Chereads / He Named Me "A Flirt" / Chapter 5 - Did He Kiss Me?

Chapter 5 - Did He Kiss Me?

"Alam mo, Gail, napaka-delikado naman kasi ng panahon ngayon lalo na sa mga babaeng tulad natin. Sumabay ka nalang kay Carl. Baka kasi pagalitan tayo ni ma'am Leah kung papabayaan ka namin. Ikaw pa naman ang pinakabatang kasamahan namin." Napangiti ako kay ate Candy dahil kahit papaano ay nag-aalala rin sila sa akin. Isa lang naman talaga ang inaalala ko ngayon, ang makasama ko si Carl na kaming dalawa lang mamaya. Ngayon palang ay gusto ko nang mahiya o parang ayaw nang lumabas ng boses ko.

"Gail, are you still okay there? Kung nababagot ka na pwede na kitang ihatid." Buhat ni Dexter nang dumating ito. Amoy alak na ito. May bitbit pa itong bote ng beer.

"Nako, Dexter 'wag na. Ihahatid nalang siya ni Carl mamaya." Sabat ni ate Candy kay Dexter. Nag-aalala rin ako sa reaksyon ni Dexter. Ayaw ko namang magalit siya. Pero mas mabuti na rin iyon dahil medyo lasing na rin ito.

"Pero 'di ba sabi ko ay ako ang maghahatid sa 'yo?" Tumabi si Dexter sa 'kin. "Pasensya ka na Gail, ha. Napadami na kasi yata ang inom ko. Pinagtitripan kasi ako ng mga barkada ko 'dun." Nginuso niya ang mga kasamahan niyang nakangising nakalingon sa 'min.

"Dexter, it's okay. I will send her for you." Sabat ni Carl. Natulala ako. Napansin ko kasing parang iba ang timpla ng boses niya. Hindi ko alam kung naiirita ba ito o baka napipilitan lang itong ihatid ako.

"Thanks, pare." Lumapit si Dexter kay Carl at nakipaghigh five pa siya rito. Pinatong niya ang bote ng beer sa mesa namin at umupo.

"Dexter siguro ay uuwi na kami." Tumayo na ako. "Medyo gabi na kasi." Gusto ko na kasi talagang umiwas kay Dexter. Baka kasi ano pa ang sasabihin at gagawin nito gayong nakainom ito.

"Sure, sure. Salamat sa pagpunta niyo rito. Thank you ng sobra, Gail." Wika nito. Nagkatinginan tuloy kami ni ate Candy. Alam ko kasing napapansin din nito ang pagtrato ni Dexter sa akin.

"Thank you rin. Ipaalam mo nalang kami kay ate Lyka." Wika ko sa kanya habang dinadampot ang bag ko at nagsimula nang lumabas ng gate. Nakasunod naman sina Carl at ate Candy. Pati si Dexter ay hinatid na rin kami palabas.

"Oh siya. Andito na si Leo. Una na ako sa inyo, ha." Nagpaalam na si ate Candy. Dumating na kasi si Leo, ang boyfriend nito. Nasa gate ito naghihintay kay ate Candy at halatang kakalabas lang mula trabaho dahil naka-uniporme pa.

Nabigla nalang ako nang lumapit sa 'kin si Dexter. Akala ko may ibubulong siya pero nabigla ako sa kamuntik niyang gawin. Hahalikan niya sana ako sa pisngi. Laking pasasalamat ko nalang nang hilain akong bigla ni Carl.

"Gail, come on." Hila ni Carl sa 'kin. "Dexter, we need to go, it's already late. Bye, pare." Paalam ni Carl. Sumusunod lang ako nang tahimik sa kanya. Gusto kong bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya ngunit tila ayaw naman magprotesta ng kamay ko. Nilingon ko si Dexter, nakasunod lang ito ng tingin sa 'ming papaalis.

"Uhm…Carl?" nagtatanong ang mga matang nilingon niya ako. "Yung…'yung kamay ko." sinundan ko iyon ng tawa. Saka naman niya iyon binitawan kaagad.

"I'm…I'm sorry. Hindi ko napansin." Wika niya sa 'kin. Binaling ko nalang ang mga tingin ko sa ibang direksyon hanggang sa nakasampa na ako sa likod ng kanyang motorsiklo.

Tahimik na binabaybay lang naman ang daan. Wala kasi ni isa sa amin ang unang magsalita.

"Gail…" tawag niya sa 'kin.

"Uhm, bakit?" mahina kong tanong. Bigla yata akong kinabahan.

"Pwede mo ba muna akong samahan sandali? May bibilhin lang ako. Sandali lang talaga. Pagkatapos ay ihahatid naman kaagad kita." Nabigla ako sa tono ng pananalita ni Carl. Parang naging maamong topa ito ngayon. Ang sarap sa pakiramdam.

