Chapter 6 - Gone

Shanaia Aira's Point of View

MAAGA akong nagising dahil kailangan kong pumasok ng maaga sa school.

Dumiretso ako agad sa kusina para mag - breakfast. Hindi pa ako nakakarating ng may maulinigan akong nag-uusap sa dining area.Kahit alam kong hindi maganda ang makinig sa usapan ng may usapan, out of curiosity dahan-dahan kong idinikit ang tenga ko sa wall para marinig ko ang pinag-uusapan ng kung sino man yung nag-uusap ng ganito kaaga.

" Mom he dumped me.Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko sa kanya ganito lang ang igaganti nya sa akin.Ang sakit mom na makita na may mahal na syang iba, ang masakit pa don yung bagong ka-loveteam nya yung ipinalit nya sa akin.Ang sakit-sakit na araw-araw ko silang nakikita sa set na naglalambingan." si ate yon at si mommy ang kausap nya.

" Shh.hush now ate.Hayaan mo na yon hindi ikaw ang nawalan, sya yun dahil ipinagpalit nya ang best actress ng taon sa isang baguhan lang." pag-alo ni mommy kay ate Shane.

" Yun na nga po mommy, bakit nagawa pa nya akong ipagpalit sa baguhan kung nasa akin na ang lahat.What's wrong with me mom? Bakit palagi na lang akong iniiwan ng mga lalaking yan,nagmahal lang naman po ako." patuloy lang sa pag-iyak si ate.

" Anak walang mali sayo sila ang hindi nakakakita ng worth mo.Maybe yung right guy ay hindi pa dumarating,just wait at baka hindi pa ready si God na ibigay sayo yung magiging forever mo.You're still young at dapat sa edad mong yan ine~enjoy mo yang pagiging teen-ager mo.Love can wait, just focus on your studies at dyan sa profession mo.Maybe pag nag eighteen ka na, makikita mo na yung guy na destined talaga sayo." seryosong sabi ni mommy.

" Ok mom, I 'll follow your advice.Siguro nga po hindi pa talaga panahon para magmahal ako ng ganito.Ilang beses na nga ba akong umiyak dahil sa love na yan, I'm just seventeen kaya dapat po siguro na i-enjoy ko na muna ang pagiging teen ager ko.Thanks mom for listening.I love you mom." narinig kong pagtatapos ni ate sa usapan nila.

I heaved a heavy sigh.Parang yung takot ko na magmahal ng guy from showbiz ay mas lalo pa yatang tumindi sa narinig ko sa usapan nila.

So, brokenhearted na naman pala si ate.If I'm not mistaken, pangalawa na nya ito,the first one ay nung fifteen sya, taga-showbiz din yung guy.Sobrang iniyakan nya rin ito nun at dumating pa sya sa punto na ayaw na nyang mag-aral.

Then, nakilala nya si Gerald Coronel, isang gwapong actor na naka-loveteam nya sa unang movie nya at ito na nga yung pangalawa na iniiyakan nya ngayon.At sa klase ng pag-iyak nya parang kahit sinabi nya kay mommy na susundin nya ang advice nito,hindi yun ang talagang mangyayari.Kilala ko si ate pag nagmahal, talagang dibdiban.At parang naging tanga pa nga yan nuon, hinabol-habol pa nya yung unang boyfriend nya kahit ilang beses na syang pinagtabuyan ng harap-harapan.

Ngayon baka hindi malayong mangyari na ulitin na naman nya yung ganun.Nakakatakot.

Sa nangyari kay ate ngayon, tumindi lalo ang pagka-ayaw  ko na  mai-inlove sa lalaking taga-showbiz.Wala akong balak makipaglapit sa kahit sino sa kanila.Mga manloloko sila at kung magpalit ng girlfriend ay parang nagpalit lang ng underwear.

At yan ang magiging prinsipyo ko sa buhay.

I will never ever fall in love to a guy from showbiz.

Itaga nyo yan sa bato!

Pumasok na ako sa kusina ng masiguro ko na tapos na silang mag-usap.Palihim pang nagpunas ng luha si ate ng makita nya ako.

" Good morning mom and ate Shane."

nakangiti ko pang bungad sa kanila.

" Good morning din bunso. " halos magkapanabay pa nilang bati din sa akin.

