Shanaia's Point of View
UMUWI na kami ng bansa dalawang araw bago mag umpisa ang klase sa second semester.Medyo malungkot kasi mami-miss namin sila ate Shane lalo na si Dindin.Humahabol nga sa amin nung nasa airport na kami.Ilang buwan na lang naman uuwi na rin sila,maka-graduate lang si kuya Gerald.
Ganun pa rin ang kinuhang schedule ni Gelo ngayong second sem para daw may taga hatid at sundo pa rin ako.Paano syang mapapalapit dun sa special someone nya kung ako pa rin ang iintindihin nya?
Pero ayoko ng ungkatin pa sa kanya ang tungkol dun, baka sabihin nya ipinagtatabuyan ko na naman sya para magka-love life na ako.Saka mula nung ipakita nya yung kantang sinulat nya, hindi na namin napag-usapan ulit yon.Hindi na rin naman ako nagtanong, kasi nga parang may kirot ng konti sa puso ko.At hindi pa rin ako sigurado sa sarili ko kung ano ba talaga itong nararamdaman ko kay Gelo, nagseselos ba ako dahil ayokong mawalan sya ng time sa akin o dahil ba inlove na ako sa kanya? Ewan ko kasi wala pa naman akong experience sa mga ganyang bagay.
Kung sino man yung special na tao na yun ni Gelo, napaka-swerte nya.Hindi lang gwapo si Gelo,maganda rin ang kalooban nya at napaka-sweet pa.At hindi lang yan, napaka hot din nya.
Minsan kasi nagtanggal yan ng shirt nung sinamahan ko sya sa gym. Hay grabe! in my sixteen years of existence nun lang ako parang nainitan at take note kay Gelo pa.Paano ba naman kape na lang ang kulang pwede ka na mag-breakfast sa mga pandesal nya.
Haay! Ang harot ko na naman.
" Hey! Natulala kana dyan.Ano na naman ba yang iniisip mo? kanina pa ako nagtatanong kung ano ba ang bagay na kulay ng necktie dito sa napili nating suit." boses ni Gelo na nakapagbalik sa akin sa kasalukuyan.Andito kami sa mall para bumili ng isusuot nya sa acquaintance party nila.
" Huh! Sorry! may naisip lang ako bigla.Yan na lang isang hawak mo mas bagay dyan sa suit." turo ko dun sa isang tie na hawak nya na kulay blue and grey combination.
" Okay ! Come on bayaran na natin to para makapag snack na tayo." untag nya at dumiretso na kami sa counter para magbayad. Kinikilig pa yung cashier nung nasa counter na kami. May nagpa-autograph at nagpa-picture pa nga with Gelo.
Niyaya ko si Gelo sa isang pizza house matapos mabili lahat ng kailangan nya. As usual pinagtitinginan na naman kami dahil sa kasama kong artista. Nginingitian at kinakawayan naman sila ni Gelo. Umorder kami nung favorite naming pepperoni at isang pitcher ng ice tea.
Saktong dumating yung order namin nang may isang grupo ng mga babae ang pumasok sa pizza house.Dahil medyo maingay sila kaya napatingin kami ni Gelo sa banda nila.Isa sa mga babae ang mabilis na lumapit sa pwesto namin ng mamataan kami.
" Oh my gosh Gelo,you're here! " maarteng sambit nya sabay hawak pa sa braso ni Gelo.
" Oh hi Keithlin! Long time no see." bati naman ni Gelo.
" Yeah,nag shift kasi ako ng course eh,si daddy lang naman ang mapilit na Archi ang kunin ko." naka-labi pa nyang turan habang panay ang himas sa braso ni Gelo.
Arte-arte ha!
" I see, halika kain ka." alok pa ni Gelo sa higad.
" No thanks! umoorder na sila oh. " sabay turo dun sa mga kasama nya na nasa counter.
" By the way this is Shanaia Aira Gallardo. And Aira this is Keithlin classmate ko nung first sem." pakilala sa amin ni Gelo.Nag hi lang ako then tinuloy ko na yung pagkain ko.
" Girlfriend mo? " narinig kong tanong nung Keithlin.
" No,I don't have one.She's my bestfriend. Sister sya ni Shane Gallardo. " sagot ni Gelo.
