Nilingon ko ulit ang dalawang lalaki. Nakatago lang kami isang sa malaking kahoy na akasya. Kinalabit ko si Carl nang makita kong nakatulog na ang dalawang lalaki sa sobrang kalasingan. Ang ingay pa nitong matulog. Ang lakas humilik.
"Carl, tingnan mo, nakatulog 'yung dalawang mokong. Pwede naman natin sigurong itakas 'yung babae, 'di ba?" bulong ko sa kanya. Tumango naman siya.
"Okay, this is the plan. Babadbaran ko 'yung babae at bantayan mo ang dalawang lalaki. Do you get me?" tanong niya sa 'kin. Tumango ako sa kanya. Ngayon pa lang ay nanginginig na ako sa gagawin namin. Humakbang siya ng kaunti na tila may hinahanap gamit ang ilaw ng kanyang cellphone. Nakita kong kinuha niya ang medyo kalakihang kahoy na nakasandal sa akasya.
"Ito, ihahampas mo ito sa kanila kung magising ang dalawang lasing na iyon, okay?" Inabot sa 'kin ni Carl ang kahoy na medyo kalakihan. Medyo nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyon sa kanya. Nagthumbs-up pa siya sa 'kin. Kumawala ako ng isang malalim na hininga at tumango. Dahan-dahan kaming lumapit at humakbang upang hindi makagawa ng kahit ano ma'ng ingay.
Nang makalapit na kami ay mahinang kinalabit at ginising ko ang babae. Nilingon ko si Carl. Nag-senyas siya ulit na huwag gagawa ng ano mang ika-iingay naming dalawa. Tumango lang ako sa kanya. Kinalas niya ang mga nakatali na lubid sa babae habang ako ay nakabantay sa dalawang mokong na baka magising. Kinuha ko ang panyo sa baba ng dalagita at suminyas na huwag mag-ingay.Umiiyak ito at basang-basa ng pawis. Nanginginig na hinawakan niya ako sa braso. At nang tuloyan na itong nabadbaran ni Carl ay niyakap ako nito. Tinulongan ko siyang makatayo nang maayos. Sinenyasan ko si Carl na umalis na kami. Tumango lang siya. Dahan-dahan kaming bumaba upang makalayo sa maliit na kubo nang...
"Hoy! Sino kayo?"
Isang hampas at putok ng baril ang narinig ng dalawang tainga ko. Paglingon ko, bumulaga sa 'kin ang duguan at nakahandusay na si Carl.
Kinuha ko mula sa kamay ni Carl ang isang kahoy na dala niya at hinampas nang pagkalakas-lakas sa isang lalaking bumaril kay Carl. Siguro lahat ng naipon kong lakas ay pinakawalan ko na sa paghampas. Hindi ko akalain na malulumpasay ito at mawalan ng malay. Bumaling ako sa isang lalaki. Nakahandusay rin ito. Natamaan yata ito ni Carl kanina kaya hinimatay. Bumaling ako kay Carl. Nakalukot ang mukha nito. Namimilipit sa sakit na nararamdaman.
May tama si Carl!!!
May tama si Carl!!!
Nang kapain ko, nasa kaliwang balikat ang tama nito. Naliligo na ito ng dugo.
Nilingon ko ang babae. Umiiyak ito sa sobrang takot.
"Tu..tumakbo ka na. Humingi ka ng tulong …..sa taas." Sigaw ko sa kanya kahit naghihirap na ang boses ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak. Sari-saring emosyon na ang nararamdaman ko. Natatakot at nanginginig. Kinuha ko si Carl at sinaklay sa balikat ko. Kahit napakabigat niya ay pinilit ko siyang itayo at pinalakad habang nakaalalay ako.
"Carl, please. Kailangan nating makalayo rito."
"Huwag ka munang mamamatay."
"Carl, huwag mong ipikit ang mga mata mo."