"Okay, sige." Saad ko. Malapit na kami sa isang malaking tulay na aming nadaanan kanina.

"Ano ba bibilhin mo?" tanong ko sa kanya.

"Condom." Nakangising sagot niya. Nawindang ako. Nabigla ako at sa palagay ko ay nanayo yata ang lahat ng balahibo sa buong kong katawan. Parang gusto kong tumalon mula sa motorsiklo niya. Hindi ko alam kung seryoso ba siya o nagbibiro lang. Gusto ko siyang sabunutan at gusto kong kumaripas ng takbo. Akalain mo ba naman at magpapasama pa siya sa 'kin para bumili ng condom? Ano nalang iisipin ng tindahang bibilhan namin? Na pupunta kami sa isang motel tapos may mangyayari sa 'min? Ngayon palang ay halos masuka na ako sa naiisip ko. Hindi ko akalaing maypagka-manyak din pala itong kasama ko! Gusto kong isigaw iyon sa kanya ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

"Are you kidding me?" Hampas ko sa likod niya. "Ibaba mo nga ako." Sigaw ko.

"Gail, you're so sensitive. I am just joking." Nakatawa pa nitong sagot. Tinawanan pa ako ng impaktong ito? Akala ko pa naman naging mabait na. Sa palagay ko ay nagtransform na naman ito. Loko rin naman pala ito minsan.

"Ibaba mo ako sabi, eh. Carl, ano ba. " Sigaw ko pa rin sa kanya. Hindi pa rin kasi naiibsan ang takot na nararamdaman ko sa mga pabiro-biro niya. Sa palagay ko ay tutubuan yata ako ng mga bukol sa noo nito sa pag-aalala.

Aba't walang hiya. Huminto nga talaga ang transformer. Balak yata akong iwan nitong gagong ito. Pagkatapos kang mag-boluntaryo na ihatid ako ay iiwan din ako? Tapos dito pa sa malaking tulay? Ang dilim pa naman. Napilitan tuloy akong bumaba sa motorsiklo niya.

"Ano ba, Gail? Gusto mo ba talagang maiwan ditong mag-isa? Sabihin mo lang. Madali akong kausap." Nabulol ako. Kasi kahit medyo madilim at sobrang naaninag ko ang buong mukha ni Carl. Nililipad kasi ng hangin ang medyo kataasang buhok nito.

"Gail," bigla akong natauhan. Ano nga ba 'yung sinabi ko sa kanya kanina? Hindi ko na tuloy lubos maisip kung ano ang napag-usapan namin.

"B…because you are saying such things na nakakatakot." Irap na sagot ko sa kanya. Narinig ko siyang tumawa. Pinukulan ko siya ng masamang tingin.

"I said I was just joking, okay?" Nilapit niya ang mukha niya sa 'kin. Amoy na amoy at ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa gadangkal na distanyang pumapagitan sa amin. Mabuti nalang at umiwas kaagad ako.

"Kung gusto mong magbiro ng ganoon, 'wag sakin. Okay? Saka ano ba, umalis na tayo kasi gabing-gabi na. Medyo madilim na rin dito. Alam kong nag-aalala na nang sobra si Manang Flor sa 'kin." pamimilit ko sa kanya. Niyayakap ko na rin ang sarili ko dahil ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin na tumatama sa aking balat.

"Okay fine pero samahan mo muna ako." Pinaandar niya ang motorsiklo. Aalis na sana kami nang makarinig kaming pareho ng sigaw ng isang babae. Sigaw na humihingi ng tulong. Pareho kaming napatigil sa paggalaw. Lumingon si Carl sa 'kin. Parehong nagtatanong ang aming mga mata.

"Have you heared that?" bulong ni Carl sa 'kin. Iginiya ko ang mga paningin ko sa buong paligid. Wala pa namang ibang bahay roon na pwedeng mahingian ng tulong.

"Tulong!!!!" sigaw ulit ng babae.

Hindi ko namalayan ang kasunod na ginawa ni Carl. Bumaba siya at ni-lock ang kanyang motorsiklo. Nilingon niya ako.

"Dito ka lang. Bababa ako." wika niya. In-on niya ang flashlight ng kanyang cellphone upang mabigyan ng liwanag ang madilim na bahagi ng tulay kung saan ay naghahanap siya ng madadaanan upang makababa.

"Carl, sasama ako sa 'yo. Tutulongan kita." Pigil ko sa braso niya. Wala naman siyang nagawa kundi ang pumayag.

"Okay sige, halika." Hinila niya ako. Bawat apak ng mga paa ko sa lupa ay siya namang palakas nang palakas ng kaba ng aking dibdib. Dahan-dahang hinahanap namin ang kinagagalingan ng boses ng babae.