" Really? You're single? The promising actor Ariel Angelo Montero is single? how come? " parang gulat pang tanong nung hitad. Maarteng high pitch pa ang boses nya.Ni hindi nga pinansin yung huling sinabi ni Gelo na kapatid ako ng artistang si Shane Gallardo.
" Not in my list of priorities." kibit balikat ni Gelo.Mabuti naman at ng dumistansya na itong hitad na ito.Hindi bagay to kay Gelo,maganda at sexy nga ang arte naman.
" I see.Sige I'll go ahead na.Bye Gelo,nice meeting you Shanaia." paalam nya.Ngumiti lang ako ng tipid.
" Maganda sya ha at sexy rin." bulong ko kay Gelo.
" Ano naman ang pinupunto mo dyan ha baby? " nakangiting tanong nya.
" Wala lang,baka lang kako type mo."
" Hay nako! ayan na naman tayo.Kumain ka na nga lang,manonood pa tayo ng sine di ba? " natatawang turan nya sabay pisil sa ilong ko.
" Sure ka na manonood ka ha? Baka tulugan mo na naman ako pag hindi mo nagustuhan yung napili ko na movie."
" Okay ,promise hindi na ako matutulog.Huwag naman kasi masyadong nakakaiyak ang piliin mo para hindi ako antukin."
" Okay po tatang."
_______________
" Gelo pahiram nga ng hankie mo, hindi ko mapigilan eh."
" Tss.yan na nga ba sinasabi ko eh! Sabi mo hindi nakakaiyak yan eh kulang na lang pati t-shirt ko ipamunas mo na dyan sa luha mo." inis na turan nya.Eh malay ko ba kasi na may part na nakakaiyak itong movie na to.
" Sorry naman.Sige hindi nako iiyak,manood na lang tayo." sabi ko habang pinupunasan nya yung luha ko.
Nung lampas na sa kalagitnaan nung movie,pansin ko na seryoso ng nanonood si Gelo.Story kasi ito ng mag bestfriend na may lihim na pag~ibig sa isat-isa but afraid to reveal it to each other.Hanggang sa magkaroon sila parehas ng karelasyon pero parehong naging failed naman.Ilang taon din yung nasayang sa kanila bago nila naamin yung nararamdaman nila sa isat-isa.
Ano kaya ang iniisip ni Gelo tungkol dito? Sana naman wag kaming umabot sa punto na ganito.Mahalaga sa amin ni Gelo yung friendship namin.Kaya naman hanggat maari hindi kami gumagawa ng mga bagay na ikasisira ng magandang relasyon namin.
Naramdaman ko na lang na kinabig ako ni Gelo papunta sa dibdib nya at hinalikan ako sa ulo.
" Ang ganda naman pala ng story na to baby,may lesson."
" Yeah,I told you."
" Kaya ikaw pag may gusto ka na sa akin wag ka ng mahiyang umamin para hindi ka matulad dun sa lead actress." biro nya sa akin na ikina-blush ko naman.Buti na lang madilim at hindi nya nakikita.
" Sira! Asa ka naman.Baka ikaw ang matulad dun sa bidang guy,ilang babae ang nakalantari." ganting biro ko.
" Haha.pwede na rin." tumatawa pa ang herodes.Hala at balak pa palang gumanoon din.
" Sus! Manood na nga lang at malapit ng matapos." sabi ko na lang.
Madilim na nung makalabas kami ng sinehan.Nagmamadali na kaming makarating ng parking lot para makaabot kami ng dinner sa bahay.
Buti na lang magaling magmaneho si Gelo at alam ang pasikot-sikot para makaiwas sa traffic,kaya naman saktong mag-uumpisa pa lang ang dinner nung dumating kami.
" Kids you're just in time." sabi ni dad.
" Magaling po kasi mag drive si Gelo dad." sabi ko.
" Nabili nyo ba lahat ng kailangan sa acquaintance party mo Gelo? " tanong ni mom.
" Opo tita nabili namin lahat, si baby po lahat ang pumili." nakangiti nyang sagot kay mommy.
" Di ba dapat may partner na kasama dyan pag-umattend? Who's your date for that night Gelo? " tanong ni kuya Andrew.
" Wala pa nga kuya.Kung pwede lang ang outsider,si baby na lang ang isasama ko kaso bawal,yung taga school lang ang pwede maka-partner." sagot nya.