" Ang aga mo naman yatang nagising baby? " tanong ni mommy.

" Magre-research po kasi kami nila Venice sa library para sa report po namin, tapos magkikita rin kami ni Gelo sa gate ng school para dun sa pina-drawing ko pong project sa kanya,aantayin daw po nya ako bago mag 7am." sagot ko.

" I see,sige anak kumain kana baka ma-late ka sa usapan nyo.Damihan mo ang kain para hindi ka mahilo mamaya sa class nyo.Gigisingin ko na ang kuya mo para hindi kayo tanghaliin." sabi ni mom.

I just nodded.Tumingin ako kay ate Shane.

" Ate are you ok? You look mess." puna ko kay ate.

" I'm fine bunso,puyat lang ako sa taping." tipid na sagot nya.No,she's not ok, alam ko.She's hurting and I'm mad at the guy who hurt her so much.

Medyo maaga kaming nakarating ni kuya Andrew sa school. May mangilan-ngilan na ring estudyante akong namataan sa loob.Si kuya Andrew ang naghatid sa akin at si Mang Simon ang susundo mamaya.Humalik ako sa pisngi ni kuya at bumaba na ng kotse nya. Pagkaalis ni kuya ay naghintay na lang ako kay Gelo sa may gate.

Wala pang limang minuto akong naghihintay ng mamataan ko ang kotse nya na paparating.Nang tumapat sa akin ang sasakyan ay bumaba na si Gelo at pinaalis na ang driver nila , siguro maglalakad na lang sya papuntang school nya dahil nasa kabilang street lang naman yon.

" Morning baby! " nakangiting bati nya.Yumakap ako ng mahigpit sa kanya bilang tugon,nalulungkot pa din kasi ako para kay ate.

" Hey, I know you when you're like that.What's the problem? " tanong nya habang hinihimas ang likod ko.It feels so comforting.Gelo is really a breath of fresh air.

" It's about ate Shane." sagot ko.Kumalas sya sa yakap ko at tinignan ako sa mata.

He heaved a sigh.. " Okay usap tayo mamayang uwian mukhang seryoso yan eh.Heto na yung project mo, go baka ma-late pa tayo pareho.Stop worrying, okay ? I'm here."

Tumango lang ako.Pinisil nya ako sa ilong kaya medyo napangiti na ako.Tumalikod na sya para maglakad papuntang school nya ng tawagin ko sya.

" Thank you.. Ingats! " ngumiti lang sya at kumaway.Ay grabe talaga yang si Gelo,ngiti pa lang ulam na.

Lumipas ang maghapon na naging maayos naman ang lahat,kahit na iniisip ko pa rin si ate Shane, nakapag~participate pa rin naman ako sa klase ng mahusay.Mataas din ang grade na nakuha ko dun sa project ko na ginawa ni Gelo,dapat siguro lutuan ko ng masarap na meryenda yun mamaya pag-uwi namin.Mabuti na lang wala pa syang movie project kundi wala akong taga-drawing.

Paglabas ko ng school ay nandun na si Gelo kasama ni Mang Simon.Ti-next na lang daw nya ang driver nya na sunduin na lang sya mamaya sa amin.

Pagdating namin sa amin  ay wala si ate Shane. Nagpaalam daw ito kay yaya kanina na may ida-dubbing sa movie nila.Kaya dumiretso na ako sa taas para magpalit ng damit sa kwarto ko.Sumunod si Gelo dahil magpapalit din daw sya ng shirt.May mga damit kasi sya sa closet ko na naka-tambay, just in case na tamarin syang umuwi sa kanila.Ampon nga kasi sya ng mga magulang ko kaya ganon yan ka- at home.

Inabutan ko sya ng t-shirt at shorts nya at ako naman ay pumasok ng CR para mag-shower at magpalit ng damit.

Paglabas ko ay prente ng nakaupo sa kama ko ang kumag na si Gelo.

Tumabi ako sa kanya at sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.Hinawakan nya ang kamay ko at pinagsalikop nya ang mga kamay namin.Ganyan naman sya kapag alam nyang malungkot ako.

" Ano pag-uusapan natin baby? " bungad agad nya.

" Yun nga, nalulungkot ako para kay ate Shane.Alam mo ba na break na sila ni kuya Gerald? " sagot ko.

" What?! Kailan pa? " gulat na tanong nya.

