Chereads / He Named Me "A Flirt" / Chapter 2 - Meeting the Damn!

Chapter 2 - Meeting the Damn!

[Carl's POV]

"Look at that girl. Aren't she's sexy?" nakakunot ang noo kong nilingon si Dexter habang nasa isang bar kami. Niyaya kasi niya akong mag-inuman kaya sumama na rin ako. Napadako ako sa direksyong tinuturo niyang babaeng nakaakbay ang mga kamay sa leeg ng isang lalaking mukhang addict. Maysadong maiksi pa ang palda nito at halos iluwa na ang dibdib niyon sa suot na damit. Napailing-iling ako nang makilala kung sino.

"Yes, she is. Pero kilala ko ang babaeng iyan. May boyfriend 'yan dahil kapitbahay ko mismo ang kasintahan niyan ngayon. Tingnan mo nga naman, may boyfriend na nga lumalandi pa sa iba." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Dexter. Kahit ako man ay nagulat sa sinabi ko. Napabuntong-hininga ako saka nilagok ang bote ng beer.

"Ang bitter mo naman, pareng Carl. Huwag mo namang ibunton sa iba ang galit mo sa dati mong girlfriend." Pabagsak na nilapag ko sa mesa ang bote. Nangulimlim ang isip ko nang bumalik sa isip ko ang nangyari.

"I love you, Steph and I wanna' marry you someday." Hinalikan ko siya. Kahit pa sabihing hindi ako tanggap ng pamilya niya ay papatunayan ko sa kanila na karapat-dapat ako para kay Stephanie. She was my college crush. Mula pa noon ay laging nakasunod ang mga mata ko sa kanya. Ngunit wala akong lakas ng loob na lapitan siya. Hatid-sundo kasi siya ng mga magulang niya at lagi ring nakabantay ang mga pinsan niya sa kanya. Mula nang makagardweyt kami ng kolehiyo ay hindi na ako nagdalawang-isip pa na lapitan si Stephanie. Palihim na niligawan ko siya dahil siya na mismo ang nagsabi na istrikto ang kanyang mga magulang sapagkat may dugong Chinese ang mga ito. Palihim rin kami kung magkita. Nabuhay ang dalawang taon na relasyon namin sa pagtatago. Ngunit mula nang malaman ng pamilya niya na isang isang designer artist lang ang minahal niya ay sinubukan nila kaming pinaglayo sa isa't-isa.

"You bastard! Stay away from my daughter. Hindi ka karapat-dapat para sa kanya." Bulyaw sakin ng kanyang istriktong ama nang mahuli niya kami. Hindi ko pa rin binibitawan si Steph. Kahit pa punong-puno na ako ng pasa dahil pinabugbok ako ng kanyang ama ay hindi ko pa rin siya binibitawan mula sa pagkakayakap.Wala akong pakialam sa mga galos at pasa ko. Ang mas masakit sa akin ay ang makitang umiiyak, nasasaktan at nahihirapan ang babaeng mahal na mahal ko.

"Mahal…na m..mahal ko po ang anak ni'yo. Pakiusap…pakiusap…hayaan ni'yo na po kami." Pagsusumamo ko. Nahihirapan na akong magsalita dahil sa putok ko sa labi. Lumuhod ako sa kanyang ama. Kinukumbensing hayaan na nila kami. Ngunit hindi man lang itong nakinig sa akin.

"Stephanie, ngayon, mamili ka. Ang makitang nahihirapan ang maling lalaking kinababaliwan mo o ang sumama sa 'min papuntang States?" hindi umimik si Stephanie. Umiiyak lang siya. Pinisil ko ang kamay niya. Tiningnan niya ako. Tinging naawa. Umiling-iling ako sa kanya.

"Please…huwag. Huwag kang sumuko." Bulong ko sa kanya.

"Carl," niyakap niya ako. "Mahal na mahal kita. I'm sorry…" mas lalong nalaglag ang mga balikat ko sa narinig ko mula sa kanya. How could she just walk away and give up our relationship? Mas lalong parang pinunit ang puso ko habang tinitingnan siyang sumasakay ng sasakyan papalayo sa akin.

Nang sumuko siya ay doon halos nasaktan ako ng sobra. Pero ang mas masakit, ang malaman ko dalawang taon ang nakalipas nang bumalik siya nang Pilipinas ay mayroon na siyang fiancée. Sobrang nasaktan ako. Kahit iniwan niya ako noon ay umasa parin akong babalik siya ngunit hindi na yata iyon mangyayari.

