Flashback
"I don't know how to say thank you again. Thank you for saving me." Napataas ako ng tingin nang maibalik ko na pababa ang kanyang damit. Ngumiti lang ako bilang sagot sa kanya. Mabuti nalang pala at hindi grabe ang pagkakatama kay Carl.
"Are you sure na okay ka na? Carl, walang signal kaya hindi ko sila makokontak." Sabi ko sa kanya nang tingnan ko ang cellphone ko. Ngayon ko pa kasi naisipang tumawag upang humingi ng tulong.
"I said thank you." Ulit niyang sabi sa mahinang boses.
"It's…it's okay Carl." Sumandal na rin ako sa kahoy. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam na ako ng pagod. "Biruin mo, we we're enemy from the start, right?" Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa pagsasalita."Halos sabunutan at tadyakan na nga kita noon, eh. Kasi from the very first day that we met, wala ka nang pinakita sa 'kin kundi pang-i-insulto, lagi mo akong iniinis and you even named me a flirt." Tumawa ako ng pagak at inayos ang pagkaka-upo ko. Naramdaman kong ipinilig niya ang kanyang ulo sa aking balikat. Medyo nailang ako ngunit hinayaan ko nalang siya. Wala na yata akong lakas upang sawayin siya.
"Gail, I am sorry." Iyon ulit ang narinig ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Carl ngayon sa 'kin. Kailangan pa ba talagang mangyari ito bago kami maging magkaibigan?
"Hindi ako makapaniwala, Carl. Dumating pa talaga ang pangyayari na ito para lang maging magkaibigan tayo." Nilingon ko siya. Nabigla nalang ako nang magkasalubong ang aming mga tingin. Kaunting dangkal lang ang namamagitan sa 'min sa pagkakataong iyon. Pagkatapos ng mga ilang sandali, namalayan ko nalang na magkalapat na pala ang aming mga labi.
Kasabay ng paghalik niya ay pumikit ako. Biglang sumilay ang kalitohan sa isip ko at ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"Ano ito, Carl? Ano itong nararamdaman ko? Bakit naguguluhan ako sa damdamin ko ngayon? Ano ang ibig sabihin nito?"
End of Flashback
Isa…dalawa…tatlo. Tatlong sigundo bago ako sumukli ng mga halik sa kanya. Mga iilang minuto ba kami na nasa ganoong sitwasyon? Hindi ko na masyadong matandaan. Mayamaya pa ay parehong habol namin ang aming mga hininga nang kumuwala si Carl. Bigla siyang yumuko.
"I'm sorry." Sabi niya sa mahinang boses . Mas lalong tumulo ang mga luha ko. Bakit 'sorry'? Hindi ko maintindihan kung nasasaktan ba ako sa mga oras na iyon. Mabuti nalang at madilim dahil hindi niya nahalatang umiyak ako.
"I..I'm sorry rin." Umayos ako ng pagka-upo at isinandal ang likod ko sa kahoy. Mga iilang minuto kaming tahimik na dalawa. Kinuha ko ulit ang cellphone ko at in-on iyon. Madaling araw na pala.
Narinig ko ang malakas na pagbuntong-hininga ni Carl. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at pilit pinipigilan ang pag-iyak. Hindi ko alam kung tama bang malito ako sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung may sumibol ba akong damdamin para sa binatang katabi ko.
May gusto ka na ba sa kanya, Gail? Papaanong nangyari iyon. Hinalikan ka lang niya bumigay ka na kaagad? Huwag ka nga'ng ambisyosya. Papaano kung mahal pa niya ang ex niya? Papaano kung masasaktan kalang ulit? Papaano kung wala lang palang ibig sabihin para sa kanya ang paghalik niya sa 'yo? Huwag ka nga'ng tanga, Gail. Once is enough!
Nakaramdaman ako ng kaunting kirot sa puso ko habang kinakausap ko ang aking sarili.
Pinilit ko nalang na ipikit ang mga mata ko. Bahala na! Hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na rin pala ako.
"Gail…"
Carl…."
Nagising nalang akong bigla dahil sa mga boses na naririnig kong tumatawag sa amin. Minulat ko ang mga mata kong sobrang hapdi. Pamilyar sa akin ang boses na tumatawag.
Tinapik-tapik ko si Carl sa balikat. "Carl, gising." Agad naman itong nagising. Tumayo ako at inalalayan ko si Carl na makatayo.
"Andito kami…andito kami." Sigaw ko sa mga taong naghahanap sa 'min. Mayamaya ay nakita ko si Manang Flor, si Dexter at Maam Leah na halos ay magtatakbo papunta sa direksyon namin. May mga nakasunod din na mga pulis sa kanila at taga One Rescue.
"Gail…Carl. Mabuti ay ligtas kayo." Wika ni ma'am Leah.
Kinuha nila si Carl na naka-akbay sa balikat ko. Bago ito sumama sa kanila ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Thank you, Gail." Nginitian ko siya habang sumusunod na nakatingin sa kanya kasama ang mga nurse.
"Gail, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Dexter sa 'kin. Pati si Manang Flor ay humahagulgol ng iyak na yumakap sa akin.