Ang paulit-ulit kong wika habang nahihirapang maglakad dahil sa kabigatan niya. Sobrang madilim ang dinadaanan namin. Hindi ko na rin alintana ang mga matutulis na dahong tumatama sa balat ko. Ang importante ay ang makalayo kami ni Carl at ang mailigtas ko siya. Hindi ko alam kung saan kami patungo. Hindi ko na matandaan ang dinaanan namin kanina. Sobrang gulong-gulo na ng utak ko.
"Gail, iwan mo na ako rito." Ang wika niya sa nahihirapang boses.
"Shut up. Baliw ka ba? Hindi kita iiwan dito." Saway ko sa kanya. Patuloy pa rin ang paglalakad namin. Bahala na kung saan kami dalhin ng mga paa namin. Ang importante sa ngayon ay ang makalayo kami mula sa mga masasamang tao na iyon.
Nang mamalayan kong medyo malayo-layo na kami ay tumigil na ako sa paglalakad at pina-upo si Carl. Nahahapo na rin ang pakiramdam ko. Nilingon ko ang paligid. Wala man lang ni isang bahay akong nakita o ilaw. Tanging buwan lamang ang nagbibigay ng liwanag sa lugar na iyon. Dinukot ko mula sa bulsa ko ang aking cellphone upang makapagbigay ng ilaw.
Tiningan ko si Carl. Hindi na yata siya humihinga. Bigla akong nakaramdam ng takot.
"Carl? Carl?" Bulong ko sa kanya habang tinatapik-tapik ang mukha niya. "Please Carl, gumising ka, oh." Naiiyak kong sabi. Magkahalong luha at pawis na ang nasa mukha ko."Carl, I don't know where we are now. Please huwag ka munang mamamatay. Please lang, maawa ka sa akin." Mangiyak-ngiyak kong sabi. Nang umungol siya ay nakahinga na rin ako sa wakas. Sa sobrang takot ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
Mayamaya pa ay naisipan kong punitin ang aking damit upang maitali sa duguan niyang balikat. May kataasan naman iyon. Ramdam na ramdam ko pa rin ang panginginig ng mga kamay ko.
"Bakit? What for kung….mamamatay ako ngayon? At least I died as a hero, right? Naligtas natin yung bata, 'di ba? Where is she?" tanong niya sa 'kin sa naghihirap na boses. Nakapikit ang mga mata niya. Ramdam kong sobrang hapdi ng nararamdaman niyang sugat. Umungol siya ulit.
"Pinatakas ko na siya. Pinahingi ko ng tulong. Sorry dahil hindi ko na matandaan ang daan natin kanina kasi sobrang napapanic na ako. And please don't say na mamamatay ka na." Pagmamakaawa ko sa kanya habang ipinilig ang ulo niya sa kahoy at isinandal. Matapos niyon ay kinuha ko ang pinunit kong damit at itinali sa kanyang bakit upang tumigil ang pagdudugo. Medyo hinigpitan ko ang pagtali niyon kaya napa-ungol ulit siya.
"Why? Bakit ayaw mo akong mamatay?" Tanong niya ulit sa mahinang boses.
Hindi ko siya pinansin. Hindi ko naman talaga alam ang isasagot. Ang alam ko lang ay ang iligtas siya dahil kasamahan ko siya at alam ko namang sa kaibuturan ng kanyang puso ay may tinatago siyang kabaitan.
"Medyo okay na ba? Nakatulong ba 'yung pagtali ko sa balikat mo? Baka kasi maubusan ka ng dugo." Pinahid ko ang mukha ko ng sarili kong kamay. Magkahalong pawis at luha na kasi ang nasa mukha ko. Mabuti nalang at nakasali ako ng red cross 'nung high school ako kaya may naalala pa ako kung paano patitigilin ang pagdudugo ng sugat.