Mula nang magkasakit ang ama niya ay ipinagkasundo siyang ipapakasal sa lalaking anak ng kasosyo ng kanyang ama. Gaya nila, mayaman at maimpluwensyang pamilya. Kaya walang dudang iyon ang nagustuhan ng kanyang ama para pakasalan niya. Not just like me, a horrible artist designer who's trying to win our relationship pero siya na mismo ang sumuko. She gave up our relationship. Akala ko ipaglalaban niya ang relasyon namin. Siya na mismo ang nagsabi sa 'kin na ako ang lalaking gusto niyang pakasalan. She'd promised me, but she broke it. Hindi niya alam kung papaano ko pinanghawakan ang pangako niya sa 'kin. Hindi ko alam kung papaano pa siyang kakalimutan gayong parang ginutay-gutay na niya ang puso ko. Ilang buwan nalang at ikakasal na siya sa kanyang fiancée. Siguro nga hahayaan ko nalang siya. Maybe we don't deserve with each other.

[End of POV]

And here I am! NERD! Huminga ako ng malalim para maibsan ng kahit kaunti man lang ang kaba sa dibdib ko. Inayos ko pa ang suot kong itim na palda at naka-insert na white sleeveless pati na ang aking itim na blazer. Nasa tapat na ako ng kompanyang pagtatrabahuan ko. Sinuklay ko ng aking mga daliri ang buhok ko saka naglakad paloob.

Bumati at nagtanong ako sa gwardya kung nasaan ang table ng Admin. Actually kahit kaibigan siya ng mama ko, alam ko naman na kailangan ko pa ring galingan saka hindi ako sigurado kung sa kanya ba ako ma-a-asign o sa ibang unit.

Naglakad ako patungo sa direksyon ng first cubicle na sinabi sa 'kin ng gwardya. Nang makita ko ang Admin mula sa glass na pader ay kumatok agad ako sa pinto.

"Good morning ma'am." Bati ko sa kanya na nagbabasa yata ng kung anong papeles na hawak niya.

"Good morning too, iha. So, ikaw pala 'yung anak ni Gellera at Bernie?" tanong niya sa 'kin na ang ibig sabihin ay ang mga magulang ko. Nginitian niya ako kaya kahit papaano ay nawalan ng kunti ang kaba sa aking dibdib. Tumango ako sa kanya.

"Yes maam, ako nga po." Kimi kong sagot. Pina-upo niya ako.

"Ako nga pala si Maam Leah. Well actually, parang kunting information lang naman ang dapat kong itanong sa 'yo personally since kilala ko naman ang mga parents mo at tapos ka na rin sa phone interview. Pero sana, iha kahit magkakilala kami, you'll show me your good performance and I know na magagawa mo iyon. Nabasa ko naman dito iyong resume mo and since you're an IT student then I'm gonna put you into something like clerikal position and designing. Is it okay with you?" Wika nito saka tinanggal ang salamin na suot.

Panay lang ang "Yes ma'am" ko sa Admin. Kahit anong position ang ibigay niya ay okay lang sa 'kin basta ba'y may pagkaka-abalahan ako. Kahit janitor pa o tagakuha ng mga cab webs sa bubong. Nako, okay lang talaga. Ha-ha!

"Before you'll start your work and setting up your table ay mas maiging ipapakilala muna kita sa mga kasamahan natin dito. Halika!" Wika nito. Sumunod ako sa kanya sa kabilang malaking kwarto kung saan nandoon yata ang lahat ng empleyado. Nang buksan niya ang pinto at nakapasok na ako ay halos gusto ko nang magpakain sa sahig. Ilang sandaling nailang rin ako. Nakatingin kasi sa akin ang lahat.

"Susan." Tinawag niya ang isang babaeng sa tanto ko ay nasa edad na thirty plus na, si Miss Susan. Agad naman itong tumayo mula sa desk niya at lumapit."Gail, this is Susan and she's my assistant. Susan this is Gail, please take charge sa pagpapakilala sa kanya sa mga kasamahan natin." Nginitian naman ako ni Miss Susan.