"Iha, ano ba kasing nangyari sa inyo? Nag-aalala ako ng hindi ka umuwi ng bahay at nang marinig ko sa radyo ang nangyari tungkol sa dalagitang na-kidnap." Hagulgol ni Manang Flor habang hindi pa rin ako binibitiwan sa pagkakayakap.
"O..okay lang ak.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang nagdilim ang mga paningin ko.
Nagising nalang ako na nasa tabi ko na sina mama at papa. Naka-hospital gown ako. Ibig sabihin ay nasa ospital na pala ako. Naalala kong nawalan pala ako ng malay. Napa-ungol ako sa sobrang sakit ng ulo ko dahilan upang magising sina mama at papa.
"Gail, anak? Okay na ba ang pakiramdam mo? Gusto mo ba'ng tumawag kami ng nurse? Kumusta ang pakiramdam mo, anak?" ang sunod-sunod na tanong ni mama sa nag-aalalang boses habang hawak-hawak ang mga kamay ko.
"Ma, medyo okay na ang pakiramdam ko." Sabi ko sa mahinang boses habang hinihimas ang ulo ko. Nilingon ko si papa na nasa tabi ko rin. Tinulongan niya akong maka-upo.
"Gusto mo bang kumain, anak? Ano'ng gusto mo? Sige lang um-order ka lang ng kahit ano'ng gusto mo at bibilhin namin." Halos maiyak ako sa nag-aalalang boses nina mama at papa. Ngumiti ako para man lang maibsan ang pag-aalala nila.
"Ma, pa, okay lang ako. Noddles nalang po muna para mainitan ang tiyan ko." Agad-agad namang kumuha si papa ng noddles at nilagyan iyon ng mainit na tubig at sinubuan pa ako.
"Sobrang nag-alala kami sa 'yo, anak. Nang mabalitaan namin ng mama mo ang nangyari sa inyo ay agad-agad kaming lumipad pa-uwi. I'm sorry, anak kung palagi kaming wala sa tabi mo." Ang mangiyak-ngiyak na wika ni papa habang sinusubuan ako. Nginitian ko lang siya saka nilingon si mama.
"Ma, pa, ligtas naman po ako. Saka pinalaki ni'yo naman ako nang maayos. Saka, ma, pa, hindi naman po namin sinasadya ang nangyari. Talagang may nangangailangan lang ng tulong kaya nangyari ito." Wika ko sa kanila na siya namang pagyakap ni mama sa 'kin at hinalikan ako sa noo. "Ano'ng oras na po, ma?"
"Alas singko na anak. Halos magga-gabi na. Buong araw ka kasing nawalan ng malay. Saka tingnan mo nga ang mga braso mo. Napuno ng galos." Turo ni mama sa braso ko. Nang tingnan ko iyon ay hindi naman masyadong grabe.
Mayamaya ay may kumatok sa pintuan. Napalingon kaming lahat kung sino ang nasa pinto. Ang buong akala ko ay si Manang Flor pero nabigla at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Carl. Nakasakay ito ng wheelchair kasama ang may edad na babae. Ngumiti siya agad nang makita ako. Nakasuot din ito ng hospital gown.
"Pwede po ba'ng pumasok?" sabi ni Carl. Naka-bendahe ang kanang balikat nito na natamaan ng bala.
"Abah iho, pasok ka." Inalalayan ni papa si Carl papasok sa kwarto ko. Halos natahimik ako nang nasa loob na siya at nagtinginan sa 'kin sina mama at papa.
"Uhm, ma, pa. Si Carl pala. Kasamahan ko siya sa opisina at siya ang kasama kong nagligtas sa dalagita kaya nagkaganito kami ngayon." Bigla silang napalingon kay Carl.
"He….hello po." Pilit nitong inabot ang kaliwang kamay niyang nahihirapan. Tinapik-tapik siya ni papa sa bakilat samantalang in-abot ni mama ang kamay niya.
"Iho, marami palang salamat una sa pagligtas niyo sa dalagita at ikalawa na walang masamang nangyari sa anak namin." Pagpapasalamat ng mama ko.
"Walang ano man po. Mas matapang nga po ang anak ni'yo, eh. Kasi siya po talaga ang nagligtas sa 'kin. Siguro kung hindi ko siya kasama roon ay malamang pinaglalamayan na ako ngayon." Wika ni Carl. Sinundan pa niyon ng tawa ang sinabi.
"Tumigil ka nga riyan." Hampas ng tiyahin niya.
"Aray, Nanay Perla. Ang sakit po." Nakangiwing sabi ni Carl na ikinabuhakhak ko naman nang tawa. Napatigil ako nang tingnan niya ako. Namumula yata ako sa kahihiyan. Kinilayan ko nalang siya.
"Ay nako anak, sorry." Sabi ng Nanay Perla ni Carl habang hinimas-himas ang sugat niyang naka-bendahe.
"Uhm, si Nanay Perla nga po pala. Tiyahin ko po siya." Ngumiti naman ako sa tiya niya. Mukhang mabait naman ito.