"Yeah… I feel better now. Pero parang maraming dugo yata ang nawala sakin. Gail, thank you." Sabi niya sa mahinang boses. Pinilit kong ngitian siya. "I'm… I am okay, Gail." Sabi niya ulit sa naghihirap na boses. Pinahid ko sa pantalon ko ang dugo sa aking kamay. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kabilang kamay niya na walang sugat. "Salamat." Ulit niya sa 'kin. Tumango ako saka binawi ang kamay ko at kinuha ulit ang cellphone ko upang ilawan ang dibdib niya. Medyo nakakahiya man pero dahan-dahan kong itinaas ang kanyang damit. Sa palagay ko kasi ay may iba pa siyang sugat maliban sa balikat niyang natamaan ng nabaril. Mula kasi sa puti niyang damit ay dumudugo rin ang dibdib niya.
"What…what are you doing?" wika niya. Ngayon ay nakabukas na ang kanyang mga mata. Bahala na nga kung ano ang iisipin niya. Para rin naman ito sa kabutihan niya. Naninigurado lang ako at baka iyon pa ang magiging dahilan upang ikapahamak niya.
"Huwag kang echusera, hindi kita gagahasahin. May sugat ka rin sa dibdib mo. Kailangan kong punasan ng tela para kahit papaano ay tumigil ang pagdudugo." Inilawan ko ang dibdib niya. Sandaling napatigil ako. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting pagkailang nang malamang nakatitig siya sa 'kin samantalang ang mga mata ko naman ay nakatuon sa makikisig niyang dibdib. Daplis ng bala ang nasa gilid ng kanyang dibdib. Sandaling napatigil ako at bumuntong-hininga. Bahala na nga! Walang malisya ito! Bulong ko sa aking isip. Pagkatapos niyon ay walang anu-anong pinunasan ang dugo sa kanyang dibdib gamit ang pinunit kong tela. Narinig ko ang pag-ungol niya nang dahil sa sakit.
"I don't know how to say thank you again. Thank you for saving me." Napataas ako ng tingin nang maibalik ko na pababa ang kanyang damit. Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. Mabuti nalang pala at hindi grabe ang pagkakatama kay Carl.
"Are you sure na okay ka na? Carl, walang signal kaya hindi ko sila makokontak." Sabi ko sa kanya nang tingnan ko ang cellphone ko. Ngayon ko pa kasi naisipang tumawag upang humingi ng tulong.
"I said thank you." Ulit niyang sabi sa mahinang boses.
"It's…it's okay Carl." Sumandal na rin ako sa kahoy. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam na ako ng pagod. "Biruin mo, we we're enemy from the start, right?" Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagsasalita."Halos sabunutan at tadyakan na nga kita noon, eh. Kasi from the very first day that we met, wala ka nang pinakita sa 'kin kundi pang-i-insulto, lagi mo akong iniinis and you even named me a flirt." Tumawa ako ng pagak at inayos ang pagkaka-upo ko. Naramdaman kong ipinilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Medyo nailang ako ngunit hinayaan ko nalang siya. Wala na yata akong lakas upang sawayin siya.
"Gail, I am sorry." Iyon ulit ang narinig ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Carl ngayon sa 'kin. Kailangan pa ba talagang mangyari ito bago kami maging magkaibigan?
"Hindi ako makapaniwala, Carl. Dumating pa talaga ang pangyayari na ito para lang maging magkaibigan tayo." Nilingon ko siya. Nabigla nalang ako nang magkasalubong ang aming mga paningin. Kaunting dangkal lang ang namamagitan sa 'min sa pagkakataong iyon. Pagkatapos ng mga ilang sandali, namalayan ko nalang na magkalapat na pala ang aming mga labi.
Kasabay ng paghalik niya ay pumikit ako. Biglang sumilay ang kalitohan sa isip ko at ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Ano ito, Carl? Ano itong nararamdaman ko? Bakit naguguluhan ako sa damdamin ko ngayon? Ano ang ibig sabihin nito?"