"Hi, Gail. Halika at ipapakilala kita isa-isa sa kanila. Alam mo ganito kasi iyan dito. 'Pag may bagong pasok ay dapat ipapakilala agad sa mga kasamahan natin para malaman nila at hindi ka rin mailang." Tumango lang ako sa kanya habang nakasunod. Pinakilala niya ako isa-isa sa mga magiging kasamahan ko. May iba na may mga may edad na. May mga bata pa naman tulad ko pero kakaunti lang. Isang dalaga lang ang napansin ko at isang buntis na si ate Gemma at dalawang binata.

"Hi, Gail." bati ng isang binata sa 'kin na nakaupo sa kabila. Naiilang na nilingon ko siya." Ako nga pala si Dexter." Pagpapakilala nito. Nginitian ko siya. Napabaling ako sa isang binatang kakalabas lang mula sa kabilang kwarto. Sa palagay ko ay doon pin-print ang mga designs na ginagawa dahil may nakatatak sa pinto nito na Technical Room.

"Carl, si Gail nga pala. Bagong kasama natin. " Sandaling nagkatitigan kami. Oh men! Kung may taong nakikilala kong napakaseryoso ang mukha, siya na iyon, eh.

"Hi." Walang ngiti niyang bati saka umupo rin katabi ng mesa ni Dexter.

"Gail, dito ka nalang mag-table sa tabi ko. Carl, doon ka nalang sa table ni ate Susan o kaya sa Technical room ka nalang mamalagi." Rinig kong biro ni Dexter habang tumatawa ito nang papunta na ako sa table kong tinuturo sa 'kin ni ate Susan. Umupo ako sa silya. Medyo hindi ako komportable kasi lahat ng under sa Admin Unit ay nakaharap ang mga mesa ng ibang units tulad nina Dexter, Carl, ate Gemma habang nakaharap din sila sa 'min.

Palihim na tiningnan ko ang nagngangalang Carl kung ano ang magiging reaksyon nito ngunit gayon nalang ang pagkabigla ko nang magkasalubong ang aming mga paningin. Agad na umiwas ako.

Habang naka-upo ay nakita ko ang magazine ng NERD sa mesa kaya't binasa ko muna iyon. Newest Endear Revealed Designs. Isang sikat na designing company ang NERD. Tumatanggap ng mga designs ng mga malalaking kompanya katulad ng billboards, logos, tarpaulin at kung anu-ano pang mga designs.

"Gail, okay ka lang ba dyan? Ito nga pala 'yung mga dapat nating trabahuin at tapusin kasi malapit na ang mga deadlines nito." Pinatong ni Miss Susan ang tambak-tambak na mga papel sa mesa ko. Halos manlaki ang mga mata ko. Napalulon tuloy ako ng laway. "We have to encode and sorts this papers kasi madaming nagpapa-design lalo na sa mga onlines. Kaya ito, hati tayo. Okay lang ba sa 'yo?" ngumiti ako kay Miss Susan bilang sagot sa kanya.

Mayamaya pa ay sinimulan ko na ang trabaho ko matapos akong bigyan ng instructions ni Ate Susan. Masaya naman ako dahil may sariling computer agad ako na galing sa kaka-resign lang na pinalitan ko dahil nag-migrate na raw sa America.

"Hi Gail, okay ka lang ba dyan? Tigilan mo muna 'yan at mag-merienda muna tayo." Mayamaya ay sumipot sa harap ko si Dexter. Hindi ko man lang napansin dahil naging abala na ako sa pagtatrabaho.

"Sige okay lang, salamat pero busog pa naman ako." Ang totoo, nagdidilobyo na talaga ang tiyan ko kanina pa, alas dyes na kaya. Nakakahiya namang kabago-bago ko pa ay mag-e-excuse na ako para kumain.

"Gail, mag-merienda ka muna. Huwag ka masyadong magpa-stress sa trabaho mong iyan. Relax lang at matatapos din naman natin iyan lalo nang dalawa naman tayo. Samahan mo na si Dexter at bibili 'yan ng mamemerienda natin. Baka mamaya ay umiyak iyan kapag-tinanggihan mo." Narinig kong tukso sa 'min ni ate Susan. Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Napaka-intense kasi ng atmosphere sa opisinang ito.

"Sige na nga." Tumayo na ako at kumuha ng wallet sa bag ko nang aksidenteng mapalingon ako sa mesa ni Carl. Umiwas agad siya ng tingin sa 'kin. Napakunot ang mga noo ko nang makita ko siyang umiling-iling.