Medyo masikip na ang daang aming tinatahak. May mga malalaking puno pa at ligaw na damo. Mabuti nalang at hindi ako naka-high heels dahil paniguradong natapilok na ako.

"Slowly." Bulong niya sa 'kin.

"Carl, " mahinang tawag ko sa kanya. Tinuro ko ang direksyong may liwanag na nagmumula sa unahan. Napansin namin ang isang maliit na kubo isang berdeng Multicab. Hindi nga kami nagkakamali. Mula sa kinatatayuan namin ni Carl ay kitang-kita ng dalawang mata ko ang nakagapos na babae. Siguro ay hindi napansin ng mga ito ang liwanag na dala namin mula sa cellphone ni Carl dahil parehong tutok ang dalawang lalaki sa inumin nila sa mesa. Sa palagay ko ay sobrang lasing na ang mga ito. Sinubukan kong titigan ang babae. Nakatali ito sa malaking haligi ng kubo. Sa palagay ko ay dalagita pa ito. Nakasuot ito ng kulay asul na damit pantulog. At halatang-halata ang paghihirap nito. Nakaramdam ako ng sobrang awa rito. Hilam na sa luha ang mag mata nito at basang-basa na ito ng pawis.

Mayamaya pa ay hinawakan ni Carl ang kamay ko habang papalapit kami sa direksyon ng babae.

"Tiba-tiba na naman tayo kay boss nito. Malaking pera ang makukuha natin kung nagkataon." Wika ng isang balbasing lalaki sa isang lasing na boses. Nakakalat sa mga mesa at sa sahig ang mga bote ng brande na ininom nila. Nanggigil ako sa narinig ko. Mga tarantado talaga ito.

"Ibebenta nila ang bata? Ano 'yun, laruan? Gulay? Bahay? Kotse? Tao iyon, tapos ibebenta?" Gigil na wika ko sa mahinang boses. Sinulyapan ako ni Carl.

"SShhh!" sita niya. "We need to find ways para mailigtas natin ang babae." Bulong niya sa 'kin. Tumango-tango lang ako. Pero kanina pa nagpupuyos ang damdamin ko. Kung pwede lang sanang mag-ala-Darna ako ay gagawin ko kaagad upang mailigtas lang ang batang biktima.

"Sarap pangbatukan ang mga lalaking iyon, huh. Biruin mo ibebenta lang nila ang babaeng iyon? How dare them. Kapag nahuli ng mga pulis ang mga iyan, pagsasampalin ko iyan, eh." Nakasimangot ang mukha kong sinasabi iyon. Sobrang nanggigil ako sa mga ganoong tao.

Narinig ko ang pagngisi ni Carl. Napalingon ako sa kanya."Cute ka naman pala kapag nagagalit." Ramdam ko ang pang-iinit ng pisngi ko sa mga sinabi niya.

"Carl, pwede ba. Kung anu-ano mga sinasabi mo. Nasa dilikadong sitwasyon tayo, oh." Saway ko sa kanya upang makaiwas. Pero sa kabilang banda ay may naramdaman akong kaunting kudlit ng kiliti sa aking puso . Mabuti nalang at madilim. Hindi niya nakitang nag-blush ako sa sinabi niya.

"Feeling ka naman?" aniya sa 'kin. Napasimangot tuloy ako.

"Nagsisimula ka na naman ba ng away?" Sabad ko sa kanya. Si Carl talaga kasi ang uri ng taong sa isang sigundo ay pasasayahin ka at sa ikalawang sigundo ay gagalitin ka. Transformer nga!

Nilipat niya ang mga paningin niya sa akin. Ilang sigundo rin iyon. Kahit madilim ay kitang-kita ko ang mga mata niyang titig na titig sa akin. Natulala ako. Gayon na lamang ang aking pagkagulat nang bigla niya akong halikan sa aking labi. Pagkatapos niyon ay parang naging tuod ako. Hindi ko alam kung mahihilo ba ako. Sa palagay ko ay tumigil sa pagtibok ang aking puso at tumigil sa pagbomba ng hangin ang aking baga.

" I'm sorry. I did it para tumahimik ka." Dalawa o tatlong sigundo, hindi ako nakakibo at hindi nakagalaw. "Hey, did you like the kiss? Natulala ka yata dyan?"

"You shut…" inilapat niya sa mga labi ko ang hintuturo niya.

"Try to make it loud and I'm gonna kiss you again." Babala niya sakin. Wala na akong nagawa kundi ang tumahimik na rin. Sa palagay ko, sa lahat ng babala ay iyon yata ang kinatatakutan ko at kailangan kong sundin. Pero sa kabilang banda ng aking utak ay gusto nitong magprotesta. Para ba'ng sinasabi nitong 'hayaan mo nalang na halikan ka niya.'