" I don't know,siguro kahapon lang.Kasi kaninang umaga hindi ko sinasadyang marinig yung usapan nila ni mommy,iyak nga sya ng iyak.Tapos nung tanungin ko,puyat lang daw sya sa taping kaya ganun itsura nya.Hindi ko naman sinabi na narinig ko sila ni mommy."

" Sira talaga yung Gerald na yun.Nung isang araw lang pinag-uusapan namin sya ni Shane, sya daw ang escort nya sa debut nya next month tapos ngayon break na sila.Pag nakita ko yun baka masapak ko lang."

" Easy, easy ka lang baka mamaya madamay ka pa sa tsismis nila.Alam mo naman ang mga reporters. "

" Oo nga,sorry.Naiinis kasi ako,niloko ng Gerald na yun ang best friend ko.Ano ba ang pwede nating gawin para matulungan ang ate mo? "

" Hindi ko nga alam eh. Libangin na lang natin siguro."

" Maganda nga yang naisip mo baby."

" Kaya nga ba ayoko sa showbiz dahil sa mga ganyang nangyayari.Kung ako magmamahal,ayoko ng taga showbiz dahil pare-pareho lang yan na walang maayos na relasyon,mabilis masira dahil sa mga intriga.Tsaka maraming tukso dyan,nagkalat.Kaya ito ang tandaan mo Gelo,hindi ako ma-iinlove sa lalaking artista.Itaga mo yan sa bato."

" Pareho lang tayo baby.Di ba biktima rin ako nyan? Hiwalay ang parents ko dahil pareho silang na-inlove sa mga ka-loveteam nila nung artista pa sila, kaya ngayon produkto ako ng broken family.Hay,nako bakit ba natin iisipin yan,hanggat maaga iwasan na lang natin yung mga bagay na posibleng makasira sa atin balang araw.Kung ayaw mo sa taga-showbiz, fine! ayoko  rin."

" Sus maniwala ako sayo Ariel Angelo. Ikaw pa eh sandamakmak ang mga magagandang babae dyan sa mundong kinabibilangan mo. Baka mamaya nyan mabalitaan ko na lang na may girlfriend ka na dyan na taga showbiz. Wag magsalita ng tapos dudong! "

" Wala pa akong planong mag girlfriend inday. Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pag-aartista. Dun nga lang hirap na ako, mag girlfriend pa kaya? Saka na pag nakatapos na ako.Yung kaya ko ng ibigay ang oras ko sa kung sino man ang magiging girlfriend ko. Sayo nga lang kulang ang oras ko, dami mong inuutos sa akin. "

Inirapan ko sya at nagtawanan na lang kami sa huling sinabi nya. Totoo naman, masyado akong naging dependent kay Gelo. Wala naman kasi akong ibang guy friend kundi siya lang. Minsan nga naiisip ko na nakakahiya na kasi artista pa naman siya pero inuutusan ko lang. Pero hindi naman sya nagrereklamo, best friend daw nya ako kaya okay lang na maging spoiled ako sa kanya.

Natahimik na lang kami pareho kaya niyaya ko na lang sya sa ibaba at pinagluto ko sya ng paborito nyang spaghetti.

MABILIS na lumipas ang mga araw at napapansin namin ni Gelo na parang nagiging maayos na si ate.Madalas namin syang isama sa mga lakad namin para kahit paano malibang sya.

Sumapit ang debut ni ate Shane.Isa si Gelo sa mga 18 roses nya.Napakagwapo ni Gelo sa gayak nya, binatang~binata na syang tignan.Matangkad kasi sya at maganda ang built ng katawan nya.Naka 3 piece suit  kasi ang loko at talaga namang napahanga ako sa kanya.Bumalik na naman yung pagkalabog ng puso ko nung makita ko sya.Hala! bigla na naman naging dispalinghado si heart?

Ang hindi namin inaasahan ay ang pagsulpot ni Gerald Coronel sa kalagitnaan ng party.Isinayaw nya si ate bilang pinakahuli sa 18 rose na dapat sana yung bagong ka loveteam ni ate ang magsasayaw sa kanya.Hinayaan na lang ng pamilya ko para hindi makagulo sa party.

Mas lalo pa kaming nagulat lahat ng matapos na ang party....

dahil bigla na lang nawala si ate Shane.