"Tara?" yaya ni Dexter sa 'kin.

"Dexter huwag mong dalhin sa kung saan iyang si Gail, ha. Bata pa iyan, lagot ka kay ma'am Leah." Narinig kong pahabol pa ni sir Mikee, ang head ng Designing Unit.

"Yes sir, I'm gonna take care of her." Ngising sagot ni Dexter sa kanila habang nakatalikod.

"Pasensya ka na, Gail. Ganyan kasi ginagawa namin lalo na kapag nakaka-stress ang mga trabaho namin. Ikaw rin makikisali ka na rin sa mga biruan namin dito." Tawa niya sa 'kin habang naglalakad kami papunta sa isang Convenience Store na katabi lang ng opisina.

"Ano ka ba, okay lang at masasanay rin ako sa inyo. Salamat pala sa malugod ninyong pagtanggap sa 'kin. Hinding-hindi yata ako magsisisi na rito ako napunta sa kompanyang ito kasi ang babait ng mga tao." Wika nito. Ngumiti lang rin ako bilang sagot sa kanya. Gusto ko tuloy tanungin sa kanya kung mabait rin ba ang binatang nagngangalang si Carl. Kaso baka naman iba ang iisipin ni Dexter. Hindi nalang ako umimik pa at hinayaan nalang na magkwento nang magkwento si Dexter.

Matapos makapamili ay bumalik na gami agad ng opisina bitbit ang mga merienda.

"Oh, andito na ang bagong kasal. Ah, este ang mainit na pandisal pala." Natawa ang lahat kay sir Mikee habang napalingon sa 'ming papasok. Talagang napakamapagbiro nito. Hindi ko nalang iyon pinansin.

"Nako Gail, pagpasensyahan mo na ang mga tao rito. Resulta lang iyan ng stress sa trabaho. Oy, sir Mikee iwasan mo naman ang magbiro dyan baka bukas ay hindi na bumalik si Gail dito at magresign agad 'yan." Saway ni Maam Leah nang makapasok ito mula sa kabilang cubicle at kumuha ng merienda.

"Kuu, okay lang po. Masasanay rin siguro ako sa inyo." Kimi kong sagot pero ang totoo ay nahihiya ako sa kanila lalo nang unang araw ko pa lang at hindi ko pa masyadong kabisado ang mga tao kahit alam kong mababait sila sa 'kin.

"Oy Carl, tama na muna iyan at mag-merienda ka muna rito." Tawag ni Maam Leah kay Carl na siya namang pagtama ng mga mata namin. Umiwas agad ako. Ano ba ang meron sa opisinang ito at lagi yatang natatama ang mga paningin ko sa taong kinatatakutan ko yata.

"Yes maam, es-save ko lang ang trabaho ko." Mayamaya ay tumayo na siya at pumunta sa mesang nasa gitna kung saan nakalagay ang merienda. May sariling mesa kasi kung saan nagkekwentuhan at nagmemerienda ang mga empleyado kahit kakaunti lang naman kami rito.

"Kanina ka pa tahimik Carl, ah. Ni hindi mo man lang pinapansin ang bagong dalaga natin." Tukso ni ate Susan. Ngumisi si Ate Candy habang tinitingnan ako. First day mo pa Gail, nagkakamatis ka na agad sa kahihiyan. Pasaring na kinuha ko ang cellphone ko sa bag upang hindi makita ng mga ito ang pamumula ng mukha ko. Para na rin makaiwas sa nagngangalang Carl na iyon.

Mayamaya ay napansin kong lumapit si Carl sa 'kin.

"You're a damned flirt and I don't like you."

Nakatiim ang bagang ni Carl nang ibulong sa 'kin ang mga katagang iyon matapos mapadaan sa aking mesa at lingunin ako. Napaawang ang mga dila ko. Hindi ko lubos maisip na iyon ang sasabihin niya sa akin. What have I ever done to him?

"Bakla! Gago ka." Iyon ang gusto kong isigaw sa kanya. Pinigilan ko nalang ang nangangati kong dila. Sobrang nakakatimpi ang ginawa niya. Breath-in, breath-out. Tatlong beses kong ibinulong iyon sa aking sarili. Sinundan ko nalang ng mga tingin ang lalaking sa palagay ko ay sinaniban ng demonyo. Hindi kaya ay bakla siya at naiinggit lang sa beauty ko? Natawa tuloy ako sa sarili ko.