" Why don't you ask one of your classmates? " tanong naman ni dad.
" Actually tito pinag-iisipan ko na nga po kung sino ang pwede sa kanila, mukhang may partner na kasi yung iba."
" Eh di yung Keithlin na lang,I'm sure papayag agad yon sayo." singit ko sa usapan.
" Palagay mo papayag sya?
" Yeah,mukhang type na type ka nga nun eh."
" Okay I'll ask her tomorrow." walang gatol nyang sambit.
Putspa! hindi man lang nagdalawang isip sa suggestion ko.Maganda at sexy kasi yung higad na Keithlin na yun kaya hindi na nag-isip pa ng iba.
Kuuu! bakit ba yun pa kasi ang nasabi ko.Wrong move Shanaia Aira tapos ngayon nanggagalaiti ka.
Pagkatapos ng dinner ay nagpaalam na si Gelo kila dad na uuwi na.Pumunta na ako sa room ko nun dahil sa naaasar ako.
" Baby uwi na ako.Goodnight na." nakasilip lang sya sa pinto hindi na sya pumasok.
" Sige na.Ingat na lang." sagot ko sabay higa sa bed patalikod sa kanya.
" Hey you look pissed.What happened? " hinila nya ako sa balikat para humarap sa kanya.Hala ang bilis naman nya nakapasok nasa pinto lang to kanina ah?
" Ano ba Gelo,inaantok na ko.Umuwi kana nga! "
" Kilala kita baby,alam ko pag may topak ka.May problema ba tayo ha? "
" Wala nga! Uwi kana nga.Shooo!"
" Ang labo mo.Sige dyan ka na nga! " yamot nyang turan.Aba! nilayasan nga ako agad.Hindi man lang ako inamo.
Kinabukasan sinundo pa rin naman ako ni Gelo kahit hindi kami nagkaintindihan kagabi nung umalis sya.Nag-uusap man kami habang papunta ng school pero puro one word na sagot lang.Pagsundo nya sa akin nung hapon ganun pa rin,hinatid lang nya ako sa bahay tapos umuwi na sya agad at hindi na sa bahay nag dinner.Hinayaan ko na lang, naiinis pa rin naman ako.Tumawag naman sya bago ako matulog para lang mag goodnight tapos binaba na nya yung tawag.Nagtatampo rin sya pero wala pa ako sa mood na amuin sya noh!
Araw-araw ganun kami ni Gelo,may silent war kami hanggang sa sumapit ang acquaintance party nila.
Dumaan sya sa bahay para magpahatid kay Mang Simon sa school nya,bawal kasi magdala ng sasakyan sa school for that night.Ewan ko kung ano ang reason ng school kung bakit ganon.
Pinuntahan nya ako sa room ko dala yung necktie nya.Nakahiga ako habang nanonood ng tv.
" Pwede bang pakilagay naman nitong necktie sa akin hindi kasi ako marunong maglagay? " tumayo ako,kinuha ko yung inabot nya at hinarap sya.
Habang inilalagay ko yung tie ay hindi ako tumitingin sa kanya.Naaamoy ko pa yung pabango nya na paborito kong singhutin.
Nung matapos ako ay nagsalita sya.
" Baby bati mo na ako kahit hindi ko alam kung ano ang kinagagalit mo."
" Hindi naman ako galit ah." nakayuko kong turan.
" Weh di nga! Ilang araw na tayong may silent war,hinayaan lang kita baka kasi lalong lumala yang topak mo.Pero nami-miss ko na yang kaingayan mo,masyadong naging tahimik ang mundo ko nitong nakaraan,hindi ako sanay."
Pigil ang ngiting hinarap ko sya.Ang gwapo naman ng damuhong to.Bagay na bagay sa kanya yung suot nyang kulay dark grey suit na may panloob na kulay light blue long sleeves.
" Ok sige silent war over na tayo.Promise hindi ka haharot dun sa Keithlin na yon? Hindi ko sya gusto para sayo."
" Okay inay tatandaan ko po ang bilin nyo." biro pa nya.
" Sira! sige na baka ma late ka pa." taboy ko na sa kanya.
Ngumiti sya at niyakap ako.
" Dito ako matutulog mamaya ha,baka antukin ako sa pagda-drive pauwi? "
I just nodded.At nagmamadali na syang lumabas ng room ko.