahal mo ang hindi mo inaasahang magtatapat sayo ng feelings nya.
" Ano ba baby,seryoso ako dito tapos ikaw nagpapaka- komedyante dyan.Okay I repeat, I love you.I'm madly and deeply in love with you.Will.you.be.my.girlfriend? That's the question."
" You want me to answer right away?"
" Yes of course!"
" Hindi ka rin atat eh noh."
" Syempre ang tagal ko kayang itinago sayo ang feelings ko,kaya ngayong nasabi ko na, gusto ko naman malaman ang sagot mo."
I sigh.." Gelo natatakot ako.Paano kung halimbawang maging tayo?Baka hindi tayo mag work as lovers,baka hanggang bestfriends lang tayo.Baka akala mo lang yan na mahal mo ako kasi lagi tayong magkasama. Tingnan mo nga ang itsura ko, hindi tayo bagay. Sobrang gwapo mo samantalang ako, heto mukhang nerd. Pagtatawanan ka lang ng mga makakaalam. Tsaka kung magiging tayo hindi na natin magagawa yung mga ginagawa natin bilang magkaibigan.Hindi na pwede syempre yung bigla kang papasok sa room ko at mag-ssleep over, ang awkward nun. "
" Hayan kana naman sa panlalait mo sa sarili mo. Hindi ka ba tumitingin sa salamin? Ang ganda mo baby. Sa totoo lang mas maganda ka pa kay Shane, itinatago mo lang dyan sa malalaking salamin mo sa mata. At isa pa, hindi yung mukha mo lang ang minahal ko kundi yung buong pagkatao mo. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ang dami mong manliligaw sa kabila ng tingin mo sa sarili mo na hindi ka maganda? You are beautiful inside and out. Huwag kang matakot na hindi tayo magwo-work as lovers kasi matibay ang foundation natin, yung friendship natin. Ready rin ako sa mga changes kung sakali basta sa akin ka pa rin mag- eend up.Ano baby,pwede ba?"
" Hay nako ang bilis naman yata.Girlfriend agad?Nagmamadali, may lakad?Wala man lang bang let me think about it first or hindi ba tayo dadaan man lang sa courting stage? Kailangan magpaalam ka rin syempre kila daddy."
" Nagpaalam na po ako sa kanila mahal na prinsesa." nagulat ako sa sinabi nya.Kelan yun?bakit wala naman nababanggit sila daddy sa akin.
" At kailan ka naman nagpaalam aber? Bakit walang nababanggit sila dad sa akin?"
" Actually last year pa nung nagpunta tayo sa US, nagsabi na ako sa kanilang lahat.Okay naman sa kanila, nasa iyo daw ang desisyon.Nasabi na rin ni tito Adrian na kung sakali ngang pumayag kang maging tayo, expect na yung mga changes na magaganap.Hindi na pwede yung katulad nung mag best friends tayo.Pangit na nga namang tignan."
Tinignan ko sya sa mga mata.This is it pancit.Ayoko ng pakawalan pa ang moment na ito.
" Yes Gelo."
" Yes? You mean tayo na?"
" Yes, at willing ako sa pagbabagong magaganap because I love you too Gelo so much."
" Really? Talagang-talaga? Wala ng bawian?"
" Oo sabi ang kulit!"
Lumabas sya ng kotse at parang sinasapian na sumisigaw.
" Yes! Ang saya-sayo ko, girlfriend ko na si Shanaia Aira Gallardo! Thank you Lord! Best Valentine's day ever! YAHOOO!"
" Hoy Gelo ano ba, nakakahiya ka!"
Grabe buti na lang walang masyadong tao sa daan dahil gabi na, madalang na rin ang mga sasakyan na dumadaan.
" Baby masaya lang ako kasi girlfriend na kita, my very first girlfriend.Promise, I will stay true to you at gagawin ko ang lahat para mapasaya ka at mag-work itong relationship natin.Tiwala lang sa isat-isa at maging open lang tayo sa lahat ng bagay.Si God ang gawin nating center ng relasyon na ito and I know this will going to work."
" Hay Gelo,alam mo na ikaw din ang first boyfriend ko,pareho tayong mangangapa nyan dahil first timer tayo pareho.Bahala na si God, ilagay natin sa Kanyang mga kamay ang lahat."
Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko.
" I love you baby and thank you for loving me back."
" I love you and I trust you, thank you rin at minahal mo ako ng sobra.
Kaya lang Gelo nakakainis ka, hindi mo man lang ako niligawan!"
" Hahaha.hayaan mo baby kahit girlfriend na kita liligawan pa rin kita araw-araw.Tara uwi na tayo at ipapaalam na natin ito sa kanila."
" Sana pumayag sila,hindi sila magalit.
" Hindi yan, trust me."
Habang tinatahak namin ang daan pauwi magkahawak kamay kami. Masaya ako sa bagong level ng relasyon namin ni Gelo. Ngunit may agam-agam pa rin ako. Binali ko kasi ang isang rule sa buhay ko. Ayokong ma-inlove sa isang artista. Natatakot ako. Baka hindi kami magtagal ni Gelo kung malalaman ito ng publiko. Ayokong mamili siya, ayokong maging madamot sa kanya. Paano kung masira kami dahil sa intriga? Paano na? Mahal na mahal ko siya. Mahal namin ang isa't isa. Paano kung dumating ang araw na masira kami dahil sa pagiging artista nya? Sapat ba ang pag-ibig namin upang lumaban?
I heaved a sigh. Ang dami kong agam-agam. Bahala na nga. I'll just cross the bridge when we get there.