"Oh siya. 'Di ba may sasabihin ka kay Gail, iho? Lalabas na muna kami." Tukso ni Aling Perla na sumenyas naman ng kindat sa mga magulang ko. Mas lalo akong nailang. Hindi ko yata kakayaning kaming dalawa lang ni Carl ang maiiwan dito sa kwarto. Lalo na nang may namumuong kalitohan sa utak ko. Ngunit pinilit kong maging pormal.
"Gail." Nabigla ako ng tawagin ako ni papa bago ito lumabas.
"Po?" nakatungangang tanong ko.
"Iwan ka na muna namin. Importante raw ang sasabihin ng kaibigan mo. Doon nalang muna kami sa labas at kung may kailangan ka, eh, tumawag ka lang, okay?" tatlong magkasunod na tango naman ang isinagot ko kay papa bago sila tuloyang lumabas ng kwarto.
Mga ilang sigundo ring namuo ang katahimikan sa aming dalawa. Wala pa'ng ni-isang unang gustong magsalita. Sana naman ay huwag na niyang sabihin ang tungkol sa paghalik niya sa 'kin noong nakaraang gabi. Ang bulong ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kung nagkataon.
"Gail.."
"Carl.."
Magkapanabay pa naming tawag. Napatawa nalang kami.
"Sige ikaw na muna. Ikaw naman 'yung may importanteng sasabihin, eh." Wika ko sa kanya.
"Uhm. Okay, sige. " Bumuntong-hininga muna siya at lumapit ng kaunti sa 'kin. "Gail, una sa lahat gusto ko lang magpasalamat dahil hindi mo ako iniwan sa ganoong sitwasyon kahit pa sa kabila ng mga ginawa ko sa 'yo. Salamat, ha." Nagulat ako nang hawakan ni Carl ang mga kamay ko. Napaka-importante? Pasasalamat? 'Yun na ba iyon? Miss author, paki-explain!
"Kuu, walang anuman iyon. Ilang ulit mo nang sinabi sa 'kin iyan kagabi. Kung kahit sino ba namang nasa ganoong sitwasyon, eh, ganoon din ang gagawin. Ang…ang sama ko naman yata kung iiwan kita roon." Pautal-utal kong sabi habang pilit na ginagawang pormal ang tono ng aking boses. Hindi ko nga alam kung nasa katinuan pa ba ako nang sinasabi ko ang mga salitang iyon.
"Yeah, I know. Pero sorry rin pala sa mga ginawa ko sa 'yo noon. Alam mo na." bikit-balikat niyang sabi at binitawan ang kamay ko.
"But, can I ask you kung bakit ganoon ang turing mo sa 'kin 'nun? I mean…ang pagiging sarcastic mo, ang pagiging masungit mo." buong tapang kong tanong sa kanya. Noon ko pa gustong malaman ang totoo kung bakit ang init ng dugo niya sa 'kin.
Bago nagsalita ay narinig ko siyang tumawa ng pagak.
"Kasi…kasi punong-puno ng galit ang puso ko. Punong-puno ako ng hinanakit. Iniwasan ko lahat ng mga bagay dahil ayaw kong gumanti. Sinisigurado kong hinding-hindi na ako masasaktan ulit. Dahil sobrang minahal ko siya. Handa kong isuko lahat-lahat noon para sa kanya. Nang makita kita sa opisina, nang ngitian mo ako at batiin, umiwas na kaagad ako. Gusto kong magalit ka sa akin. Ayaw kong makipaglapit kahit kanino maliban sa mga taong kilala ko na noon at alam ang nangyari tungkol sa akin. Kaya naman natutuwa ako sa tuwing naiinis ka sa 'kin at namumula ka sa galit sa akin dahil sa palagay ko ay nakaganti na ako. Sa palagay ko ay nawawala ang kahit kaunting sakit sa puso ko. Kaya naman nang pumunta sila ng opisina kasama ang fiancée niya, akala ko sinadya niya iyon. Nang makita mo kami na nagtatalo noon sa ground floor ng mall, akala ko sinadya rin niya iyon at akala ko mababawi ko na siya ulit." Maiging tiningnan ko si Carl. Ramdam na ramdam ko na puno ng hinanakit ang bawat salitang binibigkas niya. Ramdam na ramdam ko ang sobrang paghihirap ng kanyang kalooban dahil sa taong mahal niya. Pero hindi…talaga ba'ng naawa ako sa kanya? O sa sarili ko? Dahil pakiramdam ko ay sobrang mahal pa niya si Stephanie. Parang may kung ano'ng kudlit ng kirot ang naramdaman ko sa aking puso. Wala lang ang mga halik na iyon. Walang ibig sabihin iyon. Wala! Ang sigaw ng aking isipan.
"Are you…are you still affected?" Ewan ko ba kung bakit iyon ang lumabas sa baba ko. Gusto ko lang naman malaman. Upang hindi na ako umasa! At sa ganoong paraan ay magiging tahimik na ang kalooban ko. Magiging tahimik nga ba? O baka masaktan lang ako kapag malaman ko ang magiging sagot niya sa tanong ko.
Nilingon ako ni Carl at ngumiti. Bakit nababasa ko pa rin sa mga mata niya ang hinanakit? Tama ba ang nakikita ko?